PROLOGO
Tanaw sa ibaba ang mga taong abala sa kanilang mga
trabaho. Lahat sila gumagalaw kahit alam nila sa sarili nila na pagod na sila ngunit kumakayod pa rin. Ang ingay na galing sa mga busena ng kotse, mga taong nagtatalo sa daan ay parang musika na wala sa tono. Nakakabingi ang ingay ng mga tao.
Sa mundong ito pa talaga ako nabuhay? Bakit?
Kahit saan ako lilingon ni isa'y walang pakialam kundi ang maghanap lang ng pera. Pinapatay nila ang oras
at katawan nila sa pagt-trabaho para buhayin ang kanilang pamilya na wala namang pakialam.
Ganoon nalang ang buhay, umiikot sa ganoong sistema. Masaya ngunit may kulang, hindi alam kung ano.. Natuto ngang makuntento ngunit hindi pa rin naging sapat. Alam nila sa sarili nila na hindi natupad ang kanilang mga pangarap, meron rin namang natupad pero hindi pa rin naging sapat.
Iba't iba ang ganap sa kanilang buhay, bawat isa
nila ay nangarap, nabigo, nagpatuloy, nabigo, at
nangarap ulit. Sana ganoon rin kalakas ang loob ko para gampanan lahat ng pagsubok. Kasalanan ko bang hindi ako naging sapat? Kasalanan ko bang hindi ko kayang abutin ang mga pangarap nila para
sa akin? Binigay ko na lahat pero.. kulang pa rin?
Sana naging hangin nalang ako, kung saan saan lang mapapadpad magbibigay lang ng kaginhawaan.
Sana naging tubig nalang ako para matubusan ang uhaw nilang kaluluwa, uhaw sa pag-asa, pangarap na hindi nagkatotoo.
Sana naging apoy nalang ako para maramdaman rin nila ang init ng pagmamahal na binibigay ko na kahit ni isa sa kanila ay walang nakaramdam.
Sana naging lupa na tinatapakan nila ako para makapaglakbay sila kung saan nila gusto, magiging bundok ako para sa mga pangarap nila na kay taas abutin.
Sana naging bituin nalamang ako para sa akin na sila humiling at kahit hindi naman matutupad ang hiling nila ay hihiling pa rin sila sa akin.
Kung may ibang mundo pa palang nag e-exist, bakit dito ako napadpad? Bakit dito pa ako nabuhay?
Kung sakaling tapusin ko ito.. mapupunta ba ako sa ibang mundo? Mabubuhay ba ako roon? Kabaliktaran ng naging buhay ko ngayon? Isang tanong ang sumira ng plano ko. Tanong ng isang tao na siyang dahilan ng lahat ng ito.
"Sa lahat ng pinaniniwalaan mo sigurado ka bang totoo?"
Wala na akong marinig, tanging haplos na lamang ng malamig na hangin ang nararamdaman ko habang dahan-dahan akong humakbang sa pinto ng ibang mundo. Ang pinto na pinaniniwalaan ko, ang pinto
na siyang magtatapos sa lahat ng sakit na ito.
Ang pinto na ikaw lamang ang nakakakita.
Isa lamang ang tandaan na sa iyong sariling desisyon, nakasalalay lahat.