Chapter 1
His name is Syd.
Or at least that was what mommy told me.
Kapag may bagong lipat sa floor namin, hindi pwedeng hindi aalamin ni mommy kung sino iyon, bakit lumipat at galing saan. Habit na siguro, since matagal na kami dito sa establishment at isa sa mga pinaka matagal na tenant.
At for security purposes na rin.
He’s tall, good looking but very mysterious.
Madalas ko sya makasalubong sa lobby tuwing pauwi na ako galing school. Pero hindi sya nag iisa. Iba’t ibang babae ang kasama nya na tila nakukulangan lagi sa tela. Note, iba iba. Three weeks pa lang naman mula ng lumipat sya pero naintriga na ako sa kanya.
Madali lang siguro aminin na gusto ko sya, kaya lang, he’s a freaking playboy. A womanizer.
And I hate men who can’t just stop collecting women as if mauubusan sila anytime.
At halos gabi gabi ko’ng naririnig ang kalabog at ‘ingay’ na nagmumula sa apartment nya since katabi lang ng apartment namin yung kanya.
And it’s one of those times na hindi ko alam kung swerte o malas ako dahil pauwi na ako at nakasalubong ko na naman sya. Hapit nya sa bewang yung babaeng kasama nya na nakasuot ng mini skirt at hanging blouse na tila tuwang tuwa kahit wala namang nakakatawa.
And there.. our eyes met again.
Hindi ko alam kung guni guni ko lang o totoong nananadya sya ng tingin.. then he would smirk.
Kibit balikat ako’ng sumakay ng elevator.
Hanggang 10th floor and taas ng building, pero rooftop na yung tenth floor kaya bale walong palapag lang ang official na may tig anim na room or apartment. Iba iba kasi ang size, depende kung katabi ka ng elevator or fire exit. Yung first floor naman, yung kalahati is tinitirahan ng may ari at yung kalahati, ginawang mini canteen at mini lobby para sa may mga bisita.
And we’re on the 7th floor kaya kailangan talagang naka elevator ako.
Nilabas ko yung susi ko at sinuksok sa seradura bago ko tinula yung pinto.
Pakiramdam ko naka hinga ako ng maluwag ng makapasok at maisara ko na yung pinto. I feel stupid for even thinking na parang may koneksyon kami.
Argh! Stop it, Andrea. You’re thinking too much of that womanizer.
Nagbihis ako at nanuod ng tv. Hindi pa ako nakakaramdam ng gutom. Anytime naman, pwede ako’ng mag init ng pagkain sa microwave ng mga leftovers sa ref.
Kaming dalawa lang ni mommy ang magkasama sa buhay. Wala kaming ibang iniisip kaya masasabi ko na maalwan kami sa buhay. Manager sa bangko si mommy. Kahit sobra ang pagka busy nya, may bonding time pa rin kami.
And we’re very close. She’s still young. She’s just 38. She had me when she was just 20. Pinadala sya nila lolo at lola sa America para walang maka alam na nabuntis sya. My father knew it pero hindi nya pinanagutan si mommy so walang choice si mommy kundi sumunod sa parents nya.
But we came back to the Philippines ten years ago ng maaksidente sila lolo at lola. After mailibing ng dalawa, mom decided na mag settle down na kami sa Philippines. Binenta nya lahat ng properties nila lolo at lola pwera ang vacation house sa Boracay then decided na sa apartment na lang kami tumira since we don’t need a big house.
So almost ten years na kaming naka tira dito at ngayon lang ako na bother ng ganito.. dahil pa sa isang lalaki na misteryoso at kapit bahay pa namin.
Usually ay past 9pm na nakaka uwi si mommy. Kahit maaga nagsasara ang mga bangko, may kung anu ano pa silang ginagawa sa office. Masaya naman si mommy sa trabaho nya at worth it naman daw kaya hinahayaan ko na lang.
Hindi ko rin sya pinipigilan mag saya. She can go out and go home wasted. Malaki na ako. Kung may makilala man syang lalaki na mamahalin nya, bakit ako tututol? Basta maging masaya sya at hindi sya sasaktan.
7pm na ako nakaramdam ng gutom mula pag uwi ko kaninang 5pm. Ininit ko yung natirang apat na slice ng pizza kahapon at yun ang hinapunan ko.. then nakatulog na ako sa sofa.
“Andrea.. Andrea..” Nagising ako ng biglang may yumugyug ng balikat ko.
I opened my eyes and saw mommy’s face.
“Ano ka ba naman anak? Bakit sa sofa ka natulog? Iniwan mo pang bukas yung tv.” Mommy said, but doesn’t sound like she’s scolding me. Banayad lang, parang binibilinan lang. Hindi pa ako natataasan ng boses ni mommy. Not that I remember.
Nagkamot ako ng ulo matapos ko bumangon. “Sorry mommy. Hindi ko napansin na nakatulog na ako.” Tumayo ako at dinala yung plato na pinaglagyan ko ng pizza slices.
“Pizza lang hinapunan mo?” Parang hindi makapaniwala na tanong ni mommy.
I laughed. “Mommy, okay lang. Tinamad na rin ako mag saing.”
“I told you, kumuha na tayo ng katulong.”
I rolled my eyeballs. “Mommy naman. Napag usapan na natin to.” She kept on insisting na kumuha kami ng katulong para kapag uuwi kami ay wala na kaming gagawin at maka focus ako sa pag aaral. But I told her na kaya naman namin ng walang katulong.
“Alright, alright.” Tinaas nya pa yung dalawang kamay nya. “I’ll go to my room. Wag ka ng tumambay sa sofa at baka makatulog ka na naman.” Bilin nya habang papasok sya sa kwarto nya.
Napailing na lang ako.
Hinugasan ko yung pinagkainan ko at pumasok na ako sa kwarto.
I opened my laptop and immediately browse the internet.
Walang pasok bukas dahil Saturday at since nakatulog din akong halos dalawang oras, automatic na hindi na ako kaagad makakatulog.
Pasado alas dose na ng makarinig na naman ako ng mga ‘ingay’ sa kabila. I ignored it by putting on my earphones. Grabe ang sex drive nung lalaking yun, iba iba na nga yung babae, kahit ano’ng oras pa!
Hindi naman sa nagmamalinis ako. I did had make out sessions with my two ex boyfriends.. but make out sessions are different from sex. I’m wondering now kung nagpa practice ba sila ng safe sex.
Ugh! Why am I even bothered?
Kinabukasan, ala diyes na ako nagising. I slept past 2am dahil natuwa ako sa pinanuod ko’ng video sa youtube at kausap ko yung kaklase ko sa twitter. Hindi naman ako addict sa mga social networking sites but I update them from time to time since may sarili naman ako’ng laptop at wala naming restrictions si mommy.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko yung note na iniwan ni mommy sa ref. It says maaga sya umalis for company meeting and that she left me some bills kasama nung note. Wala naman ako balak lumabas kaya hinayaan ko lang yung bills na naka magnet sa ref door.
Nag stretching ako bago nagluto ng fried rice at bacon.
Hindi ako sporty na tao pero gusto ko ng gumagalaw katawan ko. I feel odd kapag nakatunganga lang ako so as much as possible, I’m always on the go. Physique ko din ang puhunan ko bilang Tourism student.
I’m on my third year.
At hindi kagaya ng iniisip ng iba, hindi ako nagagandahan sa sarili ko. I mean, hindi ako panget. I just feel ordinary. I’m really not that pretty. Marunong lang ako magdala, I guess.
Kakatapos ko lang maligo ng mag ring ang cellphone ko. It’s my bestfriend, Marco. Alam ko kung gaano na ka cliché o ka uso ang magkaroon ng bestfriend na lalaki ngayon kung babae ka.. pero mas cliché ang magkaroon ng bestfriend na bakla.
Yes, Marco is gay. But he’s discreet. Kung baga, lalaki pa rin sya kumilos at magsalita pero ang puso nya, sa babae. And I feel funny whenever that realization strikes me lalo na kapag kasama ko sya.
He’s good looking, rich and has a bright personality. Madaming nag aakala na may relasyon kami sa school but we just shrugged it off. Hindi nya naman kinakahiya maging bakla, hindi nga lang din nya pinapangalandakan.
“Open the door. I’m in front of your apartment.” Hindi pa ako nag he hello ay iyon na agad ang sabi nya.
So nagmadali ako na buksan ang pinto and there he is. In the flesh.
“Oh, what’s up?” Gulat na tanong ko habang sinasara yung pinto matapos nyang makapasok. Since first year pa kami magkaklase at magkakilala kaya kilala na sya ni mommy.
“I need to breathe some fresh air. Samahan mo ako mag shopping.” Naka nguso na sabi nito. Sabay kaming pasalampak na naupo sa sofa.
Natawa ako. “Right. Just when I thought makakatulog ako maghapon, you just have to ruin my plan.”
“C’mon. Last month pa ako huling nag shopping. I need to see new pieces in my closet.”
So ano pa ba magagawa ko? Nagmamadali ako’ng nag bihis at lumabas kami.
May kotse si Marco, so hindi problema ang kung saan man nya gusto pumunta. I could have one too, but it doesn’t fit me. Si mommy ang may kotse at pinipilit nya ako’ng mag aral mag drive. I always tell her, not now.
Kapag nagsha shopping si Marco, hindi pwedeng hindi rin ako mapapabili. But I’m not the shopping kind of girl. I just buy what I fancy. I buy what I need. Unlike Marco who has tons and tons of unused clothes.
“What do you think of this?” Marco went out of the fitting room wearing the printed polo he laid his eyes on as we pass the store.
“It looks good on you.” It’s my line.. but I see to it na totoo iyon.
May hawig si Marco sa South Korean actor na si Lee Min Ho. Pati height at fashion sense yata. Kaya nakadagdag iyon sa sex appeal nya na lalong kinababaliwan ng mga babae.
When he felt he had enough, inilagay na naming sa kotse yung mga binili naming. He had 16 paper bags and I had three. Dumiretso kami sa isa’ng bar. After lunch na at wala atang balak kumain si Marco.
“What? Are we gonna drink in the middle of the afternoon?” Mangha na tanong ko sa kanya.
Imbes na sumagot, tinawag nya yung bartender at nag utos ng dalawang Gin and Tonic.
“You’re crazy.” Natatawa at nailing na lang sabi ko, not totally against it.
He smiled at me. “You know you like it.”
Marco had three glasses, I got five. I wanted more, but he suddenly had an emergency to go to. Hinatid nya na lang ako sa tapat ng building. Malayo na sya ng maalala ko yung tatlong paper bags na nasa backseat nya. I just sent him a message while walking to the elevator.
Hindi ko napansin na may tumayo na pala sa tabi ko na naghihintay din bumukas ang elevator.
Pumasok na ako at doon ko lang napansin na dalawa kami. I looked to my side at napa singhap ako ng makilala na si Syd iyon. He looked stunning in his cream pants and plaid polo shirt.. and I only saw it on the corner of my eyes.
Nagkasabay pa kaming pipindot sa 7th floor button but he just let me.
“Nice skirt.” I heard him said.
I looked at him and he smirked. Then the elevator door closed.
I don’t know why but I felt insulted. I was wearing a below the knee pink skirt and I felt like he was saying it’s too long. I just had to insult him back.
“Wala ka yata kasamang babae na kinukulang sa tela.” It’s too late to take it back. Nanlaki ang mga mata ko ng marealize kung ano yung sinabi ko.
“What did you said?” Humarap sya sa akin.
I was battling with the decision of apologizing or just reason out that he insulted me first. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.
“I-i mean-”
Before I knew it, my lips are already sealed by his lips. He was holding my two wrists in the elevator wall beside my head. Hindi ko alam kung paano nya nagawa iyon, or my mind was just too blank para mapansin pa ang pag galaw nya.
His lips started to move that I gathered my strength to push him.
“What the fuck was that?” I was still panting but I had the chance to shout at him. Prang may kung ano akong naramdaman sa tyan ko. My head feels so light and my body’s sending me unfamiliar signals.
He just smirked like it was nothing.
“You like me, do you?” He asked instead in a very confident tone.
I was taken back by his response. “W-what?” I swallowed hard.
He answered me by smacking his lips into mine again.
But this time, I don’t know why the heck I responded.










