Chapter 1
IN THIS STORY I'LL BE USING A FIRST PERSON POV. PLEASE UNDERSTAND IF THERE'S WRONG TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS.
For the nth times naramdaman ko naman ang sakit na palagi nalang dumadalaw sa tuwing makikita ko sila na masayang magkasama.Magka hawak kamay habang nagtatawanan.They looked so perfect for each other and I admitted it.Alam ko naman na hanggang pantasya nalang ang pagmamahal ko kay Lardy because he's my bestfriend.Hindi niya alam ang tunay kong nararamdaman sa kanya at wala rin akong balak sabihin sa kanya ang totoo.Masaya na siya ngayon kasama ang isa naming kababata na si Louise na girlfriend niya ngayon.
"Hey!Come over here,Chris!" Tawag ni Lardy ng makita ako.Kumaway na lamang ako sa kanila at pilit na ngumiti.Ayaw kong sirain ang moment nila.Ayaw ko rin magpaka martyr at magpanggap na masaya habang kasama sila when the truth ay nasasaktan ako.
"Kailan mo ba balak sabihin sa kanya ang totoo?" I heard my sister said.Hindi ko namalayan ang paglapit niya."Stop hurting yourself dear brother."
"Ate,hindi iyon ganun kadali at alam mo iyan." Sabi ko at hinarap siya.
"Kailan mo balak sabihin?Kailangan niyang malaman ang nararamdaman mo sa kanya para naman mabigyan ka niya ng consideration." I don't like the way my sister said it.Malinaw sa akin kung ano ang gusto niyang gawin ko.
"Para ano?Kaawaan niya ako?Ate hindi ganun ang gusto ko.Nais kong makita niya ang totoo kong nararamdaman.Iyong siya mismo ang makakakita."
"Na ano?" Napatingin kami ni ate sa pintuan ng may biglang nagsalita.Kinabahan ako bigla when I saw Lardy habang napakunot noo nagpalipat lipat ng tingin sa amin dalawa.Kasama niya si Louise.Nagkatinginan kami ni ate when I found nothing to say.Bigla nalang tumawa ate ko.Baliw talaga.
" No it's nothing Lardy.Nabanggit ko lang kay Chris ang tungkol sa manliligaw ko .I asked his second opinion kung sasagutin ko na ba." Gusto kong matawa sa kanya but I feel relief somehow ng agad siyang makapag isip agad.
"Ganun ba ate? Bakit ayaw niyo pa sagutin kung mahal niyo?." Sabi ni Louise. Nakita kong lumiwanag ang mukha ni Lardy kaya gumaan agad ang naramdaman ko sa dibdib.
"Wow.Magandang balita iyan ate.Sana ipakilala mo sa amin para naman makaliskisan." Natatawang wika niya.
"Kung may pagkakataon.Mukhang may lakad kayo ah.Saan ba ang punta niyo?"
"Gusto lang sana namin isama itong best friend ko.Mamasyal lang." Nakangiti niyang sabi at tumingin sa akin.Iyon ang pinaka ayaw ko .Ang makita silang masaya habang kasama ako.Hindi ko kakayanin at baka mahalata nila ang pagpapanggap kong masaya para sa kanila.It was real torture para sa sarili ko.Napakahirap magpanggap lalo na at gustong gusto mo ng umiyak.Napansin kong naghihintay pala sila ng sagot ko.
"Oh ano na?Sasama kaba o hindi?"
Nahimigan ko ang inip sa kanyang boses.Sinusumpong na naman siya sa pagiging mainipin niya.Sa lahat ng ugali niya tanging ako lang ang nakakaintindi sa kanya.Gaya ng pagtanggap niya ng malaman na isa akong bakla.
"Sige. Magbibihis mona ako." I said at muling nasilayan ang mga ngiti niya sa labi na gustong gusto kong masilayan ng paulit ulit.Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang tingin ni ate Christy dahil sa lahat ng tao ay siya ang nakakaalam ng tunay kong nararamdaman.
Gaya ng nakasanayan ay kumain lang kami.At minsan ko pang nakita kung paano sila maglambingan at magsusubuan sa mismong harapan ko.It was so hard for me to pretend na hindi sila nakikita at ibaling sa ibang direksiyon ang aking paningin.I was dying and tearing inside.Yung gusto ko ng umiyak ngunit pinipigilan ko lang ang sarili ko.Kung bakit sa lahat ng tao ay sa aking bestfriend pa ako nainlove.Mahirap ngumiti sa harapan nila at pinupuri sila at sumasang ayon kung ano ang mga plano nila sa hinaharap.
"Hey..Chris are you ok?" I heard Lardy said ng may pag alala sa boses.Pilit kong ngumiti sa kanya.
"Yes,why?" Pilit kong pinasigla ang aking boses.
"You're crying.May problema kaba?" Just when I realize I was actually crying and subconsciously wiped my tears na hindi ko namamalayan tumulo na pala sa aking pisngi.I'm a little bit embarrassed at hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa mga matang nakatingin sa akin.
" Don't mind me.May iniisip lang ako." Nakangiti kong sabi at tumayo."If you'll excuse me.I just go to the bathroom.Gusto kong takasan ang mga nagtatanong na tingin ni Lardy at ang pagtataka.Ayaw kong mahalata niya ang totoo kong nararamdaman.
Letcheng mga luha ito!Tumutulo na hindi ko namamalayan.Ngunit napakahirap pigilin ang sakit sa dibdib na nararamdaman ko ngayong gusto na iyong sumabog.Kusa ng bumalong ang aking luha bago paman ako makarating sa loob ng banyo.Pagpasok sa loob ay agad akong humagulgol ng iyak.Masakit lang kasi talaga at habang tumatagal ay unti hunting lumalalim ang sugat sa loob.Wala akong lakas ng loob sabihin sa kanya ang totoo dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan naming dalawa.I heard knocks on the door.
"Chris are you ok?" Narinig ko si Lardy sa labas habang kumakatok."Just let me in.I'm worried."
Nilinis ko muna ang aking lalamunan bago sumagot.
"I'm okay.Huwag kang mag alala." I tried upang hindi pumiyok ang aking boses.Hindi ko na narinig pa ang katok niya.Maybe nagbalik na siya sa mesa namin.Napabuntong hininga ako and let my tears flow again.Hindi ko alam kung hanggang kailan akong maging ganito.Biglang tumunog ang cp ko.It was my ate calling.
"Back to the same old story.Umiiyak ka na naman." Muli akong napahagulgol ng marinig ang sinabi ng ate ko.Siya ang nakakaalam ng lahat.Sa mga sakit na solo kong nararamdaman.Siya lang ang naging tangi kong sock absorber sa mga panahong gusto ko ng karamay.
"Ate I can't take this anymore.Hindi ko na kaya.Masyado ng masakit ang magkunwaring masaya kahit ang totoo ay labis na akong nasasaktan."
Narinig kong napabuntong hininga ang ate ko ng mailabas ko ang lahat ng saloobin.
"Christian ,Paulit ulit na lang itong sasabihin ko sayo.Tell him the truth.He's your best friend and for sure maiintindihan ka niya."
"How about kung hindi?I won't compromise our friendship sa isang bagay na walang kasiguraduhan.Hindi ko kayang masira pagkakaibigan naming dalawa."
"Sana inisip mo iyan noon pa at napigilan mo ang sariling mahulog sa kanya.Nandun ka na sa point na kailangan mong mamili.Hindi mo habang buhay na maitatago ang feelings mo.You have to decide upang matapos na ang paghihirap mo."
Ngunit I have doubts inside.Paano kung hindi niya matanggap ang nararamdaman ko at kamuhian niya ako?Na hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko sa kanya?Mga tanong na alam ko naman ang mga sagot.
"Huwag kang matakot kung hindi man niya kayang suklian ang pagmamahal mo sa kanya.You have to take the risk.Your love or your friendship.You have to choose.Kung ano man ang magiging desisyon ni Lardy pagmalaman niya ang totoo.Always remember that your sister is always here for you ok?" It was her last words before dropping the call.She's right.I have to tell Lardy no matter what's the cost.Nanghilamos muna ako to make sure na hindi nila mapapansin na umiyak ako.Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko.It's time to pretend again.
I decided na lumabas na but I was astounded when I saw Lardy nakasandal sa labas.He's staring at me at hindi ko mabasa ang emosyon na nakaguhit sa kanyang mga mata.Tahimik lamang siya habang seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Kinabahan ako bigla sa posibilidad na baka narinig niya ang pinag usapan namin ni Ate sa phone.He's not moving habang nakapamulsa ang dalawang kamay.
"Hey,are you guys ok?"Agad tanong ni Louise ng maisipan nitong sundan kami.Pinaglipat lipat niya ng tingin sa aming dalawa ni Lardy habang may pagtatanong.
" Yeah we're good."Agad niyang sabi at nag iba agad ang expression niya.Nakangiti na siya sa mga sandaling iyon.But I know it wasn't real.I knew him too long upang hindi mapaghalata kung totoo ba ang ngiti niya .
"Hinihintay ko lang si ,Chris.I know his not ok." Sabi niya at tiningnan ako.Napansin kong may kakaiba sa tono niya ng sabihin iyon.
"Are you ok now?" Nag alalang tanong ni Louise. Tumango lang ako sa kanya."Let's go back to our table."
"No.Let's go home." Napatingin ako sa kanya dahil bigla nalang nag iba ang tono niya.
"But we're not finish-"
"Wait me here.Magbabayad lang ako sa counter."Agaw niya sa sasabihin ni Louise at tumalikod na.Alam kong may pagtataka din si Louise ngunit pinilit na huwag nalang iyong pansinin.Nasundan nalang namin siya ng tingin.
I looked at the girl sa tabi ko.May ngiti sa mga labi niya habang sinusundan ng tingin si Lardy sa counter.I can see that she's happy the way she look at my best friend and the smile on her lips.
" You know,Chris?Nagpropose na siya sa akin.We're getting married."I was so shocked when I heard her.It seems like a bomb exploding into my ears and turn me into pieces.Para akong naparalyze at hindi ko magawang makakilos habang pinagmasdan ko ang masaya niyang mukha and saw an engagement ring on her finger.That time nawala ang pagiging artista ko because I can't find the fake smile na parang nadurog na rin ng narinig ang sinabi niya.I can't pretend anymore na masaya para sa kanilang dalawa.Nadurog ang puso ko habang pinagmasdan ang masaya niyang mukha and saw an engagement ring on her finger.That time nawala ang pagiging artista ko because I can't find the fake smile na parang nadurog narin ng narinig ang sinabi niya.I can't pretend anymore na masaya para sa kanilang dalawa.Nadurog ang puso ko at pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga.Dalangin ko na sana ay maging invisible ako at mawala nalang sa kinatatayuan o bumukas ang lupa upang kainin ako dahil hindi kona kaya pang magpanggap.
Ikakasal na sila ..
Paulit ulit iyong bumabalik sa aking isipan at tulalang naglalakad palayo.I didn't bother Louise na paulit ulit akong tinatawag.
Abangan..