WrongNumber
11:47 PM
"A wrong number led to the right kind of chaos."
Ding!
Napabuntong-hininga ako nang umilaw ang phone ko.
"We're sorry. Your application was not selected."
Napapikit ako.
"Pang-labing apat na rejection na yata 'to," bulong ko habang nakatingin sa kisame ng maliit kong apartment.
May natira pa akong instant noodles sa mesa.
May tatlong daang piso sa wallet.
At dalawang araw na lang ang natitira bago ang due date ng renta.
"Congratulations sa'kin."
Hinila ko ang kumot at tinakpan ang mukha ko.
"Gusto ko na lang maging hotdog."
Tahimik ang kwarto.
Pagod na pagod na akong magpanggap na okay lang ang lahat.
Napahawak ako sa phone.
Gusto kong i-text ang ex ko.
Naalala ko na binura ko pala ang contact number niya noong naghiwalay kami.
Akala ko makakatulong iyon.
Hindi pala.
Hanggang ngayon, kabisado ko pa rin ang numero niya.
Kaya isa-isa kong tinipa ang bawat digit.
Hindi para makipagbalikan.
Kailangan ko lang ng mapaglalabasan ng sama ng loob.
Nang matapos kong i-type ang mensahe, tinitigan ko muna ito.
Pwede bang bumalik ka na? Miss na kita.
Napapikit ako.
Pinindot ko ang send.
Pagkatapos, ibinato ko ang phone sa unan.
"Bahala ka na sa buhay mo."
Ding!
Napakunot-noo ako.
Masyadong mabilis.
"Ha? Gising pa siya?"
Binuksan ko agad ang message.
Unknown Number
Hindi ako ang hinahanap mo.
Nanlaki ang mga mata ko.
"...Ay."
Maling number.
Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang unan.
"AYAW KO NA."
Lumipas ang limang segundo.
Dahan-dahan akong sumilip ulit sa phone.
Hindi pa niya ako bina-block.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko.
Nag-reply ako.
Alam ko.
Tahimik.
Lumipas ang ilang segundo.
Ding!
Unknown Number
Sigurado ka?
Napahagalpak ako ng tawa.
"Ang seryoso naman nito."
Mabilis akong nag-type.
Hindi. Nahihiya lang akong bawiin.
Isang segundo.
Dalawa.
Tatlo.
Walang reply.
"Ayan."
"Binlock na ako."
Inihagis ko ulit ang phone sa kama.
Eksakto sanang ipipikit ko na ang mga mata ko nang—
Ding!
Napabalikwas ako.
Agad kong kinuha ang phone.
Unknown Number
Bakit hindi mo pa ako bina-block?
Napatitig ako sa screen.
"...Ha?"
Hindi ko namalayang…
Napapangiti na pala ako.








