Chapter 1
➖➖➖✖️✖️✖️➖➖➖
⚠️ BABALA!! ⚠️
ANG KWENTONG ITO AY R-18 🔞 STRICTLY FOR READERS ABOVE 18 YEARS OLD LANG ITO. KUNG MAKITID ANG UTAK MO SA MGA GANITONG KWENTO... PLEASE LANG... HUWAG MO NANG BASAHIN... KAYSA MAG REKLAMO KA DIYAN NA KESYO PURO KALASWAAN ANG STORY NA ITO EME... I ALREADY WARNED YOU...
KUNG MALAWAK ANG PAG IISIP MO THEN YOU ARE FREE TO READ THIS...
❤️ ENJOY READING ❤️
➖➖➖✖️✖️✖️➖➖➖
PART 1
Umagang umaga ay naalimpungatan naman si Russell dahil sa pangangatok ng kanilang kasambahay.
"Sir Russell?? Sir Russell..." panggigising ng isang kasambahay kay Russell.
Wala nang nagawa pa si Russell kundi ang bumangon sa kanyang higaan at kausapin ang kanilang kasambahay. Pagkabukas nito sa kanyang pintuan ay masaya siyang sinalubong ng kanilang kasambahay.
"Good morning po Sir Russell..." masayang bati ng kasambahay kay Russell.
"Good morning po Manang... ang aga niyo namang manggising... ano po yun??..." inaantok pa na tanong ni Russell sa kanilang kasambahay.
"Hehe.. pasensya na po Sir Russell... pinapatawag po kasi kayo ni Don Martin sa living room... kakausapin niya po kayo.. importante daw po yun eh..." sagot naman ng kasambahay kay Russell.
"Oh?? Something important?? Sige sandali lang Manang ha?? Maghihilamos at magsisipilyo lang ako,.. uhmm., maliligo na lang siguro ako.." sagot naman ni Russell sabay balik nito sa loob at tinungo ang kanyang banyo para mag-hilamos at mag-sipilyo sabay ligo na lang nito.
Pagkatapos niya sa banyo ay kaagad naman siyang nagbihis at dali-dali na pinuntahan ang kanyang ama sa living area. Pagkarating nito sa living area ay nadatnan niya pa ang kanyang personal driver na si Dennis. Si Dennis ang personal driver ni Russell simula pa nung elementary pa lang siya hanggang sa naging college na itong si Russell.
"Good morning po Daddy.. Good morning Tatay Dennis..." agad na bati ni Russell sabay yakap at halik nito sa kanyang ama at sa kanyang driver.
"Good morning anak... siya nga pala.. may malungkot akong balita sa'yo..." sagot naman ni Don Martin kay Russell.
"Malungkot na balita?? Ano pong ibig niyong sabihin Dad??..." nagtatakang tanong ni Russell sa kanyang ama.
"Aalis na ang Tatay Dennis mo sa bahay na ito anak... mag-reresign na siya bilang personal driver mo.." malungkot na sagot ni Don Martin na ikinagulat naman agad ni Russell.
"Ho??... bakit mo ako iiwan Tatay Dennis??... may nagawa po ba akong mali sa inyo??.." lumuluhang tanong ni Russell kay Dennis.
"Patawarin mo ako nak ha?? Alam mo naman na matanda na ako... baka hindi ko na kayanin na ipagmaneho pa kita,.. pero huwag kang mag-alala nak... ang papalit naman sa akin ay ang aking anak na lalaki... babalik kami dito bukas nak para personal ko siyang maipapakilala sa iyo..." pagpapaliwanag naman ni Dennis kay Russell.
"Taaaayyy!! Mamimiss kitaaaa... pagdating ng bakasyon ko sa school... bibisitahan kita agad..." umiiyak na sambit ni Russell sabay yakap nito kay Dennis.
"Suss... itong bata na ito.. Sige nak.. welcome na welcome kang pumunta sa bahay namin... hihintayin ko ang pagbisita mo nak ha??..." masayang sagot ni Dennis kay Russell.
"Opo Tay.. bibisitahin po talaga kita doon..." sagot naman ni Russell pagkahiwalay ng yakap nito kay Dennis.
Pagkatapos nilang mag-usap ay napagpasyahan na ni Dennis na mag-impake ng kanyang mga kagamitan para umuwi sa kanilang probinsiya. Inihatid na din siya mismo nina Don Martin at ni Russell sa sakayan ng bus hanggang sa nagkapaalaman na silang lahat.
➖➖➖✖️✖️✖️➖➖➖
Magandang bati nga po pala sa inyong lahat... ako nga po pala si Russell de Asis... nakatira sa Ciudad de Iloilo... labingwalong taong gulang at kasalukuyan akong nag-aaral sa isang All-boys school dito sa Ciudad de Iloilo. Aaminin ko na po sa inyo... bading po ako... pero hindi ko naman pinangangalandakan yun... hindi ko rin naman itinatago... mahinhin din ako kumilos... Demure po ako at tahimik... mukhang virgin... pero hindi na po ako birhen... hehehe... first boyfriend ko ang nakakuha nun pero hindi naman kami nagtagal dahil ipinagpalit niya ako sa isang babae... which is understandable naman sa aking side... ano'ng laban ko dun... babae yun eh.
Anyway... malungkot pa rin ako dahil sa biglaang pag-resign ni Tatay Dennis bilang personal driver ko... itinuring ko na kasi siyang pangalawang tatay ko... since si Daddy ay palaging wala sa bahay dahil sa pagkalulong niya sa trabaho,.. siya ang CEO ng kumpanya namin eh... wala talaga siyang magagawa... hayyy... mayaman nga kami.. maraming pera.. nabibili ko lahat ng gusto ko pero kulang naman ako sa pagmamahal... siguro nga... sisimulan ko na ang pagmamahal ko sa aking sarili para kahit walang magmahal sa akin ay hindi ako magiging malungkot... ayy.. nakalimutan ko... yung papalit pala kay Tatay Dennis bilang personal driver ko ay ang kanyang panganay na anak na si Diego,... excited na akong makilala siya. Ipinakita din ni Tatay Dennis ang litrato ng anak niya and he is gwapo... pero deceiving naman minsan ang sa litrato eh... malalaman na lang yan sa personal.
➖➖➖✖️✖️✖️➖➖➖
Kinabukasan... Araw ng Linggo.. maaga ulit nagising si Russell dahil sa pangangatok ng kanilang kasambahay. And as usual... napilitan na naman na bumangon si Russell dahil baka importante ulit ang sasabihin sa kanya.
"Good morning po Sir Russell... pasensya na po ulit sa istorbo... pinapatawag po kasi kayo ni Don Martin... nandun na daw po yung bago niyong driver..." agad na bungad ng kasambahay kay Russell.
"Talaga manang?? Nakita mo ba nang malapitan ang anak ni Tatay Dennis??.." biglang tanong naman ni Russell sa kanilang kasambahay.
"Ayy!! ang gwapo niya po.. mas gwapo pa po kaysa sa ex boyfriend niyo.. maganda din po yung hubog ng katawan niya.. for sure magugustuhan mo siya Sir Russell,.." nakangiting sagot ng kasambahay kay Russell.
"Echosera ka masyado manang ha.. baka naman ikaw ang may gusto dun sa bago kong driver??.." natatawang sagot ni Russell sa kaniyang kasambahay.
"Uyy.. hindi naman po Sir Russell at tsaka may asawa na po ako.. ayokong magtaksil sa asawa ko.. baka magpakita sa akin si Tita Karmy eh. Mahirap na.." sagot naman ng kasambahay kay Russell sabay tawa nito.
"Hahahaha... oh sige na manang... mag-aayos na ako,, salamat po ah,.." huling sagot naman ni Russell bago ito pumasok ulit sa kanyang kwarto.
"Sige po.." huling sagot ng kasambahay nila bago ito umalis at bumalik sa kanyang trabaho.
Nang makapag-bihis na si Russell ay dali-dali na siyang bumaba ng hagdan at tinungo ang living area kung saan naghihintay ang kanyang ama. Pagkarating ni Russell sa living area nila ay agad na tumambad sa kanyang ang isang napakagwapo at makisig na lalaki na nakaupo sa tabi ng kanyang Tatay Dennis.
"Oh.. nandiyan ka na pala anak..." bungad naman ni Don Martin sa kanyang anak.
"Good morning Daddy... Good morning Tatay Dennis..." nakangiting bati ni Russell sa dalawa.
"Good morning nak... heto na pala.. personal ko nang ipapakilala sa'yo ang papalit sa akin bilang personal driver mo... ang aking napakagwapong panganay na anak... si Diego... at anak.. Diego.. heto nga pala si Russell.. ang nag-iisang anak ni Don Martin... ang aking pinagsisilbihan simula pa nung bata pa siya bilang kanyang personal driver..." agad na pagpapakilala ni Dennis sa kanyang anak.
Agad namang lumapit si Diego upang makipag-kamay kay Russell.
"Hello po Sir Russell... Diego Ramirez nga po pala..." nakangiting pagpapakilala ni Diego kay Russell.
"Itigil mo na yang kaka-Sir mo sa akin... ayokong tinatawag na Sir... just Russell... okay?? Hello Diego... nice to meet you..." nakangiting sagot naman ni Russell kay Diego sabay abot ng kamay nito.
"Parang hindi naman po yata tama na Russell lang ang itatawag ko sa inyo..." pangangatwiran naman ni Diego kay Russell.
"So?? Ano naman ang problema kung first name basis tayo... sa akin ka rin naman magtatrabaho eh... hindi kay Daddy... kaya huwag mo akong tatawagin na Sir... okay??..." nakangiting sagot naman ni Russell kay Diego.
"Nakakahiya naman po sa iyo.. ciempre Boss po kita.. dapat nandun pa rin po yung respeto..." pangangatwiran ulit ni Diego kay Russell.
"Nakakabastos ba pag tinawag mo lang ako sa pangalan ko?? Kung sa ibang tao... nakakabastos yun.. pwes.. sa akin... hindi.. kaya.. gusto kong tawagin mo lang ako sa aking pangalan lang... clear?? Pag ikaw... tinawag mo pa akong Sir,.. pauuwiin kita sa inyo.." nakangiting sagot ni Russell kay Diego.
"Hehe... sige po.. kung yun po ang gusto niyo..." nahihiyang sagot ni Diego kay Russell.
"Nice... mukhang nagkaka-mabutihan na kayong dalawa ah... anak.. Diego... mauuna na ako ha??.. nak? Russell... isumbong mo sa akin kapag gumawa ng kalokohan itong si Diego ha??..." pagpapaalam naman ni Dennis kina Russell at Diego.
"Tay naman... kailan ba ako naging pasaway sa inyo??..." natatawang tanong ni Diego sa kanyang ama.
"Yun na nga ang sinasabi ko anak.. huwag kang maging pasaway... lalo pa't ayaw ni Russell sa taong pasaway..." sagot naman ni Dennis sa kanyang anak.
"Huwag ho kayong mag-alala Tay... good boy ako noh... mag-iingat kayo sa pag-uwi Tay ha??..." sagot naman ni Diego sa kanyang ama.
Ilang sandali pa ay umuwi na din si Dennis at inihatid siya nito ng driver ni Don Martin sa sakayan ng bus. Nang makaalis na sila ay tinawag naman ni Russell ang kanilang mayordoma upang ihatid si Diego sa kanilang quarters. Pagkaayos ng mga gamit ni Diego ay kaagad siyang tinawag ni Russell upang idiscuss sa kanya ang schedule nito.
"Alright... so since... ikaw na ang aking bagong driver... heto ang aking schedules... yung Monday at Wednesday... 8am yung start ng klase ko niyan and 30 minutes before that ay nandoon na ako sa school so dapat 7am ay aalis na tayo dito sa bahay.. 6:30pm yung uwian ko niyan... 10 mins before that ay nandun ka na dapat sa parking grounds.. ako nang bahala na hanapin ka kasi may locator naman ako eh..." pagpapaliwanag naman ni Russell kay Diego.
"Okay po.. copy.." nakangiting sagot ni Diego kay Russell.
"Okay good.. kapag Tuesday at Thursday naman ay 11am ang klase ko... pero pumupunta na ako sa school 1 hour before pa rin... tapos 8:00pm naman ang uwian ko niyan and same routine din.. 10 minutes before ay nandun ka na rin... Kapag Friday naman... dalawa lang ang klase ko... 11am at 3pm pa yan... Saturday at Sunday ay nasa bahay lang ako niyan most of the time.. sooo... wala kang trabaho niyan dahil hindi naman ako lakwatsero... pero minsan pumupunta din ako ng mall at gumagala hanggang gabi.. at ito pa Diego.. hindi mo kailangan na ipagmaneho yung mga kasambahay namin kapag nag-gogrocery sila dahil may designated driver ang mga yan.. nakuha mo na ba ang schedule ko at yung tasks mo Diego??..." tanong naman ni Russell kay Diego.
"Yes po... kuhang kuha... maraming salamat talaga Russell ha?? Sa pagbibigay ng trabaho sa akin at sa aking Tatay... kung hindi dahil sa inyo.. hindi ako nakapag-tapos ng pag-aaral..." nakangiting pasasalamat ni Diego.
"Ilang taon ka na ba Diego??..." tanong naman ni Russell.
"19 na ako Russell... isang taon lang naman ang agwat ko sa'yo... 2 year course lang ang kinuha ko para at least meron akong natapos kahit yan lang..." sagot naman ni Diego.
"Mabuti naman kung ganon... hindi lahat katulad mo na nagpupursigi sa pag-aaral..." nakangiting sagot ni Russell kay Diego.
Hindi naman maintindihan ni Russell ang kanyang nararamdaman pero parang na-aattract na siya agad sa kanyang driver na si Diego kahit na kakakilala pa lang nilang dalawa pero ciempre hindi niya yon ipinapahalata.
➖➖➖✖️✖️✖️➖➖➖
Kinabukasan... at dahil araw na naman ng Lunes ay maaga ulit nagising si Russell at kaagad na tinungo ang kanyang banyo upang maligo dahil nga meron siyang 8am na klase. Nang makapag-bihis na siya ng kanyang uniporme ay dali-dali na niyang kinuha ang kanyang bag at lumabas ng kanyang kwarto at tinungo ang dining area upang makapag-almusal na siya. Pagdating niya sa dining area ay saktong kumakain ang kanyang ama kasama si Diego.
"Good morning Dad.." agad na bati ni Russell sa kanyang ama.
"Good morning anak... maupo ka na diyan at mag-almusal na.." agad na utos naman ni Don Martin sa kanyang anak.
"Good morning po Si--.." hindi na natapos ang pagbati ni Diego dahil tinitigan siya ni Russell nang masama.
"Uhm.. I mean.. Good morning Russell.." nakangiting bati ulit ni Diego kay Russell na ikinatawa naman ni Don Martin.
"Yown,.. good morning Diego.." nakangiting bati ni naman ni Russell sabay upo nito sa tabi ni Diego.
Pagkatapos nilang mag-almusal ay kaagad nang inutusan ni Russell si Diego na ilabas ang sasakyan na nais niyang gamitin. Nang maihanda na ni Diego ang sasakyan na gusto nilang gamitin ay agad na niyang kinuha ang bag ni Russell at sumakay na silang dalawa at agad na bumiyahe papuntang eskwelahan.
"May boyfriend ka na ba, Russell??.." biglang tanong ni Diego kay Russell habang nasa kalagitnaan pa lang sila ng kanilang biyahe.
"Dati nun.. meron pa.. pero ngayon.. saging na walang B na..." natatawang sagot ni Russell kay Diego.
"Saging na walang B?? Ano yun??.." nagtatakang tanong ni Diego kay Russell.
"Anana!!!..." natatawang sagot ni Russell na bigla namang ikinatawa ni Diego.
"Napatawa mo ako dun Russell ha?? Pero bakit wala na?? Ano ang dahilan ng paghiwalay niyo?? Pwede ko bang malaman??..." tanong ulit ni Diego kay Russell.
"Ipinagpalit niya ako sa isang babae... which is naiintindihan ko naman.. ciempre.. babae yun eh.. ano'ng laban ko dun??..." malungkot na sagot ni Russell kay Diego.
"Hayy nakuu... walang kwenta ang lalaki na yun.. hindi mo na lang sana siya nakilala pa nang hindi ka nasaktan... kung ako yung sa posisyon ng boyfriend mo.. hinding hindi kita iiwan.. mas pipiliin ko na lang na magmahal ng beks kaysa sa babae na manloloko.." sagot naman ni Diego kay Russell.
"Echosera ka naman masyado Diego ha?? Eh ikaw?? May girlfriend ka na ba??.." agad na tanong naman ni Russell kay Diego.
"Wala rin po... Saging na walang B din.. Anana!!.." natatawang sagot naman ni Diego na ikinatawa naman agad ni Russell.
"Bakit naman?? Ano ba ang nangyari sa inyo??.. Pwede ko rin bang malaman??.." pang-uusisa naman ni Russell kay Diego.
"Mas malala yung sa akin Russell.. ipinagpalit niya ako sa isang mayamang tomboy.." malungkot na sagot ni Diego kay Russell.
"Aww... iba nga talaga ang nagagawa ng pera noh... pero yung sa akin naman ay walang epekto eh.. tama nga ang sabi nila.. at the end of the day.. maghahanap at maghahanap pa rin sila ng tunay.. masakit pa rin yung maiwan sa ere.. hayy.." sagot naman ni Russell sabay sandal nito sa bintana ng kanyang kotse.
"Hayaan mo na yan Russell... darating din ang araw na makakahanap ka ng lalaking mamahalin ka nang buo, tapat at totoo... hindi lang na minahal ka niya dahil sa kung ano'ng naibibigay mo sa kanya... kundi na rin sa kung ano ka talaga..." nakangiting sagot ni Diego kay Russell.
"Sa ngayon... hindi ko na muna iniisip yang bagay na yan.. Magfo-focus na muna ako sa mga sa studies ko.." sagot naman ni Russell kay Diego.
Pagkarating nila sa eskwelahan ay kaagad nang pinagbuksan ni Diego si Russell ng pintuan at inihatid pa sa harap ng building nila.
"So pa'no?? Huwag mong kalimutan Diego ha?? 6:30pm matatapos yung last subject ko..." paalala naman ni Russell kay Diego.
"No worries... maaga akong pupunta dito.." nakangiting sagot ni Diego kay Russell.
"Sige... ingat ka sa pag-drive Diego ha... byeee..." agad na pagpapaalam ni Russell kay Diego.
"Sige Russell... byee..." huling sagot ni Diego bago ito tuluyang umalis ng eskwelahan ni Russell.
Itutuloy...
---@spicelopez---










