Chapter 1.1
Nagagalak si Wong Ming nang tuluyan na siyang maging ganap na Mortal Sea Realm Expert. Ang kaniyang sariling lakas at pangangatawan ay masasabi niyang umunlad.
Isa pa ay mas lalong humaba pa ang lifespan niya lalo na at isa ito sa pinakamataas na boundary ng cultivation level na pinapangarap ng lahat.
Tumalas din ang mga senses niya at kayang-kaya niya ng i-detect ang sinumang nilalang sa malayo na may mababang lebel kumpara sa kaniya.
Ang agwat ng naunang mga cultivation level niya ay parang langit at lupa. Umunlad din ang ibang mga aspeto ng sarili niya lalo pa't kayang-kaya na na ng sarili niyang mag-cultivate kahit na naglalakbay sila.
Ang Divine Triple Body Cultivation Path ay sobrang nakakamangha dahil nagiging natural ang pagkuha nito ng enerhiya sa buong kapaligiran na nilalakbayan nila.
Naisipan nina Wong Ming at Keran na hanapin muna ang nasabing mga alaga ng pinaslang niyang Earth Demon.
Malakas at tuso din ang isang iyon ngunit hindi nito inaasahan na sila ang magpang-abot sa lugar na nagmistulang libingan nito.
Ramdam niya pa rin ang traces ng mga enerhiya ng kinonsume niya na Golden Sleeping Woodflower na naging isa sa pangunahing dahilan upang magbreakthrough siya sa Mortal Sea Realm.
Kakailanganin din niyang makakuha nito upang magamit ng mga kaibigan niya upang makapagbreakthrough din sa katulad niya na lebel.
Ang iba sa mga ito ay maaaring ibenta niya o i-convert bilang contribution points sa kanilang sect.
Hindi lubos maisip ni Wong Ming na mayroon na siyang lakas upang paslangin ang mga nilalang na mas mababa sa kaniyang lebel ng cultivation.
Sa ganitong klaseng lebel ay maaari na siyang magtatag ng sarili niyang Sect na maaaring makabenepisyo sa kaniya ng malaki.
Ngunit marami din ang maaaring isaalang-alang niya lalo pa't hindi rin biro ang nasabing cultivation resources na maaaring magamit ng mga magiging disipulo ng kaniyang Sect kung sakali.
Isa pa ay matagal na panahon na rin nang huli niyang nabalitaan ang patungkol sa Li Clan na ngayon ay parte na rin ng Hollow Earth Kingdom sa iba nitong pangalan o pinalitan na rin ito.
Ang hindi niya maintindihan ay ang pagiging tahimik ng Dou City. Hindi rin imposibleng walang malalakas na martial art experts na naririto at tila hati ang nasabing opinyon nila.
Ang hindi niya paglaban sa mga ito ay hindi nangangahulugan na wlaang naghihintay na delubyo sa kanila lalo na sa tatlong kaharian na ngayon ay tila nagkawatak-watak na.
Ang kaniyang sariling disipulo ay naroroon pa rin. Maaari naman niyang personal na puntahan ang mga iyon kung sakali gamit ang isa sa mga katawan niya upang personal na makita ang kasalukuyang kalagayan ng mga ito.
Agad na iwinaksi ni Wong Ming ang alalahaning ito. Sa ngayon ay itutuon na lamang niya ang sarili sa paghahanap ng mga Cultivation resources na maaaring magamit niya sa hinaharap.
Hindi lingid sa kaalaman ni Wong Ming na maaaring isa sa mga alaga ng napaslang niyang Earth Demon ay mayroong lebel na Mortal Sea Realm.
Pero isa pa ring palaisipan kung paano nagkaroon ito ng pambihirang kontrol rito. Siguro ay likas na may abilidad ang nasabing Earth Demon na iyon.
Maya-maya pa ay naramdaman ni Wong Ming ang pamilyar ngunit nakakapangilabot na enerhiya na patungo sa kanilang direksyon.
SWOOSHHH! SWOOSHHH! SWOOSHHH!
Napakaraming makakapal na baging ang makikitang patungo sa kinaroroonan nina Wong Ming maging ni Keran na animo'y gusto sila nitong paslangin.
Napakabilis ng mga ito at sa liksi ni Wong Ming ay hindi man lang siya nahirapan na iwasan man lang na makakapit ito sa kaniya.
Ngunit sa isang banda naman ay napalayo si Keran dahil sa pag-iwas dahilan upang kapitan siya ng isang baging hanggang sa dumadami ng dumadami ang kumakapit sa kaniya.
"Little Devil, tulongggg!!!"
Ito ang malakas na sigaw ni Keran dahilan upang tingnan siya ni Wong Ming na nanlalaki ang mga mata.
Kitang-kita kasi ang higpit na pagkakasakal sa mismong leeg ni Keran at sa iba pang bahagi ng katawan nito.
Kahit si Wong Ming ay nangilabot sa nasaksihan dahil unti-unting pinupuno ng baging ang buong katawan nito.
Mabilis namang ginamit ni Wong Ming ang nasabing sibat niya at malakas na ipinabulusok ito sa mga baging.
BANG!
Isang malakas na pagsabog ang naganap dahilan upang makawala ang nasabing leeg ni Keran qng nasabing baging ngunit hindi ito sapat dahil papadami ng papadami ang mga baging na pumupulupot rito.
Gamit ang nasabing foot technique ni Wong Ming ay mabilis siyang nakarating sa pwesto ni Keran na sa kasalukuyan ay tila hinihila ng baging paatras sa direksyong patutunguhan nila.
BLAG! BLAG! BLAG!
Gamit ang naturang pisikal na lakas ni Wong Ming ay mano-mano ngunit mabilis niyang pinagpuputol at pinaghihila ang mga baging na ito.
Tila ba resistant ito sa enerhiya na siyang kaniyang ikinamamangha.
Naniniwala siyang isa rin itong buhay ns cultivation herb na may sarili ding cultivation level.
Nagbago bigla ang mga mata ni Wong Ming at kapansin-pansin ang pagtalas ng senses niya lalo ng kaniyang paningin.
Ilang daang metro mula sa kanila ay napansin niya ang tila unti-unting paglabas ng isang kakaibang uri ng buhay na halaman. Parang walang katapusang malalaking hibla ng mga baging ang makikitang inilalabas ng dambuhalang bunganga nito.
Ang katawan nito ay animo'y kahugis ng isang dambuhalang gagamba.
Kung hindi lang napansin ni Wong Ming ang enerhiyang nagmumula sa nilalang na ito ay aakalain niyang isa itong uri ng magical beast ngunit hindi.
Spidercub Killer Vine!
Nanlaki ang mga mata ni Wong Ming nang mapagtanto niya kung ano ito. Isa itong uri ng demonic plant ngunit hindi angkop sa Earth Demon.
Kung minamalas naman sila. Kung di siya nagkakamali ay kasinglakas ng nasabing demonic plant na ito ang isang Middle Stage Mortal Sea Realm Expert.
Kung isa pa lamang hamak na Golden Warrior Realm Expert si Wong Ming ay siguradong hindi siya magkakamali na labanan ang isang ito dahil na rin sa taglay na lakas ng nasabing halimaw na tanim.
Self-regeneration o kakayahang maghilom ng mga natamong sugat at isa rin itong fire-resistant type na cultivation plant.
Kaya nga nahihirapan ang sinuman na labanan ang isang nilalang na ito dahil mayroon din itong self-regeneration ability.
Bilang rin lamang ang ice type na cultivators dahil karamihan ay fire type ang pinipiling cultivation skills at techniques dahil ito ay hindi gaanong mahirap matutunan kumpara sa Ice type.
Marami din ang water type na mga cultivators ngunit walang masyadong nagtuturo nito at iilan lamang ang umuunlad.
Napangiti na lamang si Wong Ming dahil kahit Middle Stage Mortal Sea Realm ang katumbas na lakas ng nasabing demonic plant na ito ay isa naman siyang ice type cultivator.




![The Moon's Weapon : the cursed mate [ MOVING TO GALATEA]](https://cdn-gcs.inkitt.com/vertical_storycovers/ipad_123f31099804e79c6de11657975bcaae.jpg)




