More Than What Meets The Eye

All Rights Reserved ©

Chapter 18

Chapter 18



Disclaimer:

There will be a scene that talks about the description of girls in a weird manner. I am NOT generalizing that all men think like that. I am just depending it based on the characters.

We have different perspectives and types. Lester and Reggie are not the same. It's like a boy who prefers chicken over beef and another boy who prefers beef over chicken. See?

We all went through a phase where we think in an immature way. This story is intended to be close to reality, so the dialogue is very natural.

I did not meant to offend feminism here. I hope you understand. Thank you.




* * *

Lumipas ang bagong taon na parang...kakaiba.

Hindi ko maintindihan, eh, pero mas sabik ako ngayon. Kumpara noong mga nakaraang bagong taon, ngayon may iba akong nararamdaman.

Ang daming nagbago. Hindi na kami masyadong nagbabasketball kasi naging abala na kami sa mga gawain sa eskwelahan. Pati nga si Lovely, hindi na masyadong nagsusungit.

Nagkaroon na rin ng bagong trabaho si Mama sa isang restaurant bilang taga-luto. Sobrang masaya ako para sa kanya. Pangarap kasi talaga ni Mama na maging tagapagluto.

Lahat yata sa paligid ko ay may pagbabago...maliban na lang kay Joy.

Ganoon pa rin siya, eh.

Mainitin ang ulo. Masungit. Walang kwenta kausap...

Nagkikita kami minsan kapag hinahatid ko si Lovely sa eskwelahan nila, kapag may meeting at ako ang pinapapunta ni Mama, at kapag may programs.

"Ang bobo mo naman!"

Galit na galit siya nang napunta sa gutter ang bowling ball at hindi ko na naman natamaan ang mga pin sa gitna.

Kinamot ko ang ulo at bumalik na sa mesa kung nasaan sina Oyo, Reggie, Tiboy at Phil na tumatawa.

"Okay lang 'yan," ani Phil.

"Sanay na naman ako sa ugali niya," tugon ko.

Nakatambay lang kaming magkakaibigan sa gym habang umiinom ng softdrink nang biglang dumating ang pamilyar na puting SUV ni Phil kanina.

Nang iniluwa roon si Joy at sinabing sumama, ginawa naman namin nang walang alinlangan. At ngayon, nasa isang indoor bowling station kami.

Kanina pa kami tira nang tira. Ilang pustahan na rin at laro ang nagawa namin...at hindi talaga ako marunong.

Kaya naman malulutong na mga mura ang binitawan ni Joy. Kulang na lang ako iyong gawin na pin.

Pero kahit masakit siyang magsalita, natatawa ako imbis na masaktan. Unti-unti ko na yatang nano-normalize ang pananalita at ugali niya...'tsaka totoo rin naman na ang bobo ko sa laro na 'to.

"Hoy, pumunta ka rito!" sabay turo niya sa 'kin. Malakas ang boses niya kaya napapatingin ang ilan sa amin.

"Good luck, pare," ani Reggie na kumakain.

Nagbuntong-hininga lamang ako at lumapit kay Joy sa area.

"Bakit na naman?" reklamo ko. Gusto ko na kasing kumain. Kanina pa ako naghahagis at nangangalay na ang mga balikat ko.

"Akala ko ba matalino ka? Ang simple-simple lang namang mag-bowling."

"Magkaiba naman kasi ang physical intelligence sa mental intelligence," sabay kamot sa batok.

"Hindi, Lester. Kung tanga, tanga talaga!"

Medyo mataas na ang bangs niya kaya kahit natatabunan iyong mga kilay, alam ko na halos magkadungtong na 'to.

Inihagis niya ang bola sa 'kin at nasalo ko 'to.

"Subukan mo ulit," aniya sabay krus ng braso.

Hindi ko alam kung pang-ilang buntong-hininga na yata ang pinakawalan ko nang pumwesto na at nag-position.

Nang inihagis ito ulit, abang na abang ako lalo na at malakas itong nagpagulong-gulong sa gitna...hanggang sa bigla itong dumahan-dahan at pumagilid na naman at na-shoot sa gutter.

"Bwisit ka! Tanga!" sabay sipa niya sa binti ko. "Ba't hindi ka kasi marunong?! Ang simple lang naman niyan! Tanga talaga."

Padabog siyang bumalik sa mesa at tumabi kay Phil. Nag-e-enjoy yata sila sa panonood sa katangahan ko.

Pumalakpak si Oyo pagkalapit ko. "Grabe, ang malas mo talaga, pare."

"Kaya mo ngang sagutan lahat ng quiz bee, pero hindi mo naman kayang mag-bowling," si Tiboy.

"Ni-isa, wala ka man lang natamaan," ani Reggie.

"Oo na, oo na," bugaw ko sa kanila at kumuha na ng fries.

Masama ang tingin ni Joy sa 'kin at natawa lamang ako. Kalahating oras niya akong tinuruan at iyon na yata ang pinakamahabang oras kung saan nakita ko ang pasensya niya.

"Sorry na," mahina kong sabi. "Hindi talaga ako marunong."

Inirapan niya ako. "Mabuti na lang at alam mo."

"Kaya siguro ganyan 'yan kasi walang ka-date kahapon," ani Reggie.

"Wala rin naman akong ka-date, ah? Ba't natamaan ko lahat?" si Phil.

Valentines day kasi kahapon. Halos mabulag ako sa rami ng couples sa university. May event kasi. Dahil single ako at wala namang balak na makipag-date, naging bantay na lang ako sa booth ng block namin.

Grabe, ang sakit sa mata. Kahit saan ka nakatingin, may mga magkahawak-kamay.

Ganoon din naman kami ni Mayumi noon. Pero ngayon na wala na kami, nakita ko kung gaano ito ka-cheesy.

Naalala ko tuloy iyong paghawak ni Joy sa kamay ko nang nagpunta kami sa lumang ospital noon. Tumingin ako sa maliit niyang kamay...

Exception yata 'yun. Hindi naman kami couple. 'Tsaka puro kami takot nun.

Palihim akong umiling na para bang ini-aalis iyon sa utak ko.

"Hay..." sabi ni Oyo. "Kawawa naman kayo."

"Bakit?" Nagtaas ng kilay si Joy. "May pumatol sa 'yo, Yo?"

"Aba, oo naman!" Proud pa siyang ngumiti. "Dalawa kaya ang nailabas ko kahapon."

Ngumisi si Phil. "Himala at may pumatol sa 'yo."

"At least may ka-date, 'di ba? Eh, ikaw ba meron? Palibhasa, ang sama ng ugali kaya walang nakakatiis."

Pilosopong tumawa si Phil. "Hindi ako ang nag-aaya. Sila iyong nakikiusap sa 'kin. See the difference?"

Suminghal si Joy. "Kumuha kaya kayo ng bola tapos maghagisan kayo sa ulo. Kainis."

Mahina akong natawa.

"Oo nga," aliw na tugon ni Tiboy.

"Ikaw ba, Joy? May ka-date ka ba kahapon?" tanong ni Reggie.

Kumuha ako ng fries, kunwari walang pakialam. Pero parang nagka-radar ang tenga ko sa tanong na 'yun.

Nang magkatinginan kami ay nag-iwas ako ng tingin.

"Bakit mo natanong?" sagot niya.

"Curious lang," tugon ni Reggie. "Teka may boyfriend ka ba?"

Natahimik kami at inabangan ang sagot niya. Nakatingin kaming lahat sa kanya. Oo nga, meron ba?

Nakipagsukatan siya ng tingin kay Reggie. "Bakit? Gusto mo ba akong i-date? Dahilan mo lang ba 'yan para ayain ako?"

"Hindi kaya!"

"Sus, kunwari ka pa, Regilio Perez III."

Todo tanggi si Reggie. Nagkunot-noo ako. Parang nagkakatuwaan kasi sila. Para ding gustong isaad ni Joy na gusto niyang makipag-date.

"Wala siyang boyfriend," sagot ni Phil. "Tingnan mo nga, may magkakagusto ba sa kanya? Eh, talo pa niyan ang tigreng nakatakas sa zoo."

Hinampas niya si Phil at minura. Yumuko ako. Maganda siya at matapang. Mukhang meron naman yatang magkaka-crush sa kanya.

'Tsaka inamin na rin ni Phil na nagkagusto nga siya sa kanya noon, pero tinigilan niya lang kasi alam niyang walang patutunguhan.

"Sayang lang kasi 'yan sa oras," sagot ni Joy. "'Tsaka tingnan niyo nga ako...mukha bang kailangan ko ng lalaki?"

Lahat sila ay umiling maliban sa 'kin. Saglit siyang tumingin sa akin at kaagad rin namang umiwas nang kumuha ng pagkain.

Nalipat ang usapan sa bagong babae ni Reggie. Kesyo raw model ito mula sa siyudad at ang swerte niya raw na makabinggit ng ganoong klaseng babae.

Naka-focus sila kay Reggie lalo na nang i-describe niya ito.

As usual, mataas, sexy, malaki ang dede at puwet, maliit ang mukha at matangos ang ilong...mga typical girls na gusto niya.

Kaya naman nakuha niya ang atensiyon ng mga kalalakihan, pati na nga rin si Joy. Kaso, iba yata ang iniisip ko.

Kanina ko pa hindi mapigilang magnakaw ng tingin sa babaeng nasa harap ko ngayon.

Malayong-malayo si Joy sa bagong babae ni Reggie. Weird siya. Masungit. Nakakatakot. Pero mas gusto ko pa rin siyang makasama.

Ang attractive ng maliit niyang nunal sa gitna ng tulay ng ilong. Pati na rin iyong manipis niyang labi kahit maputla ito. Maitim din iyong eye bags niya pero parang mas gumanda tuloy siya dahil dito.

Bumagal yata ang pag-ikot ng mundo nang itinali niya ang buhok niya. Naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko. Unang beses kong makita na nakatali iyong sobrang taas niyang buhok.

Nakikita iyong leeg niya pati na rin iyong mga bagang. Bakit ganito? Naging times ten yata ang kagandahan niya?

Kaagad akong nag-iwas ng tingin nang tumingin siya sa 'kin.

Uminom ako ng tubig para maibsan ang pagdadabog ng puso ko. Baka marinig nila...ang lakas kasi.

"Kanina pa nagri-ring 'yan, ah?" sabay nguso ni Phil sa cellphone ni Joy.

Pinatay niya ito. "Si Matilda lang."

"Sinong Matilda?" tanong ni Tiboy.

"Tita niya," si Phil.

Umirap lamang si Joy at tumayo para maghagis ulit ng bola.

Naiinis ako sa katotohanang mas may alam si Phil sa buhay ni Joy. Alam ko naman na magkaibigan sila, pero kaibigan niya rin naman ako.

Iniyukom ko na lang ang mga kamao sa ilalim ng mesa para pigilan at itago ang mga emosyon.

Gabi na nang pauwi na kami. Unang inihatid si Joy sa ospital. Umalis lang siya na walang paalam.

Nakakatuwa lang kasi hindi na rin kami nag-react. Sanay na nga talaga kami sa ugali niya. Lihim akong napangiti dahil dun.

Sa may highway kami bumaba.

"Teka, sa inyo ba 'to?" sabi ni Phil at tinuro iyong folder sa may likuran.

"Hindi," ani Reggie.

"Mukhang kay Joy 'yan," si Tiboy.

Oo nga. Nakita ko siya kanina na dala iyan. Kinuha ko 'to.

"Ako na lang ang maghahatid. Ipapadala ko sa kapatid ko tutal schoolmate naman sila," sabi ko.

Sumang-ayon sila roon at nagpaalam na. Sakto namang naghahapunan sina Mama at lovely pagdating ko sa bahay.

"Kain ka na," yaya ni Mama.

Hinalikan ko ang pisngi niya. "Busog po ako. Akyat na muna ako sa taas."

Nang makarating sa kwarto, inilagay ko ang folder sa bedside table kaso nahulog ito at nalalag ang laman.

"Tsk."

Lumuhod ako at pinulot ito isa-isa. Nagkagulo iyong mga papel kaya tiningnan ko kung may page number pa ito para maayos ko.

Ngunit, nanigas yata ang buo kong katawan nang mabasa ang headings nito.

Safe Haven Hospital.
Medical Record.
Paraiso, Happiness L.

Tumaas iyong mga balahibo ko sa 2x2 na naka-attach sa gilid. Mukha ito ni Joy at parang bata pa siya rito. Pero makikita mo na ang payat niya rito...at sobrang putla.

Nang magkaroon ng sapat na lakas, umupo ako sa kama at tiningnan ulit ito. Labis akonog naguluhan sa mga nabasa ko at hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano.

Been diagnosed since 2017.

Posttraumatic Stress Disorder.

Severe Level.

Needs extent medication and attention.

Ibinalik ko ito lahat sa folder at napatayo. Hiningal ako sa kaba. Alam ko na hindi ko dapat na basahin 'yun.

Bukod sa personal itong bagay, may kutob din ako na mukhang hindi ko kakayanin.

Sino ka ba talaga, Joy? Ano nga ba ang tinatago mo?




* * *

Note:

The timeline of the story is now 2021 since the new year had passed, so it means that Joy was/is being diagnosed for four years already.

Well, I won't spoil if it's a past tense or a present tense, hehe :)))))

xx.
Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.