More Than What Meets The Eye

All Rights Reserved ©

Chapter 35

Chapter 35



"Natatakot ako. Is it really safe?" tanong ni Lovely.

Her job as a preschool teacher shaped the way she talks. Kaya nagpapasalamat ako dun. Hindi na siya sumisigaw kagaya nang dati, at mas naging mature na rin siya. Pero hindi pa rin ako boto sa pagbo-boyfriend ni Lovely.

"Malakas ang ulan pero signal number one na raw ito," I replied. "There's nothing to worry about it."

It was cold inside the airport. Mula sa labas, sobrang lakas ng hangin at ulan. It's roaring as if it's very angry. Kanina pa kami rito at laging nade-delay ang flight. Naiinip na rin ako.

Ngumiti ako kay Mama na nagkakape habang nakaupo. Tinanggal ko ang jacket na suot at ibinalot ito sa kanya.

"Okay ka lang, Ma?" tanong ko.

Tumango siya. "Okay lang."

"This is the worst summer ever." Umupo si Lovely sa tabi ni Mama sabay krus ng braso.

Pagkatapos ng isang oras ay nakasakay na kami sa eroplano. Malalim na buntong-hininga ang pinakawala ko pagkaupo. Katabi ko si Mama habang si Lovely naman ay nasa likuran.

"Okay ka lang?" tanong ko kay Mama.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan," she said with a smirk. "Sampung taon ka na ring hindi nakakabalik dun."

"Ma...seven years po. Pitong taon mula nung lumipat tayo."

Humalakhak siya nang mahina.

Kinailangan naming lumipat para sa pag-aaral ko. Medyo umayaw ako kasi ang dami nang sinakripisyo ni Mama para sa mga gastusin. I almost stopped but she pushed me until the end.

Para na rin daw malapit sa med school. Mahirap mag-adjust sa mas siyudad na lugar, pero wala na rin akong magagawa.

After all, we are happy with all that we have.

Matapos ang kalahating oras, we arrived safely at our hometown. Umuulan pa rin pero hindi na masyadong malakas. Everything felt so new. Halos bago na lahat ng mga building.

Inilaan ko ang unang sweldo para tubusin ang lupa namin. I know that my mother still treasures the place. Doon rin kami lumaki kaya mahirap itong bitawan.

We arrived with my car, at habang nagmamaneho, I couldn't stop looking at the changes. Mas naging maunlad na ito kumpara noon.

"Oh my gosh," sabi ni Lovely pagdating namin. "You remodeled the house, Kuya?"

"Ah, konti lang."

"Anong konti? It's amazing!"

Inayos ko nang konti ang design ng bahay. Dahil naging architect ang ate ni Tiboy, siya na rin ang pinatrabaho ko rito. It's a simple contemporary two-storey house. Maliit lamang pero maluwag.

"Gumastos ka pa rito," sabi ni Mama nang makapasok.

Si Lovely naman, inikot ang buong lugar. Inilapag ko ang mga bag sa bagong sofa. The interiors of the house are a mixture of black and white.

"Ma, okay lang. 'Tsaka, plano ko rin naman talagang baguhin ito."

Nagbabadya na ang mga luha niya nang humarap sa 'kin. "Maraming salamat, Lester."

"Wala pong problema, Ma."

Naputol ang pag-uusap namin nang may kumatok na mga kapitbahay.

"Gina?! Ikaw na ba 'yan?" rinig ko.

Natawa ako at tumango sa kanya bago siya nagpunta sa labas. Nagpunta ako kay Lovely na nasa likuran.

"Maghanda ka ng snacks. Nandito ang mga dati nating kapitbahay," sabi ko.

"May stocks ba?"

Tumango ako. "Pinakiusapan ko sina Oyo na palagyan. Pupunta rin sila bukas at may trabaho pa raw."

"Teka, aalis ka?" sabay turo niya sa hawak kong susi. "Saan ka pupunta?"

"Sa tabi-tabi lang."

Pero mukhang hindi siya naniniwala. Nakangiti siya sa 'kin bago ako nilampasan. Umiling na lang ako.

Nasa sala na lahat ng mga kapitbahay. Pasimple akong lumapit kay Mama para magpaalam.

"Aalis muna ako, Ma," bulong ko.

Kagaya ni Lovely, nakangiti rin siya sa 'kin a tumango.

"Ikamusta mo ako, ha?" aniya.

Nagtaas ako ng kilay at napangiti. "Anong ibig mong sabihin?"

Hindi niya ako sinagot nang sumingit ang isang kaibigan ni Mama.

"Ito na ba ang anak mo, Gina? Naku, ang laki na pala, ah."

I awkwardly smiled at them.

"Doktor ka, 'di ba? May asawa ka na ba?"

Lovely snorted from the kitchen. "Single na single po 'yan."

"Naku, may anak akong kaedad mo. Nurse siya sa bayan. Mukhang bagay kayo, hijo."

Inilapag ni Lovely ang mga baso sa coffee table. "Pero hindi na po siya available."

Natawa ako lalo na at nawala ang ngiti niya. Nagpaalam ako sa kanila at pumasok na sa sasakyan. Nang pinaandar ito, bigla na lang tumaas ang mga balahibo ko.

It made me smile because I remember the days.

Napadaan ako sa gym at tindahan na tinatambayan namin noon. Naging covered court na ito at iyong tindahan naman ay parang naging Seven Eleven.

Ang dami na talagang nagbago rito. Pati ang sakayan ay naging pormal na terminal na. Ang tiangge rin ay na-develop.

May mga bagay talaga na mahirap ipaliwanag kasi hindi natin ito nakikita. During my existence, I believed that we all have different levels of sensitivity.

Ika nga, you can never be strong at all times, but you can always be brave.

Isang taon pa lang mula noong nakapasa ako sa bar at naging isang ganap na doktor, pero marami na akong nakitang dugo at mga buto. Being in the orthopedics, I saw worse cases than knee injuries.

Pero nakita ko rin kung paano ito naghilom. I saw how each ligaments heal and how the bones bond to one another.

It may be tragic now, but as time goes by, you can still walk.

Kaya sobrang iba nito mula sa sakit sa utak.

I would lie if I'll say that I already forgot about Joy...because she's unforgettable.

Ever since that day, she never left my mind.

She became my anchor during those times that I really wanted to give up. Her smiles became my inspiration every failing grade I had.

I bit my lips to control myself. Nanginginig kasi ang mga kamay ko. Lalo na nang papasok na sa pamilyar na daanan.

Kung noon, halos pinapalibutan ito ng malalaking puno, ngayon ay semento na ang daanan at may mga poste na ng ilaw.

Mahina akong natawa nang maalala kung paano ako tumakbo sa takot nang maglakad rito sa gabi.

I bit my lips harder when I saw the botanical garden and the playground. Everything changed, and it's not that scary anymore compared before.

Safe Haven. For others, it would look like a haunted place full of crazy people. But for me, it became one of my home.

Nang mai-park na ang sasakyan, huminga muna ako nang malalim bago lumabas. Sampung taon na rin simula nung huli akong nagpunta rito, pero naaalala ko pa rin ang lahat.

Nalungkot ako nang bago na ang guard rito at hindi na si Kuya Edwin. Matapos mag-log in ay pumasok na ako. Halos balutin pa rin ng puti ang paligid.

I became familiar with the wall and remember how I used to be here every day. Kahit malamig ay pinagpapawisan ako. Lalo na nang umakyat sa pamilyar na hagdanan.

Bumalik ang lahat sa akin na para bang kahapon lang ito. Iyong una akong napadpad rito, unang pag-CR, unang pagtakbo...it is still so fresh.

Nagkita kami ni Ninang sa pangalawang palapag. I immediately helped her carry the heavy bags.

"Lester?" aniya na may ngiti sa labi. "Ikaw nga!"

Kaagad akong napangiti. Puti na ang mga buhok niya, at bukod roon halos walang nagbago.

"Dito ka pa rin pala nagtatrabaho, Ninang," sabi ko.

"Lulubusin ko na ang pagkikita natin, Lester. Tulungan mo naman ako nito."

Natawa ako. "Sige, po. Walang problema."

"Naku, salamat. Matanda na kasi ako," natatawa niyang sabi. "Doon mo na lang ilagay sa sasakyan na may mga bagahe, ha. Nasa parking lot lang 'yun"

"Sige, po."

"Mag-usap tayo pagkabalik mo."

Kaagad kong binuhat ang dalawang mabibigat na bag sa dalawang kamay. Dinala ko ito papunta sa sasakyan na sinabi ni Ninang. Sa sobrang bigat, akala ko mababali na ang mga braso ko.

May tatlo pang bag na nandun. In-arrange ko ito at pinagpagan ang mga kamay.

Nang babalik na sana ay napako ang dalawa kong paa sa tinatapakan nang makita kung sino ang lumabas mula sa ospital.

Malakas ang hangin kaya lumilipad ang hanggang leeg niyang buhok...at nakakapanibago iyon. Nakapantalon siya at simpleng itim na blouse at hindi naka-bestida.

Biglang naging malabo ang paningin ko nang magsimulang magtubig ang mga mata. Nakasuot din kasi ako ng contact lens kaya medyo sagabal ito. Kaya naman kinusot ko na ito.

Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Rinig na rinig ko iyon lalo na at papalapit na siya sa 'kin. Ito ang una kong naramdaman noong una naming pagkikita, eh.

Para akong nanghihina lalo na at nakatingin na siya sa 'kin.

"Joy..." mahina kong bulong.

Tinatago niya ang ngiti niya. "O, ano pang tinutunganga mo diyan? May mga bag pa sa loob."

Hindi ko siya pinakinggan at kaagad na niyakap. Medyo naninibago pa rin ako sa maiksi niyang buhok, pero mas niyakap ko siya nang mahigpit. Mahina siyang tumawa.

Nang kumalas ako, hindi ko na talaga napigilan ang maluha.

"Nandito ka pa rin," mahina kong sabi.

"Technically, hindi na. Last day ko kasi ngayon." May tinuro siya sa likod. "Mga gamit ko 'yan."

"Anong last day?"

Doon ko napansin na mas may kulay na ang mukha niya. Wala na ang maiitim at malalaki nitong eyebags at kulay rosas na rin ang mga labi. Napatitig ako sa nunal ng ilong niya.

"The treatments worked," aniya. "I'm okay now."

Nasa entrance si Ninang at nakatingin siya sa 'min. May ngiti sa mga labi niya. Napatingin na rin si Joy sa kanya.

"Hiramin mo na 'yan," sigaw niya at natawa pa.

Hindi ko na rin napigilang matawa at nag-thumbs up.

"Pwede raw kitang hiramin," sabi ko.

"Sige."

Hindi pa rin ako makapaniwala na nagkita ulit kami ni Joy. Hindi pa rin nagbago ang paningin ko sa kanya kahit sampung taon na ang nakalipas.

Kaya habang nagmamaneho, patingin-tingin pa rin ako sa kanya. I don't know if I'm dreaming, but if this is really a dream, I don't want to wake up.

"Tingin ka nang tingin ka sa 'kin, ha," aniya. "Huwag mo naman ipahalata na namiss mo 'ko masyado, Dok."

A smirked appeared on my face. Hearing her say it makes me forget how hard it is to become one.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya.

"Sa bahay-"

"Liko ka sa kanan."

Naguguluhan ako pero sumunod ako sa kanya. She keeps on giving me directions.

"You cut your hair," sabi ko.

"Bagay ba?"

Tumango ako kaya napangiti siya.

"I guess, kailangan ko na ring pakawalan ang buhok ko. I just cut this two years ago, at pinatili ko na."

My smile disappeared especially when we arrived at a cemetery. Hindi maalis ang kaba lalo na at baka may mangyari, kaya naman habang naglalakad, tingin ako nang tingin sa kanya.

I don't know where we are going so I just followed her. Then we stopped.

Una kong nakita ay ang pangalan na Regina Paraiso at Dennis Paraiso. Kaagad akong nag-alala pero natawa lamang siya.

"Ba't ganyan ang mukha mo?" aniya. "Don't worry...I'm fine now."

Tumango ako, pero hindi pa rin ako nawalan ng kumpyansa. I can't afford to see her hurt again.

"Nalaman ko na pinalipat pala ni Tita ang labi nila rito five years ago. At...ito ang unang beses ko rito." Tumingin siya sa 'kin. "It has been 16 years, Lester."

Ngumiti ako sa kanya. Pinagmasdan ko siya lalo nang lumuhod at hinaplos ang mga pangalang nakaukit. Matapos ang ilang minutong pagtitig ay tumayo na siya.

"Tara na," yaya niya pero hinawakan ko ang mga kamay niya para pigilan siya sa paglakad. "Bakit?"

My heart was beating so loud. I can almost hear it. But this is the time. Hindi na kami mga bata, at hinihintay ko ang panahon na 'to. So I did not hesitate anymore.

"Joy, this may sound weird, but will you marry me?"

Ngumiti siya kaagad na para bang inasahan na niya 'yun. Habang ako naman ay halos himatayin sa kaba.

Ilang taon na ang lumipas pero wala pa rin akong ibang nakita bukod sa kanya. Kaya naman kampante ako na siya ang babaeng gusto kong makasama sa habang buhay.

Pero hindi ko rin alam kung ganoon din ba ang nararamdaman niya.

But when she stepped forward and put her arms around my neck, I held my breath. Sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin na nararamdaman ko ang pamumula ng mga tenga.

"Ang tagal kong hinintay na sabihin mo 'yan, Lester," she whispered. "So, yes. I will mary you."

Sinamantala ko na ang sitwasyon at hinalikan siya.

Joy is a very different person. She thinks in a unique way. At kahit alam ko ang nakaraan niya at kung paano ito katindi, tanggap na tanggap ko ito nang buong puso.

Her love helped me see that not all strong people are really courageous. Some people just chose to be one for survival. And it's never easy.

Joy is always brave, but I knew that she had something behind her. And I dare to look more than what meets the eye.

She'll always be my home.

At sa kanya pa rin ako uuwi.



* * *

Note: though this is the last official chapter, there will be a special one after.

xx.

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.