More Than What Meets The Eye

All Rights Reserved ©

Chapter 25

Chapter 25



Warning: SPG. Violence. Theme. Language.



* * *



4 years ago...

"Sandali lang naman tayo Joy, eh," sabay hila ng isa sa mga kaibigan ko. "Ikamamatay mo ba 'yan, ha?"

I rolled my eyes and sighed. "Next time na lang, okay? Libre ko kayo sa arcade."

Pilit silang tumango. Nagpaalam na ako at sumakay na ng taxi papunta sa bahay. Alas-tres pa lamang nang pinakawalan kami ng teacher.

Gusto ko namang sumama, pero pagod ako. I also have this feeling that I need to go home. 'Tsaka day off ngayon ni Daddy.

Madalas lang kaming magkasama kaya naman susulitin ko na.

"Maraming salamat, po," sabi ko sa driver pagkakuha ko sa sukli.

Pumasok na ako sa gate at kaagad nahinto nang marinig ang boses ni Mama.

"You're at it again! Ilang beses ba kitang pinagsabihan?"

I closed my eyes and sighed. Nag-aaway na naman sila. Huminto ako sa tapat ng main door, nagdadalawang-isip kung papasok ba ako o hindi.

"You are just overreacting, Regina-"

"Huwag mo akong ma-Regina-Regina! Pati anklet ko, sinanla mo, Dennis. Are you that desperate?!" Mom's voice broke down. "Ilang beses ko nang sinabi na wala kang mapapala sa sugal na 'yan."

Aksidente kong naitulak ang pinto. Nakabukas pala ito kaya napatingin silang dalawa sa 'kin.

My heart nearly broke when I saw Mom's bloodshot eyes, but I remained strong. Dad was also frustrated. These past months were not easy for us.

Mom is still beautiful even if she looks stress. May huge collection siya sa mga bestida at lagi iyong nakatago sa walk-in-closet niya. Matagal ko nang tina-timing na makahingi ng isa, pero para bang importante ang mga bestidang 'yun sa kanya.

Kahit itago man nila, alam ko na alam nila na nase-sense ko na may problema. But I should act normal, as if it did not bother me too much.

"Good afternoon, po," bati ko sa kanilang dalawa.

"Go inside your room, Happiness." There's a sense of urgency in Mom's voice. Lalo na at tinawag niya ako sa tunay kong pangalan.

I quickly looked at Dad. Nagtaka ako kasi he was clenching his fists while looking at Mom. Pulang-pula na rin siya.

Tumango ako at umakyat na sa kwarto. I immediately placed my bag on the bed and lay down. Nagbuntong-hininga ako nang nakatitig sa kisame.

Tumingin ako sa anklet ni Mommy sa bedside table. Alam ko na isinangla iyon ni Daddy kaya tinubos ko nang hindi nila nalalaman.

So, I'm penniless. Sobrang mahal nun. Nalulong na talaga si Dad sa sugal niya.

They're fighting again. Rinig na rinig ko ang mga boses nila kaya nagsuot ako ng earphones at nagpa-play ng kanta. I went to my social media sites.

Halos sumabog na ang notification bar ko. Well, I spent most of my time here that's why I'm so active. Nadagdagan na naman ng isang-daan ang followers ko sa instagram.

My friend messaged me:

Party raw. Libre ni Eric, 'yung crush mo. G ka?

A smirk appeared. Matagal ko na talagang gusto si Eric, pero hindi niya ako pinapansin lagi. Hula ko, may kinalaman si Phil dito.

He's my classmate mula seventh grade hanggang sa eleventh grade. I can't say that he's my friend, but we're close.

Nang makitang active siya ay kaagad akong nagtipa ng mensahe.

Me: Hey. Pupunta ka ba sa party ni Eric?

He immediately responded. Natawa ako. May kutob kasi ako. Kutob lang. Na baka may gusto siya sa 'kin.

He's always available whenever I drag him to parties and such. Malaki pareho ang social circle namin, pero mas mayaman siya.

Tagapagmana ang gago, eh.

Well, he's not a bad guy. Matangkad, may nakaka-akit na dimples, at matalino, pero hindi ko lang talaga bet.

Phil: Malamang. Kaibigan ko siya, normal lang 'yun.

Me: May sinabi ka ba tungkol kay Eric? Sinisiraan mo ba ako sa kanya?

Phil: What?

Me: Feel ko lang. Nilalayuan niya kasi ako.

Phil: Hell no. Baka ayaw niya lang talaga sa 'yo.

Me: As if. I'm likeable kaya. Baka nga gusto mo ako, eh.

Phil: Feeling. Diyan ka na nga. In-game ako.

Natawa ako at magtitipa na sana kaso sumapaw ang boses ni Mama sa pinapakinggan kong music.

"Anong gagawin mo--Ugh!"

Nagkunot-noo ako at tinanggal ang earphones. There was a total silence, which is very odd.

Kaagad na nanlamig ang mga kamay ko. Parang may mali yata. Pinakinggan ko ang paligid, pero wala talagang ingay.

Inilagay ko ang cellphone sa bed at naglakad palabas. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Para ding biglang lumamig ang paligid.

Pero para akong binawian ng lakas. Tumaas lahat ng balahibo ko at kaagad na napaupo sa hagdanan. Nag-uunahan na ang mga luha ko.

Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong, pero walang lumabas na boses sa bibig ko. Nanatili akong nakanganga...hinihingal...para bang nakita ko bigla ang buong buhay ko sa isang iglap.

Sa paanan kasi ng hagdanan, nakita ko si Dad na paulit-ulit sinasaksak si Mommy na nakahiga at nakabukas ang mga matang diretso nakatingin sa 'kin.

Dugo...puro dugo ang nasa paligid.

Iyong mga mata ni Mommy, parang nanghihingi ng tulong. Hindi ako sure kung buhay pa ba siya o wala na.

Walang-katapusan ang mga luha kong ng-uunahan. Lalo na nang tumingin si Daddy sa 'kin.

Dad...si Mommy...anong ginagawa mo?

Wala pa ring lumalabas na boses kahit impit lang man. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Hindi ako makapaniwala.

Pulang-pula pa rin ang mga mata ni Daddy...kaisng pula ng dugo sa mga kamay niya. Halos takasan ako ng dugo nang lumapit siya sa 'kin, hawak pa rin iyong kutsilyo.

"Sshh...sshh...ang ingay lang ng Mommy mo," aniya.

Nanginginig ako nang bigla niyang hinaplos ang buhok ko. Amoy na amoy ko ang dugo na napunta na sa uniform ko. Wala akong masyadong makita dahil sa mga luha.

Dad, anong nangyayari? Si Mommy...anong...patay na ba siya?

Dilat na dilat ang mga mata ko nang makatingin kay Mommy. Hindi na siya humihinga. Parang sasabog na ang puso ko sa sakit. Ayaw ko na. Ayaw ko na talaga.

"Sshh..." patuloy na sabi ni Dad habang hinahaplos ang buhok ko.

My hair became sticky because of the blood in his hands. Ramdam na ramdam ko rin ang kutsilyo kaya kahit nanginginig, hindi ako gumalaw.

Natatakot ako...hindi ako makapaniwala...

Tulong! Tulungan niyo ako! Si Mommy!

"Huwag kang mag-alala," sabi ni Dad sabay labas ng wire mula sa bulsa niya.

Tumingin ako sa kanya. Nagmamakaawa. Naguguluhan.

Papatayin niya rin ba ako? Nagkatinginan kami sa walang buhay na mga mata ni Mommy sa ibaba. Puno na ng dugo ang katawan niya, pati na rin ang paligid.

"Sshh...dito ka lang..." sabi ni Dad.

Pinipilit ko ang sariling sumigaw, pero wala pa rin akong boses. Takot na takot na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Iyak lang ako nang iyak...at naiinis ako kasi iyon lang ang kaya kong gawin.

Malamig ang mga kamay ni Daddy nang hinawakan ang mga paa ko. Napaiyak ako sa sakit nang itinali niya iyon gamit ang wire.

Parang nababali na iyong mga buto ko. It's tearing up my flesh. Sobrang higpit nun kaya halos panghinaan ako ng loob.

Dad, tama na...anak mo ako...Dad...

Pero hindi niya ako marinig. Umupo lang siya sa tabi at hinalikan ang buhok ko. Patay na si Mommy...at wala akong magawa.

"Anak, proud na proud ako sa 'yo," aniya. "Pero, nakakadismaya lagi, eh. Iyong Mommy mo...she always looks down on me."

I was always sniffing...crying...ilang beses kong sinubukang sumigaw, pero wala pa rin akong boses.

Pumikit ako at nagdasal. Iyon na lang ang magagawa ko. Patuloy pa rin ako sa panginginig. Halos naging ungol na ang pag-iyak ko. Parang sasabog na talaga ang puso ko sa sakit.

Nagtaka ako at binuksan ang mga mata nang tumahimik si Dad at lumubo ang mga mata nang nakahiga na ang ulo niya sa hagdanan. At iyong papulsuhan niya ay nakalaslas na.

Kagaya ni Mommy ay nakadilat ang mga mata niya, pero nakangiti siya...at hindi ko 'yun maintindihan.

Pabalik-balik ang tingin ko kay Mom at kay Dad. Hindi na sila gumagalaw pareho. And I can feel my vocal chords just opened.

And I just screamed.

I screamed so loud that I can feel my throat giving up. Sigaw lang ako nang sigaw hanggang sa may mga taong pumasok sa bahay.

They carried me since my feet were still tied. Inilabas nila ako sa bahay at may yumakap sa 'kin na hindi ko kilala. SIgaw pa rin ako nang sigaw.

Si Mommy...si Daddy...wala na sila...

Sumisigaw ako, hindi para makahingi ng tulong, kung hindi dahil sa takot. Kahit saan ako tumingin, mukha ni Mom at Dad ang nakikita ko.

Pati ang boses nila, naririnig ko lagi. Ginulo ko ang buhok at nagpumiglas. Sigaw lang ako nang sigaw at hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid.

Hanggang sa may mga pula at asul na ilaw na nagpaikot-ikot, at nakalagay na sa stretcher ang mga katawan nina Mom at Dad na nakabalot ng kumot.

Napaupo ako at umiyak. Galit na galit na galit ako sa sarili ko. Wala man lang akong magawa. Kaya sinusuntok-suntok ko ang kahit na anong parte sa katawan.

The next thing I knew I was in a white facility, wearing a white hospital gown. May feet had bandages. Kung sinong nurse na lang ang pumasok, pero hindi pa rin ako tumatahan.

Mga mata lagi ni Mommy at Daddy ang nakikita ko. Hindi ako makatulog, kasi sa bawat pagpikit, mga alaala namin ang lagi kong nakikita. It's replaying over and over again.

Nakakatulog lang ako kapag may ini-inject sila sa 'kin. But everytime I wake up, I can't bear the fact that my parents are dead.

Hindi ko na sila mahawakan. Hindi ko na sila makausap.

I don't know what time it is, or what day...hindi ko alam kung ano na ang nagyayari. I was oblivious, and that made me hate myself more. Ni-hindi ko nga alam kung nasaan ako.

I was hugging my knees while crying non-stop when an elder nurse came to my room.

She apologetically smiled at me. "Hi..."

"My parents...my parents..." paulit-ulit ko iyong sinasabi.

She placed our family picture and my Mom's anklet on the table.

Hindi ako bobo o tanga para hindi iyon ma-gets, pero hindi ko nakayanan ang sakit. Halos mapunit na ang bibig ko kakasigaw at kakaiyak.

Nakikita ko sina Mommy at Daddy sa kwarto, at doon lamang ako kumakalma. Minsan sinasamahan nila ako sa pagtulog, kinakausap, at nilalaro...pero sa tuwing nawawala sila, iiyak na naman ako.

Alam ko na wala na sila, pero ba't sila nandito? As if they are really alive. I can feel their presence.

Halos takpan ko ang tenga nang paulit-ulit kong naririnig ang huling sinabi ni Dad sa 'kin. Ayoko na...tama na...

Pumasok ulit iyong nurse para maghatid ng pagkain. Kaagad akong gumapang at hinawakan ang mga kamay niya. Naging alerto ang ibang nurse, pero pinigilan sila nito.

"Ako nga pala si Imelda," mahinahon niyang sabi. "Bakit? May kailangan ka ba?"

Pinipigilan niyang umimpit sa pagkakahawak ko sa mga kamay niya.

"Please...parang awa mo na...patayin mo na lang ako..." pakiusap ko. "Hindi ko na kaya pa...please...patayin mo na lang ako..."

Naluluha siya nang hinaplos ang buhok ko. I flinched when I remember how Dad did exactly the same when he died. Kaya naitulak ko siya.

May sumugod na mga nurse sa 'kin at may in-inject na naman.

When I broke the mirror in the CR and tried to take my life away, I saw Mom's face behind me...she's smiling.

I smiled back. "Magkakasama rin tayo, Mom. Magkakasama rin tayo-"

"Jusmeyo!"

Pero hindi ko iyon nagawa nang may pumasok na mga nurse. Naging doble ang security ko. Wala akong magawa kung hindi umiyak na lang lagi.

Pilit kong sinisisi ang sarili kasi wala akong nagawa para pigilan ito. Kinakamot ko lagi ang lalamunan. Kung nakahingi lang sana ako ng tulong nun, okay na sana ang lahat.

Biglang nagpakita si Tita Imelda sa 'kin, my Mom's younger sister. Pero kaagad ko siyang tinulak at nagwala kasi kamukhang-kamukha niya si Mommy.

Sa tuwing tumitingin ako sa kanya, naaalala ko siya. Kaya hindi ko hinaharap si Tita kapag bumibisita siya. Ayokong makasama siya. Ayoko na...ayoko na talaga...

I lost track of time, but i did not lost track of what happened. I know that thing will never be the same again.

"Anak, proud na proud ako sa 'yo."

Dad's voice always lingers in my head. Will he be proud of me now? Ayokong maging ganito na lang palagi.

Masaya ako na lagi ko silang nakikita o nakakausap, even if they're just a part of my hallucinations. But they feel so real, that I'm willing to be played by my mind.

Pero alam ko na kailangan ko na silang bitawan.

So, I cried so hard for a day. Unti-unting tinatapos at inuubos ang lahat ng sakit, kahit parang hindi nababawasan itong nararamdaman ko.

"I'm willing to be cured," sabi ko kay Nurse Imelda nang maghatid siya ng pagkain. And I saw a brink of hope in her eyes.

Hindi ko alam na halos dalawang taon pala akong naging ganoon. I went to several medications, just to prove that I'm sane. Masakit pero kailangang tapusin ko na lahat.

After months of mental medications and therapies, I am still not fine, but I chose to be okay. Kasi wala naman akong choice.

Masakit pa rin naman, pero kailangan ko nang mag-move on.

Para yata akong namanhid nang makita ang kwarto inilaan ng Tita ko sa loob ng hospital. Nandoon ang iilang kagamitan sa bahay, lalo na ang mga bestida ni Mama.

Niyakap ko ito lahat, pero wala nang luhang lumabas. And I'm convinced that I'm fine now.

Dito ko naisipang tumira kasi ayokong makita ang mukha ni Tita. I am not angry. I just don't want to see Mom and Dad again that I turned all of the photos down.

This pain is unbearable. Hindi madali lalo na at hindi pa rin naman maalis-alis sa utak ko iyong nangyari. I think...I just pretended...or I just fooled mysel that I am really okay.

There are still nights were I cried myself to sleep. The medications are therapies are not doing okay...sometimes, I still have hallucinations, pero tinatago ko na lang iyon.

My Dad lost a deal. Nakahiram siya ng pera mula sa kompanya niya, pero hindi na ulit nabalik ang pera. That resulted him to go to casinos and start gambling.

Hindi ko alam kung ba't ako pa sa dinami-rami ng tao. Hindi ko alam kung ba't kaya iyong magawa ni Daddy.

It's like everything that I know about him is an illusion. I did not even went to their grave.

Nanghihina pa rin ako sa tuwing may nakikitang pamilya sa daan, kapag may mga palabas tungkol sa mag-ina, o kahit ano man...pero wala na akong magagawa.

Kaya hinaplos ko ang paang may peklat gawa sa wire na itinali sa 'kin at isinuot doon ang anklet ni Mama.

I went to the full length mirror and took of my clothes. Nagbuntong-hininga ako at pinagmasdan ang kabuuan ko.

Then, I slowly slipped into Mom's dresses, and smiled.

I know that this is not the end, and I will continue to fight these invisible demons living in my head.

But I know, darating at darating ang panahon na matatalo ulit ako nito. Pero sana, kung dumating man 'yun, may mga tao nang kakapit sa 'kin at sasamahan ako sa laban.
Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.