DESERVED CROWN
Loren Balhon
KILALA MO BA TALAGA ANG SARILI MO?
NAKUHA MO NA BA ANG KARAPAT-DAPAT PARA SA IYO?
SIGURADO KA BANG KARAPAT-DAPAT KA?
Paano kung hindi mo pa alam ang tunay mong pagkatao? Ang makatutulong sa'yong makilala ang iyong sarili ay walang iba kundi ang kaaway mo. Hindi lang basta-bastang kaaway dahil siya ay isang prinsipe.
Ang kwentong ito ay magpapamulat sa'yo sa realidad na hindi mo dapat minamaliit ang iyong sarili, maging ang iyong kapwa. Darating din ang tamang panahon na makukuha mo ang nararapat para sa'yo.
A/N:
Humorous (joker, clown, pala-tawa) ako kaya humorous din ang story na ito, hindi kayo mabo-bored. Gagawin ko ang best ko para mapalungkot, mapa-iyak, mapasaya, mapatawa at mapakilig ko kayo.
Pinag-isipan ko talaga nang mabuti 'yung mga pangalan sa kwento. 'Yung pangalan ng mga lugar, gawa-gawa ko lang yan, pati yung pangalan ng mga hari at reyna. Hindi ko alam kung may ganyan ba talagang mga salita HAHAHA. Pero ginamit ko talaga ang creativeness ko sa pag-imbento ng mga pangalan. With inspiration pa 'yung iba dyan.
CHARACTERS:
Main Characters
Levi Matthew "Levi" Sperbund - Crown Prince of Leespark
Amethyst "Amy" Mendoza - true identity is unknown
Love Antagonists
Eduard James "Ed" Richards - Prince in Leespark, Levi's cousin
Marielle "Elle" Smith - daughter of the Prime Minister of Leespark
Supporting Characters
Zeuseidon "Zeus" Sperbund - King of Leespark
Glamiva "Glam" Sperbund - Queen of Leespark
Hadeasus "Hade" Jenner - King of Algorea
Fabimari "Fab" Jenner - Queen of Algorea
Prince Levi's Best Friends
Joshua "Josh" Gomez - son of the Prime Minister of Leespark, half brother of Marielle
William "Will" Johnson - Prince and Viscount in Algorea, nephew of King and Queen Jenner
COUNTRIES:
Leespark - a constituent is called Leesparker
Algorea - a constituent is called Algorean
OTHER PLACES:
Hymshi City - Capital of Leespark
Difanara City - Capital of Algorea
Yazindel Oxford University (YOU)
PLOT SYNOPSIS
Mula noong namatay ang tatay niya, minamaltrato na si Amethyst ng kaniyang ina at mga kapatid. Masama ang pakikituring ng mga ito sa kaniya maliban na lang kung siya'y may pera. Hindi niya maintindihan kung bakit sila ganoon sa kaniya. May mga nadiskubre siya.
Nakaramdam siya ng lungkot at gulat. Hindi lang isa, hindi dalawa, kundi tatlo ang nadiskubre niya. 'Yun pala ang mga dahilan kung bakit galit sila kay Amy.
Bigla na lang nawala ang kaniyang pamilya matapos may mangyari sa isa sa mga kapatid niya, ngunit hindi masama ang nangyari kundi isang bagay na ikinatuwa nila. Naiwan si Amy na mag-isa sa maliit nilang bahay. Lubos siyang nalungkot at nasaktan sa pangyayaring 'yon lalo na't kahit hindi maganda ang pakikitungo ng mga ito sa kaniya, hindi niya inaakala na kaya nila siyang abandunahin.
Nasa 'di kilalang probinsya lamang nakatira si Amethyst ngunit napakabuti, napakagaling, napakatalino at napakaganda niya. Second Year College student na siya sa susunod na pasukan at dahil sa husay na kaniyang ipinakita noong First Year College, siya ang nanalo ng scholarship. Hindi basta-bastang scholarship dahil makakapag-aral siya sa top college school, Yazindel Oxford University (YOU) na nasa Hymshi City, kung saan matatagpuan ang mga pinakamagagandang imprastaktura o buildings.
Dahil Hymshi ang captal city ng Leespark, narito ang pinaka-importante, sikat at kamangha-manghang lugar sa bansa, ang Leespark Palace.
Si Prince Levi ay napakagwapo kaya naman kinababaliwan siya ng maraming babae. Isa rin siya sa mga dahilan kung bakit napakasikat ng bansang Leespark. Sa tuwing may bibisita sa palasyo, nais nilang makita ang prinsipe.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo ang landas nina Amy at Prince Levi. Naging magka-away sila. Nagkasama sila. Nagkagusto sila sa isa't-isa. Hanggang sa nagmahalan na sila.
Ngunit prinsipe si Levi at ordinaryong babae lang si Amy...
Syempre bago ang ibigan, maraming away at asaran pa ang mangyayari.
Marami ring rebelasyon ang magaganap.
Ang kaaway ni Amethyst na si Prince Levi ang siyang makatutulong sa kaniya upang malaman ang kaniyang tunay na pagkatao.
ang tunay na pagkataong babago sa buhay niya...
tunay na pagkataong 'di niya inaakala...
MAKUKUHA NIYA ANG KARAPAT-DAPAT PARA SA KANIYA.