More Than What Meets The Eye

All Rights Reserved ©

Chapter 6

Chapter 6



"Ano ka ba naman," sabi ni Joy. "Parang magcu-cutting lang naman."

Hindi ko alam kung bakit ganyan ang takbo ng utak niya. Simula nung nagkakilala kami, hindi ko talaga alam kung ano ang matino niyang pag-iisip.

Dahil sa ID niya, sigurado ako na hindi na talaga siya baliw. Wala naman sigurong skwelahan na magpapasok ng estudyanteng may kapansanan sa utak, 'di ba? Nakakalabas din siya sa ospital. Pero 'yung ugali niya...hay nako.

"Huwag mo nga akong dinadamay diyan," sabi ko.

Tinuro na naman niya ako ng stick. "Don't tell me..." sabay tingin nang malagkit sa 'kin, "hindi ka pa nakakapag-cutting?"

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi pa nga. Kahit parang mga basagulero ang mga kaibigan ko, tutok kami sa pag-aaral. Nasa top ten nga kami ni Oyo, eh. Kaya hindi pa namin 'yan nasusubukan. Wala rin naman kaming planong sumubok.

"Mukhang hindi pa nga," natatawang sabi niya at humarap kay manong. "Tingnan mo, Alfred. Kawawa naman."

Mahina ring humagikhik 'yung taga-benta. Nagkunot-noo ako sa kanila.

"Masama 'yan," giit ko.

"Eh, ano ngayon?"

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Ibang klase. Parang nasubukan na nga niya iyon ng ilang beses.

Tumingin siya sa cellphone habang nagsasalita. "Sama ka, ha."

"At bakit naman ako sasama sa 'yo?"

Napunta sa 'kin ang patay niyang mga mata. "Kasi sabi ko."

Umiling ako at naglakad na palayo kaso hinawakan niya ang braso ko. Palaisipan pa rin sa 'kin kung ba't mas malakas siya kaya naman nahinto ako. Dumiin din iyong mga kuko niya.

"Ang KJ mo naman!" aniya. "Promise, mag-eenjoy ka." Binitawan niya ako at sinukat ng tingin. "Kaya pala..."

"Kaya pala ano?" tanong ko.

"Kaya pala niloko ka," sabay iling. "Wala ka kasing ka-thrill-thrill sa katawan."

"Ayan ka na naman." Nagbuntong-hininga ako, napapagod na.

May dumating na puting SUV sa tapat namin. Pumalakpak si Joy. Nang binuksan niya iyon ay kaagad niya akong tinulak sa loob.

Kahit todo ilag ako, hindi ko pa rin siya kaya. Naipasok niya ako sa loob nang walang kahirap-hirap. Pagkasara niya sa pinto ay bubuksan ko na ulit 'to kaso hinarangan niya ang kamay ko.

"Hep, hep...hindi na pwede," aniya.

"Hindi na nakakatuwa, Joy. May pasok pa ako. Pwede ba? Tama na ang biro," inis kong sabi.

"Sinong may sabing nagbibiro ako?"

Biglang umandar ang sasakyan kaya tumingin ako sa harap. May nakita akong lalake na mukhang desente. Naka-yellow na long sleeves siya at parang mas matanda ng ilang taon sa 'kin.

"Huy, Phil...lakasan mo nga ang aircon," ani Joy.

Parang close silang dalawa. Ka-anu-ano ba sila?

Tiningnan ako nung Phil mula sa salamin. "Sure ka ba na isasama natin siya?"

"Oo, naman."

"Phil nga pala pare," sabi nung lalake. May malalim siya na dimple sa kanang pisngi.

"Siya si Silvester," sabay turo ni Joy sa 'kin.

Nagkunot-noo ako. Malapit na ala una at mukhang nasa ibang daan kami. Huli na ako sa klase. Pinigilan ko ang inis sa pagsandal. May space sa pagitan namin ni Joy pero ramdam na ramdam ko na nakatingin siya.

"Ganyan ka ba ka-badtrip? Isang klase lang naman 'yan," ani Joy. "'Tsaka, grades doesn't define your life-"

"Your future," putol ni Phil.

"Tama! It doesn't define your future. Magpasalamat ka nga at isasama kita."

Natawa si Phil. Hindi na lang ako umimik.

Ba't ba ako sumabit sa ganitong sitwasyon? Una, hindi kami close pero kung maka-asta parang kilala na ako nang ilang taon. Pangalawa, ang daming tanong sa utak ko. Palaisipan pa rin ang buong pagkatao niya. Pangatlo, ba't ba ang lakas niya?

Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa isang napakalakas na tapik sa bilakat mula kay Joy. Kaya naman muntikan na akong umiyak.

"Ang OA, ha. Mahina lang naman 'yun, eh. Lumabas ka na. Tumutulo pa laway mo, o," aniya.

Lumabas na siya sa SUV. Wala na rin si Phil. Hindi pa ako gising masyado kaya hindi ko pa ma-digest kung saan na kami o ano ang nangyayari.

Inayos ko ang salamin at tumingin sa relo. 2:24 PM. Teka, isang oras kami bumiyahe? Pinunasan ko ang pisngi pero wala namang laway. Ang lakas talaga maka-imbento.

Nang lumabas ako ay kinusot ko ang mga mata sa ilalim ng salamin at napanganga nang makita kung ano ang nasa harapan.

Mga hot air balloon! Napakarami nito! Iba-iba ang kulay at ang laki! Parang nasa mga sampu yata iyon o higit pa. Ang dami ring tao at may mga foreigner pa. Sa gilid, may mga stall na puro pagkain. May announcer din at parang may program na nagaganap.

Para kaming nasa isang patag at malawak na lugar. Hindi ganoon kainit pero masakit pa rin ito sa balat.

"Gising ka na pala," sabay lapit ni Phil sa 'kin. Kumakain siya ng hotdog-on-stick.

Matangkad siya. Kahit naka slacks at itim na sapatos, kitang-kita mo kung gaano kahaba ang mga biyas. Napaka-pormal niya. Parang galing siya sa meeting o ano.

"Nagtataka ka ba sa suot ko?" tanong niya.

Nag-iwas ako ng tingin.

Tumawa siya. "May thesis proposal kasi kami ngayon...kaso tinawagan ako ng nag-iisang Happiness Paraiso kaya naman nag-cutting na ako."

Napanganga ako. "T-Thesis?!"

Tumango siya, hindi man lang naapektuhan.

Kung ako niyan, hinding-hindi talaga ako papayag. Magkaibigan yata sila. Pero mas matimbang pa ba ang pagkakaibigan laban sa thesis?

"Ayan na pala siya," sabay nguso niya kay Joy na papunta rito.

Magkatagpo ang kilay niya at nagdadabog. Nakakrus din ang mga braso at parang galit...na galit...na galit... na galit...

"Putangina!" sigaw niya. Napapatingin tuloy ang ilan sa amin. "Putangina talaga!"

Medyo naninibago ako sa pagmumura niya. Mukha kasi siyang anghel. 'Tsaka 'di rin bagay.

Mahinang natawa si Phil sabay tapon ng stick sa kung saan. "Bakit?"

"Bwisit talaga! Bwisit!"

"Bakit nga?" tanong ulit ni Phil. Nakatingin lang ako sa kanya, medyo natatakot. Para kasing tigre, eh.

"Hindi tayo makakasakay sa putanginang hot air balloon na 'yan." Itinaas niya ang dalawang gitnang daliri sa ere. "Sana magsiputukan kayo sa hangin kagaya ng condom ng Papa ko. Mga bwisit!"

Patuloy pa siya sa pagsisisigaw kaya naman lumapit na ako at tinakpan ang bibig niya gamit ang mga kamay ko. Kaso nagpupumiglas, eh. Pinipilit pa rin niyang magsalita kaya naman ramdam na ramdam ko ang laway niya.

Si Phil naman tawa lang nang tawa. Pinagtitinginan na kami rito. Gusto ko ngang magtago sa hiya.

Ba't ba ako naipit sa ganito?

Nang kumalma na ay nagpunta na lang kami sa stall. Libre daw ni Phil. Nakasimangot pa rin si Joy lalo na nung nagsimula na sa pagpapalipad.

Nanalo raw kasi siya ng ticket upang makasakay sa isa sa mga balloon. Pwede raw magdala ng hanggang limang tao. Kaso bawal daw kasi ang mga estudyante kaya na-terminate ito.

"Okay lang 'yan," ani Phil kay Joy. "Hindi nga ako nalulungkot na napunta sa wala ang pagtakas ko sa thesis proposal namin, eh."

Tinusok niya ang paper plate ng plastik na tinidor kaya naman halos mabali na ito. Parang dumidiin na rin sa mesa. Namumula ang mga tenga niya...at sigurado ako na dahil iyon sa galit.

Itinaas ni Phil ang cellphone niya. "Smile na lang kayo rito."

Saktong pagtingin ko roon ay bigla niyang pinindot ang click kaya hindi ako nakapaghanda.

"Patingin," sabay hablot ni Joy sa cellphone. "Post mo 'to, ha. Tag mo ako." Tumingin siya sa 'kin. "May facebook ka ba?"

Dahan-dahan akong tumango.

"Instagram?"

"Meron, pero hindi ko ginagamit-"

"Anong pangalan mo sa facebook?"

"Silvester Cruz IV."

Napanganga siya. "Seryoso? Gamit mo 'yang baduy mong pangalan?"

Natawa si Phil. "Ano ka ba naman, hindi kaya baduy ang Silvester."

Hindi siya pinansin ni Joy at tinuro ako. "Palitan mo 'yan ng Lester, tapos tanggalin mo ang IV."

Nagkunot-noo ako. "Bakit naman?"

"Basta palitan mo na lang."

Ayoko. Hinding-hindi ko papalitan.

Si Joy iyong ipo na parang sanay nang mag-utos ng kung anu-ano. Parang sanay siyang magdesisyon para sa ibang tao. At hinding-hindi ko siya hahayaang magdesisyon para sa akin.

Kung nagpadala ang 'kaibigan' niyang si Phil, puwes magkaiba kami.

Malapit nang dumilim nang pauwi na kami. Buong magdamag, nakasimangot si Joy. Halos kami lang ni Phil ang nag-uusap. Lagi ninyang hinihiling na sana raw masiputukan ang mga hot air balloon sa ere.

"Tapos lalaganap ang dugo," sabi pa niya. "Kapag nangyari talaga 'yan, tatawa lang talaga ako kahit nag-iiyakan at nagsisigawan na ang lahat."

Kinikilabutan ako sa kanya. Ba't niya naman hihingilin 'yun?

Ngayon ay tulog na siya sa backseat. Kanyang-kanya ang buong upuan. Kahit tulog, magkatagpo pa rin ang mga kilay habang magkakrus ang mga braso.

"Okay ka lang?" tanong ni Phil na nagmamaneho.

Nasa shotgun seat ako. Takot din naman kasi akong sumama kay Joy sa likod. Baka anong gawin niya sa 'kin. May nagpe-play na kanta sa mahinang radyo, background music kumbaga.

"Hindi," sabay buntong-hininga ko. "Pakiramdam ko kasi may oral na naganap kanina."

Natawa siya. "Pare, ako na ang nanghihingi ng pasensiya, ha. Ganyang lang talaga 'yan."

"Matagal na kayong magkakilala?"

Tumango siya. "High school pa."

Bumaling ako sa kanya. "So, alam mo kung bakit nasa mental hospital 'yan?"

Natahimik siya bigla. Nag-iwas ako ng tingin. Malakas ang kutob ko na may alam nga siya.

"Ganyan lang 'yan pero mabait naman talaga si Joy, eh."

"Mabait?" mahina kong singhal.

Natawa siya. "Naiintindihan kita, Lester pero maniwala ka sa 'kin...si Joy yata ang pinakamabait na taong kilala ko."

Hindi ako nagsalita. Mula sa salamin, tiningnan ko si Joy. Ewan ko kung mahimbing ba ang tulog niya kasi mukhang galit pa rin.

Ang hirap kasing paniwalaan. Kumbinsido ako na sinabi lang 'yun ni Phil dahil may pinagsamahan sila. Pero hindi ko pa kasi siya kilala.

Basta ang alam ko, matigas ang ulo niya, nakakatakot, walang awa...Tapos kung anu-ano pa ang sinasabi para makuha lang ang gusto.

Naghahapunan na sina Mama nang makarating ako sa bahay.

"Ginabi ka, ah?" aniya. "Saan ka galing?"

"May ginawa lang po, Ma," sabay halik sa pisngi niya.

"Hindi ka man lang nag-text."

"Baka may date sila ni Ate," pagtukoy ni Lovely kay Mayumi.

Kahit hindi totoo, tumango na lang ako para hindi na humaba pa ang usapan.

Nang nasa higaan na para matulog, hindi ako mapakali. Nanatili akong nakatingin sa kisame habang nakaunan sa kanan kong braso.

Ang dami kong tanong pero kahit pagsamahin ko 'yung mga nalaman ko kay Joy, wala talaga akong clue, eh. Ang hirap niyang hulaan.

Tumayo ako at napunta kay Lovely. Nakailang katok na ako pero hindi niya pa rin sinasagot kaya binuksan ko na. Nakadapa siya sa kama habang nakatutok sa cellphone. May suot din siyang earphones at mula sa pintuan, naririnig ko 'yung music sa sobrang lakas.

Lumapit ako at patalong humiga sa kama kaya nabitawan niya ang cellphone.

"Kuya!" galit niyang sigaw. "Ano ka ba!"

"Kanina pa ako katok nang katok." Tinuro ko siya. "Huy, ikaw Lovely, hindi na talaga ako magugulat kung tabingi ka na bukas. Ang lakas ng music mo diyan sa earphones mo. Ang dumi na siguro ng tenga mo, kadiri."

"Nandito ka lang ba para inisin ako, ha? Umalis ka na nga!"

"May tanong kasi ako..."

Inirapan niya ako at hinarap ulit ang cellphone niya. "Ano? Bilisan mo, ha."

Humugot ako nang malalim. "May kilala ka bang...Joy?"

Tumingin siya sa 'kin. "Joy? Sinong Joy?"

Naalala ko ang ID niya. "Ah...Happiness...Happiness Paraiso."

Nanlaki ang mga mata niya, nagtataka. "Teka, ba't mo siya kilala?"

Hindi ako nakapagsalita. Nakatingin lang ako kay Lovely na parang tanga.

Binitawan niya ang cellphone niya. "Sa bagay, hindi na ako magugulat kung marami talagang nakakakilala sa kanya."

"Bakit?"

"Kasi, Kuya, ewan ko ba, pero ang weird talaga niya! Transferee siya tapos ni-minsan, hindi ko pa nakita na naka-uniform siya. Ang weird ng fashion style, Kuya!"

Pinigilan ko ang tawa ko. Tumango ako, nagkukunwari na hindi ko alam.

"Ang dami rin niyang kaaway. Wala nga siyang kaibigan kasi ang sabi-sabi, galing daw siya sa mental."

Doon ako sumeryoso. "Ano pang sabi nila?"

"Ang pangit din raw ng ugali. Puno nga ng tsismis kung saan siya galing. Kesyo daw, serial killer, o 'di kaya ay baliw. Kaya wala talagang lumalapit sa kanya."

"Walang...lumalapit?" mahina kong tanong.

Tumango siya. "Minsan nga, sa canteen...imbis na may pila, pinapauna siya kasi lahat ng estudyante ay takot. Iyong mga mata niya kasi...bukod sa malalim ang eyebags, parang nagpaplano na may masamang gagawin."

Tumango ako at nag-iwas ng tingin.

"Ba't mo natanong?" aniya.

"Ano...narinig ko lang din."

Tama nama talaga lahat ng sinabi ni Lovely. Pero ba't ganun...ba't parang nakakalungkot?

Na-imagine ko si Joy na nakaupo lang mag-isa sa canteen at pinagtitinginan siya halos. Alam ko naman na medyo pangit ang ugali niya at alam ko na wala siyang magiging kaibigan sa lagay na 'yun...pero nakakalungkot lang.

Lalo na ang dami pa lang tsismis tungkol sa kanya. Pwede kasi iyon, kasi para din naman siyang serial killer at baliw. Pero 'yung paniniwalaan ang lahat ng iyon kahit walang sapat na ebidensiya...nakakahiya. Nakakalungkot.

Nasa mall ako at nakapila sa cashier. May hawak akong mga sliding folders para sa isang subject. Dito na ako dumiretso pagkatapos ng klase ko.

"Thank you, Sir," sabi ng cashier nang ibinigay sa 'kin ang paper bag.

Tumango ako at naglakad na palayo. Habang palabas na, bigla akong nanigas nang may pamilyar na babaeng nakakandong sa isang matangkad na lalake...gwapo, matikas ang katawan at iyong tipo na kasalungat ko.

Inayos ko pa ang suot na salamin kasi baka nagkakamali lang ako, pero hindi talaga...

Si Mayumi talaga, eh...

At biglang may namuong luha nang hinalikan niya ito sa pisngi.
Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.