Write a Review

365: In Another World

All Rights Reserved ©

Summary

19 year old Karina transmitted time capsule for her 10 years-in-the-future self through the black hole that contains her observation about Kei's double existences that she has seen in two different places at the same time. She got curious and decided to confirm to her future self if this phenomena were supposed to exist and the reason why. — 28 year old Karina unexpectedly received the time capsule from her black hole experiment that is about to collapse as it was under maintenance during transmission. She doesn't remember sending anything for the future when she was 19 years old, therefore, she is certain that it came from herself in the parallel world. — They eventually learned that there has been a quantum-mechanical happening on their time plane as Kei and others were being affected by time paradox and contradiction of their destiny. They believed that the reason behind these circumstances is to alter the future events and to save one girl who had died in the real world. — Given the fact that time travel is taboo, the main goal of them is to find out who were the main responsible behind the space-time alteration which leads to folding of everyone's selfish desire in changing their destined paths.

Genre:
Scifi / Romance
Author:
paulameh
Status:
Ongoing
Chapters:
1
Rating:
n/a
Age Rating:
13+

Chapter 1: Scenario


"Sa susunod na magkikita tayo, gusto ko masaya ka na."

"Oo Kei, pangako."



"Steven! Hindi kita makakalimutan."

"Steven"

"Steven....




"STEVEEEEN!!!!! MALELATE KA NA"

Bigla akong nagising sa sigaw ng kapatid kong si Hina habang kinakalampag n'ya 'yung higaan ko. Ang aga aga pa para manggulo.

Kinukusot kusot ko ang mata ko habang tumatayo, pero...
Teka...


"SHIT! 15MINS NALANG LATE NA 'KO!! BAKIT NGAYON MO LANG AKO GINISING!?"

"Ayos ka rin kuya kasalanan mo yan dahil ilang beses mo ng pinatay yung alarm clock mo. Pasalamat ka nga ginising pa kita, akala ko wala kang pasok eh. HMP!" Sabi nya habang papalabas ng kwarto.

Tinignan ko 'yung kalendaryo para makasigurado na may klase kami ngayon.

November 11 2131

Wala na 'kong time para makipagtalo. Alam kong malelate na 'ko pero inisip ko nalang na sana mas late yung bagong Homeroom Teacher namin.
---

Pero sobrang weird nung panaginip ko. Hindi naman ito 'yung first time na napanagipan ko yung Kei na yun, siguro mga ilang beses na rin pero naweweirduhan parin ako hanggang ngayon.


Tatlong linggo na rin makalipas noong una at huling beses ko s'yang makitang mag-isa sa tabi ng dagat. Wala naman akong planong kausapin s'ya dahil syempre hindi kami magkakilala pero nagulat ako ng 'di nya sinasadya na maibato sakin yung maliit na bato na dapat papatalunin n'ya sa tubig. Ewan ko ba kung saan ka nakakita ng magbabato sa gilid ng tubig at hindi sa harap.

Nagulat din s'ya sa ginawa n'ya kaya bigla s'yang tumayo at pumunta sa gilid ko para humingi ng tawad.


(A/N: ~~~ means *flashback*)

~~~

"Sorry talaga! Patawarin mo 'ko!! Hindi ko sinasadya! Hindi ko napansin na may tao pala sa gilid dahil medyo malayo ka." Nakalugmok n'yang sabi, na parang maiiyak pa yata. Pero hindi naman masakit nagulat lang ako dahil akala ko kakilala ko yung nasa paligid.

"Ah okay lang. 'Di naman masakit." Humarap na 'ko sa dagat ng nakaupo habang sya nakatayo pa rin sa gilid ko. Ang dami kong iniisip.

Napansin ko sa peripheral vision ko na ilang minuto na s'yang nakatayo doon sa gilid ko habang nakatingin sa 'kin kaya medyo naiilang na 'ko. May kailangan pa ba 'to? Okay nga lang ako 'di naman ako namatay doon sa maliit na bato.

Hay nako.

Maya maya umupo na din s'ya ilang pagitan mula sa'kin at humarap sa dagat

Ng bigla s'yang nagsalita habang nakatingin parin sa dagat.


"Meron bang sorry na hindi valid?"

Ano daw? Ako ba kausap nito?


Tinignan ko s'ya kasi baka hindi naman ako yung kausap n'ya, malay ko kung tinatanong n'ya pala 'yung sarili n'ya. Saka ko lang napansin na nakasuot s'ya ng uniform ng school na pinapasukan ko rin. Hindi naman s'ya familiar sa'kin, kaya naisip kong baka nasa junior class 'to.


Nagsalubong ang mga mata namin dahil bigla din s'yang tumingin sa'kin. Sign yata na para sa'kin talaga yung tanong n'ya.


"Meron bang sorry na hindi macoconsider na valid?" Inulit n'ya yung tanong. Hindi talaga ako komportable sagutin 'yung tanong n'ya pero wala naman yatang mawawala sa'kin at para na rin tumigil s'ya.

"Meron. Kapag yung sorry hindi sincere." Ha ano daw sabi ko? May masagot lang?

"Kailan naman masasabi na hindi sincere yung sorry?"

"Kapag nagsorry ka na ng ilang beses pero ginagawa mo pa rin yung bagay na ikakasorry mo. Tapos magsosorry ka ulit."

"Hmmm. I see." Tumango lang s'ya na parang 'di satisfied sa sagot ko. Bakit nga naman kasi ako yung tinatanong mo? Hay.

Tahimik na ulit. Buti naman.


"Ako nga pala si Kei Ceraphin. K-E-I! 2nd year high school sa Chernyl Eastern Academy." Parehas lang pala kami ng year pero bakit 'di s'ya familiar, pati pangalan n'ya parang bago sa pandinig ko.


"Ah. Steven pangalan ko."

"Uhm. Ano. Steven?"

"Hmm?"

"Bakit ka napunta dito sa dalampasigan? Nag-iisip isip ka rin ba? Sorry sa tanong medyo curious lang."

"Oo eh. Ang daming tumatakbo sa utak ko. Gusto ko muna ipahinga kaluluwa ko kahit saglit."

"Lovelife?" HAH?

"Ah.. eh hindi naman lovelife pero parang ganun na nga."

"Hmm ang gulo. Uso naman 'yan. Ako kasi hindi ko alam bakit ako nandito." Sabi n'ya habang naghahawi ng buhangin sa paa n'ya. "Pero masaya ka ba?" Dagdag n'ya.

Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko okay lang na mag open-up sa kanya. Sabi nga nila mas magandang mag open sa hindi mo kakilala kasi hindi ka nila huhusgahan.

"Masaya sa masaya. Pero hindi ko alam."

"I see. Okay lang naman malungkot. Basta alam mo sa sarili mo kung hanggang kailan ka malulungkot at kung ano next step mo para mapalitan yung lungkot na yun. Ayaw mo naman siguro dalhin 'yan habangbuhay?" Napaisip lang ako sa sinabi n'ya dahil may point naman s'ya. Gusto ko si Akira pero nalulungkot ako dahil kahit ibigay ko yung lahat sa kanya alam kong 'di n'ya yun kayang tanggapin. Pero nandito pa rin ako at ginagawa ang best ko para gustuhin n'ya 'ko kahit konti. Hindi lang bilang kaibigan.


Pero paano nalaman nitong Kei na malungkot ako kahit hindi ko naman sinabi? Medyo ang weird lang sa pakiramdam.

"...next time na magkita tayo dapat alam mo na kung kailan hindi na valid ang sorry at dapat alam mo na kung anong next step mo para sumaya ka" "..sa susunod na magkita tayo gusto ko masaya ka na." Dagdag n'ya pa.

"Ayun lang naman. Bye Steven." Tumayo na s'ya sabay lakad paalis ng dagat.

Medyo pinag-isipan ko yung sinabi n'ya dahil bihira lang ako makipag usap tungkol sa ganoong bagay. Maging masaya? Hindi ko alam kung anong definition n'ya ng masaya kasi sa akin makita ko lang si Akira masaya na 'ko. Kahit hindi ako yung dahilan kung bakit s'ya masaya. Pero tama s'ya, kailangan may gawin din ako sa sarili ko para sumaya.



(End of Flashback)
------

"Good morning! Parang kakabangon lang sa kama ah!" Nagtawanan yung mga kaibigan ko habang ginugulo yung buhok ko. Parang gago talaga 'to si Erwin, halata namang bagong gising ako pero di naman kailangan ipagkalat pa.

Si Kenji at Erwin ang pinakamalapit kong kaibigan dito sa klase. Sa aming tatlo ako yung pinakatahimik, walang masyadong pakelam sa paligid. Madalas akong inaasar na "Dalagang Pilipina" dahil mas mahinhin pa daw ako sa babae. Nakakainis lang.


"Iniisip mo parin ba yung babae na nakita mo? 'Di ka na naman ba pinapatulog kagabi? Hahahaha"

"Hoy teka iba na ata 'yang sinasabi mo Kenji." "Pero oo nga 'no, baka pinagnasaan ni Steve yun kagabi HAHAHA!"

"Hindi malabo yun, kay Akira lang 'yan. HAHAHA!"

"Ewan ko sa inyo magsibalik na nga kayo sa upuan n'yo." Mga walang kwenta talaga kausap. Tumawa lang sila habang bumabalik sa upuan nila.

Maya maya dumating na 'yung bagong Homeroom Teacher namin na teacher din namin sa Science. Nagresign na pala agad yung una naming Science Teacher.

------
Biglang bumalik sa isip ko si Kei. Bakit ako naweweirduhan sa panaginip ko? Kasi iniisip ko talaga kung yung pagkikita namin sa dagat eh panaginip lang o baka nag-iilusyon lang ako sa dami ng naiisip ko nung time na 'yun.

Pagkatapos nung encounter namin sa dagat. Kinabukasan ay sinubukan kong hanapin yung pangalang Kei Ceraphin sa lahat ng class para sana makapagpasalamat ako sa advice n'ya, pero ni isa walang nakakakilala sa pangalang 'yun. Nagresearch din si Kenji dahil Vice-President s'ya ng student council kaya may access s'ya sa masterlist data ng mga studyante. Walang pangalang Kei Ceraphin na nag-enroll, nagdrop-out o kahit nagsit-in sa school na 'to. Wala talaga. Sa isip isip namin na baka hindi n'ya sinabi 'yung totoo n'yang pangalan na naging dahilan din para kantsawan ako nila Kenji dahil baka hinarass ko daw 'yun. Samantalang hindi naman ako nagtanong ng pangalan n'ya, s'ya yung kusang nagpakilala. Ilang araw din namin s'yang hinanap sa personal sa bawat klase. Inumpisahan namin sa lahat ng class sa 3rd year pababa pero wala talaga kaming nakita maski kamukha n'ya.

Medyo kinilabutan ako nung time na 'yun dahil pakiramdam ko minumulto ako haha. At dahil din doon, madalas na 'kong inaasar nila Kenji na multo daw yung babaeng hinahanap ko.

Pero alam ko talagang gising na gising ako nung time na 'yun. Hay. Hayaan na nga lang 'pag nagkita kami saka nalang ako magpapasalamat. 'Di ko alam kung kilala n'ya pa 'ko pero alam ko may sinabi s'ya nung nasa dagat kami na "....pag nagkita ulit tayo.."

Ano ba 'tong pinag iisip ko. Hindi naman ako umaasa na magkikita pa kita.

------


*BOOGSH

May kumalabog sa pinto dahilan para magsitinginan yung mga tao sa loob.

"GOOD MORNING PEOPLEEEEE!!!!"

"Anong good morning ka jan, 'di ka na naman pumasok sa apat na subject. Matatapos na yung klase." Naiiritang bungad ng isa n'yang kaibigan na si Alice.

"Nyahaha. Sorryyy!! Pero atleast pumasok ako sa last subject diba? Diba? Diba?----- Uy, hi Steveeeennn!" Nakangiting sabi ni Akira habang papalapit sa pwesto ko. Napakaganda n'ya talaga. Hindi s'ya nagbago mula nung una ko s'yang naging kaklase sa grade school. Yung buhok nyang mahaba, bilugan n'yang mata na tila nawawala kapag nakangisi s'ya, pati yung boses n'yang sobrang sigla na parang hindi manlang nagkakaroon ng problema.

Kabiligtaran ng malungkot at tahimik na pagkatao ko.


"Steveeen! Sabay tayo pag-uwi mamaya ah." Napangiti lang ako sabay tango. Wala na 'kong hihilingin pang iba. Basta makasama ko lang s'ya.

Kahit hindi ako yung gusto n'ya.


Hindi nagbago yung pakikitungo ni Akira sa'kin kahit ilang beses akong nagconfess sa kanya noong last day namin sa middle school. Dalawang taon ng nakakalipas pero parang kahapon lang nangyari yun. Dalawang taon ng nakakalipas pero kahit konti 'di nabawasan yung pagkagusto ko sa kanya.


**Flashback

"Akira. Gusto kita. Hindi bilang kaibigan. Gusto kita mula pa noong 2nd term nung gradeschool na naging magkakaklase tayo."

Biglang nawala yung ngiti n'ya sabay sabing...

"Steven" mahina n'yang sabi sabay yuko. Alam ko naman sasabihin n'ya kaya hindi ako magugulat.


"Thank you pero sorry 'di ko matatanggap 'yan. Pero pwede mo pang bawiin 'yung sinabi mo." "Sabihin mo na gusto mo lang ako bilang kaibigan, at kaklase." "Sabihin mo..."

"Haha. Sorry Aki, pero ayokong magsinungaling na 'di kita gusto kasi alam kong di yun yung totoo. Pero okay lang, wala naman akong sinabi na tanggapin mo 'ko. Gusto ko lang sabihin sa'yo na nandito lang ako palagi sa tabi mo. Masyado pang maaga. Madami pa akong time para mapatunayan yun sa'yo." Napasinghal ako ng mahina. "Ngiti na, mag aalala na naman sa'yo si Alice baka sabihin pinagtripan na naman kita." Sabi ko sabay gulo sa buhok n'ya, hanggang balikat ko lang s'ya kaya 'di n'ya napapansin na parang naluluha din ako. Mas okay nga 'yun.

"Talaga okay ka lang? :3" Malambing n'yang tanong. Napaangat s'ya ng ulo ng marinig yung sinabi ko, naassured din siguro s'ya na okay lang ako. Ngumiti lang ako sabay tango.

"Hihi the best ka talaga. Thank you Steven. Let's be friends forever!!" Nakangiti nyang sabi habang nagwe-wave paalis sa pwesto ko. Pumunta s'ya kay Alice na naghihintay sa pintuan ng classroom namin.



Hanggang sa makalipas ng isang taon, nagkaroon s'ya ng boyfriend sa senior class namin. Isang MVP ng basketball. Tanggap ko naman dahil araw araw ko s'yang nakikitang masaya kahit na bihira nalang kaming magkausap o magkasama. Masaya ako para sa kanya. Hindi pa rin ako nagsasawang magstay sa tabi n'ya pag kailangan n'ya 'ko at kahit 'di n'ya 'ko kailangan.


----

"Aki, bakit ngayon ka lang pumasok? Dalawang araw ka rin absent. Nag-alala kami sa'yo." Inaayos n'ya yung bag n'ya habang nakatalikod sa'kin.

Wala akong ibang nagawa kundi tumitig lang sa likod n'ya.

"Wala tinamad ako. Gusto ko lang magbasa ng manga kahapon atsaka may mga bago pa nga 'kong nabili e. Ang ganda promise!" Para talaga s'yang batang paslit kahit kailan. Ano bang gagawin ko sa'yo. Hay.

"Sigurado ka? Wala ka bang sakit? Parang ayokong maniwala na nagbabasa ka lang ng manga, 'di naman siguro yun yung inexcuse mo."

"Uu ngaaaaa!! Okay lang talaga ako promise. Paalam ko kay teacher na may lagnat ako. Tas nagsend ako sa email ng picture ng thermometer... tapos alam mo ginawa ko? Binalot ko yung thermometer sa panyo tas dinikit sa thermos kaya lumabas na 39.2° yung temperature HAHAHAHAHAHA galing ko diba? Wag ka maingay ha." Napa-facepalm nalang ako sa kalokohan n'ya.


Kusang gumalaw yung kamay ko na guluhin yung buhok n'ya.

"Ano ba 'yan ih! Yung buhok ko" Sabay hawi n'ya sa kamay ko

Nakapasok na kami ni Akira ng train ng mahagip ng tingin ko sa labas ng bintana 'yung babaeng nakatayo.

Teka. Hindi ako nagkakamali. S'ya yun.

Napasulyap din s'ya sa'kin na parang nararamdaman n'ya na nakakatitig ako sa kanya dahilan para magtama 'yung tingin namin. Pero parang 'di n'ya 'ko naalala dahil hindi tumigil yung tingin n'ya sa'kin. Parang napadaan lang yung tingin n'ya sabay lakad na pagpunta sa susunod na train.

Pero hindi talaga ako pwedeng magkamali.



Si Kei yun.
Continue Reading
Further Recommendations

Kea: Bisher sehr gut aufgebaut...spannend...etwas viele Rechtschreibfehler

Gailorn: I liked it but it needed a little more.....closer to the end there were a few writing errors, I liked the plot but there story needed to be developed a bit more. But good way to pass the time.

Annemarie: I really loved this book.It was a great read.I read it in one sitting.

Deniece: I love this book just wanted more, to him to get his sight, and there first pup.

Carine: J’adore la fluidité de cette histoire , il y a une vraie intrigue , on se doute bien que ce loup shadow est un métamorphose, juste il faut laisser le temps au temps

Ella: So first off, I wanted to say, I absolutely loved the story line and plot! It was so interesting! Second, I want to say, I love how you made it to where even though Brandi was a preacher’s daughter and a virgin, that she was still not completely pure. This book had me on the edge of my seat, and ...

Kaari: I love the fact that these don't have to be long stories to really get involved with the story and the characters.

Kaari: Just finishing book 4 of this great series and will read 5 before the night is through

More Recommendations

Kaari: I'm currently fighting a cold so laying in bed with all these characters to keep me company is perfection

conjim: Love the passion and pleasure

Susanne Moore: Love this series, the kids are great. Can't wait for the dragon!!!

Kaari: The return of vega is quite the unforeseen nuisance but I can't wait to find out how this family of misfits takes care of him just hope the baby makes it

Marie julie: Jolie histoire un peu triste au début mais agréable et légère tout le long. J'ai appréciée la lire.

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.