prologue
"Sis, samahan mo'ko, bibili muna tayo ng mga chichirya." Anyaya sa akin ni Kuya Thunder. Tumigil ako sa paglalaro at sumama sa kaniya palabas ng bahay.
Napansin kong may isang truck at isang kulay itim na BMW ang nakaparada sa gilid ng aming bahay. May kinukuha ring mga kahon sa loob ng truck at nililipat sa loob ng bahay.
May bagong lipat yata?
"Sunny, halika na." Tawag sakin ni Kuya. Nandun na pala siya sa tindahan sa harap ng bahay namin. Lumingon ako ulit sa mga taong humahakot ng mga kahon.
Merong bola ng basket na gumulong papunta sa paa ko. Kanino 'to?
Luminga linga ako upang hanapin ang posibleng may ari. Nagkibit balikat ako at pinulot na ang bola at tumakbo papunta kay kuya.
Napakunot ang noo niya ng makita ang bolang dala ko. "Saan galing yan?" Aniya at tumingin sa likod ko.
I shrugged. "Gumulong sa paa ko kaya kinuha ko na Kuya, mukang wala namang may ari?" Kako at kinuha ang coke na binili niya.
Tumitig siya sakin ng mariin kaya napasimangot ako. "Oo na, hahanapin ko mamaya ang may ari nito."
He smiled at ginulo ang buhok ko. "Kuya naman, naghirap si ate Rain na ayusin yung buhok ko tapos guguluhin mo lang."
"Hayaan mo si Rain, halika na, baka hinahanap na tayo nina mama." Aniya at inakbayan ako.
Ugh, akbay ba ang tawag dito? E hanggang bewang lang ako ni kuya. High school na siya kasi samantalang grade 3 palang ako.
'Yaan na nga.
"Excuse me, the ball is mine."
Napatingin ako sa likod ko at napanganga na lamang. Ang gwapo niya po!
"Hey..." Untag niya kaya napabalik ako sa reyalidad. Nahihiya kong binigay sa kaniya ang bola.
His cold gaze was intense when he stare at me. "Thanks."
"A-ahm, welcome."
Tumakbo na siya sa sasakyang BMW.
So sila yung bagong kapitbahay namin.
-----------++++++
"Hoy Sunny!"
Nagitla ako nung may sumigaw ng pangalan ko. Napatingin ako kay kuya Cloud na tumatakbo papunta sakin at naka kunot ang kaniyang noo.
"Bakit kuya?" Tanong ko at nagsimulang maglakad papuntang canteen. Nagugutom ako e!
"Ano bang ginagawa mo diyan at nagtatago ka sa likod ng puno? Seriously sis, para kang timang." Nakakunot noo niyang pahayag at bahagya pang nilingon ang punong pinagtataguan ko.
Palagay ko pinagpawisan ako ng malagkit sa sinabi niya. Nakita kaya niya?
"W-wala naman kuya. Ang init kasi, nagpasilong lang hehe." Kako at mas binilisan pa ang paglalakad.
"Sus, siguro may type ka doon sa mga naglalaro ng basket e!" Tukso niya at sinundot sundot pa ako.
Nanlaki ang mata ko. "Hoy w-wala ah! Napaka chismoso mo talaga kuya. Sumbong kita kay kuya Thunder e!" Pantakot ko sa kaniya.
Mabilis naman niya akong inakbayan. "Ano kaba naman sis, parang di kana mabiro ah."
Inalis ko ang kaniyang braso at tumingin sa kaniya. "Teka, asan na si kuya Light? Nagugutom na talaga ako."
Saan na ba yun nagsusuot at hindi na naman mahagilap.
"Kita mo to, ikaw yung nanuod dun sa mga naglalaro ng basket hindi mo pa nakita si Light."
What? Wala naman akong nakitang Light dun ah? Nandun pala siya?
I mentally slap myself. Oo nga pala, natural andun yun e varsity yun ng basketball. Bakit hindi ko nakita si kuya?
Paano mo makikita e parang si Rizoa lang ang nakikita mo!
I think nag blush ako sa sinabi ng isip ko.
"Kumain nalang tayo, tinext ko na siya, susunod daw." Ani Kuya Cloud at hinatak na ako papuntang canteen.
Oo nga pala, si Kuya Cloud ay kakambal ni Kuya Light. Actually, sa aming magkakapatid e ako lang ang walang kakambal.
Si Kuya Thunder kasi kambal sila ni Ate Rain, then sina kuya Light at kuya Cloud.
Ngayon, nasa college na sina Kuya Thunder at Ate Rain. Samantalang grade 9 na sina Kuya Cloud at Kuya Light.
Patuloy lang ako sa pag nguya ng mapansing papunta sa pwesto namin si Kuya Light. At muntik na akong masamid ng makita ang kasama niya!
Rizoa Joaquin Takahiro!
"Hi Sis, sorry, nag practice pa kami. Alam mo na, next week na ang laban." Ani Kuya Light at nakipag fist bump sa kakambal.
Tumango lamang ako at pasimpleng tinapunan ng tingin ang kasama niya.
"Oh by the way, sinama ko na si captain dito. Kilala niyo naman siya hindi ba?" Sabay upo ni Kuya Light ganun din si Rizoa.
Of course Kuya, palagi ko nga yang sinusundan!
Napahagikhik naman ako sa naiisip.
"Anong nakakatawa sis?" Kunot noong tanong ni Kuya Cloud. Napatingin naman ako sa kanila at nakitang nakakunot ang mga noo nila sa akin.
I blushed!
I cleared my throat. "W-wala. May naisip lang hehe." Napakamot ako sa aking ulo.
Lumipas ang ilang araw matapos ang tagpong iyon ay patuloy ko paring sinusundan si Rizoa.
Ngayon ay sinusundan ko siya sa likod ng school garden. Nakasukbit sa kaniyang kaliwang balikat ang kaniyang backpack na itim. And sa edad niyang yan e napaka tangkad na niya. No wonder kung bakit siya ang team Captain ng Basketball team ng mga high school.
Amp, likod palang ang ganda na titigan e. Ano ba yan, para naman akong isang stalker nito!
Tumigil si Rizoa kaya dali dali rin akong tumigil at nagtago sa likod ng puno.
"Why are you following me?" Sambit ng isang baritonong boses ni Rizoa!
Teka? N-nakita niya ako?
Dahan dahan akong sumilip at nanlaki ang aking mata ng makitang deretso siyang nakatingin sa akin habang humahalukipkip.
Dahan dahan ulit akong lumabas at nakayukong pumunta sa harap niya. Wala e, nahuli tayo.
"Why are you following me Sunny?." It sound like that it was not a question to my ears when I heard my name coming out from his mouth.
"I... I like you Rizoa! And I think I'm in love with you!." buong tapang kong pag amin sa kaniya at pumukit ng hindi manlang siya sumagot at nagpakita ng kung anong reaksyon.
I swear, I can hear those crickets sound just right now! Ah, this is embarrassing. Gosh.
"You don't love me, Sunny." Simple at pino ang kaniyang tinig.
I gaped at him. "W-what?"
"Simple, it is because you are just a kid and clearly, you're just infatuated. So stop your so called love towards me. And please stop following me. Its creeping me out." Walang inhibisyon niyang sabi.
I gasped. "Pano mo nasasabi yan? It is my feelings at totoo itong nararamdaman ko para sayo! And I'm not a kid anymore!" I explained. God, what he said was annoying.
He chuckled lowly.
"You're still a kid Sunny. You're just in Grade six remember?"