Underneath the moonlight.

All Rights Reserved ©

Summary

Mia. Isang Fourth Year College Student na mahilig sa pag susulat ng iba't ibang kwento. Pangarap nitong maging isang author pagtapos ng kaniyang pag aaral. Dahil dito, nakilala niya si Russell. Isang tranferee na sa di inaasahan ay mapapalapit sa kaniya. Ngunit di nila alam, Si Russell ay mula sa isang realm na kung saan ay isa siyang kaluluwa na nakulong ng ilang dekada

Genre:
Scifi / Romance
Author:
||•Rafaella•||
Status:
Ongoing
Chapters:
5
Rating:
n/a
Age Rating:
18+

Chapter 1: First Met.

"Are we there yet? Saan mo'ko dadalhin bri?"

"Narito na tayo. May aaminin sana ako sayo abi.."

"Bri? What's going on? what happen to your eyes? Bri?!"

"I'm.. A Vampire!"

"Bri! No! Aaahhhhh Please help!!"



Sabay sabay nagulat ang mag kakaibigang sina Trina, Rain, At Mia sa sinehan matapos nilang makita ang pag kagat ng lalaki sa leeg ng kaniyang kasamang babae sa dilim.

"Mga kabataan nga naman. Masyadong OA sa mga ganyang klaseng palabas. tsk.." Sabi ng isang nanay na nakaupo sa kanilang unahan.

"Aba! Di po ba pwedeng mag react nay?! Nood nalang kayo diyan, walang pakielamanan!" palabang tugon ni Trina, kasabay ng pag awat ng dalawa sa kaniya.



"Hay sa wakas tapos na rin!" Masayang tugon ni Rain habang umuunat unat pa.

"Next time sa ibang sinehan na tayo manood. Masyadong old fashion mga tao sa loob jusko nakakainis." Galit na tugon naman ni Trina.

"Masyado ka namang pikonin. Alalahanin mo, mas nakakainis parin yung upcoming activities for this week. Ngayon na lang ang chance natin to relax. So don't waste our time." Sagot naman ni Mia.

"Oo nga. Tara kain tayo ng corndog!" Pag anyaya naman ni Rain.

Matapos ang kanilang kasiyahan, napag desisyonan na nilang umuwi dahil malapit na rin sumapit ang hapon. Masaya silang nag ku kwentuhan palabas ng Mall hanggang sa kanilang pag sakay ng jeep.



"Uy! Mauna na ko sa inyo guys! Masaya ako today! See you sa classroom bukas!" Masayang tugon ni Rain sabay baba sa jeep.

Maya-maya pa ay sabay na ring bumaba ang dalawa. Si Trina at si Mia ay magkapit bahay lamang kaya sabay sila palaging pumapasok ng School ngunit Bihira lang mag sabay umuwi. Si Mia ay madalas nadadala sa kaniyang mga curiosity kung kaya't madalas itong nag iisa at tinutuklas ang mga bagay na kaniyang gustong malaman.

Dahil din sa kahiligan nitong mag basa, madalas ay nag tatagal ito sa library ng kaniyang school at samu't saring libro ang nakabalandra sa kaniyang harapan. Mahilig ito sa mga misteryosong bagay na minsan ay nagiging dahilan na rin ng pag kakaroon niya ng panaginip.

"Iya anak. Bangon ka na anak! may pasok ka pa.. Drei, gisingin mo na nga ang ate mo at baka ma late pa yun sa subject niya." Pag sigaw ng kaniyang nanay Celia.

"Uy ate! Bangon na aba! Bingi ka ba at di mo naririnig yung ratrat ni mama sa baba? Tatadyakan kita diyan pag di ka pa bumangon." Pag babantang tugon nito.

Sumulyap ulit si Drei at nakita nitong nakaupo ang kaniyang ate ngunit nakapikit. Tila ba'y nag sasalita ito ngunit pabulong.

"Di pa tama ang panahon.. Wag na wag kang mag papakita.."

Pabulong na tugon ni Mia.

"Ma! Si ate nananaginip nanaman dito!" Sigaw ni Drei.

"Nako, buhusan mo ng tubig at ng magising ang diwa!"

Kumuha ng isang tabo si Drei at binuhos sa mukha ni Mia, na siyang kinagising nga ng diwa nito. Basang basa nanaman ang kaniyang kama at ang kaniyang suot na pantulog.

"Drei! B-bakit mo'ko binuhusan?!" Tarantang sigaw nito.

"Nako Mia ah. Sinasabi ko sayo. Tigil tigilan mo na ang pag babasa ng mga librong nakakatakot. Yan tuloy sinusundan ka hanggang sa panaginip mo. Tigil tigilan mo na ring mag tatatambay sa library ng school mo at wala ka namang napapala diyan!."
Pagalit na tugon ni nanay Celia.

Bumangon na sa kaniyang higaan si Mia at kumamot pa ng ulo bago pumasok ng Cr. Matapos nitong maligo ay dumiretso na ito sa kaniyang School.

Sa kaniyang paaralan ay naabutan nito ang kaniyang mga kaibigan na magkasama at kumakain sa kanilang silid-paaralan. Kaniya-kaniyang usapan ang mga classmate nito. Dahil sa masama ang kaniyang umaga ay tahimik itong umupo sa kaniyang pwesto at hindi ito umiimik.

Napansin ito ng kaniyang dalawang kaibigan kaya nilapitan nila si Mia.

"Hey, What's wrong? You're late sa first sub Iya. Anyare sa bahay niyo?" sabi ni Rain.

"Sama nanaman ng umaga mo ah. Ratrat ba agad bungad?" Pabirong tugon naman ni Rain.

"Himala di ka sumabay sakin ngayon. Late ka nanaman yata natulog kagabi no? dumaan ako kanina kaso sabi ni tita tulog ka pa."Dagdag nito.

"ah- eh badtrip tong si drei. Binuhusan akong tubig sa mukha. Di ko alam kung bakit." Sabi ni Mia.

"B-but.. i have a dream. I saw someone. Pero I can't see his face."

"His?" tanong ni Rain.

"Yes. He said na babalik na siya. and he wants to be with me. But once he show himself, mag lalaho siya."

"that's kinda creepy. kakabasa mo yata yan ng mga fictional books. Tigil mo na yan Mia." Tugon naman ni Trina.

"Trina, you can't just tell someone to stop their hobbies in life. Well, maybe read something nice. yung maganda ang epekto sayo." Tugon naman ni Rain.

Habang nag dedebate ang dalawa ay tulala lamang si Mia at malayo ang tingin nito sa bintana. Sinusubukan nitong alalahanin ang mukha ng lalaki sa kaniyang panaginip.

Matapos ang pag dedebate ng dalawa ay biglang tumahimik ang buong klase.

"Nandiyan na si sir!" Sigaw ng kanilang isang kaklase.

Matapos ang kanilang ikalawang subject ay napag isipan ng dalawa na isama si Mia sa canteen upang gumanda naman ang mood nito.

Nilibre nila si Mia ng kaniyang mga paboritong pagkain. Kahit papaano naman ay gumaganda na ang araw ni Mia. Nakikita na sa kaniyang mga mukha ang saya, dahil na rin sa kalokohan ni Trina sa iba nitong mga kaklase.

Naisipan din nilang mag skip-class dahil ayaw nila sa kanilang next teacher. Kaya tumambay muna sila sa isang silid-paaralan na hindi masyadong napupuntahan ng mga estudyante dahil na rin sa medyo malayo ito sa ibang mga building sa school.

Kalapit nito ay isang puno na may swing. Doon ay madalas silang tumatambay upang mag kwentuhan at mag relax sa nakapapagod n araw sa kanilang paaralan.

Matapos nilang tumambay at magtawanan ng higit isang oras, ay napag desisyonan na ni Rain na ayain ang mga kaibigan nito na pumasok na sa huling subject nila ngayong araw.

Agad namang sumunod ang dalawang dahil paborito nilang subject ang susunod.

"Uy bilisan niyo na, bumaba lang si ma'am saglit." Tugon ni wendy. Ang President ng kanilang room.

"Hahaha, salamat pres!" Tugon ni Trina.

Habang wala pa ang kanilang professor ay nag tatawanan at nag babatuhan ng papel ang mga kaklase nito. Nang bigla namang kumatok sa pintuan ang kanilang Principal.

"A moment of silent please. where's your teacher?" Tanong nito.

"Goodmorning Sir. May kinuha lang po saglit sa office niya." Sagot ni Wendy.

"Ah, Okay. Well, I want to introduce you guys, Russell Ruiz. He is a new student in class. Hope you guys uh, get along with one another. " Sabi ng kanilang principal.

"Gagi! ang gwapo!" Pabulong na tugon ng kanilang kaklase.

"Tangkad sht. kyah enge number." Pabebeng tugon naman ng isa.

"uwu! Dito ka upo kuya!" Isa pang pabebeng tugon ng kaklase nito.

Habang nag titilian at nag bubulungan ang lahat, abala naman si Mia sa pag hahanap ng kaniyang paboritong libro sa kaniyang bag.

Bigla naman itong kinalabit ni Trina at tinatabig nito ng siko.

"Mia! bago nating classmate ang gwapo! hmmp!" Gigil na tugon nito.

"Saa- N-no.. It can't be.." Laking gulat ni Mia sa nakita niya. Dahil ang lalaking nasa harapan ay ang lalaking nakita nito sa kaniyang panaginip.

"uy grabe ka naman mag react Mia. Oo na gwapo na siya. Wag ka na mag aktong gulat na gulat diyan" Pabirong tugon ni Trina.

"Th-That's.. That's H-him.. Tri-na.." Utal na tugon ni Mia habang nakaturo sa lalaking nasa harapan ng kanilang room.

"It- can't be!" Sabay na sagot ni Trina at Rain.



Continue Reading Next Chapter
Further Recommendations

Joy: Very entertaining. A lot of twist in the plot.

Nichole: Loving how I am able to visualize details and get drawn into the storyline.

Richy Uwagwu: The author did a great jobi loved the story line.

Pheebsreads: I love this story! The plot is awesome and I am really excited for them to finally be able to be together after all these years 💛

Patrice Amelia Francis: Loved everything about the stories .each individual so unique. Genuinely enjoyed them all. Cant wait for book 14

janettewood66: This was a beautiful story. I enjoyed reading this book!!!

Christina: Awesome story ...really enjoyed the thrills and suspense ...Chaz ND Parker their characters was just too good ...loved the book ...good job

Stummy: Might have to read this again. Sweet story with a nice plot.

More Recommendations

ainaaemailweb: I've been reading lots of books here & it always the writer's style of writing that captures my attention. And this is one of them.- Clear storyline- Character development- Description of the surroundings

saadiahill55: Great book as always keep up the good work. And I would recommend it to everyone..

Maryke Le Roux: Awesome story thank you so much for the story

killarney385: The change of scenes was it for me. I love how the main character has his fate always backed up and how this plot intertwines with the other of the previous books. As usual, the grammar is simple enough to show the emotions in place.

Geraldine Van Der Merwe: This is a amazing book ❤️❤️💕💕💜I love this book you are a amzing writer 💋😘😚😊😍

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.