If You See Her

All Rights Reserved ©

Summary

Valentine Lorenzana x Oliverus San Diego

Genre:
Romance / Drama
Author:
maxinegorgeousxx
Status:
Ongoing
Chapters:
15
Rating:
n/a
Age Rating:
16+

Prologue

Prologue

Sa buhay natin kailangan handa tayo sa mga imposibleng mangyari. Mga imposibleng mangyari na gagambala sa buong pagkatao natin. Hindi ko alam kung bakit magsisimula sa simple at magtatapos sa mahirap. Hindi ako makapaniwala na sobrang galing magpaikot ng tadhana.

Pinanood ko ang mga batang naglalaro sa maliit na silid. Ang mga batang ito dapat talaga sinusulit nila ang makipaglaro habang bata pa sila dahil hindi na nila magagawa ang gusto nilang gawin nang walang iniisip, nang hindi iniisip ang paglipas ng oras. Napaisip ako kung bakit hindi ko man lang naranasan maglaro sa mahabang oras nung bata ako.

Ang hirap ng buhay namin noon kaya hindi ako pwede maglaro ng maraming oras, kailangan tumulong sa nanay magtinda. Nang hindi matagalan ang pag-upo at panonood sa nagt-trabahong si nanay Fran, naghanap din ako ng trabaho. Hindi ako mapakali sa higaan habang iniisip kung anong oras uuwi si nanay. Hindi ako mapakali sa eskwela nang iniisip kung nababantayan ba ni Aling Nita ang dalawang kapatid ko.

“Teacher Val!” nilingon ko ang estudyante ko.

“Damien!” tuwang-tuwang sabi ko. Natanggal ang ngiti ko nang makitang lumuluha siya.

Sinalubong ko siya. Niyakap niya ang bewang ko at saka humagulgol.

“Awe, baby, what’s wrong?” tanong ko. Hinaplos ko ang buhok niya at sa likod niya, pinapatahan siya.

“Teacher! Waaaaah!” humagulgol na siya. Sobrang pula nang pisngi niya at kung hindi lang siya umiiyak baka kinurot ko na ang mataba niyang pisngi.

Binuhat ko siya at niyakap. Pinipiga ang puso ko sa pag-iyak niya.

“Shh, sino umaway sa’yo? Sabi ko lalaro lang kayo ’di ba?” mahinahon kong sabi.

“T-teacher, s-si Savi niaway akoo!” sabi niya.

“Class! Quiet muna!” sabi ko. Agad naman bumalik sa kaniya kaniya nilang upuan ang mga anak ko at tumingin sa’ki nang nakakunot ang noo.

“Damien? Baby, ’wag kana iyak. Pagsasabihan ni Teacher si Savi, okay?” humihikbing tumango naman siya sa sinabi ko.

Inupo ko muna si Damien sa upuan niya, katabi niya pa si Savi kaya umiyak na naman si Damien. Lumuhod ako sa harapan nila.

“Savi? Damien? Hindi ba sabi ni Teacher bawal ang nag-aaway? It’s bad. And ’di ba sabi ko kapag nakasakit, say sorry? Dahil bad ang nang-aaway.”

“Yes po!” sagot nilang lahat.

Right. Kapag nakasakit, kailangan mag-sorry. But I never receive one from him. Six years and he should have known that he hurt me. But he didn’t show up in that six years. I’ve seen him on a magazines and I can’t help to wonder, why did he do it? I deserve explanation but he didn’t give me that. He give me nothing. I give him my all but he gave me nothing!

My heart throbbed in pain when I remember all the memories I have with him. Lahat ng alaalang kasama siya ay sinasaktan ako sa loob ng anim na taon. Anim na taon akong dinadalaw ng mga alala niya na nagbibigay sakit sa’kin. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali at bakit pinagsinungalingan ako ng taong pinagkakatiwalaan ko at sa taong akala ko magiging comfort place pero lalo lang ako nasasaktan tuwing nand’yan siya. Kahit hindi ko siya kasama, isa siya sa mga taong kapag naalala ko, nasasaktan ako.

Hindi ko alam kung bakit nagtapos ng gan’on. Ako nga ang tumapos pero parang ako ang sobrang naapektuhan. Hindi ba dapat siya dahil siya ang may kasalanan? Bakit..bakit parang ako ang mas napuruhan? Ang saya-saya niya sa nagdaang taon habang ako...hinahanap pa ang sarili o kung mahahanap ko pa ba ang sarili ko. I lost myself the moment I let him go. I know hindi dapat ako dumipende sa kaniya dahil ang sarili ko lang naman ang makakatulong saakin pagdating ng panahon.

“Savi, what did you do to Damien?”

Just like the others, I need the reason why he did that. I will accept whatever his reason. I want to hear why and that’s it. Hindi na ako maghahabol sa kaniya. His reasons are enough to make me at peace. I will silence my demons once I heard his reasons.

Nakita kong ngumuso si Savi. “Teacher, he...he kissed me kaya I punch him.” Mahina niyang sabi habang pinaglalaruan ang mga daliri niya.

Napangisi naman ako. Napuno nang asaran ang classroom namin. Nakita ko pang napapahinto ang iba pang tachers na napapadaan dahil sa ingay ng classroom.

Hinarap ko si Damien at sinamaan ng tingin. Kay bata bata pa nitong Damien na ’to.

“She’s pretty, Teacher. Just like you.” Dahilan niya agad wala pa akong sinasabi. At nang bola pa.

“Damien, you’re still a kid so don’t do that again okay? Or else I will let Savi make you cry.” Inirapan naman ako ng batang si Damien.

“Settle down, class! Any time the bell will.” Nahinto ako sa pagsasalita nang tumunog na nga ang bell.

Uwian na nila.

“Okay arrange your things and fall in line!”

Mabilis nilang inayos ang gamit nila at saka pumila. Hinawakan ko ang kamay ni Damien at Savi at saka naglakad palabas ng building, sumusunod ang iba ko pang estudyante. Nasa groundfloor kami kaya dire-diretso lang ang lakad hanggang sa nasa gate na kami. I didn’t allow their parents na sa labas ng classroom maghintay dahil gusto kong masanay sila na kapag nasa school, sila at ang teacher lang walang magulang.

“Hi, Mrs. Alcazar.” Bati ko sa mama ni Damien nang makita ko ito.

“Hello, Miss! Kamusta po?” nakangiti niya sabi.

“Mabuti naman po. May sasabihin lang po sana ako, saglit lang po ito.” Sabi ko at ngumiti.

“Teacher! Don’t say it!” mangiyak-ngiyak na sabi ni Damien.

“Paki pasok na po si Damien sa kotse niyo po, Mrs. Alcazar.” Agad namang tumango ang mommy ni Damien at pinasok siya sa sasakyan. Nilingon ako ni Damien at nginusuan.

Napailing ako at natawa. Sinulyapan ko ang mga estudyante kong wala pang mga sundo.

“May nagawa po si Damien, Mrs. Alcazar, but don’t worry it’s not serious. Well, sa hinalikan niya pong si Savi, seryoso po talaga.”

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Alcazar.

“Hinalikan?!” gulantang niyang sabi.

“Um.. I think, close niyo naman po siguro si Mr. and Mrs. Dixon.”

Good thing close friend ng mga Alcazar ang mga Dixon kaya sila na maguusap. Bumalik ako sa classroom para maglinis. Nag-aayos na ako ng gamit nang dumating si Joyce.

“Hi Bestfriend!” Napailing ako nang umeko ang boses niya sa apat na sulok ng silid.

“Joyce and your loud mouth,” Natatawa kong sabi at umiling. She’s really the loudest and wildest teacher I know.

“C’mon, Valentine! It’s Friday! We should hangout! I know this club, the lux yata ang pangalan and they say maganda daw doon! Let’s go!” agaran akong umiling nang marinig nag pangalan ng bar. “Val?! Dali na! Wala akong kasama!”

Umirap ako at tinapos ang pag-aayos ng gamit ko.

“You know, I’m busy.” Sabi ko at lumabas ng classroom. Ni-locked ko ito at saka naglakad, nakasunod naman saakin si Joyce.

“Val!!” tawag saakin ni Joyce. Kulang na lang ay lumuhod siya para sumama lang ako pero hindi magbabago ang desisyon ko.

The truth is I’m not busy but I don’t want to go there. I won’t dare.

“Sorry, Joyce, but I have plans na eh. Next time, I swear.” Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

“Sabi mo ah! Nako, Valentine! Kakaladkarin talaga kita kapag hindi nangyari ’yan sa susunod na biyernes!” inis na sabi niya.

Nagpaalam na ako sa kaniya at sumakay na sa sasakyan ko.

Finally, peace.

Hindi naman sa walang peace kapag nandito si Joyce pero gusto ko lang ng me time after I reminisce the past kanina. Syempre ang pinuntahan ko ang café ni Andrei. I was about to enter the café when I saw a familiar figure coming on my way. Nahinto ako sa paglalakad at nanlaki ang mga mata ko nang makita siya. Napakurap kurap ako nang makita kung sino ang buhat niya sa bisig niya. Agad akong yumuko nang malapit na siya dahil hindi ko yata kakayanin kung makikita niya ako ngayon. Hindi ko kakayanin.

Gumilid ako para hindi niya bangga pero huli na dahil tumalsik ako sa hamba ng pintuan.

Napapikit ako at lalo napayuko. Masakit ang braso ko dahil doon pero hindi ito ang tamang oras para indahin iyon.

“Oh! No, Daddy! Is she okay?! Hey, are you okay?”

Napakagat ako ng labi nang magsalita ang batang kasama niya.

“Sorry, Miss.” Sabi niya at lumapit sa’kin.

Nag-panic ako bigla dahilan para mapatingin ako sa kaniya. It was a mistake. I know kaya hindi ko na pinatagal pa at tumakbo na ako papunta sa sasakyan ko at mabilis na umalis.

That’s what I’m good at...leaving. Gano’n naman talaga ’di ba, in order to heal, we should stop touching it. And leaving is my way of healing. Siguro hindi pa ito ang oras para balikan ang nakaraan. I’m not totally healed. And I think should stop thinking about the closure and just move on. He moved on, I should too.


To be continued...

Continue Reading Next Chapter
Further Recommendations

kazzj: I love this book. It's the 2nd book by @naughtychristian I've read and this time I couldn't stop reading it to leave any comments.. SO Good 💗💗👍💖💖

tyraclardy72: A real awesome story. Some words were added or changed but it’s probably that good ok spell check that likes to change words. Can’t wait to read more.

Anna2020: I never thought I will enjoy and love reading vampire story, but thisbone make me love them, well Leo at list, well written, the book well descriptive, the characters some hilarious, the way the author writes always surprising you withbthe plot, I loved it 🥰🥰🥰🥰

Anna2020: This story was mind blowing, the plot was awesome, unexpected, every chapter contains details that make you laugh, think hard about the characters, romance wao beatiful, and hot 🔥 parts were well described, the way the writer describes situations and persons you can have a clear idea of the chara...

Stardust: I loved your book and the way you have written it. The characters are amazing... amount of gore to balance out the normal life is amazing

Kelli: I'm loving the fast pace of this story! It's definitely a page turner and can't wait to see what happens next...

missgiddygoodie: love your story and i am jumping to part 2 already . yay! can't wait what will happen to them! ❤

seaena7051: Very intriguing. Had me from the start to finish. Love the ending. Very good with capturing that in moment feelings. Would recommend.

Tina Figueroa: Yeah baby, I love this book..

More Recommendations

Melissa: Story was good but ending could have been a little bit better. Is there going to be more to the story? Never got her test results?????

Sommer Dow: A bit repetitive, but still fun to read and meet to characters! Enjoying the series

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.