I. Preface
[TW: Please check the content warning list before reading. Reader discretion is advised.]
(Her Voice)
The fuck?! What am I doing here?
Why are my surroundings so dark?
Tumingin ako sa aking paligid. Sa paggalaw kong 'yon, may kung anong mabigat na bagay ang nagpahinto sa akin—isang malakas na kaluskos ng metal ang bumungad sa aking tenga.
Dito ko napagtanto ang kakaibang sitwasyon na kinasasangkutan ko, kasi... may kadena sa aking leeg.
Fuck! Sinong may gawa nito? Wala ito sa plano ko.
Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at doon ko napagtanto na ako ay nasa higaan nang hawakan ko ito. Ngunit napakatigas ng kutson nito. Dahan-dahan naman akong naglakad sa paligid, inaalalayan ang sarili sa pamamagitan ng pagkapa sa dingding.
Hanggang ngayon, hinahanap ko pa rin ang bukasan ng ilaw kahit na takot akong masakal ng kadena. Buti na lang, mahaba ang abot nito.
Lamang na ang takot sa aking dibdib. Ngunit hindi ako nagpatinag. Ayoko kasi ng madilim at ng amoy na nanggagaling sa silid na ito.
Amoy lumang kahoy, alikabok, at kung ano pang hindi ko matukoy.
Great.
Just fucking great.
Kung saan-saan na lang talaga ako napupunta.
Hindi ko alam kung nasaang bahagi ako ng Obscurus Lux, pero sigurado akong hindi ito ang lugar kung saan dapat ako naroroon.
Nang may marinig akong mabigat na yabag sa labas ng silid ang siyang umalingawngaw. Ramdam ko ang bawat yanig na nililikha nito sa sahig.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Palapit nang palapit.
Siya ang naging dahilan para agad akong tumakbo patungo sa dati kong kinaroroonan, na siyang naging rason kung bakit ako napatumba sa matigas na kutson. Sobrang lakas ng pagkakalagapak ko sa puntong tumama ang aking ulo sa ulunan ng higaan.
Fucking shit! I feel like I'm being cracked open.
Dala ng sobrang hilo, nakaramdam na lang ako ng mainit na likidong umaagos sa aking mga mata. Habang tumitiklop ang aking katawan, ang mga tuhod ay lumalapit sa aking dibdib.
Tila isang natutuyong talulot sa mainit na panahon.
Noong mga oras na 'yon, hindi ko napakinggan ang pagbukas ng pintuan. Namalayan ko na lang na may tao na sa loob nang masilawan ang aking mata mula sa ilaw na kabubukas lamang.
Napapikit ako agad.
Hanggang ngayon, patuloy pa rin sa pagtagaktak ang aking luha. Sobrang hapdi nito.
Sa pagpasok ng estranghero, rinig ko ang dahan-dahan nitong paglalakad papunta sa akin. Napaupo na lang ako sapagkat hindi ko naman alam kung ano ang gagawin.
Hindi ko maiwasang kusutin ang aking mga mata dahil hindi ko talaga siya makilala o makita sa sobrang labo na ng aking paningin. Sinabayan pa ng nakakailang na mga luha.
Nang tuluyan siyang makalapit sa akin, nagulat ako nang bigla niyang itinaas ang aking mukha sa pamamagitan ng marahas na pag-angat sa aking baba.
Nagtama ang aming mga tingin.
At doon ko siya nakilala.
"Hello, darling Red. Did you like my gift?"
Bati sa akin ng hayop na ito—este, ni Luthe Amadeus Fang.
Nanigas ang katawan ko.
Sa pagkakatingin pa lang niya sa akin, alam ko na agad kung ano ang nasa utak nito.
Poor Fox, your game is over.
Paano ko nasabi?
Kasi halata naman sa ngiti niyang nakakaloko na tila nakahuli na siya ng isang hindi pangkaraniwang nilalang at hindi na ito bago sa kaniya.
Psst!
The fuck does he think?!
As I expected.
Maybe this is enough reason why I didn't let him live in my story.
He is far worse than a true triad character would be.
He is too good to be true.
At ngayon, ako mismo ang nakaharap sa karakter na minsan kong isinulat bilang isang lalaking halos walang bahid ng kasalanan sa paningin ng ibang tao.
The perfect gentleman.
The nobleman.
The man who knows exactly what to say.
And yet...
Look at him now.
Napangiti ako nang bahagya kahit nanginginig pa ang katawan ko.
But does he think I will falter and let him win?
This writer knows how to play the game.
Hindi ko hahayaang matapos ang kuwento ko sa ganitong paraan.
Hindi ako basta-basta susuko dahil lamang sa isang karakter na akala niya ay kaya niya akong kontrolin.
Pero bago iyon, kailangan kong ipaliwanag kung paano ako napunta rito.
Kung paano ako nauwi sa ganitong sitwasyon.
At kung bakit ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay hindi ang Luthe Fang na kilala ng lahat.
From the very beginning.
From the moment I opened the draft of Obscurus Lux.
The LitRPG novel I was outlining last night, on July 20**.
Akala ko ordinaryong gabi lang iyon.
Akala ko magsusulat lang ako.
Mag-e-edit ng ilang chapters.
Mag-aayos ng plot holes.
At marahil, magrereklamo na naman tungkol sa mga karakter na ako mismo ang gumawa.
Hindi ko alam na bago matapos ang gabing iyon, magiging bahagi ako ng sarili kong kuwento.
At higit sa lahat...
Hindi ko alam na may isang karakter na naghihintay pala sa loob nito.
Isang karakter na hindi ko dapat binigyan ng pagkakataong mabuhay.

![Werewolf Hollow [GALATEA DATE TBA]](https://cdn-gcs.inkitt.com/vertical_storycovers/ipad_76bbf380fa2e8dc2f70694197487ab81.jpg)






