Something Between Lovers and Friends
Share with your friends
Customize readability

Something Between Lovers and Friends

All Rights Reserved ©

Summary

Nakilala ni Nathaniel si Mark sa school na pinasukan niya sa probinsiya ng Lola niya. Sa tatlong na taon na pagsasama nila ay mas lalong lumalim ang pagkakaibigan nila. Mark is a certified womanizer. Halos lahat na yata ng magagandang babae sa school nila ay naging girlfriend na nito samantalang si Nat ay nanatiling single. Magkaroon kaya ng lakas ng loob si Nat na sabihin kay Mark ang feelings niya na nabuo sa tatlong taon na pagkakaibigan nila?

Status
Complete
Chapters
14
Rating
5.0 (1 review)
Age Rating
16+

Prologue

"Minsan hindi mo pala talaga malalaman ang tunay na halaga ng isang tao sayo hangga't hindi siya tuluyang nawawala sa buhay mo. Kapag nawala na siya ay saka mo pa lang marerealize kung gaano mo siya kamahal."


- Mark Oliver Redelicia


Prologue


Mark's POV


2019


Napahugot ako ng malalim na paghinga saka ako sumulyap sa orasan na nasa braso ko.


9:45PM


Please, Nat! Huwag mo namang gawin sa akin ito. May fifteen minutes ka pa. Natraffic ka lang.


Please! Bumalik ka na sa buhay ko. Kailangan kita. Kailangan ko ang bestfriend ko.


Namimiss na kita. Kung alam mo lang kung gaano kita namiss. Ipagpapalit ko lahat ng mayroon ako makasama lang kita ulit.


Sana panghabangbuhay na. Hindi bilang bestfriend ko kundi long time partner ko na sa pagkakataong ito.


Tumayo ako mula sa bench na kinauupuan ko. Ilang beses akong nagpalakad-lakad.


Puno ng kaba ang dibdib ko. Paano kung hindi siya dumating? Isusuko ko na ba talaga siya?


Pero hindi ko yata kaya. Ilang taon din akong nagtiis na wala siya. Ilang taon ko siyang hinanap. Pero kung ayaw na talaga niya sa akin ay kailangan ko na siyang bitawan.


Masakit man para sa akin ay kailangan. Kasalanan ko rin naman kung bakit pinili na niya na layuan ako.


Dahil asshole ako.


Muli ay sumulyap ako sa relo ko. Five minutes na lang 10pm na. Nasaan na ba siya?


Halos pitong oras na akong naghihintay dito.


Pero may apat na minuto pa ako. 12:30AM ang flight ko patungong London.


Kapag hindi ako sinipot ngayon ni Nat ay wala na akong ibang pagpipilian pa kung hindi ang bumalik na lamang ng London kung saan na naninirahan ngayon ang pamilya ko. Maliban kay Daddy na naiwan dito upang pamahalaan ang negosyo niya.


Sumulyap ako sa main entrance ng Global Garden. Kahit anino ni Nat ay hindi ko pa nakikita.


Nanlulumo ako na muling napaupo sa isa sa mga bench na naroon. Tiningala ko ang madilim na kalangitan.


Napakarami ng bituin sa langit. Kagaya rin ng una naming pagsasama ni Nat.


Hindi ko na napigilan ang pagkawala ng isang butil ng luha mula sa mata ko. Mabilis ko iyong pinahid saka ako suminghot.


Muli kong sinulyapan ang relo ko. Exactly ten na pero wala pa rin si Nat.


Darating kaya siya?


Nanlulumo ako na napayuko na lang kasabay ng pagdaloy ng mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Let Nickolai214 know what you thought about this chapter!

Jodo
Jodo

thank you Nickolai, keep safe always...

4 years

Further Recommendations

Mystic Wolf

Teresa: The book is well done, brilliant in fact! Z

Read Now
Bear Shifter Secrets

tatianne Ingrid: Adorei cada capitulo! parabens

Read Now
An Irish Match

readingtoday77: This story is so very sweet. I really like each main character's emotional evolution, especially Liam working through difficult past betrayal and tragedy to be able to take a chance and love again. The sex scenes were fiery and tender and so very moving, especially the scene when Maeve says that she...

Read Now
To Catch a Ghost, Part 1

Wendy Salvo: I really liked this story but now that I’ve read all three I wanted to come back with a thought, the forward on this story talks about a reverse harem and not having to choose, but there isn’t any choice, or thought of a harem until the moment she connects with them, there is only foreshadowing of o...

Read Now
The Mate he couldn't have

starlit_soul: I love the plot and dialogue It's my first ware wolf story and I can already see my self reading more of these

Read Now
THE WOMAN HE BOUGHT

AARADHYA BAISLA: This wo soo so so nice I loved the storyline 👏💗

Read Now
His Silent Luna

Leah: I love the emotions of this book, there's never a boring part, it's always thrilling and the occasional edge is perfect, I did notice some mistyped words or misspelled words, but for this book I didn't mind at all, this was an emotional rollercoaster, but it was worth it, I read this book in 1 day, ...

Read Now
Graves Lost Daughter Book 1 Devils Creek MC

PattieJo60: Loved this story so much. The characters were great. How they grew in the story was written so well. I must have gone through a dozen of tissues. Seriously book made my day. Thank you so much.

Read Now
The Full Moon Breeding Club

Susan Morris: This is a fantastic romance story! The writing, the timing, the flow, the characters were all great. I love the story because it involved a “process” I had not read about before in shifter romance and was well thought out and applied to this story. Cheers to the author!

Read Now

Newest Collections