PROLOGUE
Start writing here…DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
The practice of taking someone else's work or ideas and passing them off as one's own is PLAGIARISM
NOTE: Please excuse some typographical and grammatical error. Thanks a lot😘
STARTED: June 2020
ENDED: July 13, 2020
Caily's Point of View
Kasalukuyan kaming nakaupo ni Zayi sa upuan namin sa room at dahil maaga pa ay kami palang ang tao.
"Shetang yun, Lahat binigay ko sa kanya, binigyan ko siya ng Louis Vitto Manhattan Richelieu Men's Shoes, Chanel Grand Extrait, Paul Newman Rolex Daytona. Tapos . . Tapos ipagpapalit lang ako sa chararat" umiiyak na usal niya at inismidan ko naman siya
Meet my Childhood Best friend Zayi Cristobal
Maganda/Marupok/Gaga
Kung bakit ba naman kasi sobrang tanga nitong babaeng 'to. Paulit-ulit ng niloloko hindi pa rin nagsasawa.
"Ampapanget nila!" Dagdag pa niya
"Wag ka ng umiyak pren ampanget mo"
"Makalait ang Sheta! Hambalusin kita dyan e"
"Kasi nga tumigil ka na dahil hindi naman worth it yan iniiyakan mo. Walang taste!"
"Akala ko pa naman iba siya sa ibang lalaki . . "
"Tsh" singhal ko sa kanya at natinag naman kami ng may marinig na isang pamilyar na boses.
Kung nakakaganda lang ang pagiging Gaga dyosa ka na.
"Hi baby!" Bati nito sakin at di ko naman siya pinansin
Isa pa ito, hindi nga lang Gaga Gago!
"Hi Zayi bat ka umiiyak?"
"Tse!" Asik sa kanya ni Zayi at pumunta naman siya sa upuan niya
Ang akala ko ay makokontento na ang hunghang pero mali ako. Lumapit muli siya sa'min at tumabi pa sa'kin.
"Baby bakit umiiyak si Zayi?" Panguusisa pa niya at hinarap ko naman siya
"Kasi niloko siya"
"Baka naman hindi sinasadya" pagrarason pa niya
Bakit kaya may mga gagong tulad ni Ember na walang ibang ginawa kundi ang manloko at magpaiyak ng mga babae?
Sumabat naman si Zayi "Hindi sinasadya? Harap-harapan. Matanong nga kita Ember. Bakit ba kayong mga lalaki hindi kayo makontento sa isa?" Naiilang naman napakamot si Ember sa ulo niya at narinig ko pang bumulong.
"Sana pala hindi muna ako pumasok"
Bumulong pa Tsh!
"HOY! Tinatanong ka ni Zayi" tinag ko sa kanya
"A-ah maybe it's about ah . . T-the gravity of the u-universe rather. Nakalimutan ko may pupuntahan nga pala ako hehe bye!" Aniya at nagmadaling umalis.
"Lintek din yun ex mo e ano? May pa gravi-gravity pang nalalaman"
"Natamaan kasi" nakangiwing anas ko
"Hahahaha You need Air"
"Alam mo bipolar karin e no? Kanina ngunguwa-nguwa ka tas ngayon tatawa-tawa ka"
"Ang cute niyo kasi hahahah ♪♪ muling ibalik ang tamis ng pag-ibig♪♪♪ " kanta pa niya at sininghalan ko naman siya
"Pakyu!" Sagot ko at natawa naman siya. Hindi na siya muling nagdrama dahil nagdatingan narin ang mga Classmates namin.
Ember's Point of View
"San ka pupunta?" Bungad sakin ni Kaishi ng makasalubong ko
"Pupunta muna sana akong Café, di ko kayang tagalan sa loob e"
"Bakit naman haha?!"
"Sinasabon ako ng magkaibigan e"
"Ano bang sinabi sayo?"
"Tinanong kasi ako kung bakit daw hindi nako-kontento sa isa ang mga lalaki."
"Anong sinagot mo?"
"A-ah"
"Bakit hindi mo kasi sinagot?"
"Shungaers ka talaga, Awkward 'yun pre! Saka ano naman ang isasagot ko?"
"E di isipin mo kung ano yun pumasok sa kokote mo nung mga panahong niloko mo si Caily"
"Tsss parang ginisa ko narin 'yun sarili ko nun sa sarili kong mantika"
"Ayan kasi puro kalokohan"
"Tumigil ka na nga! Asan na ba si Donny?!"
"As usual Late na naman"
"Tsss Tara na sa loob" Aya ko at pumasok na kami sa loob
Nang makapasok kami ay tumama agad kay Caily ang paningin ko at nagtama ang aming paningin. Agad naman niya akong inismidan pero di ko 'yun pinansin. Nagfocus lang ako sa emosyon na bumabalatay sa mata niya at lungkot ang nababasa ko dun.