PROLOGUE
Hindi naman ako yung tipo ng estudyante na kailangang magpakahirap para lang pumasa.
Pero hindi rin ako yung effortless na genius na kahit walang gawin, mataas agad.
Kailangan ko pa rin mag effort. Kailangan ko pa rin makinig. Kailangan ko pa rin intindihin lahat ng sinasabi ng teachers kahit minsan gusto ko na lang pumikit at magpahinga.
Tahimik lang ako sa upuan ko habang nagsusulat sa notebook.
Punong puno na yung page ng notes. Formulas. Keywords. Explanations. Halos dikit dikit na yung sulat ko para lang magkasya lahat.
Sa harap, tuloy tuloy yung lecture ng teacher namin. Parang walang kapaguran magsalita. Parang walang estudyanteng hinihingal na sa kakasunod.
Naririnig ko yung mahihinang bulungan sa likod.
“Pre, anong sagot sa number three?”
“Wait lang, kinokopya ko pa kay Eli.”
Hindi ko na kailangan lingunin para malaman kung sino yun.
Si Cael at Zion.
Napabuntong hininga na lang ako habang patuloy sa pagsusulat.
Sanay na ako.
Ilang segundo lang, may mararamdaman na akong bahagyang tapik sa likod ng upuan ko.
“Eli,” pabulong na tawag.
Hindi ko sila pinansin agad. Tinapos ko muna yung sinusulat ko bago ko bahagyang itinulak paatras yung notebook ko.
Hindi ko kailangang magsalita.
Alam na nila yun.
May maririnig akong mahihinang “thank you” at konting pigil na tawa mula sa likod.
Hindi ko sila kinokonsinte.
Pero hindi rin ako madamot.
Minsan, hindi naman tungkol sa tamad sila.
Minsan, hindi lang talaga nila gets agad.
At minsan, mas madali talagang may nagtuturo kaysa mag isa mong iniintindi lahat.
Sa gilid ng paningin ko, nakita ko si Clarisse na nakatingin sa papel ko.
“Grabe, Eli,” bulong niya. “Ang linis mo magsulat. Parang printed.”
Hindi ko napigilang mapangiti ng konti.
“Basahin mo muna bago ka humanga,” sagot ko nang mahina.
“Aray ang sakit” natatawa niyang sabi.
Sa kabilang side naman, tahimik lang si Raven, nakasandal sa upuan habang nakatingin sa bintana. Mukhang wala sa mood makinig, pero alam kong may pumapasok pa rin sa utak niya kahit papaano.
Iba siya sa iba.
Hindi maingay, pero hindi rin lutang.
Sakto lang. Parang laging may sariling mundo.
Sa unahan naman, hindi ko na kailangang hulaan kung anong ginagawa nina Vienna at Lucian.
Kahit hindi ko sila direktang tinitingnan, kita sa reflection ng salamin ng board yung bahagyang paglapit ni Lucian kay Vienna.
May ibinulong.
Ngumiti si Vienna.
Simple lang. Konti lang.
Pero halata.
Napailing na lang ako.
Walang bago.
Araw araw na lang ganito.
Lecture. Notes. Bulungan. Tawanan. Landian sa harap. Pangongopya sa likod.
Gulo na hindi naman talaga magulo.
Paulit ulit.
Pero totoo lang, dito ako sanay.
Dito ako komportable.
Sa ingay na hindi nakakainis. Sa gulo na may sistema.
Hanggang sa marinig ko yung pinakahihintay ng lahat.
“Okay, that’s all for today. Pass your papers tomorrow.”
At pagkatapos nun, yung tunog ng bell.
Parang sabay sabay huminga yung buong klase.
“Sa wakas!”
“Break time na!”
Biglang nagbago yung atmosphere.
Yung kaninang tahimik at pilit na nakikinig, naging maingay, magulo, at buhay.
Tumayo ako, iniayos yung notebook ko, saka isinara.
Hindi pa rin ako sanay sa biglang shift.
Parang isang iglap, ibang mundo na agad.
“Eli!”
Paglingon ko, andun na sila.
Kumpleto.
Si Zion na nakangiti na parang may balak na naman.
Si Cael na halatang may kalokohan na iniisip.
Si Clarisse na halos hindi mapakali sa kakasalita.
Si Raven na tahimik lang pero sumasama.
At sa likod nila, si Vienna at Lucian na magkatabi, parang sariling mundo pa rin.
“Canteen?” tanong ni Zion.
Tumango agad si Cael. “Libre mo kami.”
“Ulol,” sagot ni Zion.
Natawa si Clarisse. “Tara na kasi, gutom na ako.”
Naglakad kami palabas ng classroom nang sabay sabay.
Normal lang.
Walang kakaiba.
Walang hint na may mangyayaring hindi namin inaasahan.
Pero habang naglalakad ako sa gitna nila, hindi ko maiwasang mapansin yung pakiramdam na parang may kulang.
Parang may hindi tama.
Hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling.
Siguro pagod lang.
Siguro iniisip ko lang.
Kasi sa totoo lang, ito na yung pinaka normal na araw na pwede mangyari.
At wala namang dahilan para magbago yun.
Hindi ba?









Pamilyar 2023? ito ba yong The Lost City noon?