Prologue
"Myca! What did you do again this time?" Malakas na sigaw ni Daddy sa akin. "How many times do I have to tell you to not--" Inilayo ko sa tenga ko ang phone para hindi marinig pa ang sermon niya.
Haysss nakakarindi kasi! Ang sakit kaya sa tenga nho?!
"Myca! Myca!" Sigaw na naman ni daddy sa kabilang linya "Are you even listening?"
"Yes Dad" parang robot na sagot ko kay daddy.
"Your aunt will be there in 15 minutes to pick you up!"
"What? But why?"
"I thought you were listening to what I had just said?!" Bulyaw na naman niya sa akin "My decision is final! Inuubos mo talaga ang pasensiya ko!"
"But Dad!"
Tuut..tuut..tuut...
Biglang tunog ng kabilang linya. Dad hung up on me! Inihagis ko ang phone sa kama at asar na napatayo.
What did he mean by his final decision?
Aarrggghhh!!
Nakakainis! Kung iyon nga binabalak niyang gawin saken, kung tama man ang kutob ko anong gagawin ko?
Did I really mess up that much?
Napaisip tuloy ako. Nagpabalik-balik ako ng lakad sa kuwarto ko.
Eh! Kasalanan naman kasi nung malditang babae! Ako pa talaga ang binangga niya? Kasalanan ko ba na nabihag sa kagandahan ko ang boyfriend niya?
Nanggigigil ako kapag naalala ko ang mukha ng bruhang yon!
*Knock.knock.knock*
At biglang bukas ng pintuan sa kuwarto ko. Nanlaki ang mga mata ko ng pumasok si Tita Divine.
Shit! I'm in serious trouble! Para puntahan ako ng personal ni tita dito ibig lang sabihin patay talaga ako neto!
"Hi! Tita Divine! It's been a long time! I miss you!"
Kunwaring bati ko sa kaniya at tinignan siya ng nakakalokong ngiti.
"Drop the act Myca Dela Torres." Seryosong sabi niya.
Napabuntong hininga lang ako at pilit pa rin ngumiti sa kaniya. Kapatid siya ni daddy pero never kaming naging close at madalang na magkita kaming dalawa. At ayoko naman na makita ito! Hindi naman sa takot ako kay Tita Divine but she has this vibes that I don't like. Napakastrict nito, masungit at hinding-hindi mo makikitaan ng ibang reaksiyon. She's not even fun to be with! Kill-joy ito at laging seryoso sa buhay! That's why I never like her. Para kang robot na susunod sa gusto niya. Kaya naman nagtayo ito ng isang military school for teenagers kung saan ang mga papasok na students dito ay susunod na para ngang mga robot sa rules and regulations ng school na pinamumunuan niya. Ang mga pinapasok dito ay kadalasang mga teenagers na galing sa mga mayayamang pamilya but I also heard na may ibang galing din sa iba't ibang school na nililipat dito lalo na yun mga matitigas ang ulo, mga pasaway na hindi masaway ng mga magulang. Yun mga klase ng teenagers na kailangang madisiplina ng husto.
Ouch! Pinatatamaan ko ba ang sarili ko? Kinabahan tuloy ako sa mga iniisip ko.
Did Dad really mean to send me this time in that school? He was serious? Pinapunta pa talaga niya dito si Tita Divine!
"You have 10 minutes to go and pack your things." Sabay tingin sa wristwatch niya.
Nanlaki na naman ang mata kong nakatingin sa kaniya. "Are you serious?" And then nagsimula siyang magcount down. Nagpanic tuloy ako. Una kong dinampot ang cellphone ko sa kama na kaninang hinagis ko and then grab my backpack on the floor and went to my closet to get some clothes.
Bigla akong napahinto. Bakit nga ba nagpapanic ako? At bakit sinusunod ko siya?
Binitawan ko ang bag ko at humarap sa kaniya. Napatigil siya sa pagbibilang at nanlilisik na tinignan ako. I gulp hard when our eyes met.
Hehehe... Kakamot-kamot akong lumapit sa kaniya. Sa tingin ko hindi uobra ang pagiging brat ko kay Tita Divine. Pangalan pa lang niya nakakakilabot pakinggan! Her personality is divine as her name.
I really don't want to get into that school! I will do everything para makumbinsi ito na 'wag niya akong dalhin sa school niyang iyon. And besides I'm an adult now!
"Eh.. Tita is there any other way I can convince you to change your mind?" Malambing na pagsusuyo ko sa kaniya habang nakangiti "Besides I am your only niece" diniinan ko ang pagkakasabi ko sa salitang niece baka sakaling maawa ito sa akin "your one and only most precious niece you have" sabay kindat "Hindi po ba pwedeng may special treatment ako?"
Tinalikuran niya ako at hindi umimik.
Yes! Mukhang makukumbinsi ko ito!
"And diba tita only teenagers are allowed in your school? I am an adult now! I'm 18! And I am already in college."
Humarap siyang muli sa akin.
"And yet you act like a brat." Humakbang siya papalapit sa akin "Then you call yourself an adult when you don't act like an adult should be" napaatras ako hanggang sa mapaupo ako sa kama. Nakatingala akong nakatitig sa kaniya.
"What you did with that girl is unforgivable and an adult doesn't act like that!" Sigaw niya sa akin.
"But it's her fault! She humiliates me in front of everyone! And I will never let it slide! She has no idea whose she's messing with!" Galit kong sumbat sa kaniya.
"You don't know who you are dealing with" nakakalibot ang tono ng boses niya "Ang ama ng babaeng kinalbo mo ay ang nag-iisang kakompitensiya ng daddy mo. And they want you to give a public apology to their daughter."
Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa sinabi niya.
Shit! I really did mess up? Did I go too far?
Shunga ka ba naman kasi! Kinalbo mo lang naman un malditang babae na yun!
Sigaw ng konsensiya ko.
Wait? May konsensiya pala ako?
Natatawa tuloy ako sa sarili ko. Nababaliw na ata ako.
"At nakuha mo pang tumawa?"
Biglang tikom ng bibig ko at yumuko.
"Siya lang naman ang anak ni Mr. Gerald Lux. Ang nagmamay-ari ng Luxurious Hotel and Casino na mortal na kakompitensiya ng daddy mo."
WTH? But even so, I don't care! In fact! Now that I know that her dad is the mortal enemy of my dad, she deserved it!
"Alright then. If you want a special treatment, I will give it to you."
Tiningala ko na naman siyang tinignan.
"Really tita?" Tumayo ako at aakapin sana siya ng bigla niyang hinarang ang isang kamay niya to stop me.
"Baka kasi isipin mo na wala akong puso, But!" Biglang taas ng tono ng boses niya "If you badly want this special treatment, you will do everything that I will tell you. No ifs, no buts! Whether you like it or not."
Napaisip na naman ako but what else can I do? At least hindi ako papasok sa kulungan na iyon este sa school niya. Nakangiting tumango na lang ako sa kaniya.
"First thing you will do is give a public apology to that girl which you are going to do this afternoon."
"But--!"
Pinandilatan niya ako ng mata.
"Kasasabi ko lang diba, No buts?!"
Napakibit-balikat na lang ako.
"Second, you are going to cut your hair short!"
"Wait, what? But why? That is ridiculous! Why would I do that?" I scoff at her, nagtitimpi lang talaga ako para lang malusutan 'to but fuck! What she's saying is shit!
"You agreed to me. Lahat ng sasabihin ko ay gagawin mo. Ngayon kung ayaw mo" she went to pick up my bag, open my closet and toss some clothes inside it "Then you have no other choice but to come with me."
Galit na napaupo na naman ako sa kama.
Nakakainis talaga!
Napabuntong hininga ako ng malakas at nagisip-isip ng mabuti.
Napahawak tuloy ako sa mahaba kong buhok and I sigh. My mom loves my hair, she used to comb it every night kaya naman ayokong magpagupit. And she never likes me with short hair. I had promised her that I will never cut my hair short. But now, I have to break that promise.
Biglang parang may bumulong sa akin. May naiisip akong ideya para magawan ng paraan ang pagpapagupit ko.
"Okay tita Divine. I will cut my hair short" tumayo ako at humarap sa kaniya "But I will be the one to do it."
"How can I be so sure that you are going to do it?"
"You're right. I should act like an adult and I agreed with you. You do know that I don't want to get into your school. So I will do everything to not get into that school." Taas noo ko siyang tinignan sa mata para makumbinsi ito na seryoso ako.
"Very well." Naglakad siya at muli lumapit sa akin and this time napakaseryoso na niya. "I have the perfect punishment for you instead of getting into my school." Tinalikuran niya ako at inilabas ang cellphone niya sa kaniyang bulsa at lumabas ng kuwarto ko.
Kinagat-kagat ko ang kuko ko habang hinihintay siya. Wala pang limang minuto ay bumalik siya sa kuwarto ko.
"I already talk to your dad and agreed to me," sabay bulsa niya sa cellphone "You are going to disguise yourself as a transfer student in a high school."
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. What did she want me to do? Disguise? As a high school student?
Patuloy lang siya sa pagsasalita.
"I have been observing the school for years. At marami ang katulad mo sa sa paaralang iyon. It's perfect for you to be there, mararanasan mo ang hindi mo pa nararanasan" nakakalokong ngisi niya sa akin.
"Paano naman ang pag-aaral ko sa college?"
"Don't worry about that. All you have to think now is you will do as you told."
Great! This is far worst than being in that military school! Nagkamali ata ako ng desisyon!
"Myca Dela Torres will be gone, for now. Since you are going to disguise, in the meantime your name will be 'Gloria Molero'. We will change your look starting from your hair" tinignan niya ako pataas-pababa "the way you dress and also, you will wear eyeglasses."
This is really ridiculous! Hay! Ano ba 'tong napasukan ko? Mas lalo pa atang mahirap 'to kesa sa pumasok sa military school na 'yon!
"Disguising as someone else will surely change your life. And I hope this will teach you a lesson para tumino at magbago. Your life will surely turn upside down." Humakbang na siya palayo sa akin at binuksan ang pinto "From having all the luxury, getting what you want, and being famous from the so-called rich kid society, to a Nobody" she whispered the last word before she went out of my room leaving me mouth opened.
Darn!








