Chapter 1
Chapter 1
"And this night won’t end without a big surprise. Our last item for the night...”
Huminga ako nang malalim. Ang tanging nararamdaman ko lang ay takot at kaba sa magaganap. This is it. Walang naiwang option sa akin dahil wala naman talaga akong pagpipilian. Gustuhin ko mang umatras ay wala rin naman siguro akong takas. Paniguradong kapag nakatakas man ako ay mahahanap ako ng mga taong dumakip din sa akin. All I could think now is how could I ever escape this illegal place. Ipapalagay ko na lamang sa Diyos na sana ay ligtas ako, na sana makikita ko pang buhay ang aking ina pagkatapos nito.
Nagising ako kanina na may nag-aayos na sa akin. Nakalimutan ko na nga kung ano ang ginagawa ko bago mangyari ito. Kahit anong tanong ko sa mga tao rito ay wala ring sumasagot sa akin. It’s useless to call for help.
" Bring out the ladies!” rinig kong sabi ng host. Narinig ko ang masigabong palakpakan nang isa-isang lumabas ang mga babaeng mas nauna sa akin. They were all wearing black slim gowns. Most of them were filled with fears in their eyes. Kahit ako ay nakikisali rin sa kanila. Nang wala na akong makasama sa lugar na pinag-iwanan sa amin ay huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung bakit ako ang huling lalabas. Sobrang espesyal ba ako para sa kaganapang ito?
Ilang minuto pa ang lumipas at rinig ko na ang sigawan ng mga tao sa labas. Tila nag-aagawan sa mga babaeng nandoon. Hindi ba sila naaawa? Nakokonsensya? Nabibili nila ang tao sa ganoong halaga? Ganoong ang Diyos naman ang nagbigay sa atin ng buhay nang wala tayong binabayaran. Why are they doing this? Is it for fame? Is it to let people know that they could buy anything with their money?
I was sitting in an expensive red couch in a four walled room. Kanina ay nabalot ito ng takot at tension lalo na sa aming mga babae ngunit nang ako na lang ay parang natahimik ito. Dinig ko lang ang ingay sa labas ngunit payapa ako sa loob. Kanina ay takot ako ngunit bakit ganito?
Bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking nakaitim. May maskara ang kalahating bahagi ng mukha nito kaya hindi ko rin naman maisusumbong sa pulis kung saka-sakaling makatakas ako. Wala na talaga siguro akong takas sa lugar na ito. Sigurado akong malalaking tao ang nasa likod nito. Inalalayan ako ng lalaki. Mahigpit ang kapit nito sa akin, akala siguro nito ay tatakas ako at tatakbo na siyang plano ko kanina pero ano bang magagawa ko kung sakaling makatakbo ako? Sigurado akong mas marami ang tagabantay sa labas.
Ipinuwesto ako nito sa likod ng kurtina na katapat lang naman ng kwarto kung saan naroon ako kanina. Sa maliit na siwang nito ay nakita ko kung gaano karami ang interesado sa kaganapang ito. May mga pamilyar na mukha akong nakikita, mga bigating mukha ng industriya na hindi ko inaakalang pupunta rito. Bumukas ang kurtina nang walang pasabi sa akin. Hindi ako nakapaghanda at tanging nagawa ko ay tumayo. Nakasisilaw ang liwanag na bumungad sa akin mula sa malaki at mamahaling chandelier na nagbibigay liwanag sa lugar. Sa itaas ay may nakita pa akong balcony kung saan may mga tao ding naroon. Maenggrade ang lugar, ginto ang kulay ng barandilya ng balcony na nakita ko. Kahit siguro ang chandelier ay naglalaman rin ng mamahaling diamante.
Nagtaasan ang balahibo sa aking braso. Hindi ko alam kung dahil ba sa ginaw, o takot at kaba? Sumenyas sa akin ang lalaking nakahawak ng mikropono na umabante. Sa takot ko ay humakbang ako at napahawak sa tela ng aking suot. My eyes roamed around the people in front of me, lahat sila ay nakatingin, tila nakakita ng kakaiba sa akin. Lahat sila ay nakakatakot kaya nanginig ang aking tuhod at muntik nang mapaatras kung hindi lang ako nilapitan ng host. Nakakakilabot ang ngiti nito sa akin. Ayaw ko ng ngiti nito. Ayaw ko rin ng titig nila.
Ang tanging napansin ko kanina pa ay kung bakit naiiba ang suot ko sa mga kasama ko kanina. Pare-pareho lang naman kaming ihaharap sa mga taong ito kaya bakit ako ang naiiba? Kumalabog ang aking dibdib nang magsimula ng magsalita ang host. Tila naging blangko ako habang nakatitig sa mga tao.
“Alysson Helene Rivera, a 26-year old nurse here in our country. Vital stats 35-25-36 and the bidding starts at 1 million!”
Namilog ang aking mga mata sa narinig. Tila naistatwa ako sa aking pwesto dahil sa halagang iyon. 1 million? Is it an appropriate price for a woman? Is it? Napakaliit ng halaga noon para sa isang buhay. People nowadays don’t care about the reputation and dignity of others. Basta may pera sila ay bibilhin nila. They don’t know the limits of money in this world.
"4 million!” may sumigaw. Napalingon ako sa kung sino ang nag-angat ng numero at nakitang isang matanda iyon. The host laughed and said something about the man. Nangangamba rin ako na baka mas malaki pa ang ibigay nito. Mas lalong ayaw ko nang ganoon.
Sunod-sunod na ang nagbid pero hindi pa rin iyon natitigil. I was just hoping that someone much better would buy me. Nanlalamig na ang kamay ko dahil sa kaba. Kahit ang aking balahibo’y ganoon pa rin ang tindig tila sumasabay sa kung ano man ang nararamdaman ko. Nangangalay ang aking paa dahil sa kakatayo. My whole body felt cold at pakiramdam ko’y ilang segundo na lang ay tutumba na ako dahil sa lamig at kaba.
" Fifteen million!” may sumigaw ulit. Umabot na ng fifteen million ang bidding price ngunit wala pa ring sumusuko. Nauna pang sumuko ang mga paa ko kaysa mga tao dito. Nakangiti naman ang host siguro ay dahil malaki ang makukuha nila sa mga taong naririto. Nakadama ako ng irita dahil sa mga taong ito.
"Fifteen million from number 342. Anyone? Fifteen Million going once, goi---
Hindi natuloy ang balak ng host na isara ang bidding dahil may sumigaw. Parang sinarado ang aking tainga sa narinig at dumagundong naman sa tibok ang aking puso.
" 25 MILLION!”