Chapter 1: The first Glance
Noong Senior High School — Grade 11
Noong senior high school ako, Grade 11, tahimik lang ang buhay ko.
Hindi ko naman talaga planong magkagusto sa kahit sino.
Tahimik lang ako sa school. Hindi ako palasalita, hindi rin ako yung tipo ng student na madaling makipagkaibigan. Introvert ako, kaya kadalasan, pumapasok ako, nag-aaral, tapos uuwi.
Simple lang.
Hanggang sa isang araw…
May nakita akong lalaki sa hallway.
Papunta na sana ako sa next subject namin. Naglalakad ako kasama ang ibang students nang bigla akong napatingin sa isang lalaki na naglalakad din kasama ang mga kaibigan niya.
Napaka-pogi niya.
Nakasmile siya habang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.
At parang biglang bumagal ang lahat.
Nagkatinginan kami.
Hindi ko alam kung ilang segundo iyon, pero para sa akin, parang ang haba.
Nakatitig lang ako sa kanya.
At siya rin…
nakatingin sa akin.
Tapos ngumiti siya.
At doon na yata nagsimula ang problema ko. 😂
“HOI! JAMES!”
Biglang may tumawag sa pangalan ko.
Napalingon ako sa classmate ko at parang natauhan.
Pagpasok ko sa classroom, hindi ko na maipaliwanag yung nararamdaman ko.
Parang may mga butterfly na lumilipad sa tiyan ko.
Kinakabahan ako.
Kinilig.
Namula ang pisngi ko.
At ang pinakamasama?
Hindi na ako makapag-focus sa klase.
Iisa lang ang iniisip ko.
Sino siya?
Anong pangalan niya?
Anong grade?
Anong section?
Saan siya nanggaling?
At higit sa lahat…
Bakit ang pogi niya?
Mula noon, naging parang inspiration ko siya sa school.
Araw-araw, hinahanap siya ng mga mata ko.
Kapag snacks, tinitingnan ko kung nandiyan siya.
Kapag naglalakad ako sa hallway, umaasang makikita ko siya.
At kapag alam kong malapit sa room namin ang room nila, hindi ko maiwasang sumulyap.
Hindi ko man siya kilala, naging parte na siya ng araw-araw kong buhay.
Hanggang isang araw, tinanong ako ng mga kaibigan kong sina Jyhan, Chris Joy, at Lennie.
“James, may crush ka ba dito sa campus?” tanong ni Jyhan.
“Wala,” mabilis kong sagot.
“Sigurado?” tanong naman ni Chris Joy.
“Oo.”
Nagkatinginan silang tatlo.
Halatang hindi sila naniniwala sa akin.
Kinabukasan, tinanong ulit nila ako.
“Umamin ka na! May gusto ka dito, ’di ba?” sabi ni Lennie.
Napaisip ako.
“Hmm… meron.”
Biglang nag-ingay silang tatlo.
“ANO NAME?!” sigaw ni Jyhan.
“Clue!” dagdag ni Chris Joy.
“Anong grade?” tanong ni Lennie.
“Anong section?” sunod na tanong ni Jyhan.
Tumawa ako.
“Hulaan niyo.”
“Clue nga!” kulit ni Chris Joy.
Sabi ko,
“May buhok.”
Tumawa sila.
“May kilay,” dagdag ko.
Mas lalo silang tumawa.
“May ilong.”
“James! Lahat naman may buhok, kilay at ilong!” natatawang sabi ni Lennie.
Kaya nagbigay ako ng mas maayos na clue.
“Pogi. Maputi. Hindi katangkaran.”
At nagsimula na silang manghula.
Mali.
Mali.
Mali ulit.
Hanggang isang araw, biglang lumapit sa akin si Jyhan.
“James! Kilala ko na!”
Lumapit din sina Chris Joy at Lennie.
“Pogi, maputi, blue…” sabi ni Jyhan.
“Oo! Kilala ko na!” dagdag ni Chris Joy.
At sakto namang nagkasalubong kami nung lalaki.
Tinuro siya ni Jyhan.
“Siya ba?”
Pagtingin ko sa kanya…
siya nga.
Biglang kinilig silang tatlo.
Ako naman, kunwari normal lang.
Pero sa loob-loob ko:
“AAAAAAAHHHHH!” 😂
Pagdating namin sa room, sabi ni Lennie,
“James, magaling ka pumili ah!”
Nagtawanan kami.
Mula noon, lagi na nila akong inaasar kapag nakikita ko siya.
Hanggang sa nalaman ko rin ang pangalan niya.
Rex John.
Grade 10.
Section Mabini.
At mula sa araw na iyon, hindi na siya basta “yung pogi sa hallway.”
May pangalan na siya.
Rex John.
At mas lalo akong nahulog.
Hindi ko pa alam noon kung saan hahantong ang simpleng crush na iyon.
Hindi ko rin alam na ang isang simpleng tinginan sa hallway ay magiging simula ng isang kwentong hindi ko basta makakalimutan.
Akala ko crush lang.
Akala ko lilipas din.
Pero hindi pala.








