Ang Mansion Sa Bukid

All Rights Reserved ©

Summary

Isa itong estorya ng mag-anak na may tinatagong lihim.

Genre
Erotica
Author
Sir_Zion
Status
Ongoing
Chapters
6
Rating
n/a
Age Rating
18+

Mansion

Chapter 1

Angelo's POV:

Pauwi ako ngayon sa aming bahay dito sa aming probinsya. Kasama kong umuwi si Karl papunta rito, gusto raw niyang bumisita sa aking lugar kung saaan ako isinilang at lumaki. Nakarating na kami at binaybay namin ang napakatahimik naming bayan. May iilan akong nakasalubong na pamilyar na mga mukha. Nalulula ako sa mga pagbati ng mga tao sa akin. Maliit lang ang aming lugar kaya't maliit lang din ang populasyon dito.

Bago pa kami maka punta ng bahay ay kailangan pa naming sumakay ng isang oras mula sa bayan. Ang bahay namin ang siyang pinakamalayo kumpara sa ibang mga nakatira dito. Mabuti na lamang at dumating si Mang Gaspar at ibinigay nito ang susi ng sasakyan. Isa itong katiwala namin sa bahay, pagkakita niya sa akin ay di na nagdalawang isip na ibigay sa akin ang sasakyan. Tinanong ko ito kung bakit nandito siya at kung ano ang kanyang ginawa rito. Inutusan daw siya ng boss niya na bumili ng mga bilihin na nakasulat sa isang papel. Ipinakita pa nito ang papel na hawak niya. Kakatapos lang daw nitong bumili ng lahat ng pagkaing nakasulat sa papel pero nung tinanong ko kung bakit ayaw niya sumama pauwi. Ngumiti lang ito sa akin at sabing mayroon pa siyang gagawin, bigla itong tumalikod at naglakad palayo sa amin. Tanaw ko ngayon ang malapad nitong likod pababa sa kanyang bilugang pwet. Sabay kaming nagkatinginan ni Karl at sabay ring napangisi.

Pagkarating namin sa bahay, kita ko ang pagkamangha ni Karl. Hindi ito makapaniwala na mansion ang kanyang madadatnan. "Tangina, ang laki. Mansion to eh, di mo naman sinabing napakayaman mo pala", mangha nitong sabi sa akin. "Hindi sa akin yan, bahay ni daddy yan", ikling sagot ko dito. "edi bahay mo rin, tatay mo may-ari eh", sabay kuha niya ng mga pinamiling pagkain. "hindi nga. Ah basta.", tugon ko sa kanya at pilit pinagkasya sa aking bisig ang ibang mga nakabalot na mga prutas.

Pagpasok namin ng bahay ay wala kaming nadatnang tao sa receiving area. Pagkarating namin sa mismong loob ay tiningnan ko kaagad ang sala pero wala pa rin akong nakikitang mga tao. "Dad? Nakauwi na po ako, saan po kayo?", Tawag ko sa daddy ko pagkatapos kung mailagay sa kusina ang mga pinamili. Pag-akyat ko ng hagdan ay may naririnig akong mga ingay ng tao kaya tinawag ko ulit si Daddy. "Dad?, kayo po ba yan?". wala akong natanggap na sagot pero nagtaka ako pagkat ang boses na aking naririnig ay nag mula sa kwarto ng aking nakakatandang kapatid. Pagkumperma ko nito ay agad kong tinungo ang aking silid sa kabilang dereksyon katabi ng kwarto ni Daddy. Dali dali namang umakyat si Karl galing sa baba at sumunod papasok sa aking silid, inilagay namin ang aming mga gamit at nag bihis ng koportableng damit tsaka kami lumabas.

"Utol mo ba yon? ang lakas ng ungol ah. Yari yung taong kasama niya ngayon parang hayop apaka ingay pa ng kama haha", usal ni Karl sa akin. Tinanguan ko lang ito sabay ngisi. Kahit kailan talaga, wala pa ring pagbabago itong si kuya malibog pa rin. Kaya siguro walang tao sa baba, baka andun sa kwarto niya ang mga kasambahay namin.

Nasa baba na kami ng makita ko si daddy sa kusina na naglilinis at nag-aayos ng mga pinamili . "Dad", tawag ko sa kanya at lumingon naman ito sa akin. "Kanina pa kita hinahanap, saan po ba kayo kanina?" tanong ko sa kanya. Nag-aalangan itong sumagot, ako naman ay naghihintay lang. "Sa- sa... p-pool lang", putol-putol nitong sagot. Kita ko ang pawisan nitong katawan kaya posibleng galing ito sa pool. Nagtataka man ay Hindi ko na ito masyadong iniisip..

Wala na kaming iba pang ginawa kundi Kumain ng hapunan at kanya-kanyang pasok sa kwarto at nagpahinga.

Kinabukasan ay pormal Kong ipinakilala si Karl Kay daddy at kuya. Bago pa kami nag sabay-sabay kumain ng agahan ay pinakilala ko siya sa dalawa bilang aking nobyo. Wala Naman akong narinig na pagtutul or kahit pagkagulat man lang pero kita ko ang mga matatalas na mga mata ng aking kuya na parang isang scanner. Pinanglisikan niya si Karl ng kanyang mga mata. Agad ko naman itong sinuway, buti na Lang at Hindi siya nakita ni Karl dahil abala na ito sa pagtimpla ng kape naming apat. Si daddy naman ay malugod na tinanggap si Karl at masayang-masaya ito sa aking binalita.

Magtatanghali na nang mapagpasyahan kong pumunta ng bayan upang bumili ng pintura, sira-sira at nagtatanggalan na kasi ang mga pintura sa aking kwarto. Hindi ito mabago-bago pagkat nuon pa man ay alam nilang ayaw kong may ibang pumapasok sa aking kwarto at gagalawin ang mga gamit ko. Napasok lang ito noong nakaraang linggo dahil nag paalam ako kay daddy na uuwi ako, pina linis niya ito sa aming kasambahay nuong pumayag akong ipalinis ito. Inaya ko si Karl na samahan ako sa bayan ngunit ayaw daw nitong sumama dahil kakapasok lang daw niya sa banyo. Alam kong matagal itong matapos kapag magbabanyo kaya hindi ko na lang pinilit, mag-isa ko na lang binaybay ang daan papuntang bayan gamit ang sarili kong bugatti la voiture noire.

_____________

Karl's POV:

Matapos nga naming mailapag sa kusina ang pinamiling pagkain galing bayan ay dumeretso agad kami sa napaka en grande nilang hagdan. Bago pa ako maka hakbang sa paunang baitang ng hagdan ay may nakita akong pigura ng tao na papasok papuntang kusina. Napaatras ako't napatingin sa lalaki, kumuha ito ng tubig sa ref. Habang nilalagok niya ang malamig na tubig ay sakto namang pagtingin nito sa akin. Wala itong pakialam sa paligid o kung sino man ang makakakita sa kanya kahit ito ay hubo't hubad. Kita ko ang kanyang pawisang katawan, tagaktak ang pawis nito at kita ko ang napaka tigas nitong burat, nangingintab pa ito at basang-basa, alam ko ang nangyayari kaya naman ay nakaramdam ako ng init sa aking katawan. Hindi nito tinanggal ang kanyang titig sa akin, pagkakindat nito sa akin ay napabalikwas ako at mabilis na inakyat ang hagdan. Pagkarating ko sa taas ay sakto namang paglingon ni Angelo sa akin, sumunod ako sa kanya papasok ng kanyang silid... hindi ko na lamang sinabi sa kanya ang aking nakita sa kusina.

Ngayon nga ay nasa banyo ako't inaya ni Angelo pumunta ng bayan pero tumanggi ako nag dahilan ako na kakabanyo ko pa lang kahit na kanina pa ako rito. Mayroon kasi akong binabalak na gusto kong mangyari at kailangan ko itong kompermahin. Kanina nga sa mesa habang kami ay nag aalmusal nararamdaman ko ang kakaibang titig ng lalaking kanina ko pa sinusulyapan, para akong matutunaw sa mga pagtitig nito sa akin. Ang titig nito ay nang-aakit gaya ng ginawa nito kagabi, nalaman ko nga na siya pala ang daddy ni Angelo.

Pagkaalis ni Angelo ay dali-dali akong nag bihis at maingat na lumalakad sa pasilyo, magkatabi lamang ang kwarto ng daddy ni Angelo sa kwarto niya kaya kita ko agad na mayroong kunting siwang ang pinto nito. Sinilip ko ang pinto niya at nagbabakasakali na makita ko siyang kahit nagbibihis lamang. Sa hindi ko malaman na dahilan ay wala akong nakitang tao sa loob, nadismaya ako at akmang aalis na sana at babalik na lamang ng kwarto ay siya ring pagbukas sa napakalaking pintuan ng daddy ni Angelo. Hinatak ako nito papasok ng kanyang kwarto.