Customize readability
Aa

Loving a Hunter

All Rights Reserved ©

Summary

Leixandre Hunter is a well-known man from a well-known family. He has a brother, Stefan Hunter- Half brother from his father. But they don't get along with each other. Their dying father has a last wish for the both of them and that is to see them get married and settle down. They need to fulfill their father's dying wish or else both of them won't inherit anything from their father's wealth. But there's a catch! Their father has a rule and condition for them to get married. Stefan Hunter needs to marry the woman his father had already set up for him and Leixandre, he needs to marry a virgin woman at the age of 35! Will they comply with their father's dying wish and sacrifice their freedom? Or will they disobey knowing that they will not get any inheritance? What is more important to them? Freedom or Wealth? NOTE: This story is written in Filipino-English.

Status
Ongoing
Chapters
14
Rating
n/a
Age Rating
18+

Prologue


"This is ridiculous!"

Leixandre toss the paper at the desk and stand up from the chair. Ipinikit nya ang kanyang mga mata at kinuyom ang kamay sa galit. Hindi nya lubos maintindihan kung bakit nagagawa ito ng kanyang ama.

Ang manipulahin sila para sundin ang kagustuhan nito.

"Son you have to--"

"Don't call me that!"

Sigaw nya sa kanyang ama. Tiningnan nya ito ng matalim.

"Huwag na huwag mo akong matatawag na anak! You only know me as your son if you want something!"

Naniningkit nyang sumbat. Labis na sama ng loob ang dinaramdam nya dito. Pakiramdam nya ay tauhan at isang laruan lamang siya sa kanya ng magaling niyang ama. Halos lahat ng gusto nito at ipinagagawa ay labag sa loob niyang sinusunod.

"Ito ang kahuli-hulihang hiling na hihingin ko mula saiyo" mangiyak ngiyak na sabi sa kaniya ng kaniyang amang si Don Joaquin. "Sainyong dalawang magkapatid" saad nya na nakatingin sa kaniyang mga anak.

Ibinalibag ni Leixandre ang upuan na tumama sa pader at napamura.

"That's bullshit!"

Tinapik siya ng kaniyang kapatid sa balikat at seryoso siyang pinagmasdan.

"I know it's hard but whatever dad wishes you to do please, atleast show some respect."

Iwinaling nya ang kamay ng kaniyang kapatid at galit niya itong nginisian.

"Bilib din talaga ako sa'yo Stefan" tinignan nya ito na patangu-tango ang ulo "Kunsabagay, like Mother like son kaya hindi na ako magtataka."

Isang suntok ang dumapo sa pisngi ni Leixandre na dahilan para mapaatras siya. Napahawak siya sa kanyang labi na ngayo'y nagdurugo na.

"F*ck!" Gulat na sambit nya at tumingin kay Stefan. Hindi siya nagdalawang isip na sugurin ito at gantihan din ng malakas na suntok sa mukha. Napasubsob sa sahig si Stefan sa lakas ng suntok ni Leixandre. Akmang susuntukin nya muli ito ngunit napahinto siya.

"Itigil nyo yan!" Matining na sigaw ni Natalia, ang ina ni Stefan. "Hindi na kayo nahiya" nilapitan nya ang kanyang asawa na nakaupo "Sa harap pa talaga mismo ng inyong ama" at humikbi hikbi ito na tila ay iiyak na "Walang ibang hangad ang inyong ama kundi ang makita kayong masaya at nasa maayos na kalagayan bago man lang siya--" hindi na nito naituloy ang gustong sabihin at humagulgol na ito sa iyak habang yakap yakap ang asawa.

Naikuyom muli ni Leixandre ang kanyang mga kamay sa tindi ng galit at pagkamuhi niya sa mga ito. Lalong-lalo na kay Don Joaquin. Nag-iigting ang kanyang mga panga habang nakatitig sa ama. Tinalikuran nya ito at galit na lumabas sa opisina ng kanyang ama. Habang papalabas siya ng pinto ay tinawag siya ni Don Juaquin.

"Leixa! Bumalik ka dito!" Galit na tawag nito sakanya ngunit dere-deretso siyang lumabas at hindi pinakinggan ang ama. "Hindi pa tayo tap--" napatigil ito sa pagsasalita at napahawak sa kanyang dibdib.

"Mahal, what's wrong?" Tanong ni Natalia.

Hindi makapagsalita si Don Joaquin habang hawak-hawak ang naninikit niyang dibdib ng bigla na lamang siyang nawalan ng malay.

"Mahal? Joaquin!" Sigaw ni Natalia. "Stefan tumawag ka ng doctor!" Utos nya sa kaniyang anak.

Walang pakialam na tuluyang lumabas si Leixandre at hindi nilingon si Don Joaquin. He don't care if something happens to him even if he dies today.

Napatigil siya sa paglalakad sa ideyang tumatakbo sa kanyang isipan. Sa tindi ng galit na nararamdaman niya ay naisuntok nya ang kamao sa pader. Sobra at abot langit ang pagkamuhi nito sa kaniyang ama simula ng mawala ang pinakamamahal niyang ina.

Ang kaniyang ama lang naman ang dahilan kung bakit nagawa ng kaniyang ina na kitilin ang sariling buhay nito. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na ipaghihiganti niya ang pagkamatay ng kaniyang ina ngunit hanggang sa ngayon ay hindi niya ito magawa dahil hawak-hawak siya nito sa leeg. Wala siyang ibang magawa kundi sundin ito, kung hindi ay hindi niya mababawi ang kaisa-isang hinabilin sa kaniya ng kaniyang ina.

Ang mabawi nito ang beach resort na ipinamana at ipinangalan sa kaniyang ina na ngayo'y nasa pangangalaga na ni Natalia.

Si Natalia na pinakasalan ng kaniyang ama simula ng mamatay ang kaniyang inang si Andrea.

Sila ang dahilan kung bakit mas piniling magpakamatay ng kaniyang ina. Bago pa man ikasal noon ang kaniyang mga magulang ay magkarelasyon na sina Don Joaquin at Natalia. Ipinagbubuntis siya noon ng kaniyang ina kaya't pikit mata nitong itinuloy na magpakasal kay Joaquin dahil ayaw nitong lumaki ang anak na walang kinikilalang ama at dahil gustong-gusto naman siya at mahal siya ng mga magulang ni Joaquin kung saan ay nagmakaawa pa ang mga ito na huwag iwan ang kanilang anak. Sa pagmamahal ng magulang ni Joaquin kay Andrea ay ipinamana nila ang kanilang private beach resort at pinangalanang 'Andrea's Haven.' Pinagkaingat-ingatan iyon ng kaniyang ina na sobra nitong pinahalagahan. Kaya't alang-ala sa mga ito ay hindi iniwan ni Andrea si Joaquin. Nagmamahalan naman silang dalawa ni Joaquin, ang hindi niya lang lubos maisip ay kung bakit hindi nito malubayan si Natalia. Hanggang sa nagdalang-tao na din si Natalia. Ilang buwan lamang din ang naging pagitan nila sa panganganak. Nauna lamang niyang ipinanganak si Leixandre, matapos ang tatlong buwan ay ipinanganak naman ni Natalia si Stefan. At simula nga noon ay nahati na ang atensyon at pagmamahal sa kaniya ni Joaquin. Hanggang sa lumaki sina Leixandre at Stefan na laging ipinagkokompara. Ang kanilang mga ina na animo'y nasa kompetisyon sa pagpapalaki sakanila, maagaw lamang ang atensiyon ni Joaquin. Bandang huli ay hindi na kinaya ng kaniyang ina ang labis na pagsisiksik at panggugulo ni Natalia sa kanilang pamilya. Na tila sa lahat ng bagay at kilos ay pakiwari nito'y siya ang tunay at legal na asawa. Ang masakit pa nito, pakiramdam ni Andrea ay parang walang paki at hinahayaan lang ito ni Joaquin. Kahit anong pagsusuyo niya sa kaniyang asawa na lubayan at hiwalayan nito si Natalia ay hindi naman siya pinakikinggan ni Joaquin bagkus ay lagi lamang niyang sinasabi na sila ang tanging pamilya nito, na sila ang mahal niya. Naawa lamang daw siya kay Natalia lalo na sa kanilang anak na si Stefan kaya hindi niya ito maiwanan ng basta-basta.

Naging bulag-bulagan ang kaniyang ama sa sakit at sama ng loob na naidudulot nito sa kaniyang ina. Sobrang depression ang pinagdaanan ng kaniyang ina na halos mabaliw ito upang kumbinsihin si Joaquin na tapusin na ang anumang namamagitan sakanila ni Natalia. Hanggang sa nagbanta itong magpakamatay, ito pa ang naging dahilan para lamang layuan nga ni Joaquin si Natalia.

Nangako si Joaquin na hihiwalayan na nga si Natalia. Mas hindi daw nito kayang mawala si Andrea kesa kay Natalia.

Naging maayos at masaya muli ang kanilang pagsasama ng lubusan nga nitong hiwalayan si Natalia.

Sumigla muli ang kaniyang ina at nanumbalik sa dating sarili.

Ngunit makalipas lamang ang ilang taon, akala ng kaniyang ina ay habambuhay na tahimik at magiging masaya na ang kanilang pamilya. Nalaman niya na palihim pa din palang nakikipagkita at nakikipag-usap si Joaquin kay Natalia. Na kailanman ay hindi pala nawala ang komunikasyon nito sa isa't isa.

Parang ipinagsakluban ng langit at lupa si Andrea sa pagtataksil at paglilihim pa din sa kaniya ni Joaquin. Halos ginawa na nito ang lahat para lamang maging matiwasay ang kanilang pagsasama ngunit talagang niloloko lamang siya ni Joaquin. Ginawa siya nitong tanga at paniwalang-paniwala siya sa lahat ng mga naging pangako sa kaniya ng pinakamamahal niyang asawa.

Hanggang sa hindi na nito nakayanan pa ang lahat ng pighati, pag-uunawa at pagdurusa na dinaranas niya kay Joaquin. Tuluyan na niyang tinapos ang kaniyang sariling buhay.

Natagpuan ni Leixandre ang isang liham sa kaniyang kuwarto, pagkauwi niya galing eskwelahan. Doon isinulat ng kaniyang ina ang lahat ng pagdaramdam at pighati nito. Na mahal na mahal siya nito at labis na paghingi ng tawad sa kaniyang anak. Hinabilin din nito na huwag na huwag niyang pababayaan ang resort. Na pangalagaan niya ito at 'wag niyang hahayaang maagaw ito sa kaniya.

Huli na ang lahat ng marating nya ang resort. Natagpuan na lamang niya ang inang wala ng buhay sa pinakamamahal nitong beach resort.

Simula noon, pagkamuhi at matinding galit na ang itinanim niya mula sa kaniyang ama. Hinding-hindi niya ito mapapatawad. At kahit na labag sa loob niyang sinusunod pa din ang anumang utos at gusto ng kaniyang ama ay siniguro naman niyang buhay impyerno ang dadanasin ni Joaquin mula sakaniya hangga't sila'y magkasama. Hanggang sa huling hininga niya.

"Ito na ang magiging kahuli-hulihang susunod ako sa gusto mo" sambit niya sa kanyang sarili. Napagtanto niya na ito na ang magiging paraan upang mabawi niya ang hinabilin sa kaniya ng ina. Batid niya na ang kagustuhan ng ama ay isang malaking kahangalan. Ni wala sa isip niya na itali ang sarili sa isang kasal dahil ang tanging inisip niya all this time ay ang pabagsakin at pahirapan ang ama. Naging pasaway at sakit siya sa ulo ni Joaquin ngunit pagdating naman sa business na ipinahawak sa kaniya ay hindi niya ito ipinagsasawalang bahala. As much as possible, he's doing good and making he's own name to be different against his half brother Stefan and to his father. Mas naging matunog pa ang apelyido nila na "Hunter" dahil na rin sa kaniya, sa pagsasakripisyo at sipag na patakbuhin ng maayos ang "Hunterenergy Company." A company that develops, builds and operates high quality renewable energy projects all over the country. He work hard for this company and he's hardwork paid off. Being known of his projects and works, unti-unti siyang nakikilala hindi lamang sa Pilipinas kundi na rin sa ibang bansa. But as much as possible, he's keeping a low profile. Ngunit pagdating sa mga babae ay wala siyang ligtas kaya naman ang hiling ng kanyang ama na magpakasal ito ay isang kahangalan para sakaniya.

Ang hiling ng kanyang ama ay ang magpakasal sa isang babae na nasa edad 35 at hindi lamang iyon. Dapat ito ay isang 'Virgin' pa. Batid ng kaniyang ama na maraming babae at kung sino-sinong babae ang inuuwi nito na kadalasan ay mga one night stand at mga ka-fling lamang niya.

At kung hindi niya ito susundin ay wala siyang makukuhang mana, ni katiting na ari-arian ng kanyang ama ay wala siyang makukuha.

"He's so damn selfish!"

Hanggang sa kahuli-hulihang hininga ng kanyang ama ay sarili pa din nito ang iniisip!

Nalaman nila na may malalang sakit si Don Joaquin. Kaya naman gumawa na ito ng kanyang last will testament at ito nga ang isa sa mga kahilingan niya para sa mga anak.

Huminga ng malalim si Leixandre. Nag-iisip ng mabuti kung ano nga ang nararapat niyang gawin. Ang tanging hangad lang niya ay ang mabawi ang pinakahahabilin sa kaniya ng ina.

At naisip niya na maaring ito na ang isa sa mga hakbang upang makuha ang beach resort.

"Hindi lang ikaw ang magtatagumpay sa binabalak mo. Gagamitin ko ang pagkakataong ito para kunin ang lahat sa'yo."

Bulong niya sa kaniyang sarili.

He's focus now is to find a 35 years old virgin woman to marry.

How hard can it be?

Let LavLyn09 know what you thought about this chapter!
Love this

0

Love this

Funny

0

Funny

Spicy

0

Spicy

Suspenseful

0

Suspenseful

Emotional

0

Emotional

Profound

0

Profound

Heartwarming

0

Heartwarming

Shocking

0

Shocking

Good Writing

0

Good Writing

Compelling Plot

0

Compelling Plot

Great Character

0

Great Character

Strong Dialog

0

Strong Dialog

Further Recommendations

Merry Christmas - Adventskalender 2025

Aelyn Raven: Wieder eine tolle Geschichte. Leider bin ich erst jetzt dazu gekommen sie zu lesen, aber das tut der Geschichte keinen Abbruch *g* ich freue mich schon auf den nächsten Adventskalender

Read Now
Alpha Zach

Viviana Lorena: La trama de la novela, me encanta.

Read Now
The Dating Deal

Deonna: Hannah and Nate for the win! Gerald needs his own book. ❤️🩶

Read Now
The Orc's Pet

Victoria: Hi,I analyzed your work, and I think it has a very unique and engaging storytelling style. The way you present your ideas and emotions really stands out. By the way are you currently working on any other stories or writing projects?

Read Now
Ruthless Lord

Victoria: Hi,I analyzed your work, and I think it has a very unique and engaging storytelling style. The way you present your ideas and emotions really stands out. By the way are you currently working on any other stories or writing projects?

Read Now
Silver's Second Chance

Victoria: Hi,I analyzed your work, and I think it has a very unique and engaging storytelling style. The way you present your ideas and emotions really stands out. By the way are you currently working on any other stories or writing projects?

Read Now
We Only Fake It on the Weekends

user-h8xy7ykmDc: La novela me encanto, es justo lo que m3 gusta, trama sin enredos, ligera, fluye rápido y todos los capítulos son claros y continuos y gano el amor al final. Mi final favorito!!!

Read Now
Called by the Alpha

Blue: Over 120 pages and still no real storyline, or even clear exposition. Constant allusion to "hidden" meanings and feelings. Having said that, the potential is there, but the next chapters need to start making a point quickly - right now it feels that the author doesn't actually know where the story i...

Read Now
The Mafia's Chef

vitaline1985: Bien bien bien bien bien bien bien

Read Now