A LOVE SO BEAUTIFUL (SEASON 2) TAGALOG FANFIC

All Rights Reserved ©

Summary

Ang istorya nito ay nagsisilbing kadugtong at pagpapatuloy ng buhay nina Jiangchen at Chen Xiaoxi at kanilang mga kaibigan na sina Lu Yang, Jingxiao at Wu Bo Song.

Genre:
Romance / Drama
Author:
ambershen
Status:
Ongoing
Chapters:
15
Rating:
n/a
Age Rating:
18+

MOVING ON WITH LIFE

EPISODE 25




Wu Bo Song's POV

Two months na pala ang lumipas mula no'ng kasal nina Jiang Chen at Xiao xi. Umaattend lahat halos ng classmates namin sa highschool, maging ang teachers at director ng Chen Xi High.
Hindi akalain ng lahat na silang dalawa ang magkakatuluyan.
Personal na inabot mismo sa akin ni Jiang Chen ang invitation para sa kasal nila. Pinuntahan niya ako sa bahay. Hindi ko mapigilan ang ngumiti nang may pait.
“Alagaan mo siya.” Yon lang ang nasabi ko kasabay ng kanyang pagtango.
Napakasuwerte mo, Jiang Chen. Ang tanging babaeng pinakapangarap ko ay sa'yo pa rin napunta.
Ginawa ko naman lahat para mabaling sa akin ang pagtingin ni Xiao xi. Umpisa pa lang ng pagkakaibigan namin, pansin ko na ang pagtingin niya sa'yo.
Kaya nga naiinis ako minsan kasi, binabalewala mo ang kaibigan ko na kalaunan, itinitibok na pala ng puso ko.
Masakit sa akin dahil ni hindi ako naging pangalawa sa puso niya. Ikaw at ikaw pa rin ang kanyang nakikita. Ni hindi niya ako kayang mahalin kailanman.
Noong nagpaalam ako sa kanya nang tuluyan. Walang gabing hindi ako umiiyak bilang lalaki kasi, ang sakit-sakit. Akala ko, kapag naging sincere ako, maaabot ko na siya pero sobrang layo ng pangarap ko.
Kaya isa na lang ang hinihiling ko. Pasayahin mo siya at ingatan.
Huwag na huwag mo siyang iiwanan at sasaktan ulit.
Hindi niya deserve iyon dahil napakabuti at maalaga niyang babae, Jiang Chen.
Mahalin mo siya nang tama dahil ako, kahit patago, mahal ko pa rin siya at hindi na iyon magbabago pa.
Nag-iisa lang si master sa puso ko.

EPISODE 26

Wu Bo Song's POV

Gusto kong pabagalin ang oras nang araw na iyon. Ang araw kung saan magwawakas ang mumunting pag-asa ko.

Sinundo pa ako ni Lu Yang sa bahay at niyakap.
Parang alam niya na agad ang bigat na nararamdaman ko.

Ako ang best man sa kasal nila. Gusto ko sana si Lu Yang na lang ngunit ang gusto ni Xiao xi ay ako dahil bestfriend niya raw ako. Wow, ang sakit.

Hindi man ipakita ni Jiang Chen, alam ko na masaya niyang hinihintay ang kanyang bride. Sa puntong iyon, hiniling ko na sana ako na lang si Jiang Chen. Maghihintay ako gaano man katagal basta ako na lang ang nasa posisyon niya. Sobrang kinaiinggitan ko siya.

Wala na akong nagawa kundi pagmasdan ang pagmamartsa ni Xiao xi sa aisle.
Napakaganda ng bestfriend ko.




Kailangan ko nang tanggapin na hindi talaga ako ang para sa kaniya ngunit si Jiang Chen.

Sa sandaling nagpang-abot ang mga palad nila ay ninais kong tumakbo, tumalikod. Ito na ang pinakamasakit na parte. Kahit ayokong marinig at masaksihan. Kailangan. Kinakailangan.

Best wishes.
Be happy, my master.

Hangad ko ang kasiyahan mo at kalayaan ko mula sa pagmamahal ko sa'yo. Sana, maghilom din ang sugat sa puso ko.
Sana lang.

Narito pa rin ako bilang bestfriend mo.

Wo ai ni. Chen Xiao Xi. Bye.

EPISODE 27

Wu Bo Song's POV

Sa totoo lang, marami akong sulat na ginawa ngunit hindi ko man lang naibigay kay Xiao xi. Araw-araw akong nagsusulat nun na para bang mababasa niya talaga iyon. Ako na lang sa aming lima ang walang asawa - ni walang girlfriend, fangirls, andami. Pero hindi mo masasabi kung totoo ba talaga ang pagmamahal ng mga ito sa'yo o dahil lang sa may mga bagay kang naibabahagi sa madla. Ibang-iba pa rin ‘yong ngiti at cheer ni Xiao xi kumpara sa kanila. Parang kahit pagod ako nun, narerecharge agad. Akala ko, sa bandang huli, lahat ng medalya ko, sa kanya ko maisusuko - kapalit ng kakarampot na pag-ibig niya. Ngunit ang isang Jiang Chen ay higit pa sa medalya para sa kanya. Na kahit hindi magkandakuba sa pagtakbo, halos maubusan ng hininga sa kakalangoy, si Jiang Chen pa rin ang number one sa puso niya. Kailangan ko na yatang maghanap ng libro. Kung paano maka-get over sa first one and true love.

Makahingi nga ng advice kay Lu Yang. Isa pa ‘yon. Napag-initan ng asawa dahil after ng wedding nina Xiao xi at Jiang Chen ay dinamayan ang puso ko sa inuman. Madali pa namang malasing ang isang ‘yon. Sinabihan pa ako ni Jingjing na irereto sa kasamahan nito sa trabaho - para namang madali ang lumimot.

Naiisip ko tuloy, paano kung silang apat, makakabuo na ng kompletong pamilya sa future tapos ako, ganito pa rin. Si Xiao xi pa rin. Maging loyal na lang kaya ako kay swimming? Siya na lang ang pakakasalan ko o kaya isa sa fangirls ko rito sa ibaba.
Paano nga ba mag-move on kung kahit konti hindi naman naging kayo?

Ewan. Ultimo kompletong pangalan ni Xiao xi ay nakaukit na sa utak ko. Chen Xiao xi.
Jiang... Xiao xi.
Ang sarap sana kung naging Wu ang apelyido niya. Pero masaya na si master e at wala akong karapatan para baliin yun. Ang kasiyahan niya ay masaklap na kasiyahan ko na rin. Ang daya talaga ng pagmamahal. Ang daya... iniwan akong sugatan.

EPISODE 28




Jiang Xiao xi's POV

Ngayong kasal na kami ni Jiang Chen, hiniling ko sa kanya na baka puwedeng-puwede na niya akong tawaging baby o kaya honey, kaso, ano ang sinabi niya? Mas okay na daw na 'asawa' ang tawag niya sa akin kesa tuta. Tsk. Kahit kailan talaga hindi pa rin siya nagbabago. Mapang-asar pa rin. Mukha ba talaga akong tuta? Kaya ba niya ako pinakasalan dahil mukha akong aso?
Ansama niya. Kaya, nilagyan ko lang naman ng maraming asin ang fried egg na niluto ko. Kunwari ang bait ko nang araw na yun ngunit nagpaplano na pala ng paghihiganti.
“Kain ka na, ASAWA ko.” tumaas lang ang kilay nito, parang may binabasa sa mukha ko. Sana naman, wala.
Naupo na siya sa hapag. Medyo magulo ang buhok niya, hindi man lang nagsuklay. Pambihira. Porke gwapo siya, ang taas ng bilib sa sarili.

“Ba't iba yata ngayon ang ngiti mo?”
“Ah, wala.”
“Upo ka na rin, sabayan mo akong kumain.”
“Ah, hindi, kumain na ako ng bacon and bread kanina.”
“Talaga?”
“Oo! Ito na ‘yung special fried egg ni Xiao xi!” Hahaha ito na. Inamoy pa niya iyon.
“Sigurado kang wala itong lason?”
“Uy, Doc! Ang advance ng utak mo!”
“Baka lang naman kasi... ” para 'tong timang, nagpipigil ng tawa.
“Kainin mo na kasi 'yan. Pramis, puno 'yan ng love. Teka, lang, ligo muna ako ha!” pagkatapos nun ay mabilisan akong umakyat ng hagdan. Hinintay ko ang malulutong na tawag niya sa pangalan ko ngunit wala kaya binuksan ko ang pintuan ng aming kuwarto at gulat ako dahil naroon na siya sa labas ng pintuan. Nakangisi.

“Ah, hihi. Ano - ” bigla na lang niya akong hinatak at ipinalibot ang mga braso niya sa aking beywang. Pailalim niya akong tinitigan saka ito mas ngumisi.
Dumukwang siya at hinalikan ako sa labi. Pwe, ang alat.
“Salamat sa love.”
Ang sweet niya talaga na ewan.😔😒😪😚

EPISODE 29




Jiang Chen's POV

Sabi ko na talaga e, kapag ganito ang ngisi niya, may krimen na magaganap.

Muntikan pa siyang madapa sa hagdan. Ano kayang nasa fried egg na ito? Kung susuriing mabuti, ayos naman ang pagkakaluto?
Sumubo ako ng isang beses at napakunot-noo.

Humanda ka talaga sa akin Xiao xi!

Habang nasa labas ako ng pintuan ng aming bedroom ay naririnig ko ang mala-demonyita niyang tawa. Sinasapian na ewan.
“Ano ka ngayon, Jiang Chen? Tawagin mo na kasi akong baby, wala ka nang makikitang mas kyut pa sa akin!”
Pigil na pigil ko ang matawa. Bakit ba ang mga babae gustung-gusto ang endearment na yun. Walang originality. At saka, hindi naman na siya bata. Ang totoo, asawa ko na siya. Kaya ang salitang baby ay hindi ko talaga gagamitin para kiligin siya lalo na ngayon? Ang alat ng fried egg! Lintik lang ang walang ganti!

Natigil ang pag-iingay ng tuta sa loob at unti-unting bumukas ang pintuan.
Isasara niya sanang muli ngunit mabilis ko siyang nahatak at ikinulong sa mga braso ko. Nahuli kita balbon. Dapat talaga ishare ko ang lasa ng ginawa niyang pagmamahal kaya hinalikan ko siya. Pagkatapos ng halik ay halos madura siya dahil sa alat.
“Salamat sa love.” parang gusto niyang magmaktol at umalis sa pagkakayakap ko subalit binuhat ko siya kahit nagpupumiglas siya at sinabing sabay kaming mag-toothbrush. Isang minutong halik ang parusa niya pagkatapos nun.
Kinilig na naman siya. Sutil na baby.
Gusto pa niya ng isa pang halik, pero sinabi kong ayoko na dahil mahal ang halik ko. Parang nararamdaman ko na naman tuloy na maghihiganti na naman ito. Iba ka talaga, Xiao xi. Mas pinipili mo ang ganun kesa makiusap sa akin. Sige lang, tingnan na lang natin, ikaw at ikaw pa rin naman ang susuko sa akin e.

EPISODE 30

Lu Jing Xiao's POV

Nagpasya ang magbabarkada na mag-meet sa isang private Restaurant na pagmamay-ari nina Li Wei.

Doon na lang kasi, isang buwan na akong kinukulit ni Li Wei na subukan ang mga pagkain nila roon. Akala mo naman, close talaga kami 'di ba. Pero past is past nga ika nila. At si Li Wei, talagang nagtransfer ng school para na rin magamot ang depression niya noon.

Tinatanong ko nga kung may boyfriend na ba ito ngunit ang sabi ay wala. Baka, magkaroon sila ng chance ni Bo Song. Ewan ko ba sa isang 'yun, ni ayaw nga sanang pumunta ngayon dito kundi ko lang tinakot na magagalit si Xiao xi dahil minsanan na lang kaming lumabas dahil sa kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Si Xiao xi, si Jiang Chen ang pinagkakaabalahan. Naiimagine daw niya kung gaano ka-cute ang magiging lalaking anak nina Jiang Chen.
Siguradong kasing-suplado ng ama 'yun.

Naiinggit yata si Xiao xi dahil one month pregnant na ako. Kaya parang celebration na rin ito. ‘Yung asawa ko, sobrang tuwa. Sino ba talaga kasing mag-aakala na siya ang makakatuluyan ko? Iba talaga ang tadhana.

Pinakahuling dumating sa amin doon si Bo Song. Tulad ng dati ay hindi mo ito makikitang malungkot sa panlabas na anyo nito. Ngunit sa tuwing napag-uusapan ang dalawang mag-asawa ay panay iwas ang ginagawa ng mga mata nito.

“Talaga? Buntis ka?” muntik nang mabilaukan si Xiao xi sa gulat. Kunwari walang alam, 'di ba. Kaloka.
Tumango lang ako at sumandal sa dibdib ni Lu Yang na halatang proud-daddy-to-be.

“Kayo ba, kailan ang balak n'yong magkaanak?” ang pakli ni Lu Yang na nagpatahimik sa mag-asawa.
Tumikhim si Jiang Chen at saka tiningnan ang asawa.

“As soon as possible.”
Pulang-pula ang mukha ni Xiao xi. Nag-excuse naman si Bo Song dahil sa pupunta raw ito ng men's room. Affected pa rin ba siya?

Lu Yang's POV

Sinundan ko si Bo Song sa men's room. May hint kasi ako na hindi pa rin talaga ito nakakamove-on kahit na isa na siyang swimming coach ngayon at maraming babaeng dumidikit dahil sa continuous pa rin ang pagiging endorser din nito.

“Pare, ayos ka lang?” tapik ko sa kanyang balikat. Ngumiti naman ito.
“Oo naman. Bakit naman hindi... Nga pala, mauuna na ako sa inyo. May date pa kami ni Li Wei e. Dadalhin ko siya sa ibang lugar para walang asungot.”
“Uy, saan 'yan ha? Bakit wala akong alam diyan?”
“Ang dumi talaga ng utak mo, Lu Yang! Tanungin mo ang asawa mo!”
“Naglilihim ka na sa akin ngayon, ha!”
“Bumalik ka na nga lang dun at tumatawag na si Li Wei!”
“Ikaw ha!” pang-aasar ko pa. Umiling-iling lang ito habang katawagan na si Li Wei sa telepono.
Sana lang, makahanap na talaga ng ibang babaeng mamahalin ang kaibigan ko.

Li Wei's POV

“Maaari mo ba akong sunduin dito sa bahay?” nasa kabilang telepono si Bo Song. Magiging second date na namin ito kung sakali. Alam na kaya nina Xiao xi?
Si Jing xiao ang nagtanong sa akin kung may boyfriend na ba ako. Biruan lang iyon nung umpisa, kasama namin si Bo Song that time.
“Bakit hindi n'yo subukang i-date ang isa't-isa? Pareho naman kayong single... ” Sa totoo lang, nahihiya ako nang oras na iyon dahil unang beses na tinitigan ako ni Bo Song. Dati kasi, wala kaming gaanong interactions sa isa't-isa.

“Uy, huwag naman!” Natatawa kong saway kay Jing xiao. Medyo tipsy na rin kasi ito kaya kung anu-anong pinagsasabi.
“Ayaw mo? Gwapo naman si Bo Song, a!” ang awkward talaga.

Naunang ihatid ni Bo Song si Jing Xiao pagkatapos ako.

Bago ang paglabas ko ng sasakyan ay narinig ko ang tanong na iyon ni Bo Song.
“Bakit hindi natin subukan?”

Naghagilap pa ako ng isasagot bago ako mahinang napatango.
Natapos ang gabi na yun na iniisip ko siya at ang maaaring outcome nito.
Continue Reading Next Chapter
Further Recommendations

Piyushi: I am eagerly waiting on what will ho wrong now😅

Jenna Carey: Great story. Loved the characters. Definitely worth reading although a little disjointed in places it didn’t take anything away from the story itself. I’m definitely looking forward to reading the next book to find out what happens.

Samantha: ❤️❤️❤️❤️❤️❤️

serena: I like kenzie i dont like the ex- wife to be and this is a great story i love it

Roxanne: This was such a sweet book and a nice change of pace not always having a dramatic plot twist... Well done, this was such a great read...

maiapjm501: I like it but maybe their relationship is kind of fast I guess is because they are mates so that is how intense is for them.

Kittie Kat: I loved this story. Of course, I knew who she was going to be with from the start, but it didn't mean that I didn't love the trip there. Very well written full of joy and tears. I hated when Caleb left but the ending made it all worth while. You are very talented and I hope you go far with your w...

Abeer Nasr: I think it's nice story but needs more passion

More Recommendations

Simi: Hello friends I am a young fashion model and Independent part time work as Call Girl so if any one want to personal services and whole body massage by me so please visit my website for more information about my services and contact me anytime. Mumbai Call Girl

Cris.mx.: I'm enjoying this book very much on Galatea. I wish it was an app that was more on the affordable side, because I can hardly wait the 6 hours in between chapters. I can't wait to find out the secret Sebastian has been hiding and if she will choose him- her mate, fated by the moon goddess, or her ...

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.