More Than What Meets The Eye

All Rights Reserved ©

Chapter 27

Chapter 27



Hindi ako tanga para 'di makita ang totoo niyang ngiti nang makita ako. Kaagad niya kasi iyong pinalitan ng simangot.

"Para sa 'kin ba 'yan?" tukoy niya sa bouquet.

"Ah, oo..."

"'Yan lang? Walang pagkain?" Umiling ako. "Ang useless mo naman. Mapapakinabangan ko ba 'yang bulaklak mo? Tss."

Okay lang bang sabihin na masaya ako kasi masungit pa rin siya? Iba kasi ang inasahan ko. Umupo ako sa stall na nasa tabi ng kama niya.

"Hindi ako baliw, okay..." aniya at tumingin muli sa aklat na hawak.

Pinagmasdan ko lang siya. "Naniniwala ako sa 'yo."

"Ba't mo pala nalaman na nandito ako?"

"Alam ko lang."

"Ah." Tumingin siya sa 'kin. "Dahil ba sa ninang mo? Si Imelda?"

Nagkunot-noo ako, kinakabahan. "Ba't mo alam 'yan."

"Alam ko lang," aniya at nagkibit-balikat bago ibinalik ang tingin sa aklat.

Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya. Dahil maputla ay kiitang-kita mo ang nunal niya. Iyong buhok niyang sobrang taas ay halos naupuan na niya.

Kumikirot ang puso ko. Sobrang lala pala ng pinagdaanan ni Joy. Hindi ko alam na aabot pala sa punto na 'yun.

"Iyan lang ba ang gagawin mo rito?" Bumaling siya sa 'kin. "Tititigan mo lang ako?"

"Hindi, ah."

"Hindi, ah," ginaya niya pa ang boses ko.

"Nandito ako para...para...para makipag-usap," palusot ko.

Galit niyang sinara ang aklat kaya nagtaka ako na baka nag-iba ang mood niya. Nahalata niya 'yun kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Don't worry, nasa tamang pag-iisip pa ako. Alam ko 'yang reaction na 'yan."

"Anong ibig mong sabihin?" sabi ko.

Pilit akong umupo nang maayos at inayos pa ang salamin para magmukhang normal.

"Ano bang sinabi ng mga nurse sa 'yo?" aniya habang nakatingin sa bintana.

Nagbuntong-hininga ako at sinabi na lang ang katotohanan. Wala naman akong takas sa kanya, eh.

"Na tawagin daw sila kapag may kakaiba sa 'yo..." sabay yuko ko.

Mahina siyang natawa. "May alam ka na ba?"

Napalunok ako at tumingin sa mga sapatos ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sagutin. Baka kasi may mali akong masabi.

Pero nagkasalubong ang mga mata namin sa pag-angat ko ng tingin. As usual, wala na naman akong makitang emosyon sa mga mata niya.

Pilit kong itinago ang lungkot para ipakita sa kanya na okay lang. Na ayos lang na maging mahina. Na normal lang ang nangyayari sa kanya.

Nagkunot-noo siya. "Next time, papuntahin mo nga sina Reggie rito. Nakakasawa na 'yang mukha mo, eh."

"Sina Reggie?"

"Bingi ka ba?"

Nagkunot-noo ako. "Sure ka ba?"

Ibig sabihin, pwede kong sabihin ang tungkol sa nangyari?

"Mukha ba akong nagbibiro?" Tinuro niya pa ang sarili. "Ayaw kong makakita ng bulaklak, ah. Pagkain ang gusto kong dalhin mo sa susunod."

"Itatapon ko na ba 'to?"

Tinuro ko ang bouquet na nasa mesa.

Umiling siya. Kaya tumango na ako. Pagkatapos nun ay umuwi na rin ako sa bahay.

Mabigat ang loob ko. Sobrang normal niya pa rin tingnan. Kung magsalita naman siya, parang wala lang. Pero kagaya nga ng sabi ni Tita Matilda, nasa utak ang problema...hindi ko nakikita ang kalaban.

Pagkatapos maghilamos ay pinatay ko ang gripo at napahawak sa sink.

Hanga ako sa tapang niya...isa siguro 'yun sa rason kung ba't siya pa rin ang babaeng gusto kong makasama. Hindi siya nagsu-sugar coat kaya hindi mo na kailangan pang umasa.

Sa tuwing naaalala ko ang nangyari, gusto ko tuloy alagaan siya. Mas lumalim ang pagtingin ko sa kanya.

Pero alam ko na hindi pwede...siya na rin ang nagsabi na ayaw niyang magpaligaw.

Nagbuntong-hininga ako. Noon, sobrang kampante ko na mawawala rin itong nararamdaman ko, pero ngayon, parang imposible na yata.

Ano nang gagawin ko?

"Talaga?!" ani Oyo. Napatayo siya at hinawakan ang ulo.

Natahimik kaming lahat. Nasa kwarto kami kasama sina Reggie at Tiboy. Ipinakita ko sa kanila ang news article tungkol kay Joy.

Kagaya ko ay hindi rin sila makapaniwala. Sino rin ba kasing mag-aakala na ang matapang na Joy ay may malubhang nakaraan, 'di ba?

Bumigat ang tensiyon sa paligid. Sa unang pagkakataon, nakita ko kung gaano sila ka-seryoso ngayon.

"Naka-confine pa rin ba siya ngayon?" tanong ni Tiboy.

Tumango ako bilang tugon.

"Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman," sabi ni Reggie.

Natahimik ulit kami ng ilang minuto, pilit pinapasok lahat ng impormasiyon.

"Kailan niyo balak na bisitahin?" tanong ko.

Hinarap ako ni Tiboy. "Natatakot ako, pare. Hindi ko alam kung makakaya ko ba. Una sa lahat, maraming baliw roon-"

"Ibang-iba sila sa mga nakikita mo sa palabas, Oyo. Hindi sila ganun."

"Sabi nga nila, pagtripan mo na lang lahat ng tao, 'wag lang ang mga baliw."

Nagkunot-noo si Tiboy. "Grabe ka naman. Hindi nga ganun si Joy. Nakasama mo na siya, 'di ba?"

"Oo, pero nag-iba na ang tingin ko, Tiboy. Kaya pala ganun siya...kasi may sira pala siya sa utak-"

"Mag-ingat ka sa sasabihin mo, ha," banta ko.

Pumagitna si Reggie sa amin. Hinamon niya ako nang tinginan.

"Bakit, Lester? Bakit ganyan ka? May gusto ka ba kay Joy, ha?"

Hindi ako nakasagot. Tumayo si Tiboy at hinawakan siya kaso umiwas si Oyo.

"Hindi mo ba nakikita?" dagdag niya. "Baliw siya. May sira siya sa utak. Tapos gusto mo siya? Ibang klase."

Tinuro ko siya. "Huwag mo siyang pagsalitaan nang ganyan!"

"Isipin mo muna kung may patutunguhan ba 'yang nararamdaman mo. Sigurado ka bang kilala mo talaga ang babaeng 'yun?"

Susugod na sana ako pero hinawakan ni Reggie ang mga balikat ko.

"Pare, kalma..." bulong niya.

Nagpumiglas ako pero mas malakas siya. Nagbuntong-hininga pa si Oyo bago lumabas sa kwarto. Inis kong hinampas ang pader para doon na lang ibuntong ang galit.

"Pagpasensiyahan mo na lang si Oyo, pare," ani Tiboy. "Hindi natin siya mapipilit."

Pumikit ako at humugot ng hininga para kumalma.

Lumapit si Reggie at tinapik ang balikat ko. "Pupuntta tayo bukas. Pupunta kami."

Kaya naman kinabukasan, alas dos ng hapon, nagpunta kami sa Safe Haven. May mga dala na kaming pagkain. Hindi namin kasama si Oyo.

Naiinis din ako sa kanya. Hindi maganda iyong mga nasabi niya. Totoo ngang may sakit sa utak si Joy, pero iba ang kaso niya.

"Nakakatakot naman dito," sabi ni Reggie.

Naglalakad kasi kami sa liblib na eskinita. Kumpara noong nakaraang taon, mas tumaas ang mga puno kaya kahit maaraw, madilim pa rin ang paligid.

"May mga hot nurse kaya rito?" tanong niya.

"Hanggang dito, babae pa rin nasa isip mo?" ani Tiboy.

"Ay malamang sa alamang."

"Nasaan na ba ang girlfriend mo?" tanong ko sa kanya.

"Break na kami kagabi."

Natingin sa kanya si Tiboy. "Na naman? Naks...daig mo pa si Flash sa bilis, ha."

"Hindi kami compatible."

"Sus, ayan na naman ang mga palusot mo, Regilio."

Natawa na lang ako. Binati ulit ako ni guard nang dinaanan namin siya para mag-log in. Nang makapasok, halos mabali ang mga leeg nila kakatingin sa paligid.

Mas dumikit din sila. Hindi ko naman masisisi kung ganyan ang nararamdaman nila kasi naranasan ko rin 'yan noon.

Totoo rin naman kasing may ibang awra ang ospital na 'to.

"Uy!"

Mula sa may gilid, nakita namin si Phil na may hawak na basket na puno ng mga prutas.

Napangiti ako at tinanguan siya. Pinaalam ko kasi kagabi na pupuntahan namin si Joy. Binati rin siya nina Reggie at Tiboy.

"O, nasaan ang payatot?" tanong niya.

"Hay...mahabang storya," si Reggie. Inakbayan niya si Phil at sinabihan kung ano ang nangyari. Nakakatawa nga kasi mas matangkad si Phil kaya nahihirapan siya.

Tinanggal ni Phil ang braso niyang naka-akbay. "Ba't mo ba pinapahirapan ang sarili mo?"

"Nakakainis 'yang height mo, pare," ani Reggie. "Alam mo ba na mas gusto ng mga babae ang mga matatangkad? Tsk. Ano bang sekreto mo?"

May ngiting nakakaloko si Phil. "Three times a day, pare." Kumindat pa siya kay Reggie.

Nang ma-gets ang sinabi ay natawa ako.

"Hindi kaya ni Reggie ang three times a day, eh," ani Tiboy. "Mahina ang junior niya."

Mas natawa pa ako. Hinampas siya ni Reggie.

"Malakas kaya 'to!"

"Sus, nagpapalusot pa, eh."

"Tangina mo, Teodoro," mura ni Reggie. "Sinisira mo ang reputasiyon ng alaga ko."

Umiling ako at natawa. "Nandito na tayo."

Sinabi ko sa kanila ang mga paalala ni Nurse Imelda sa 'kin nung nakaraan. Sa totoo lang, bawal naman talaga ang mga hindi kadugo, pero ibang kaso kasi Joy.

Bukod kay Tita Matilda, wala na siyang mga bisita. Kaya pinayagan ang mga kaibigan na dumalaw.

Natahimik sila at nag-tinginan. Binuksan ko na ang pinto at nanigas nang makita namin si Joy na nasa harapan ng TV at namimili ng channel. Naka-pameywang ang kaliwa niyang kamay at iyong isa ay may hawak na remote.

Sa sobrang taas kasi ng buhok niya, idagdag mo na rin ang hospital gown, aakalain mo talagang white lady, eh.

Wala na siyang dextrose ngayon at parang masisira na yata ang remote sa panggigigil. Sabay kaming nagpigil ng hininga nang tumingin ang nakakatakot niyang mukha sa 'min.

"O?" aniya.

"Hello," si Phil ang unang pumasok at inilapag ang dala sa mesa.

Sumunod kami at inilapag na rin ang mga dala. Nakalagay na sa vase ang mga bulaklak na binili ko sa nakaraan. Lihim akong napangiti dahil dun.

"May junk food kayo?" tanong ni Joy at inusisa ang mga dala.

"Bawal sa 'yo 'yan," ani Phil.

Sinamaan niya ng tingin sina Reggie at Tiboy na parang sundalo kung makatayo sa gilid. "Anyare? Tuyong-tuyo na ba?"

Natawa kami ni Phil.

Gumalaw si Reggie at tinuro si Tiboy. "Uy, siya ang tuyong-tuyo."

"'Yan ang akala mo, Reggie."

"Putulin mo na nga 'yang buhok mo," sabi ni Reggie na kumakagat ng apple habang kumportableng nakaupo sa sofa.

"Ayoko nga."

Nang umakyat si Joy sa kama, nakita ko ang peklat niya sa paa.

"Gusto mo bang i-braid ko 'yan?"

Napatingin kaming lahat ni Tiboy.

"Marunong ka?" si Reggie.

Tumango siya. "Sa rami ba naman ng kapatid kong babae."

Nang pumayag si Joy ay umupo siya sa stall. Grabe, halos tumungtong na ang buhok niya sa sahig. Ang bigat siguro niyan. Sinimulan na ni Tiboy ang pagbe-braid.

"Nasaan na pala si Yo?"

Natahimik kami sa tanong ni Joy. Tumingin sila sa 'kin, nanghihingi ng tulong.

"Ah...hindi siya pumunta kasi may iba siyang ginagawa."

"K."

Nanood lang kami ng mga palabas at pinaglaruan at tinukso ang junjun ni Reggie sa buong oras na nandun kami.

Sobrang nagpapasalamat ako kasi kahit alam nila ang tungkol sa nangyari kay Joy, hindi pa rin nila ito tinatrato na parang may mali.

Habang nagtatawanan, lihim kong pinagmasdan si Joy, at gumagaan na ang loob ko. Iyong tawa niya...kahit sobrang kakaiba ay umaabot sa puso ko.

Tama si Oyo na hindi ko pa yata siya kilala nang lubusan. Pero handa akong makita ang mga kahinaan niya. Handa akong alagaan siya.

Natatawa akong umilling. Hay, parang ako yata itong nababaliw.
Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.