Customize readability
Aa

Knight Magician [Tagalog]

All Rights Reserved ©

Summary

Tatlong ekstrangherong sina Cheng, Madel at Pao ang napapad sa mundo ng Absilyon sa pamamagitan ng mahiwagang Sarimanok. Sila ang mga itinakdang maging mga Knight Magicians na gagapi sa naghahasik na lagim ng mga taga Murk Empire. Nakilala nila si Ryle ang nagdala sa kanila sa Absilyon at kabilang din ito sa mga Knight Magicians. Kailangan nilang hanapin ang iba pang mga tagapagtanggol upang hadlangan sina Emperor Zyke at Empress Soriah sa paghahari sa buong Absilyon.

Status
2d ago
Chapters
7
Rating
n/a
Age Rating
16+

Chapter 1

Isang gabi habang nakasakay sa bus ang isang babaeng nakasuot ng oversized sweater, leggings at flat shoes. May mahabang buhok ito at balingkinitan ang pangangatawan.


Malalim ang kanyang iniisip habang nakadungaw ito sa bintana ng nasabing bus.


"Hay! Kailan kaya ako magkaka-jowa?" Buntong hiningang sabi nito sa sarili.


Huminto ang kanyang sinasakyang bus sanhi ng matinding trapik. At natanaw nya ang isang malaking naka-display na kulay puti na chicken balloon na product display ng produktong Bounty Fresh Chicken sa may labas ng Puregold dito sa kahabaang mainroad ng Moonwalk, Las Piñas.


Samantala, sa isang dyip na nasa may tagiliran ng bus kung saan nakasakay ang isang chubby na babae na may maigsi ang buhok. Nakasuot ito ng printed t-shirt, pencil skirts at platform sandals. Abala ito sa paglalaro sa kanyang cellphone ng Mobile Legends.


"Putik! Sayang grandmaster na sana ako! Bwiset!" Dismaya nito sa kanyang nilalarong games. At napadungaw na lang ito sa bintana ng dyip at nakita nya ang malaking balloon na manok.


At sa di kalayuan ay naglalakad ang isang lalaking nakasumbrero at nakasuot ito ng stripes polo, jeans at rubber shoes. Patawid ito sa mga nagsisiksikang sasakyan sa kalye.


"Lagot ako! Late na ako sa gigs namin ng mga kabanda ko." Madali nito sa pagtawid at bumungad sa kanyang harapan ang nasabing manok na balloon.


Napatitig ang tatlo sa nasabing chicken balloon at maya-maya'y tila nagkabuhay ito at winagaspas pa ang mga pakpak nito. Nagulat sila sa kanilang nasaksihan. At unti-unting lumiwanag ang buong katawan ng chicken balloon at bumalot ang liwanag nito sa buong kapaligiran.


"H-ha?! Anong nangyayari?!" Sabay-sabay na sabi ng tatlo sa nakakasilaw na liwanag.


At sa isang iglap ay natagpuan na lamang nilang tatlo ang kanilang mga sarili na nakasakay na pala sila sa noo'y chicken balloon na ngayo'y isang tunay na dambuhalang malaking manok. Ang kinaibahan lamang ay naging makulay na ang mga balahibo nito kumpara sa dating puting kulay nito.


Kasalukuyang lumilipad ito sa malawak at mahanging himpapawid at hindi nila alam kung saan sila nito dadalhin.


"Nasaan na tayo? At kayo? Sino kayo? At ano 'to?" Takang-taka na tanong ng babaeng may mahabang buhok sa dalawang kasama nya ngayon.


"Aba malay ko? Tanungin ba kami? Hindi ko nga rin alam kung bakit tayo nandirito ngayon?" Pameywang na sagot ng babaeng may maigsing buhok.


"Uy, tignan nyo!" Turo naman ng lalaking nakasumbrero.


Mula sa umagang kalangitan na nababalot ng mga makakapal na ulap ay tumambad sa kanilang paningin ang magandang tanawin. Makikita mula sa ibaba ang kulay asul na karagatan. May malaking nagyeyelong bundok sa 'di kalayuan. At makikita ang luntiang kagubatan.


"Paano tayo napunta sa ganitong klaseng lugar?" Muling tanong ng babaeng may mahabang buhok.


"Pwede ba? Wag kanang tanong ng tanong dyan? Dahil parehas mo hindi rin namin alam ang sagot sa mga tanong mo!" Bulaslas ng babaeng may maigsing buhok.


"Tama ka dyan." Sang-ayon ng lalaking nakasumbrero sa babaeng maigsi ang buhok. "Ang mabuti pa'y magpakilala muna tayo sa isa't isa." Suwestiyon nito.


"Korek! Anyway, ako nga pala si Maddielynn Esquierdo. Just call me na lang Madel for short." Pakilala ng babaeng may maigsing buhok.


"Ako naman si Rachelle Pulido. Tawagin nyo na lang ako sa nickname kong Cheng." Pakilala naman ng babaeng may mahabang buhok.


"At ako naman si Paolino Vargas. Nice to meet you guys." Ngiting pakilala rin ng lalaking nakasumbrero.


Lumapag ang malaking manok sa kagubatan malapit sa may ilog. Agad na bumaba ang tatlo at muling lumipad palayo ang malaking manok.


Sinalubong sila ng isang matipunong lalaki na may kulay bughaw na kasuotan na pang mandirigma. Magkahalong bakal at tela ang baluti nito. Nakasuot ito ng leather boots. Medyo may kahabaan ang buhok nito.


Nagsalita ang nasabing lalaki ngunit hindi nila maintindihan ang sinasabi nito dahil ibang wika ang binibigkas nito.


"Ano raw? Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya?" Kunot noo ni Paolino.


At nilapitan ito ni Maddielynn. "Tao ba 'to o bagay? Nakikita ba 'to sa kusina?"


"Sira! Pinoy Henyo naman yang ginagawa mo, Madel!" Batok ni Rachelle kay Maddielynn.


Lumapit ang lalaki kay Rachelle at agad syang hinalikan nito sa kanyang mga labi.


"Manyak!" Sabay sampal ni Rachelle sa pisngi ng lalaking humalik sa kanya ng walang paalam.


"Aray ko! Ang sakit nun ha? Bakit mo ko sinampal?" Napahawak sa pisngi nitong sabi kay Rachelle.


"H-ha? Naiintindihan ko na ang sinasabi nya ngayon?" Gulat ni Rachelle.


"Kami rin Cheng, naiintindihan na din namin ang kanyang sinasabi." Biglang sabi ni Paolino.


"Talaga, Pao? Pero pa'no?"


"Nang dahil siguro sa halik nya sayo kanina?" Sagot ni Paolino.


"Tama ka binata. Kaya ko sya hinalikan upang magkaintindihan ang ating mga wika. At dahil sa iisang mundo lang kayo nagmula kaya't kahit hindi ko hinalikan ang bawat isa sa inyo ay sapat na ang halik ko mula sa magandang binibining ito dahil kunektado kayo sa isa't isa." Paliwanag nito sa kanilang lahat.


"Sayang dapat pala ako na lang hinalikan nya kanina! Gusto ko pa namang makatikim ng apam!"

Hinayang na sabat sa kanilang usapan ni Maddielynn.


"Ingitera!" Asar ni Paolino kay Maddielynn.


"Tse!" Irap ni Maddielynn kay Paolino.


"So, ikaw pala ang dahilan kung bakit kami nandirito ngayon?" Taas kilay na hinarap ni Rachelle ang misteryosong lalaki.


"Oo ako nga." Pag-amin nito.


"At anong dahilan mo, aber?" Pameywang ni Rachelle.


"Dahil kayo ang dinala ng mahiwagang Sarimanok* dito sa Absilyon at ang ibig sabihin nun ay kayo ang tinakdang maging Knight Magician." Siwalat nito.


"Anong sabi mo? Absilyon? Knight Magician? Hindi ko maintindihan? Teka nasa Pilipinas pa ba kami?" Maraming tanong ni Rachelle dito.


"Nandito kayo sa planetang Absilyon." Diretyang sagot pa nito.


"What?! Niloloko mo ba kami?!" Kinuwelyohan ni Rachelle ang lalaking mandirigma.


"OMG! Tambak pa yung mga labahin ko sa bahay! Pa'no ba tayo makakauwi kaagad!" Sabat naman ni Maddielynn.


"Ano ka ba naman, Madel? Yung mga labahin mo pa inaalala mo sa sitwasyong ito!" Bulaslas ni Paolino.


"Hindi ko kayo niloloko. Kung gusto nyong makabalik sa dati nyong mundo ay kailangan nyo munang tapusin ang inyong misyon bilang mga Knight Magician." Paliwanag nito.


"Weh di nga? Seryoso?" Hindi pa rin makapaniwala si Rachelle sa mga sinasabi nito.


"Seryoso ako!" Sigaw nito sa kanilang lahat at natahimik silang tatlo. At malungkot na muling bumaling ito sa kanila. "Kaya ko kayo dinala dito dahil kailangan ko ang inyong tulong laban sa naghahasik ng lagim ng mga taga Murk Empire. Pakiusap, tulungan nyo ako."


Patlang...isang mahabang katahimikan. Huminga ng malalim si Paolino.


"Kung yan lang ang tanging paraan para makabalik muli kami sa dating naming mundo, sige pumapayag na ako." Payag ni Paolino sa kanilang misyon.


"Ako rin pumapayag na din." Sang-ayon din ni Maddielynn.


"Sige na nga, payag na rin ako." Napilitang pumayag na rin ni Rachelle na sumama sa misyon.


"Salamat sa inyong pang-unawa mga Knight Magicians. Sya nga pala, ako si Ryle Patterson. Isa rin ako sa mga Knight Magicians tulad nyo."

---------------------------------------------------------------------------------

*SARIMANOK

A Sarimanok is a magical, mythical flaming bird who brings good luck to anyone who are able to catch it. Some say it is a pet of Engkantos. A Sarimanok known as Magaul is associated with the legend of Malakas and Maganda. Magaul was the Sarimanok bird that pecked the bamboo from where Malakas and Maganda were born from.

Let Paolo Arnie know what you thought about this chapter!
Love this

0

Love this

Funny

0

Funny

Spicy

0

Spicy

Suspenseful

0

Suspenseful

Emotional

0

Emotional

Profound

0

Profound

Heartwarming

0

Heartwarming

Shocking

0

Shocking

Good Writing

0

Good Writing

Compelling Plot

0

Compelling Plot

Great Character

0

Great Character

Strong Dialog

0

Strong Dialog

Further Recommendations

Fated to My Ex- Best Friend

Kelley: Love the story line! Ryder needs to getvhiavhead out of his ass tho!

Read Now
My Blacksmith Savior

Farial-Jap-Girl: なんて素敵で、予想もしなかった読書体験なんでしょう! これは間違いなく、ありきたりな恋愛小説ではありません。むしろ、そうじゃないことに感謝したいくらいです。登場人物たちがとてもリアルに感じられるんです。欠点があって、複雑で、情熱的で、人間らしい「白か黒かでは割り切れない」魅力的なグレーの部分に満ちています。怒りや支配、愛、そして怒りの赤い霧に飲み込まれそうになったときに、別の道を選ぶ可能性を描いているところも、とても好きでした。でも正直、一番の驚きは、この本がとにかく楽しく読めたこと! 作者はヒロインの声を見事に描き出していて、私はすっかり別の時代、別の場所へ連れ去られたような気分になりました...

Read Now
The Grumpy Next Door

emmylee.p.: Funny, cute, heartwarming, good writing, great characters, and a bit of spice

Read Now
The Offside Arrangement

Deonna: Another wonderful book from JaneAnne! Lacey and Kaid were absolutely perfect for each other from the very beginning. The character growth and emotional roller coaster were excellent. Definitely worth reading and adding to my favorite books reading list. 🩶❤️

Read Now
The Luna Trials

abqgnomeroo: I really like this book. It seems unique in a few pleasing ways, compared to other wolf books. Definitely worth reading.

Read Now
Burn for Me

BeeSmith2U: The male character Zayne, was such a pillar of strength and patience who recognized the jewel that was inside Lysaria.It was well written without grammatical errors..Thank you Ember for sharing your work with us. We appreciate you...Keep writing...

Read Now
Ruthless Lord

mutondimaluleke: Amazing story, loved every bit of it. I definitely recommend

Read Now
The Alpha and His Rogue

Mia: Loved to see Colton get a second chance mate

Read Now
The Luna He Threw Away

maria valera: I really enjoy the way you write.

Read Now