Mundos Diferentes

All Rights Reserved ©

CHAPTER 1

CHAPTER 1


Something must've gone wrong in my brain

Got your chemical all in my veins

Feeling all the highs, feeling all the pain

Sumasabay ako sa pagkanta habang nagda-drive ako. Bawas na din sa pagka inip at bawas na din sa pagka stressed sa trabaho.

Let go on the wheel, it's the bullet lane

Now I'm seeing red, not thinking straight

Blurring all the lines, you intoxicate me

Just like nicotine, heroin, morphine

Suddenly, I'm a fiend and you're all I need

All I need, yeah, you're all I need

This passed few days nababad ako sa trabaho at nagbakasyon ng isang linggo at trabaho na naman ngayon. Halos hindi ko na alam kung may nilalaan pa ba akong oras sa sarili ko.

It's you, babe

And I'm a sucker for the way that you move, babe---

"Shit!" Bulalas ko at tinapakan ang break ng sasakyan ko.

Dahan dahan kong inangat ang ulo ko matapos 'kong mahinang nauntog sa manibela.

"Shit! Shit!" Natatarantang ani ko at dali daling tinanggal ang seat belt ko at kaagad na lumabas sa kotse ko.

"Oh my gosh!" Natuptup ko ang sariling bibig ng makita ko ang lalaki na nakahandusay sa harapan ng kotse ko. At dahilan kung bakit ako napahinto ng di-oras.

Kaagad akong nag squat sa tabi niya at kaagad na chineck ang kanyang pulso.

"Thank God." Mahinang sambit ko nang malaman na may pulso pa nga siya. Tumayo ako muli at lumapit sa kotse ko para kunin ang cell phone ko at tumawag ng ambulansya.

Hindi ako mapakali habang hinihintay ang ambulansya dahil na din ang aala-la ako sa lalaki. Feeling ko kasi isa siyang pulubi o di kaya ay isang lalaking na nakatakas sa mental. Mahaba kasi ang buhok nito at ganun din ang kanyang balbas. Ang kanyang balat naman ay sakto Lang ang kulay. Kayumanggi kungbaga.

"Damn!" Inis na sambit ko dahil ang tagal ng ambulansya,malamang ay na traffic ito pero impossible kaya kinuha kong muli ang cp ko at tinawagan si Salome secretary ko.

"Ma'am Lara!" Sigaw nito kaya nalayo ko ng kunti ang cp ko sa tenga ko at muling idinikit iyon sa tenga ko. "Ma'am kanina pa po tapos ang meeting." May panlulumong ani niya kaya napasentido ako.

"Fine, cancel all of my appointment today 'cause may emergency." Ani ko at kaagad na in-end ang tawag at akmang pipindutin ko ang no. Ng pulis ay nagulat ako ng biglang may humawak sa braso ko.

Nanlaki ang mata ko at nagpalipat lipat ang aking tingin sa taong nakatayo sa akin at sa harapan ng kotse ko.

"Paanong?" Nagtatakang tanong ko at muli ay nagpabalik balik ang aking paningin.

Nilingon ko ang tao na nasa gilid ko at halos manghina ang aking mga tuhod sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Ang kulay abo niyang mga mata ay matiim akong tinitignan. At hindi ko mapigilan ang tignan ang kanyang malaki at malambot na palad na nasa aking braso. Muli kong siyang tinignan at nagulat ako ng wala na siya sa gilid ko at mas lalo pa akong nagulat ng makitang nasa harapan ko na siya.

Ganun ba talaga ako na hepnotismo ng kanyang mga mata kaya hindi ko siya napansin?

"W-what do you think are you doing ha?" Nauutal na tanong ko at pinipiglas ang pagkakahawak niya sa braso ko. Ngunit mas lalo niya itong hinigpitan ngunit wla akong nararamdamang sakit kahit nakikita ko na nagsisilabasan na ang kanyang mga ugat sa kamay na talagang Ipinagtataka ko

"Let go of me!" Sigaw ko ngunit tinignan niya lamang ako.

"Help!"

"Help!" Nagsisimula na akong magsisisigaw ngunit mas lalo akong nagulat dahil pagtingin ko sa paligid ko ay nakahinto ang mga sasakyan at ang mga dahon na dapat ay hinahangin pa ibaba ay nasa ere ito at Hindi gumagalaw.

Nang Tumingala naman ako ay nanlaki ang mga mata ko dahil pati ang mga ibon ay nakahinto sa ere. Tanging kami lang ng lalaking ito ang pawang gumagalaw.

"What the?!" Natigilan ako ng biglang may malambot na dumapo sa labi ko. At nang tignan ko ay nagulantang ako dahil magkadikit na ang aming mga labi.

Malakas ko siyang itinulak upang magkahiwalay ang aming mga labi at nakita ko na nang harapan ang kanyang mukha. Sa Kanila ng mahaba at magulo niyang buhok ay bagay ito sa kanya. Ang mahaba naman niyang balbas ay mas lalong dumagdag sa matikas niyang pustura.

"Are you out of your mind? Bakit mo ako hinalikan?!" Sigaw ko.

Imbes na sagutin ang tanong ko ay nagpalinga linga siya at nagulat ako dahil bumalik na sa dati. Gumagalaw na ang lahat. Nang tignan ko ulit siya ay nagtataka na ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin..

"Saan dito ang mayroong payphone?" Tanong niya na ikina kunot ng noo ko.

"What?" Takahang tanong ko.

"Saan ang mayroong payphone dito?" Tanong niyang muli.

"Hoy mamang ermitanyo, nababaliw ka na ba?" Tanong ko.

"Tbh mamang ermitanyo ha. Ubos na ubos na ang oras ko sayo---"

"Tbh?" Biglang tanong niya na ikinahinto ko sa pagsasalita.

"Duh... Tbh means To Be honest." Sabay irap ko sa kanya.

"San mo naman nakuha ang salitang yan?" At dinuro duro pa niya ako kaya pinalo ko ang kamay niya.

"Wag mo akong tinuturo turo dyan!"

"Tss.." Ismid niya at nakita ko ang mga mata niya na tinignan ako mula ulo hanggang paa kaya napayakap ako sa sarili ko.

"Hoy mamang ermitanyo 'wag mo nga akong tignan nang ganyan!" Inis na sigaw ko.

"Anong oras na ba at anong araw na?" Tanong niya at namewang sa harapan ko at hindi niya alintana na sobrang dumi na ng puting polo niya na I think pang 80s pa ang style.


So baduy!

"Its already 10 am and its April 21, 2019." Sagot ko at lumapit sa kotse ko at binuksan ang pintuan ng Kotse.

"Ano? T-twenty n-nineteen?!" Biglang galit na sambit niya kaya kumunot ang noo ko.


"Yes, 2019." Sagot ko at akmang uupo ulit ng biglang nagsalita na naman siya.

"Paanong?" Mahinang Sambit niya. "April 21, 1997 lang kanina. Bakit 2019 na?" Bulong bulong pa niya ngunit tama lang upang marinig ko.

"Hoy mamang ermitanyo umuwi ka na!" Sigaw ko kaya nilingon niya ako.


At nanlaki ang mata ko ng dumiretso siya sa passenger seat at binuksan ang pintuan non at umupo at nag seat belt.


"Oy lumabas ka nga dyan."

Ngunit hindi niya ako pinakinggan kaya napilitan na lamang ako mag drive. Si Salome na lang ang bahala sa kanya.

Kinuha ko ang earpods ko at inilagay iyon sa tenga ko ang isa.


"Good afternoon ma'am." Bungad kaagad ni Salome. Nag U-turn muna ako bago siya sagutin.


"May lalaki akong kasama at gusto ko na pagdating ko dyan sa kompanya ay ikaw na ang mga aasikaso sa kanya and please sa pulis ka kaagad dumiretso para maka uwi na siya sa bahay nila."Sabi ko at pilit hindi pinapansin ang titig ng lalaki sa akin.



"Wow! Ano to?" Tanong niya at kinuha sa akin ang earpods.


"Its a wireless earphones." Sagot ko at nagpatuloy sa pag mamaneho.

"Earphones?" Nilingon ko siya at inirapan.

Bakit napaka inosente naman nito?

"Duh earphones,isang bagay na inilalagay sa tenga para makarinig ng iba't ibang musika o kaya boses. Nang hindi maririnig ng iba dahil nakakabit lamang iyon sa magkabilaang tenga mo." Nakita ko naman siyang tumango.

Nang matanaw ko na ang ang kompanya ay kinuha ko na ang earpods sa kanya at dali daling lumabas ng kotse at sumunod naman ang lalaki sa akin.

"Hey what is your name?" Tanong ko sa kanya bago kami pumasok sa loob.

"Hindi ko alam?' Sagot niya.

"At paanong hindi mo alam?" Tanong ko ulit.


"Wala akong maalala." Sambit niya.

"Ah... Come here." Inis na sambit ko na kaagad naman siyang lumapit sa akin. Inirapan ko siya at naunang maglakad. "Sundan mo ako." Sambit ko.



Nang nilingon ko siya ay napangiwi ako dahil sa paraan ng pagtingin niya sa paligid. Para siyang batang nawawala.
Nang nasa tapat na kami ng elevator ay nilingon ko ulit siya pero laking gulat ko na wala na siya sa likod ko.


"Hoy!" Narinig kong may sumigaw. Si mang nardo ang security guard namin.



Nilingon ko kung sino ang sinigawan niya at kaagad na uminit ang ulo ko ng makita ko siya. May hawak hawak itong cell phone at sa tansya ko ay ang may ari non ay ang babaeng nakatayo sa harapan niya.




"F*ck!" inis na usal ko at dali daling lumapit sa kinaroroonan niya.



"Stop it manong, ako na bahala sa lalaking ito." Ani ko at hinila ang lalaki papalayo sa Kanila.



"WTF your do you think you're doing huh?!" inis na wika ko.



"WTF?"


Inis kong nilingon siya at muli siyang kinaladkad papuntang elevator at sakto naman na bumukas iyon kaya sumakay kaagad kami. Nang akmang may papasok ay kaagad kong pinindot ang close at pinindot ang 5th floor.




"Baka hindi mo din alam tong sinasakyan natin?" Inis na tanong ko ngunit hindi na ako nag abala pang tumingin sa kanya.


"Elevator." Sagot niya kaya tumahimik na ako.


Nang makalabas kami sa elevator ay dali dali ko siyang hinila papuntang office ko. Madaming nakamasid na mata at talagang sino naman ang hindi mapapatingin sa amin. Anak ako ng President ng kompanyang ito tapos mayroon akong dalang dalang lalaki na sobrang dumi.



"Dalhin mo siya sa police station." Sambit ko kay Salome at umupo sa upuan ko.


Tinignan ko naman sila na papalabas sa opisina ko. Nang sumara na ang pintuan ay nakahinga na ako ng maluwag at sumandal. Pumikit muna ako at hindi ko namalayan na naka idlip na pala ako at nagising lamang ako ng narinig kong tumutunog ang cp ko.


"Hello Salome?" I answered.


"Ma'am pinapapunta po kayo dito sa police station."


"For what?"


"May itatanong lang po."


"Ah." Tumayo ako at binitbit ang bag ko at lumabas ng office ko.





----

Happy New Year!!

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.