More Than What Meets The Eye

All Rights Reserved ©

End

End



Bwisit.

Tumunog na naman ang walang silbi na kampana.

"Alas kwatro na. Pasok na," sabi ni Imelda.

Isa siyang nurse dito. Siya talaga ang pinaka-ayaw ko, eh. Bukod sa usisera, pakialamera pa. Nasa mid-30s na siya pero wala pa rin asawa. Palibahasa, masungit kasi.

"Pumasok ka na, Joy."

"Papasok na nga, 'di ba? Hindi ba halata, ha?"

Nagkrus ako ng braso at inis na pumasok sa kwarto ko. Sumunod siya at isinara ang mga bintana.

"Kaya ko naman 'yang gawin," inis kong sabi. "Hello...may mga kamay ako."

Halata na nagpipigil siya ng galit pero hindi niya pinapakita.

"Unang araw mo na walang camera, pero hindi ibig sabihin nun, pinagkakatiwalaan na kita," sabi niya pa.

"Wala naman akong pakialam sa tiwala mo, Imelda."

"Ayusin mo lang. Patay ka talaga sa 'kin kung may gagawin kang hindi maganda."

"Patay ka talaga sa 'kinn kung may gagawin kang hindi maganda," gaya ko.

Nagbuntong-hininga siya bago isinara ang pinto.

Tumayo ako at pinatay ang aircon. Ayoko naan kasi sa amoy nito. Mahangin sa labas kaya binuksan ko ng mga bintanang sinara ng pakialamerang si Imelda.

The moment that the wind entered, I smiled. Iba talaga ang preskong hangin, lalo na at hinahangin din nito ang mataas kong buhok.

Nasa second floor ang kwarto ko kaya sa tuwing hapon na, para akong nagsa-sight seeing sa bintana ko. Doon ko nakita na may lalakeng naglalakad papasok sa eskinita.

I laughed especially when he's holding the strap of his bag. Tinitigan ko siya nang mas mariin at doon ko naaninag na naka-salaminn pala siya.

Mukhang may bata na namang gustong mag-trespass. Noong nakaraang linggo, may nahuli ring mga grupo ng magkakaibigan na maggo-ghost haunting dito.

Losers.

Dapat mas matakot sila sa mga baliw kaysa mga multo. 'Tsaka anong akala nila rito? Haunted house? Ulul.

I smirked as I thought of something.

Dahil ito ang unang araw na wala akong camera sa kwarto, lumabas ako nang walang kahirap-hirap. I mean, nakakatakatas nga ako nung may tatlong camera pang nakatutok, ngayon pa kaya?

I just became cautious about the nurses. Dumaan ako sa makitid na daan malapit sa may exit door para hindi talaga nila ako mapansin.

Dahil alas kwatro na, wala na ring mga tao sa playground. Sakto namang liliko na sana ako ay napahinto ako nang makita iyong lalake kanina na sumisilip sa loob.

Pinigilan kong matawa kasi parang nakanguso ang puwet niya kakasilip sa maliit na singit ng pinto.

Inayos ko muna ang pulang bestida at ang buhok bago ako lumapit, pero parang masyado siyang absorbed sa sinisilip niya at hindi ako napansin.

Lumapit pa ako sa gilid ng mukha niya, pero hindi niya pa rin ako nakikita. Kaya lumapit na ako sa tenga at doon na bumulong.

"Huy."

Natakot ako lalo na nang tumalon siya. Dahil doon, nahulog ang suot niyang salamin. Hinawakan niya ang dibdib niya at sobrang hinihingal. Nataranta naman ako nang bigla na lang siyang umupo sa baba.

Kaagad kong pinulot ang salamin sa hig at sinubukan itong isuot. Sumakit bigla ang ulo ko sa taas ng grado kaya hinubad ko kaagad.

Ibang klase.

"S-S-Sino ka?!"

Pinigilan kong matawa lalo na at nagmamatapang siya. Inilapit ko ang mukha ko para pagmasdan siya.

In fairness, gwapo siya kapag walang salamin. Medyo may pagkasingkit ang mga mata at maayos na naka-align ang ngipin.

He would have been a heartthrob in the movies if he's not nerdy.

Pilit niyang kinukurap-kurap ang mga mata. Kawawa naman. Kaya inilapit ko ang mukha nang isinuot sa kanya ang salamin.

Parang tumigil yata ang puso ko nang tumitig siya sa 'kin na para bang mas hinihila ako papunta sa kanya.

I can literally hear my own breathing.

I have never been this thrilled before. Gusto ko pa siyang makilala. He would be the perfect sidekick. Loser, nerdy, talunan, matatakutin. Kaya hindi ko napigilang mapangiti.

Nagulat siya roon kaya umatras siya. "Huwag kang lumapit!"

Tumayo ako nang maayos at inayos ang laylayan ng bestida. Naaaliw ako sa kanya. Sobrang talunan kasi.

I found out that he's checking me out, kaya natawa ako.

"M-M-Multo ka ba?" nauutal niyang sabi.

Nagkunot-noo ako. Tama nga ako at napadpad siya rito dahil sa mga multo-multo. Ganoon ba katindi ang tsismis sa lugar na 'to?

Natawa ako sa naisip kaya napaatras na naman siya. Naaawa ako sa puwet niya kasi maraming mga bato roon, pero mukhang hindi niya iniinda. 'Tsaka bakit ba siya takot na takot?

Nahinto ako sa pagtawa. "Chill. Hindi ako multo, ano ka ba."

Tiningnan niya ako na parang hindi pa rin naniniwala.

"Talaga?" mahina niyang tanong.

Nakangiti ako nang tumango. Mas lalong pinapakita ng mukha niya na hindi siya naniniwala.

Mukhang uto-uto rin yata siya kaya mas maganda.

Naglakad ako papalapit at hinawakan ang mga pisngi niya. Napangiti ako lalo na at ipinikitniya ang mga mata. Nanginginig na rin siya, ha, mukhang takot na takot.

Nang binuksan ang mga mata, napalunok ako. Ano ba 'tong epekto niya sa 'kin?

"Mainit ang mga kamay ko," bulong ko. "Hindi pa ako patay."

Ngumiti ako sa kanya nang inalis niya ang mga kamay ko at kusang tumayo. Pinagpagan na rin niya ang puwetan.

In fairness, cute siya. Lalo na at namumula na ang mukha niya. Hindi tuloy siya makatingin sa 'kin diretso sa mata.

Awww, nahihiya ba iya? Ang cute naman.

Mukhang mas bata pa siya sa 'kin, pero ang daya kasi mas matangkad siya.

"Pasensiya na," mahina niyang sabi.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. "Bawal kaya ang mga ligaw na tao rito. Unless may bibisitahin kang kapamilya o kaibigan."

Tumikhim siya. "Ano... tumitingin lang..."

"Bawal nga, aba."

Nahinto siya at nagtingin-tingin. "Bakit nga pala...walang tao..."

Mahina akong humagikhik. "Alas kwatro na, kailangan nang ipasok ang mga pasyente sa mga kwarto nila. Kaya rin walang nurse kasi nag-a-assist."

"Ah..." sabay tango niya.

Natawa na naman ako sa mukha niya. Para kasi siyang batang ligaw, alam mo 'yun? 'Tsaka kitang-kita ko rin ang basa niyang kili-kili.

"Kaya ka ba...takot?" tanong ko.

Nag-iwas siya ng tingin.

"Walang multo rito," sabi ko. "Mga baliw siguro, marami, pero walang multo. Mga tsismis lang 'yun, 'no."

Bumaling siya sa 'kin. Kanina pa siya ganyan, ah. He's really checking me out. Haha!

"Nagagandahan ka ba sa 'kin?" tanong ko sabay turo sa mukha.

Hindi siya nakapagsalita sa gulat. The way his eyes were enlarging, he looked like a cat. Sayang naman kung may girlfriend siya.

But he looked like a loser to have one. Magugulat talaga ako kung meron.

Natawa ako sa naisip.

"Salamat ha," sabay lagay ng ilang hibla ng mataas kong buhok sa likod ng tenga. "Alam ko naman na maganda ako. Hindi ko lang ine-expect na speechless ka sa beauty ko."

May sasabihin pa sana siya pero hindi niya tinuloy.

Mula sa glid ng mata, nakita ko si Imelda na papunta rito kaya nawala ang ngiti ko.

Kainis. Kahit kailan talaga, napaka-pakialamera. Bwisit siya. Marami pa akong gustong itanong, eh.

Bad timing talaga siya!

"Mauna na ako," sabi ko. "Bye... ano bang pangalan mo?"

"Lester."

Ang baduy naman. Ano bang trip ng mga magulang niya? Hello? Generation Z na kaya ngayon, tapos Lester?

Tumango-tango ako. "Ah... bye, Lester."

Kumaway ako sa kanya. Hay, sana magkita tayo ulit. Tumango siya at kaagad akong naglakad palayo bago pa ako mahuli ni Imelda.

Since then, I hoped every night to see that loser again.



Continue Reading

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.