Chapter 1
First time sa buong buhay ko na may nagustuhan akong tao.
Hindi siya guwapo, pero hindi rin naman pangit. Ordinaryo lang ang itsura niya, pero may kung anong kakaiba sa aura niya. May presensya siyang hindi ko maipaliwanag,iyong tipong kahit wala naman siyang ginagawa, napapansin mo pa rin.
At ayun na siguro ang dahilan kung bakit ako humanga sa kanya.
Ako kasi iyong tipo ng tao na hindi sanay maging malapit sa mga lalaki. Hindi ako palakaibigan pagdating sa kanila, at kadalasan, umiiwas pa nga ako. Kaya ni minsan, hindi ko naisip sa sarili ko na may isang taong magkakagusto o hahanga sa akin.
Hindi lang naman dahil doon.
Isa rin sa mga dahilan kung bakit pakiramdam ko ay walang magkakagusto sa akin ay dahil sa pagiging mahiyain ko. Hindi ako iyong tipo ng babae na madaling mapansin. At kung tutuusin, pakiramdam ko rin ay pinagkaitan ako ng ganda.
Kaya siguro, natutunan kong gumawa ng sarili kong mundo.
Kapag tahimik ang paligid at mag-isa ako, hinahayaan kong tumakbo ang isip ko sa kung saan-saan. Iniimagine ko ang mga bagay na alam kong malabong mangyari sa totoong buhay.
Doon ko na lang ipinaparanas sa sarili ko ang pakiramdam na may humahanga sa akin.
Na may nakakapansin sa akin.
Na may taong pipili sa akin.
At higit sa lahat...
Na may taong mamahalin ako at mamahalin din ako pabalik.
Gaya na lang ng paulit-ulit kong pag-iimagine na...
Naging kami na ni crush.
Sa mundo ng imahinasyon ko, walang hiya, walang duda, at walang tanong kung sapat ba ako.
Doon, parang posible ang lahat.
Pero hindi ko alam...
Na balang araw, ang simpleng pantasya ko lang noon ay unti-unting lalapit sa totoong buhay.



![[Moving to Galatea] What We Never Healed](https://cdn-gcs.inkitt.com/vertical_storycovers/ipad_b00b828931c645f2eccdf3396cb15498.jpg)




