Chapter 1
“Nay”, “Nay”, “Nay”, Jiro patting her mom’s chest.
“Good morning babyyy.” she said while kissing her baby’s forehead. “Bangon na tayo? Likaaa, baba na.”
Nag almusal siya at kasabay nito, pinapakain niya na rin si Jiro habang naka tulala, iniisip anong susunod niyang gagawin.
Pinaliguan niya muna si Jiro at pag ka tapos, pinag laro niya si Jiro sa salas at nag simula na si Jeneva sa gawaing bahay. Mag hugas ng pinggan, mag laba, mag ligpit, mag luto. At lahat nang dapat gawin sa bahay.
She works as a virtual assistant sa isang agency at ito ay part time lamang dahil hindi niya kayang i-full time dahil sa pag aalaga kay Jiro.
“Baby, akyat na tayo, work na si Naynay”, after feeding her baby, she sets her laptop up and started working.
“Baby, say ahhh”, “Airplaneeeeee”, malakas na boses ni Jeneva habang pinapakain ang baby niya. Pag ka tapos mag pakain, pinatulog niya na ito.
“Good morning, mahal” with a smack, bungad ng live in partner ni Jeneva. “Baba ka na, kain ka na.” Bungad ni Jeneva sa kakagising lang niyang partner.
Jackson works at an internet provider company and gets payed really well dahil sa tips. So nakaka survive talaga sa daily needs especially, baby needs.
As the day passes by, while preparing baby bottles before going to bed, suddenly- “sobrang hirap na, pagod na ako pero kina-kaya na lang.” Pinupunasan ni Jeneva ang luha niya habang nag huhugas ng bote.
After Jiro fell asleep, Jeneva scrolls to her phone endlessly reading and seeing photos of her successful batch mates. “Kung kaya hindi ko ginawa yon, kung hindi ako pumunta don, kung kaya hindi ako nag rebelde, ano na kaya ako ngayon?”
Naka-higa sa braso niya si Jiro habang naka-tulala siya kisame, naka-yakap ang asawa niyang puyat sa trabaho, mga naka-kalat na diaper at maduming bote sa sahig, mga laruan na hindi na nai-ligpit kagabi.
“Babangon na kaya ako? Ano kayang gagawin ko ngayong araw?”
Bumangon na siya dahil wala naman ibang option. Kinuha lahat ng bote, kinolekta lahat ng diapers, nag handa na siya ng almusal, nag ligpit ng mga kalat at nag hugas ng bote.
“Gusto ko nang trabaho... yung nakaka-alis ako sa bahay.” bulong niya sa sarili “Kaso ang baba ng sahod sa Pilipinas kumpara sa nakukuha ko ngayon sa pag freelancing ko online. Hayaan ko na nga.”
Graduate si Jeneva as pre-med student. Hindi niya talaga gusto ang kurso niya, diktador lang ang mga magulang niya kaya tinaliwas niya sa kurso na alam niyang hindi nila makokontrol.
“Good morning babyyyy! Bangon ka na?” At nag kalat ulit lahat ng laruan na niligpit habang nag lalaba siya.
“Baby, no! Dito lang!” “Ikot na ikot, uuwi na tayo.” “No! Akina yang bato. Dirty yan.” “Thank youuu. Ang laki mo na ah! Very good marunong na makinig.” Mga pasigaw ni Jeneva na sambit sa pag lalakad nila lagi ni Jiro tuwing hapon.
Hindi maiwasan maisip ni Jeneva ang pagod at backache kumpara noong buntis pa lang siya. “Sabi ko dati, sana lumabas ka na para tapos na ang pagod ko. Pag aadjust sa dapat kainin at kilos ko. Mas mahirap pala ngayon HAHAHAHA.” Isa sa mga realizations ni Jeneva bilang first time mom.
“Gabi na, anak. Help mo si Naynay, sleep ka na please, rest na tayo.” Habang tinatapik ni Jeneva ang braso niyang sumesenyas kay Jiro na matulog na. “Naynay, dede” sambit ni Jiro pag tapos humiga sa braso niya. “Okay, wait lang haaa. Wait mo.” Masayang nag titimpla si Jeneva ng gatas, pinalitan si Jiro ng diaper at pinapahiran lahat ng gamot at lotion ang sugat mula sa pag lalakad kanina.
Pagkahiga- “Andaming bayarin... Andaming isipin... Dapat nag trabaho ako kanina para kahit papano nabawasan isipin ko. Nakaka-pagod...” Bulong niya sa sarili hanggang sa makatulog na siya sa kaka-isip.
Nagising si Jeneva sa amoy ng luto ni Peter. “Kain na, mahal. Nag luto ako ng sinangag, itlog, hotdog at skinless longganisa. Pinag timpla na rin kita ng kape.”
“Wow, thank you mahal.” Na-miss ko to. Ito ang asawa ko nung mag ka-live-in pa lang kami sa Maynila. Ito yung turning point kung bakit ko siya na pag desisyunang piliin para maka-sama ko habang buhay.
Masaya si Jeneva na nag huhugas nang pinggan. Sa tanghalian naman, ang asawa niya rin ang nag luto ng barbeque na may pinaka-masarap na timpla na hindi mo na kailangan ng sawsawan. Pag ka-tapos ay hinugasan niya rin ang pinggan.
“Na-miss kita.” sabi ni Jeneva kay Peter pag tapos niyang titigan ng matagal.
“Lagi naman akong nandito. Hindi naman ako nawala sayo.” sagot ni Peter ng may pag tataka.
“Wala lang hahaha.” At tinuloy na ni Peter ang pag ce-cellphone niya.
Natapos ang araw na sobrang simple pero sobrang saya ko. Naalala ko na kung bakit ko pinili ang landas na to. Naalala ko na kung bakit ako bumabangon araw-araw, kung bakit ako matatag sa lahat ng nang yayari ngayon sa akin.
Naka pag trabaho din ako ngayong araw, sabay kami ni Peter dahil work from home siya ngayon. Habang nag lalaro si Jiro, habang nakikita ko ang asawa ko, habang andito kami sa bahay na pinag hirapan namin.
Napa-tingin ako sa paligid ko, sa mga napundar namin ni Peter. Bagong gawang bahay, sasakyan na kulay puti, motor na pormado, may sasakyan na mamahalin si Jiro, mga laruan, kumpletong stock ng gatas, panghugas ng bote at pang laba, malambot na sofa, TV na nakaka-pag Netflix at Youtube, automatic na washing machine, double door na refrigerator, kumpletong gamit sa bahay sa madaling sabi. Dito napunta lahat ang pera. Saan ba ako nang hihinayang?
Ano bang nakaka-pag dalawang isip sakin? May cute akong baby, may mabait at loyal na asawa, mahal na mahal ako.
Andaming taong mas mahirap ang sitwasyon sa amin. Andaming nawalan ng anak. Andaming walang bahay, mas mababa ang sahod sa amin. Pero bakit ganito pa din ako mag isip?
Coffee shop time!!!
Ito ang mga araw na favorite ko sa lahat. Yung naka ka-labas ako. For my 23 years of existence, naka kandado ako sa bahay, bawal lumabas, bawal gumala. Kaya ngayong 25, na ako, baka kaya sawang sawa na ako na nasa bahay lang.
“Spanish latte po, thank you” sa coffee shop ako madalas dati nag wo-work talaga dahil nga freelancing ako napadpad, naka ka-suffocate pag sa bahay lang.
Ito ang escape ko pa minsan kapag may extra akong pera. Dahil mostly, lahat ng sahod ko naka-allocate na for bills and expenses sa bahay. Pero mahalaga sa lahat, dapat i-treat ko pa rin ang sarili ko para naman maramdaman ko ang pinag-hihirapan ko.
Paalis na sana ako ng coffee shop after 4 hours of working time ng- “Ate, baka may barya ka diyan, kahit magkano lang.” Binigyan ko siya ng 20 pesos dahil yun lang yung barya ko.
Pero pag alis nung bata, may nahulog siyang papel.
“Bata, bata! May nahulog ka.” inaabot ko pero- “Sainyo na lang po ate. Salamat po sa barya.”
Naka-titig ako sa basang papel habang nag lalakad. “Wala namang kahit ano to. Sulat or kahit anong naka-ipit. Para san kaya to bakit niya binigay sakin? Tapos basa pa, umulan ba?” Kaya tinapon ko na sa sako na nadaanan ko dahil basura lang pala.
“Babyyyy, helloooo! I miss you!” Binuhat ko si Jiro at hinug niya ako pabalik ng naka-ngiti, labas pa ang apat niyang ngipin.
“Mahal, kamusta work?” tanong ni Peter.
“Ayos naman. Naka-pag focus ako. Sayang hindi tayo magka-sama sa coffee shop at sabay nag work.”
“Oo, hindi kasi dumating si Mama, may duty siya ngayon. Walang mag babantay kay Jiro. Next time na lang mahal.” sabi ni Peter habang naka-focus na pag scroll sa cellphone niya.
Usual ko lagi pag uwi, iihi, iinom ng tubig at aalagaan na si Jiro. Pero, pag pasok ko ng CR-
“Bakit nandito to?” tanong ko kay Peter na gulat na gulat.
“Alin?”
“Itong papel, tinapon ko to kanina mahal, swear.” sagot ko na sobrang nagugulumihanan. Hindi ko ba nai-tapon?
Sobrang nakaka-pag taka lang, itong ito yung papel na binigay nung bata sakin kanina. Parehong basa, walang sulat, walang naka-ipit. Ang nakaka-pag taka lang talaga na sobrang na bother ako, hindi napupunit yung papel.
Malakas na ugong ng blower habang tinutuyo niya ang basang papel.
“Ano kaya to?” sobrang curious na pag tatanong ko sa sarili.
Pag tapos nang matagal na pag hihintay, nagulat si Jeneva dahil biglang nag karoon ng sulat ang papel.
“Bakit...?” “Kelan...?” “Paanong nandito to...?”
Naka sulat dito ang isa sa page ng diary ni Jeneva, maiksi, pero direkta ang gusto iparating.
“I’m so frustrated. Ayaw ko na dito sa bahay. Pagod na pagod na ako.Hindi ko maisip kung paano aalis. Hindi ko alam pano tatakas.Ayaw kong maging disrespectful kila Mama at Papa.Pero pagod na talaga ako.
Sana, pag laki ko, maging mayaman ako. Maging stable.Magka-roon ng sariling bahay, sariling ospital, kaming magka-kapatid ang doctor doon.
Sana, dumating na ako sa araw na hindi ko na kailangan makitira kila Mama.
Gusto ko ng sariling bahay, sariling kotse na kulay blue,
Matutupad ko kaya lahat to?”
Isang letter na naka pag payanig nanaman ng isip ni Jeneva. Ang stable niyang utak kung saan naisip na niya lahat ng rason bakit andito siya ngayon, sa sitwasyon na to.
“Oo nga pala. Gusto ko nga pala maging Doctor. May sariling ospital. Gusto nga pala namin maging Doctor na mag ka-kapatid. Kaso kapos sa pera sila Mama. Naalala ko na lahat.” bigkas ni Jeneva habang nakatitig sa sahig at nabitawan niya ang papel sa sobrang lungkot dahil balewala ang pinag-aralan niya.
Pag tapos tumulala ni Jeneva sa working chair niya, tumayo na siya dahil kailangan na niyang kumilos para asikasuhin ang bahay at baby niya.
Ngunit pag bukas niya ng pinto- natulala siya...








