Love Connection V1

All Rights Reserved ©

Summary

Popular Aldred Cuzon's lovelife turned upside down nang may ipakitang picture ang bestfriend niya sa kanya. ''Love at first sight?'' - Imposible, that's what he thinks. Indenial sa kanyang feelings ay mabilis din itong naglinaw nang makita niya si Arianne Mari Fernandez in person. Long, soft and smooth silky chestnut colored hair, brown eyes, rosy cheeks and kissable lips. Fireworks all over his stomach, sweet scent clouded his brain - Aldred was in dazed and now his Cotton Candy hates him. All rights reserved

Genre:
Romance / Other
Author:
Elle Ruiz
Status:
Ongoing
Chapters:
1
Rating:
n/a
Age Rating:
16+

Prologue

"Arianne, I would like you to meet Aldred. He's your Tita Cecil's son. Come on, don't be shy... Say hi to him."

Sumilip ang batang babae na kanina pa nagtatago sa likod ng kanyang ina. Nahihiya ito at panakaw kung sumulyap sa batang ngiting-ngiti na nasa harapan nila.

"Go on," atas nang mama niya ng lumingon siya dito. Marahang humakbang si Arianne at kinakabahang hinarap ang batang pinakikilala sa kanya.

"Hi I'm Aldred." Masayang pagpapakilala ng batang lalaki. Nakaguhit ang malaking ngiti sa mga labi nito at para bang excited na excited na makilala ang batang babae na nasa kanyang harapan.

Nagulat naman si Arianne sa aksyon ng kapwa niya bata kaya't bigla siyang namula. Mahigpit siyang napahawak sa laylayan ng kanyang pink na bistida at napayuko bago mahinang tumugon.

"H-Hi, uhm I'm Arianne... N-Nice to m-meet you," sabi niya sabay tingin sa ibang direksyon. Napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi pagkatapos magsalita saka naglikot ang tingin niya sa paligid.

Napakurap ng mata si Aldred dahil sa pagtataka sa aksyon nang nasa harapan niya. Tinitigan niya ang batang babae nang maigi. Makalipas ang saglit ay para bang nakakita siya nang isang makulay na bagay, katulad ng isang bahaghari na nakakapagpasiya sa katulad niyang paslit. Umawang ang bibig ni Aldred dahil sa pagkamangha.

"Mama, she's so pretty, like a doll. Can I be friends with her?" tanong ni Aldred sa kanyang ina na ikinamangha naman nito.

"Oh, ikaw talagang bata ka, natututo ka ng mambola ah," natatawang sabi ni Cecil kay Aldred bago nangingiting nilingon ang nanay ni Arianne. "Hindi dapat ako ang tanungin mo niyan kundi si Arianne."

Nagkikislap ang mga mata ni Aldred na nilingon ang punto nang kanyang pagkawili.

"Arianne, pwede tayo mag-friends?" masiglang tanong ni Aldred saka inilahad ang kanyang kamay. Napatingin naman dito si Arianne bago lumingon sa kanyang ina.

"Are you shy?" tanong ni Aldred.

Tumango si Arianne.

"Don't you have any friends?"

Tumango uli ito.

"Then good para ako ang maging very first friend mo," sabi ni Aldred saka kinuha ang kamay ni Arianne.

Noong una ay nahihiya si Arianne ngunit nang mapansin ito ni Aldred ay hinigpitan niya ang hawak dito. Nabigla si Arianne kaya't napatingin siya sa kanyang bagong kaibigan na sinuklian naman siya ng ngiti.

"Mama, Tita Shan mag-play lang po kami ni Arianne ah," paalam ng paslit at hinila papuntang garden ang bago niyang kalaro. Natutuwa namang tumugon ang kanilang mga ina.

"Mag-ingat kayo ha, 'wag maglilikot," paalala ni Cecil.

Tumungo ang dalawang ina sa may sala kung saan tanaw pa rin nila ang kanilang mga anak. Kakakilala lamang ng dalawang bata sa isa't-isa pero tila mabilis silang nagkasundo. Tawanan dito, tawanan doon, laro rito, laro roon. Nakakatuwa para sa isang magulang kaya mas pinili ng kanilang mga ina na pagmasdan at pakinggan ang kanilang mga inosenteng tinig at halakhak na pampa-relax kesa sa nakasanayang mga klasikong tugtugin.

"Do you think we should continue?" tanong ni Shan kay Cecil pagkatapos humigop ng tsaa. Napalingon naman si Cecil sa dalawang bata na masaya ng naglalaro.

"Is it okay for you kung 'wag na?" balik na tanong naman ni Cecil. "We don't know what arrange marriage can do. It did good for me but not with you. I'm afraid as to what it will cause to my son and ofcourse to your daughter."

Napasinghap si Shan saka sumandal sa malambot na couch.

"Ouch," Natawa si Shan, "Pero tama ka, as much as we like them for each other it is not for us to decide their future." Lumingon si Shan sa dalawang bata at gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. "May sarili silang utak para mag-isip then pagtagal yung emosyon na nila ang kausap natin."

Ngumiti rin si Cecil habang nakatingin sa kanyang anak. Pareho sila ay inabot ang kani-kanilang mga tasa. Sabay nilang nilanghap ang samyo ng earl grey bago hinigop ito.

"Nakakanerbyos pero ano bang magagawa natin? Ayoko mang tanggapin pero dadating at dadating ang panahon na tanging paggabay na lamang yung mabibigay natin sa kanila," sabi ni Cecil.

"Nakakapanabik at the same time nakakakaba kung saan sila dadalhin ng kanilang mga puso hanggang sa paglaki nila," sabi ni Shan habang malayo ang iniisip."Pero syempre... mas maganda pa rin kung mga anak natin ang magkatuluyan."

Nagtawanan ang dalawa.

"Oo nga, ipapanalangin ko yan kay Lord," sabi naman ni Cecil.

Patuloy na nagkakatuwaan ang dalawa habang pinaguusapan ang mga kinabukasan ng kanilang mga anak. Kung ano ang mga gusto nila pag lumaki ang mga ito, na sana maging maayos ang mga buhay nito. Gusto man nila sana makialam pero napagkasunduan na nila na hayaan ang mga bata sa mga magiging desisyon nito pag laki dahil alam nila at naranasan din nila kung gaano kahirap ang panghimasukan ng magulang.

"Mama!" Napalingon ang dalawa nang marinig ang boses ni Aldred. Parehas sila ay dagling lumapit dito.

"Mama, mama!" Nakangiting tawag ni Aldred. Labas na labas ang kanyang mga ngipin at para bang sabik na sabik sa kanyang nais na sabihin.

"O, bakit Aldred?" Nakasalubong ang kilay ni Cecil dahil sa naunang emosyon pero kalauna'y nabura ang kanyang pag-aalala't napalitan ito nang pagtataka.

"Mama, mama." Kinuha ni Aldred ang braso nang kanyang Ina at nagliliwanag ang mukha na nakatingala rito. "I asked Arianne if she can be my wife in the future and she answered yes to me." Inosente at natutuwang sabi ni Aldred. Agad naman itong naging sanhi ng pagkagulat at saka pagtawanan nang mga nakakatanda sa kanilang harapan.

"Aba'y itong bata na 'to talaga oo. Ang bata bata mo pa't ayan na ang iniisip mo agad," sabi ni Cecil. Isang malapad na ngiti naman ang naging tugon sa kanya ng anak. Umi-squat siya para pantayan si Aldred saka hinimas himas ang bumbunan nito.

Madali naman ay pinuntahan ni Aldred ang kanina pang nahihiya na si Arianne.

"Sabi ko sayo secret lang natin 'yon kaya dapat di mo sinabi," medyo may pagkainis na sabi ni Arianne. Naiinis siya dahil sa pagbunyag nang kanilang lihim at namumula dahil sa hiya.

Napatanga na lamang at natawa sina Cecil at Shan dahil sa kainosentehan ng kanilang mga anak habang sinasabi ang mga ganoong bagay.

"Okay lang yun, parehas naman natin silang mama e," katwiran ni Aldred.

"Hmmp!"

Bumungisngis si Aldred dahil sa pagsusungit ng kausap niya. Kinuha niya ang kamay ni Arianne saka hinila ito patungo sa mama niya.

"Mama, mama, Arianne is so pretty, she's also kind and good hearted. I was going to kill the ant because it bit her, but she said not to because it is our fault for disturbing their home. I promise to be a good boy too, so that I can marry Arianne in the future. Can I marry her?" tanong ni Aldred sa kanyang ina bago lumingon naman kay Shan.

"Can I marry Arianne, Tita Shan?"

Nangiti si Shan sa ka-cute-an ng bata at sa katanungan nito sa kanya. Liningon niya ang nanay ni Aldred bago siya lumuhod sa harap ng bata at kausapin ito.

"I know naman na you will become a good boy baby Aldred," natutuwang sabi ni Shan bago kunin ang parehong freehand na kamay nang dalawang bata. Sinipat niya pareho nang tingin ang dalawa bago siya nagsalita sa marahan na paraan.

"Someday in the future, kapag parehas na kayong malaki ni Arianne ay marami kayong makakasalamuha na mga tao. Some will be good, some will be bad. All will take a part of your lives, but only some can be a part of what you will become..." Hinawakan ni Shan ang magkabilang pisngi ni Aldred at pinisil ito. Samantala ay pareho namang tumatango ang dalawang bata kahit na hindi ganoon kalinaw sa kanila ang nais ipahatid ng nakakatanda.

"And in that "some", one will become special," Nangiti si Shan at pinindot ang ilong ni Aldred bago ito tumayo. "That special someone is the person you should marry."

"Mama?" nagtatakang nilingon ni Aldred ang kanyang ina dahil sa hindi niya maintindihan ang sinabi ni Shan.

"Ang ibig sabihin ng Tita Shan mo ay pwede mong pakasalan si Arianne kung mananatili siyang special sayo hanggang sa paglaki niyo at syempre dapat ganoon din siya sayo."

Kahit na ipinaliwanag na nang simple ng kanyang ina ay nagtaka pa rin at naguluhan ang batang Aldred sa mga matalinghagang salita na kanyang narinig. Napakamot siya sa kanyang ulo at napatingin kay Arianne.

"Did you not get it?" tanong ni Arianne. Nakapout namang tumango si Aldred.

"Kawawa ka naman." Nakangiting saad ni Arianne.

"Ang daya, bakit ikaw naintindihan mo tapos ako hindi?" Tila magsisimula nang mag-tantrums si Aldred. Nakatulis ang nguso niya habang nakakunot ang kilay na nakatingin kay Arianne.

"Kasi baby boy ka pa," paliwanag ni Arianne, "okay lang 'yan basta ako promise ko hanggang paglaki ko special pa din ikaw sa akin."

EDITED: June 5, 2018

Continue Reading
Further Recommendations

Ienea Irina Maria: A great book,and I read it all today. Good luck and imagination to the writers ☺

denise103: Love the plot of these. Binge read the first 12, and just found 13 complete. Will move onto your others now. Your use of grammar and punctuation is excellent too. Would pay to read your books.Thank you.

msutton702: The writing is wonderful. You can feel the emotion coming thru the words. I can't waite to continue reading the rest.

Teresa Aragon: Great story, sat at the beginning but then turned to the better , is a beautiful story I really enjoy iy😄👍

honey08: Loving the new characters, the new business venture and the new cubs!!! Can’t wait to see how it progresses and who’s next to find their fated match.

karimaabdulai: I like everything

kaybogart1953: I really liked cammy and ryder I liked that he loved his wife and the respect he showed her but when she left him I thought she was stronger then that

LilLamb002: Nice story. Would be great once edited. Definitely recommend it!

More Recommendations

holly: It's a really great novel and wish it was the full novel 👌 but I love your novel 👌 and can't wait to read more of your novels

Islynne: Oh my gooood I need more.

Jessica: I love this novel so much, it made my day. One of the best in my terms and I can't wait to see what happens next ♥️♥️😍

Stephanie Brown: Amazing short story loved it wish it was a bit longer

mail4arretta: Ace is a total ass special since he was raised by his sister’s

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.