Customize readability
Aa

Ang Kumakatok Sa Pintuan

All Rights Reserved ©

Summary

"Do not provoke it to come for you. Ignore it as long as you can and when it knocks, do not open the door." Jessa is an ambitious woman who dreams not only of helping herself but also of her parent's abundance. In her quest for her dream of becoming a high school teacher, there's this one particular night when she encountered a dreadful series of knocks on her door. The next thing becomes sinister. Her eagerness to leave her rental place was fueled up. However, this certain creature had just started.

Status
Complete
Chapters
1
Rating
n/a
Age Rating
18+

Ang Kumakatok Sa Pintuan

ISINALIBAY ko ang aking shoulder bag at padapang nahiga sa matigas na kamang gawa lamang sa isang kahoy. Nilagyan ko lamang ito ng karton at pinaibabawan lang ng banig. Wala itong kutson pero ayos na iyon sa akin. Pagod na pagod ako sa buong araw. Kailangan ko sanang matulog ng maaga para tumanggap ng labada ngunit hindi ko magawa dahil may research paper pa akong kailangang i-edit.


Tiningnan ko ang kalendaryo. December 11, 2016. One week na lang at mag-p-present na kami ng aming study. Nakarinig ako ng isang kakaiba ngunit pamilyar na tunog. Nagmamaktol na pala ang sikmura ko. Hindi pa kasi ako nakakakain ng hapunan. Anong oras na ba? Napadako ang tingin ko sa lumang orasan sa dingding na may maraming bandalismo, 08:20 PM. Argh!


Tiningnan ko ang sisidlan ng aking bigas. Isang kainan na lang ito panigurado. Kung maghahapunan ako ngayon ay wala naman akong ulam na lulutuin. Wala naman kasi akong pambili. Kung maghahapunan ako ngayong gabi ay wala rin akong agahan bukas.


Hindi bali na lang. Matitiis ko naman itong sikmura kong hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ng pasiba. Saan naman ako kukuha ng pagkain? Inuukupa ko ang isang bahay dito. Walang katao-tao maliban sa akin. May apat na kuwarto ang lumang bahay na ito. Oo, luma na nga. Dahil sa luma na nga ito at masyado nang kinakalawang ang mga bisagra ng pintuan ay lalagitgit ito sa tuwing bubuksan at isasara.


Ikalawa mula sa kanan ang inuukopa ko. Nagtitiis ako sa lumang bahay na ito dahil maliit lang ang renta. 800 lang naman pero makaka-save na rin ako niyan kahit papa'no. Ang mamahal kasi ng ibang apartment at boarding house dito para sa mga estudyante. 1000, 2000. Duh! Saan ako kukuha ng ganiyang halaga?


I'm sure na hindi 'yan kaya ng mga magulang ko. Mahirap lang kaya kami. Ang gaganda ng mga presyo nila pero ang babaho at ang liliit naman ng mga kwarto. Makikipagsiksikan ka pa sa kubeta kapag naliligo ka samantalang dito sa tinutuluyan ko ay malaya ako. Ako lang kasi ang mag-isa at malaki naman ito. Pwede nga akong mag-jogging sa palibot ng bahay na ito kung gugustuhin ko.


Hindi ko na rin pinapaki-alaman ang tatlong kwartong katabi ko kasi tuwing sabado't linggo at pati miyerkules ay may uukopa riyan na kung sino-sino. May magdadala ng mga babae nila, kasama na ang anak ng may-ari ng bahay. Gumagawa sila ng mga kababalaghan dito at mag iinuman pa. Idagdag mo pa ang mga bunganga nilang sobra kung mag-ingay. Ginagawa nilang hideout at routine na nila ito palagi at sa gano'n pa ring araw. Walang palya, umulan man o bumagyo. Hindi ko na rin sila pinapakialaman. Para na rin kasing may kasama ako kahit na minsan lang.


Aaminin kong kapag mag-isa lang ako ay walang mayroon sa puso ko 'pag nandito ako sa kuwarto kung hindi ay takot. Oo, natatakot ako na hindi ko alam kung bakit. Sabi ng puso ko ay umalis na ako rito pero sabi naman ng isip ko ay mag-isip daw ako ng maayos. Saan naman ako pupunta pagkatapos?


Sa dalawang buwan ko na rito ay wala pa namang nangyayaring masama tulad ng inaasahan ko at ang mga tell-tales ng karamihan sa labas. Hindi naman sa umaasa akong mangyayari nga ang kababalaghan sa buhay ko pero lagi akong nagdadasal na sana ay hindi naman.


Teka? Nagdadasal ba ako? Ngi! Hindi ko naman ugaling magdasal eh. Hindi naman ako gano'n ka devoted. Teka ano nga ba'ng dasal ang alam ko? Haysss! Palibhasa kasi—nvm.


NAKATUTOK ang dalawang mata ko sa monitor. Nakadapa akong nagsusulat sa keyboard. Nanghiram lang ako ng laptop kay Kiana, kaibigan ko siya. Mayaman ang mga magulang niya kaya may laptop siya at may maayos na apartment.


Napabuntong-hininga ako. Tumunog kasi ang tiyan ko ng pangalawang beses. Deadma lang lahat ang ginawa ko dahil kung iisipin kong gutom ako ay hindi ako makakapag-concentrate sa ginagawa ko.


Bukas, aagahan kong gumising. Magpapalabada raw kasi sina Ante Melda at Lola Anita. Madadagdagan na ang pera ko na pambili ng bigas. Silver soy sauce na lang ang uulamin ko para mas makakatipid ako. Saka ko na lang iisipin na magkaulam ng masarap kapag tapos na ako sa mga gastusin.


Huwag niyo akong tawanan sa ulam kong silver pato. Huwag niyo rin akong kaawaan dahil 'pag ako ay magiging isang ganap na propesyonal ay ipagmamalaki ko talaga sa lahat na ito lang ang ulam ko at mananatiling pinakamasarap na ulam sa akin ang toyo, dahil iyan ang ulam ko palagi sa kolehiyo.


Akala niyo ha! May pera kaya ako. Kaso hindi ko lang iyon gagalawin kahit na ano mang mangyari. Pambayad ko iyon sa prelim ko bukas. At least ako hindi ko ginagasta basta-basta na lang ang pinaghihirapan ng Papa ko. Magbubukid lamang siya.


Okay na sana ang farmer, hindi ba? Kaso hindi naman siya ang nagmamay-ari kaya laging lugi. Ang Mama ko naman ay suma-sideline ng kahit na anong klaseng trabaho, pandagdag sa mga kinikita ni Papa upang mapag-aral lamang ako.


Buti nga lang at nag-iisang anak lamang ako. Nakakaawa ang mga magulang ko. Kaya ano naman ang gagawin ko? Magpapakasaya, gano'n? Kaya nga ang sabi ko sa kanila palagi na okay lang ako kahit pasmado na ang katawan ko. Rumaraket ako para naman may silbi ako kahit papaano. Kung ako ang masusunod, nagtatrabaho na sana ako at hindi na nag-aaral pa para naman wala na silang alalahanin sa akin pero itong mga magulang ko, pinilit talaga ako.


Pangarap ko raw kasi ang makapagtapos. Totoo naman talaga pero ang makita silang nahihirapan? Ang hirap din sa aking isipin iyon. Sabi nila, ako lang daw ang susi para maiahon sila sa kahirapan. Hindi ko raw sila dapat na alalahanin pa. Ang sarili ko lang daw ang alalahanin ko. Ano ako, duling? Ni minsan, ay hindi sila nawala sa isipan ko.


Sa pagpupursige nila ay nandito na ako ngayon sa ikatlong baitang sa kolehiyo. BSED lang naman ang kinuha ko, major in English. Gusto kong maging guro balang-araw at ipalaganap ang aking mga natutunan sa buhay.


Gusto kong ibahagi sa mga kabataan na kahit na gaano man kahirap ang buhay at kahit na gaano man ito kapait ay mangingibabaw pa rin ang pag-asa basta't huwag lang tumigil sa pagbungkal ng lupa. Gaano man kahirap ay kakayanin mo at makakarating ka rin sa iyong paroroonan balang-araw. Wala namang nagtagumpay na hindi nakaranas ng kalupitan. Lahat ng mga taong successful ay dumaan sa butas ng karayom.


Naipilig ko ang ulo ko dahil sumakit na naman ang sintido ko. Napahiga ako sa matigas na higaan at napatingin sa mga bandalismong nasa dingding at kisame – may nagmumura, may nag-e-emote dahil iniwanan ng nobya, may trip-trip lang, may malalaking pangalang iginuhit, may mga demonyong larawan, may minumurang mga propesor at may iginuhit pang mga maseselang parte ng katawan ng babae. Ang ba-bastos talaga. Kadiri!


Kung may matino pa sanang malilipatan na kaya ng mga magulang ko ang renta, bakit ba hahayaan kong magtiis ako rito? Nakakainip ang mga kasama ko sa bahay na ito. Mga ipis, daga, butiki, gagamba, langaw, lamok at kung ano-ano pang klaseng insekto. Hindi nagsasalita, hindi ko makakausap. Hindi ko alam kung sadyang gutom lang ako o naduduling dahil no'ng nakita ko ang butiki sa kisame ay nakikipagtitigan ako sa kaniya na parang ewan.


"Pangit ba ako?" Marahil ay nababaliw na nga yata ako. "Hoy! Sumagot ka nga!"


'Di ba para na akong may saltik? Resulta na ba ito ng walang kain? Naku, delikado na yata ako nito. Sinamaan ko ng tingin ang butiking nakatitigan ko dahil bumaling ang ulo nito sa ibang direksyon. "Ang angas mo ah!"


Sabihin niyo nga sa akin, normal pa ba ako?


"Bahala ka nga sa buhay mo! Hindi tayo bati! Indi na kita kakausapin!" bulalas ko at nag-anyong susuntukin ko ito.


"Alam mo ba na ang pangit mo? Ang laki-laki pa ng mga mata mo! Umalis ka nga sa harapan ko! Alis—aahhhhhh..." Napabalikwas ako ng bangon.


Nasapo ko rin ang bibig ko sa biglaang pagsigaw. Paano ba naman eh nahulog 'yong butiki sa kisame tapos napasok sa bibig ko at—biro lang, nahulog lang siya sa tabi ko sa paghahabol niya sa maliit na insekto. Walang hiya! Akala ko makakalunok na ako ng butiki. Pambihira. Nakakabaliw na buhay ito oh! Pati butiki kinakausap ko na.



Bzzzzt... Bzzzzt... Bzzzzt...


NAGISING ako sa vibration ng mumurahin kong cherry mobile phone. Napatingin ako sa orasan. 11:53 PM. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Siguro dahil sa pagod at gutom. Tiningnan ko ang caller at nakita kong si Kiana pala ang tumatawag, kaibigan ko.


"Hello, Kiana? Bakit? Uh... bukas? Okay sige. Magkita na lang tayo sa gotohan malapit sa carwash. 12 sharp? Walang problema basta ba ilibre mo ako. Sige. Bye friend. See yah!"


Matapos kong makipag-usap sa kaibigan ko ay inayos at niligpit ko na ang mga gamit ko. Inilagay ko na lang sa mono block chair ang mga notes ko at safe kong inilagay sa cabinet ang laptop ni Kiana. Baka mapa'no pa ito at malalagot ako.


Nakaramdam ako ng labis na uhaw kaya gumayak ako sa labas ng kuwarto. Dahil tamad akong magbukas ng ilaw ay madilim ang paligid. Hindi naman ako nagre-reklamo. Dahil na rin siguro sa nagtitipid ako ng kuryente at isa pa, hindi naman ako gan'on katakot sa dilim. Memoryado ko na rin naman ang kusina.


Tanging liwanang lang ng kalangitan ang nagtatanglaw galing sa bintanang bukas—huh? Bukas? Bakit nakabukas ito? Oh no! May intruder bang nakapasok sa loob? Serial killer kaya? Magnanakaw? Ano? Jusmiyo! Nagpalinga-linga ako nang nagsimula nang tumahip ang dibdib ko. Hindi kaya—hindi kaya nangyayari na ang kinatatakutan ko? Takte! Teka lang hindi pa ako ready. Dapat sana ay nagsaulo na ako noon pa ng dasal eh.


"Hello, Jessa. Kumusta? Nagising ka ah." Nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong bulto ng tao sa dilim at ramdam kong nakangisi ito sa akin ng nakakaloko kaya napatili ako dahil sa kadahilanang kilala niya ako.


"Eeeeeeeeeehhhhhhhh..." Napatigil lang ako sa pagtitili nang kusang magbukas ang ilaw sa salas. Bumadha ang liwanag kaya napapikit ako bago ibinuka ulit ang aking mga mata. Doon ko napagtantong si Arman lang naman pala ang inaakala kong multo.


Si Arman ay ang anak ng may-ari ng bahay na ito. Bwisit ang lalaking ito. Makakatikim 'yan ng upper-cut ko. Ang baliw naman ay tawa lang nang tawa habang tinuturo ang mukha ko. Mukha raw kasi akong nakakita ng multo dahil putlang-putla ang itsura ko. Sa inis ay dinampot ko ang feather duster na nasa lapag at ibinato sa kaniya. Napapaubong tumigil ito dahil sa alikabok.


"Eh 'di tumigil ka rin," pa-simpleng saad ko at nilagpasan siya. Kumuha ako ng baso at nagsalin mula sa gripo. Walang jar dito o kaya ay fridge kaya sa gripo ako kumukuha ng maiinom. Wala rin namang masama dahil maiinom naman talaga ang gripo dito—este ang tubig pala.


"Wala ka talagang awa, Jessa. Tignan mo nga... ang gwapong nilalang na si Adonis ay binatuhan mo lang ng alikabok? Ayos ka rin ha? Ang amasona mo talaga. Kaya walang nanliligaw sa'yo kasi ang sama-sama mo!" litanya ng damuhong na si Arman.


Sinamaan ko nga siya ng tingin. Walang aircon o bentilador dito pero ang hangin. Pati elepanteng sobrang bigat ay kayang tangayin. Ang kapal ng libag sa leeg ng lalaking ito. "Bakit ka nandito? Himala ata ah. At papaano ka nakapasok?"


Tiningnan niya ang bintana at gets ko na kung paano. "Na-miss kita eh."


"Suntok, gusto mo? Punta-punta ka pa rito eh gabing-gabi na? May tupak ka ba?" singhal ko pa.


"Dinalaw kasi kita. Hindi ko maatim na hindi makita ang maganda mong mukha. Ikaw lang ay sapat na para mapawi ang aking agam-agam. Hindi kaya ng puso kong hindi man lang masilayan ang aking irog. Maniwala kang ikaw lang, ikaw lang ang sisintahin ng puso kong uhaw. Uhaw sa iyong paglalambing at uhaw sa iyong haplos ng pagmamahal. Aking Jessa ako'y iyong tanggapin. Pangako hindi ka magsisising ako'y iyong pinili."


Yuck! Ano raw? Bubuwet na makata! Sanay na po ako kina Jose Rizal at Francisco Baltazar pero ang taong ito... nakaka-ewan! Ang sagwang pakinggan. "Hindi ka nakakatuwa. Tigilan mo ako."


Nasapo pa nito ang dibdib, tila nasasaktan. "Aray! Aray ko po—"


"Hoy! Tumigil ka nga. Naaalibad-baran ako sa iyo. Umalis ka. Nakakahithit ka na naman ano?" sita ko sa kaniya.


Ngumisi siya ng nakakaloko at nangangalaiti na akong ambahan na siya ng suntok pero naudlot iyon ng inilapit niya ang mukha niya sa akin. Ang sama ng tingin ko sa kaniya pero hindi man lang ito natinag. Kinabahan ako sa ibinulong niya.


"Ibibigay ko lahat ng kaligayahan mo, lalong-lalo na sa kama at itong masarap at machong katawan ko." Sukat doon ay naitulak ko siya at binigyan ng isang napakalakas na suntok kaya ayon, sapol. Gano'n na ba kalakas ang suntok ko at nagdugo agad ang kaniyang ilong?


Tumayong nagmumura si Arman at pinagpag ang kaniyang pantalon. Tumingin siya sa akin ng nakangisi parin. Napatiimbagang ako. Hindi ba siya tinablan? Dinugo na nga ang ilong, parang shunga pa rin. Tinalikuran ko na lang ang bruho at ibanalibag ng pagkalakas-lakas ang aking pintuan. Pakiramdam ko nga ay parang yumanig ang kwarto ko sa lakas ng pagbagsak ko sa pinto.


Tok! Tok! Tok! Tok!


"Jess? Buksan mo nga," utos nito mula sa labas. Bahala ka sa buhay mo. Manigas kang bastos ka!


Tok! Tok! Tok! Tok!


"Jessa?" Hindi ko pa rin siya pinapansin at patay-malisya pa rin akong nakikinig sa kaniya. Kahit kailan ay hindi ako magpapapasok ng isang pervert dito sa kwarto ko.


Tok! Tok! Tok! Tok!


Nagsimula na akong mairita.


Tok! Tok! Tok! Tok!


Uminit na ang ulo ko.


Padabog na tumayo ako mula sa pagkakaupo sa aking kama at nagmartsa papunta sa pintuan. Bubuksan ko na sana kaso narinig kong isinara niya ang bintana mula sa labas at ang mga yapak niya papalayo. Ang pag-ungot ng pintuan sa front door na para bang ang creepy pakinggan gaya ng mga nasa horror movies ay ang siyang nagsasabi sa akin na wala na. Umalis na nga siya.


12:41 AM na pala. Nakaramdam ako ng antok kaya bumalik na lang ako sa aking higaan. Gigising pa ako ng maaga bukas. Baka sakaling 'pag makatulog ako ay hindi ko na maramdaman ang gutom at hapdi ng mga bituka ko sa tiyan.


Tok! Tok! Tok! Tok!


"Arman! Itigil mo na iyan!" sigaw ko rito. Akala ko ba umalis na ito? Pipikit na sana ako nang...


Tok! Tok! Tok! Tok!


"Bwisit ka! Kapag hindi ka pa tumigil ay uubusin ko iyang mga buhok mo mula ulo hanggang paa!" pagbabanta ko.


Mga ilang minuto ay tumahimik na ang labas ng aking silid kaya napahinga ako ng maluwag. Ipinikit ko ang aking mga mata habang nag-iisip. Nakapagtataka lang kasi akala ko umalis na siya. Dinig ko pa nga ang paglabas niya sa bahay. Bahala siya! Manigas siya riyan dahil hinding-hindi ko siya pagbubuksan. Baka ano pang gawin no'n sa akin. Hindi ako gano'n kalakas para labanan siya.


Tok! Tok! Tok! Tok!


Gosh! He's not yet done pestering me!


Tok! Tok! Tok! Tok!


Napabuga ako ng marahas na hangin.


Tok! Tok! Tok! Tok!


Tinakpan ko na lang ng unan ang mga tainga ko.


Tok! Tok! Tok! Tok!


"Ahhhhhhhhh! Tama naaaaa!" Napabangon ako at hinanap ang earphone ko. "Saan na iyon? Dito ko lang inilagay ha?"


Tok! Tok! Tok! Tok!


"Ay butiking itim!" Halos mapatalon pa ako sa sobrang gulat nang medyo lumakas na ang mga katok sa labas. Sino ba talaga iyan ha?


"Hoy, Arman! Kapag nalaman kong ikaw iyan, makakatikim ka talaga sa akin! It's not funny. I swear!" May mahinang bungisngis akong narinig mula sa labas. Dahil doon ay nag-init ng husto ang ulo ko sa inis. Talagang pinaglalaruan niya ako. May nalalaman pang tawa ang kumag!


Pagkabukas na pagkabukas ko ay wala man lang katao-tao o anino man lang ni Arman. Nakasarado na rin kanina ang bintanang nakabukas. Wala akong maaaninag. Hindi ko dala ang salamin ko. Masyado ring madilim ang paligid. Nang wala talaga akong mapansing kakaiba ay tumalikod na lang ako.


Muli kong isinarado ang pinto. Gagayak na sana ako para makatulog na kaso may kumatok na naman. Batid kong hindi na ito tama. Hindi na ito si Arman. Wala si Arman dahil umalis na siya. Bakit ba kasi umuwi ang lalaking iyon? Puwede naman siyang dito na matulog eh. Sana pala 'di ko siya itinaboy. May maraming kuwarto naman diyan.


Halos mapasigaw ako nang makarinig ako ng kalabog mula sa kabilang silid. Sa kaliwang bahagi iyon galing. Hindi ako maaaring magkamali. Tumahip ang dibdib ko. Wala naman akong ibang kasama.


Ipinagpalagay ko na lamang na mga malalaking dagang nagkakasiyahan at nag ra-rambulan ang mga iyon kahit na ayaw namang maniwala ng puso ko. Tinungo ko na lang ang higaan at nahiga sa matigas na kama at matigas ding unan.


"Pagtitiisan ko munaang buhay na ito. Makakaraos din ako balang-araw. Tiwala lang dahil kakayaninnatin iyan," iyan ang usal ko bago tuluyan nang umidlip.




Tok! Tok! Tok! Tok!


NAGISING ako sa marahang mga katok sa labas ng silid ko. Blurry pa ang aking paningin sa lumang wall clock na nakasabit sa dingding pero kalaunan ay naaninag ko rin naman ang oras. 3:34 AM. Sino naman ang pangahas na pumapasok at nambubulabog sa bahay na ito o baka hindi ni-lock ni Arman kanina ang pintuan at basta na lamang lumabas? Nakakainis. Kulang pa ako sa tulog eh.


Tok! Tok! Tok! Tok!


Patuloy pa rin ang pagkatok sa labas. Napatadyak ako dala ng matinding inis at sinabunutan ko pa ang aking sarili dahil ayaw talagang tumigil ng kung sino man ang pangahas na gumising sa akin. Ano ba ito, madaling araw na at—bigla akong natauhan. Ha? Sinong kumakatok ng ganito kaaga? Alas tres pa ah.


Tok! Tok! Tok! Tok!


Shit! Shit talaga! Saka ko lang na realized na ang creepy na ng mga nangyayari. Nawala na ng tuluyan ang antok ko at parang hindi na rin normal ang heartbeat ko. Kumakabog ito ng pagkalakas-lakas. Hindi dahil sa nakita ko ang crush ko kung hindi ay may palagay akong may ibang tao na nakapasok sa bahay na ito.


Serial killer kaya? Rapist? Psycho? Manananggal? Mumu? Multo? Tikbalang? Duwende? Totoo ba'ng lahat ng sabi-sabi nila sa bahay na ito? Ehhhhhhh, ayaw ko na. Hindi pa ako ready...


Tok! Tok! Tok! Tok!


Una, marahan pa lang ang mga katok hanggang sa lumakas nang lumakas ito. Naglakas-loob na akong buksan at tumambad sa akin ang kadiliman. Walang tao. Walang senyales na may nilalang dito maliban sa akin ngunit wala nga ba o hindi ko lang alam dahil sa hindi ko lang nakikita? Isinarado ko na lang ito ulit. Kapag kakatok pa ito ay kukuha na ako ng batota at ibabalibag ko talaga sa gagong iyon nang makita niya ang hinahanap niya.


Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Walo. Siyam—wala na ang kumakatok at dahil doon ako ay nakahinga na ng maluwag. Marahil ay napagod na ito o kaya naman ay baka nag-i-imagine lang ako ng kung ano-ano. Isa lang ang sigurado ako. Itutulog ko lang ito dahil bukas na bukas din ay malalagot sa akin si Arman.


Sina Arman ay may itinayong bakery malapit sa parke at sigurado ako na siya ang nakatokang magbantay sa kanilang bakery bukas. I swear, susugurin ko talaga ang impaktong iyon bukas na bukas din. Siya ang nagsimula ng lahat ng ito. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ako makakarinig ng kung ano-ano. Kung hindi dahil sa kaniya, wala sanang nambubulabog sa akin ngayon.





ALAS singko palang ay gising na ako. Kahit medyo bumibigat pa ang talukap ng mga mata ko ay pinilit ko pa ring ginigising ang aking kabuuan. Hindi ko muna inisip ang nangyari noong nakaraang gabi dahil masisira lang ang araw ko. Maaga akong gumayak at nanguha ng sayote sa tabing ilog. Hindi ko alam kung bakit ako napadpad doon. Basta ang alam ko lang ay naglalakad ako papunta sa ilog para manguha ng uulamin. Wala naman talaga iyon sa plano ko pero feel ko lang at gusto ko ring marinig ang nakakagaan na balisbis ng tubig at ang mga tinig ng ibong kumakanta.


Alas sais na rin nang makauwi ako sa tinutuluyan kong bahay. Tuloy-tuloy ako sa aking mga nakagawian sa umaga hanggang sa matapos ko na ang pag-aayos sa sarili at ang pagkain ng agahan. Sakto naman na dumating na si Ante Melda na may dalang tatlong malalaking supot ng plastik at iniabot sa akin kasama na ang perang kaniyang pambayad.


"Ibalik mo na lang ang mga iyan 'pag natapos mo na, Jessa." Tumango lamang ako at nagpasalamat sa kaniya.


Inumpisahan ko na ang ritwal sa paglalaba. Hindi pa ako napapangalahati sa aking ginagawa nang may biglang kumatok mula sa labas. Pinunasan ko muna ang aking mga kamay at saka iyon pinagbuksan. Si Lola Anita pala na may dala-dala ring dalawang supot ng mga labahin. Pagkatapos magbayad ay umalis din ito kaagad. May importante raw itong lakad sa kanilang kapilya.


Nakakapagod man at nagkandasugat-sugat pa ang mga kamay ay wala pa rin akong humpay. Kailangan ko ito eh. Kung wala akong gagawin, paano na lang ako? Said na said ako at kailangang-kailangan ko talaga ng pera.


Sa awa ng Diyos ay natapos ko pa rin ang aking mga labahin. Agad-agad din akong dumayo sa palengke para bumili ng bigas at ulam. Masaya nga ako nang may natira pang 100 pesos sa sira kong pitaka. Sa tingin ko ay pabulok na ito pero hayaan na. Saka na ako bibili ng bago kapag bibigay na talaga.


Sumaglit na rin ako sa gotohan na usapan namin ni Kiana kaso nga lang, habang naglalakad ako ay nahagip ng mata ko ang bakery nina Arman. Naniningkit ang aking mga mata habang papalapit ako at marahas na binuksan ko ang pinto.


Umaalingawngaw ang bell sa kabuuan ng bakery at nang lingunin ito ng shungang lalaki, aba't ang laki-laki pa ng kaniyang ngisi. Alam na alam ko na rin ang mukhang mayroon ako ngayon. Alam kong hindi na ito maipinta dahil sa disgusto. Paano ba naman, kung titigan niya ako ay para na niya akong hinububaran.


"Oh, Jessa aking prinsesa. Sa wakas ika'y aking nakita. Alam mo bang kagabi napanaginipan kita? Tayo raw ay magkahawak-kamay na naglalakad—" Napatigil siya nang sinamaan ko siya ng tingin. Naririndi ako sa makatang ito, nakaka—ew!


"Napanaginipan din kita, Arman. Ang saya ng panaginip na iyon," saad ko nang may pagkatamis-tamis na ngiti.


"Oh? Talaga? Anong nangyari at bakit masaya?" Hula ko ay nag-t-twinkle-twinkle na ang mga mata niya.


"Naglalakad daw tayo sa kalsada tapos nasagasaan ka. Oh, hindi ba ang saya?" tawang-tawang saad ko na nagpasimangot sa kaniya. Alam kong hindi iyon magandang biro. Mukhang nasaktan ko rin siya base sa expression niya. "I'm sorry. Hindi ko dapat sinabi iyon."


"Tsk! Ang sama mo naman. O siya, bibili ka ba o bibili ka?" nakangusong tanong niya.


Napataas-kilay ako. "Guess what?"


"Malamang ay bibili ka. Ano naman ang ginagawa mo rito kung hindi ka bibili? Aha! Siguro gusto mo lang akong makita ano? Ayiieee na-m-miss na niya ako. Mahal mo na ba ako?" nakangising saad niya na nagpangiwi sa akin. Puwedeng masuka? Ang baho ng hininga niya. Amoy sigarilyo.


"Tapatin mo nga ako. Umuwi ka ba sa inyo kagabi after mong pumunta sa boarding house ko?" Tumango naman ito bilang tugon. "Uulitin ko, umuwi ka ba kagabi?"


Nang tumango ulit ito ay napapadyak ako. Nakakunot-noong pinagmasdan niya ako kaya sininghalan ko siya. "Ano ba! Sagutin mo ako. Mukha akong tanga rito!"


"Bakit?" nagtatakang tanong niya.


"Anong bakit? Sagutin mo na lang ang tanong ko!" Muntikan ko na talaga siyang sigawan.


"I am pretty sure na umuwi ako kagabi. Sorry din kung hindi ko na-lock ang pinto. Alam mo namang sira iyon kaya nga nasa loob ang lock. Kinatok kita para sana sabihing i-lock mo pero nakatatlong katok na ako eh hindi mo naman ako pinagbuksan. Sus, sinisigawan mo pa nga ako kaya umalis na lang ako."


Bakit? Papaano? Ano iyon? Joke?


"Huwag mo nga akong paglaruan at hindi ako bobo. Huwag mo ring bilugin ulo ko dahil hindi ako baliw!" Mas lalong rumehistro sa mukha niya ang pagtataka. Halatang hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi ko.


Ikinuweto ko sa kaniya ang mga nangyari no'ng gabing iyon at wala itong masabi. Nakanganga lamang ito habang nakakunot ang noo. Alam kong nag-aalangan siya. Baka akalain pa nitong nag-t-take ako ng ipinagbabawal na gamot. Naku lang talaga...


"Jess, no offense ah pero gumagamit ka ba?" Sinasabi ko na nga ba eh.


"Mukha ba akong gumagamit? May pangarap ako kaya bakit ko sisirain ang kinabukasan ko para riyan?" bulalas ko sa kaniya.


Tumango-tango naman ito. "Aba, dapat lang. Huwag mo akong gayahin. Anyway, maniwala ka sa'kin na hindi kita gini-good time man lang."


Nababahalang napatingin ako sa kaniya. "Seryoso ba talaga iyan? Arman, please, ikaw iyon, 'di ba?"


"Sigurado akong tatlong beses lang ako kumatok, Jessa. Maniwala ka sa akin. Kahit adik ako ay alam ko pa rin ang ginagawa ko. Hindi ako nakainom o gumamit kagabi. Nag-y-yosi lang kami ng mga barkada ko at dumaan ako sa bintana ng bahay para kunin ang perang itinago ko sa ilalim ng kama. I swear hindi ako ang kumakatok sa pinto mo."


Kung hindi si Arman, sino?




NAGLALAKAD ako sa gotohan na wala sa sarili. I am five minutes early para sa usapan namin ni Kiana kaya umupo na lang muna ako sa isang bakanteng table. Ngayon ay nag-s-sink in na sa akin ang lahat. Pakiramdam ko ay tama nga ang puso ko na dapat ay umalis na ako roon. Ayaw ko nang maranasan ulit iyon. Bukas ay aalis na ako.


Bahala na kung sa bangketa ako matutulog basta aalis na ako bukas na bukas din. Walang hahadlang sa akin. Tama nga ang sabi-sabi ng mga kapitbahay ko na may something sa bahay na iyon. Natatakot ako. Natatakot ako para sa sarili ko. Kailangan kong makausap si Kiana. Nasaan na ba kasi siya?


"Sorry I'm late. Masyado lang traffic." Nandito na pala ang sosyalera kong amiga.


"Hi! Mabuti naman at nakarating ka." Ngumiti ako pero agad din iyong nawala.


"What's bothering you, honey?" Nakalimutan kong sabihin na english speaking si Kiana. May dutch ang peg eh.


"Halata ba?" tanong ko at tumango ito.


Tiningnan niya ako ng mariin. "Ang lalim ng eyebags mo. Hapo ang mga mata mo. Ang tamlay mo rin. Did you sleep late last night?"


No. "Yes!" Iyon lang ang nasabi ko bago ako napatungo. Gusto ko na lang umiyak.


"Tell me. What's wrong? Dahil ba sa research?" Umiling ako.


"Hindi naman ito tungkol doon. Basta. Hindi ko puwedeng sabihin. Ayaw mo rin namang maniwala." Nilalaro ko ang naginginig kong mga daliri.


Napaangat ang kilay niya. "Uh... is it about making love? Napuyat ka siguro because of that. Who's the lucky guy??"


Bigla kong tinakpan bibig niya. Ang bruhang ito. Ang lakas pa ng pagkakasabi niya. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao kaya namula ako sa hiya. Buti na lang at bumalik na ang mga ito sa kani-kanilang businesses.


"Ano ka ba! Ang layo naman ng conclusion mo. Wag kang berde at isa pa, hindi ko ugaling makipag-make love sa kahit na sino lang ano. Reserved na ito for my future hubby," pagpapaliwanag ko pa.


Tapos ayon at ikinuwento ko na lang sa kaniya ang lahat. Hindi ko rin mapigilang hindi maiyak nang maalala ko ang mga kakaibang katok mula sa labas ng silid ko. Wala na akong pakialam sa nanonood sa akin basta gusto ko lang umiyak.


Nagpresenta naman si Kiana na sa apartment niya raw ako patutulugin mamayang gabi basta mag-b-behave ako at hindi papalag kapag makarinig ng mga hindi maganda mula sa kuwarto niya kasi isasama raw niya ang boyfriend niya mamaya. Tumango-tango naman ako at nagpasalamat. Kahit kailan ay kaibigan ko ito. Siya lang ang nakaka-intindi sa mga nangyayari sa akin.


"Bes, uuwi muna ako upang kumuha ng mga gamit na gagamitin ko sa pag-s-sleep over ko mamaya. 6 pm pa naman eh. Susunod ako, I swear," saad ko habang pasinghot-singhot. Niyakap niya muna ako bago sumakay sa kotse niya. Gusto niya sanang samahan ako kaso nahihiya na ako sa kaniya. Masyado ko na siyang inabala.


Pagdating ko sa bahay ay papadilim na. Dali-dali kong hinalungkat ang loob ng cabinet ko. Kinuha ko ang malaki kong back pack at isinilid ko ang mga kakailanganin ko para mamaya. Hindi pa rin maalis-alis ang kabang nararamdaman ko pero hindi ko iyon pinansin dahil mas lalo lang akong matatakot.


Tok! Tok! Tok! Tok!


Awtomatikong lumingon ang ulo ko sa pinto. Nanlalaki ang mga matang nakatingin ako rito. Ayan na naman ang mga katok. Umulit na naman ang mga ito. Dumaan ang kilabot sa puso ko. Hindi ito pwede. Hindi ito totoo. Nananaginip lang ako. Magigising din ako mamaya.


Tok! Tok! Tok! Tok!


"Hindi ito totoo. Panaginip lang ito. Hindi ito totoo. Panaginip lang ito. Magigising din ako. Makakagising din ako," paulit-ulit na bulong ko sa aking sarili.


Tok! Tok! Tok! Tok!


Napahawak ako sa dibdib ko. Mukhang nagkamali ako sa pagbalik ko rito. Dapat ba ay isinama ko na lang si Kiana o dapat ba ay umaga na lang ako bumalik dito? Oh my god! Kiana, I needed you here. Feeling ko ay mamamatay na ako rito. Kung hindi dahil sa multo ay dahil naman sa matinding takot.


"S-Sino iyan?" Nangangatog na ang mga tuhod ko. "H-Huwag mo akong paglaruan!"


Tok! Tok! Tok! Tok!


Mas lalong lumalakas ang mga katok sa labas. Napatingin ako sa lumang orasan at alas syete y media na. Shit! I needed to get out of here. But how? Ni hindi ko nga alam kong sino ang nasa labas. I don't have any clue kung tao ba siya o multo o manananggal o rapist o killer o baka naman demonyo. Basta ang gusto ko lang ay ang makatakas pero saan ako dadaan? Sa bintana? Sa bintanang naka grills? Bakit ba kasi kailangang naka-grills?


Tok! Tok! Tok! Tok!


Shit naman talaga, help me!


Tok! Tok! Tok! Tok!


Mas lumalakas pa ang mga katok. I don't think I can handle this.


Tok! Tok! Tok! Tok!


Halos magiba na ang pinto ko sa lakas ng katok. Parang nagwawala na ang nasa labas at gustong-gusto na niyang pumasok sa loob. Napaatras ako. Pakiramdam ko ay nanginginig na ang buo kong pagkatao. Ni hindi ko na nga maramdaman ang mga paa ko sa sobrang tensyon.


"Ano ba! Kung sino ka mang gago ka ay magpakita ka! Hindi ako natatakot sa iyo! Akala mo naman kung sino! Tangina mo! Gago! Huwag kang duwag! Halika nang malaman natin ang angas mo. Matira ang matibay! Akala mo natatakot ako sa'yo? Puwes, you're wrong! You're very, very wrong!" sigaw ako nang sigaw na parang baliw rito.


Bzzzzt... Bzzzzt... Bzzzzt


Agad kong pinindot ang answer button. "K-Kiana..."


"Honey, Jess where na ba you? Kanina pa namumuti ang eyes ko sa kakahintay sa'yo pero walang Jessa ang tumambad sa doorstep ko." Napahawak akong mabuti sa phone ko. Kailangan kong magpasundo sa kaniya. "Are you still there? Do you want me to come over to fetch you? I'll bring my boyfriend there."


"B-Bes, ano kasi eh t-tulunga—ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!"


"Hello, Jessa? Jessa! What's happening there? Oh my god! Answer me, please..." sigaw ni Kiana mula sa kabilang linya.


Toot... toot


Hihingi na sana ako ng tulong kay Kiana nang nagbukas ng bahagya ang pinto kaya napasigaw ako ng malakas. Nagbukas nga ba o may kusang nagbukas dito? Hindi ko maaaninag kung sino o anong klaseng nilalang ito. Wala akong mahahapuhap ni anino. Multo kaya? Waaaahhhh! Magdadasal na ako. Pangako magdadasal na ako.


Dahan-dahang lumalaki ang buka ng pintuan ko at ako ay paatras din nang paatras.


Tahimik akong nagdasal... kung dasal nga bang matatawag ito. Ang alam ko lang ay kinakausap ko siya ng mula sa puso. Nanginginig man ay tinatagan ko pa rin ang aking loob. Paulit-ulit kong ibinubulong ang aking mga panalangin hanggang sa may narinig akong may sumasabay sa aking pagdarasal.


Gumapang ang kilabot sa buo kong pagkatao at nanlaki ang aking mga mata. Dahan-dahan ay umatras ako. Hindi ko na nga marinig ang nasa paligid ko sa tindi ng kabog ng aking dibdib. Paanong alam nito ang dinadasal ko at paano siya nakakasabay?


Tumama ang binti ko sa matigas na kama sa kakaatras. Ngayon ay malaki na ang pagkabukas ng pintuan. Walang sino man ang naroroon sa bungad at pawang kadiliman lamang ang tumambad sa akin.


Mas lalo akong napalunok at napayakap sa aking sarili nang bigla na lang nagpatay-sindi ang ilaw. Dito ko na naaaninag ang isang anino sa pintuan. Sa bawat sindi ng ilaw ay palapit naman ito nang palapit. Pakiramdam ko ay hindi lang iyon basta-bastang bulto ng tao. Shit! Bakit ko ba kasi hiniling na magpakita ito? Ngayon ay nagsisiSI tuloy ako. Hindi ko na lang sana siya hinamon. Malay ko ba kung anong klaseng nilalang ito?


Ipinikit ko ang aking mga mata, pinagdaop ang aking mga palad at nagdasal ng taimtim. Naging tahimik ang paligid subalit bigla na lang may humagikhik sa likuran ko. Wari ba ay pinagtatawanan niya ako sa hindi ko malaman na kadahilanan.


Umagos na ang aking mga luha habang nagpalinga-linga. Ibinuka ko ang aking bibig at sa poaos na boses, ako ay nagsalita. "A-Anong kailangan mo sa akin? Sino ka? Bakit ka nandito? Ano ang gusto?"


Patlang. Walang sagot. Muli ay itinutok ko ang aking mga mata sa papalapit na anino. Nandtio pa rin ito. Kanina pa rin tunog nang tunog ang cellphone ko na nasa sahig, ilang dangkal ang layo mula sa papalapit na anino. Pangsampung vibrate na ang ginawa nito pero hindi ko magawang abutin. Natatakot ako. Iniisip ko na sa oras na abutin ko ito, katapusan ko na.


Tumigil ito ilang hakbang mula sa akin. Napaangat ako ng ulo. May sungay ito na nagbigay sa akin ng tinding pagkabahala. "K-Kung isa ka mang masamang bangungot, please pakawalan mo na ako. Parang awa mo na. Wala akong ginagawang masama."


Akala ko ay mawawala na ito at iiwan na ako ngunit humakbang na naman ulit ito. Sa nanginginig na mga labi, sinubukan kong bumigkas ulit. "Huwag! Huwag kang lumapit sa akin. Parang awa mo na. Huwag. Maawa ka."


Sariwang-sariwa na ang aking mga luha nang tumigil siya sa paanan ko. Wala akong sagot na nakukuha mula sa nilalang na ito. Bigla kong naisip kung nagkamali ba ako sa aking panghahamon kanina. Wala naman kasi akong alam. Hindi ko naman alam na hindi pala tao itong gumagambala sa akin. Ano ba ang nagawa ko? Hindi ko naman ito ginambala, hindi ba?


Nakaramdam ko ng kakaiba. Parang—parang ang init ng pakiramdam ko. Para akong napapaso. Parang nagbabaga ang aking balat. Kahit anong kiskis ko, ayaw tumigil. Nababahalang tumigin ako sa orasan. Malapit na palang mag alas-otso.


Kahit nahihirapan ay sinubukan kong tumayo ngunit bigla na lang akong natumba ulit sa kama nang biglang mas lumala ang nararamdaman ko. Nahihilo ako at bigla na lang sumikip ang aking dibdib. Hindi ako makahinga ng maayos. Naghihilakbot na naptingin ako sa bulto na nasa paanan ko ngayon.


Mga ilang segundo ay bigla na lang akong nakaramdam ng isang enerhiyang pagkalamig-lamig na nasa ulunan ko. Hindi ko alam kung saan iyon nagmula pero kumukuntra ito sa init ng aking balat. Hirap na hirap na ako nang bigla na lamang humapdi ang bandang pusod ko kaya napapaliyad na lamang ako sa sakit.


Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa anino na pakiwari ko ay nakatingin din sa akin. Sinubukan kong magsalita pero tila may kung anong nakabara sa aking lalamunan. Sinubukan kong tumayo ulit ngunit hindi ko na maramdaman ng aking mga paa. Ni hindi ko na maigalaw kahit isang daliri ko pa. Malalalim na hiningang tinanggap ko ang tila nanunupok sa akin.


Ang yelong tila umaaliyong sa ulunan ko ay para bang gustong pumasok sa akin ngunit nanlaban ako hanggang sa hindi ko na maramdaman ang buo kong katawan. Namamanhid na ang kabuuan ko.


OMG! Tulungan niyo ako. Hindi ko na kaya. Baka mamamatay ako rito. Hirap man ay sinubukan ko pa rin nang paulit-ulit hanggang sa naramdaman ko na ang aking mga daliri. Nang igagalaw ko na sana ito ay may bigla na lamang sumampa sa dibdib ko.


Ang anino kanina ay dumadagan sa akin at ang malamig na enerhiya sa ulunan ko ay tila binalot ako ng buong-buo. Nawala ang init na tila ba tumutupok sa akin at ang bigat na dumadagan sa aking dibdib. Naging normal ang lahat sa isang iglap na tila ba walang nangyari.


Naging magaan ang aking pakiramdam habang tumatayo ako ng dahan-dahan. Iniisip kong nananaginip lang ako ng masama kanina. Napangiti ako at humakbang papunta sa bukas na pintuan nang bigla na lang akong natumba bago ako tuluyang kinain ng kadiliman.






DAHAN-DAHANG iminulat ng isang dalaga ang kaniyang mga mata, tumayo at nagpagpag ng kaniyang pantalon, inayos ng bahagya ang nagulong buhok at naglakad papunta sa harapan ng salamin. Nang makita ang sariling repleksiyon ay isang nakakakilabot na ngisi ang kaniyang pinakawalan bago dahan-dahang naglakad sa pintuan, humuhuni ng isang awiting hindi pa naririnig nino man.


Let VViz Morrison know what you thought about this chapter!
Love this

0

Love this

Funny

0

Funny

Spicy

0

Spicy

Suspenseful

0

Suspenseful

Emotional

0

Emotional

Profound

0

Profound

Heartwarming

0

Heartwarming

Shocking

0

Shocking

Good Writing

0

Good Writing

Compelling Plot

0

Compelling Plot

Great Character

0

Great Character

Strong Dialog

0

Strong Dialog

Further Recommendations

Je te Rejette

Pascale: Tout tout me plaît, sauf la fin ! Il n’y en a pas 😭Où doit-on se rendre pour lire la totalité de L’histoire ? Sous quel nom de roman et d'auteur ? Arf, moi aussi je bave : d'impatience

Read Now
Luna Queen wider willen

Gudrun: . Die erotischen Szenen..wer so etwas auch liebt, der sollte dieses Buch lesen..Es hat mir gefallen

Read Now
Twisted Carnage MC

Jessica Scott: I really love this hope there more to it

Read Now
The Hybrid Luna

Blanche: J'ai bien aimé l'histoire, avec des rebondissements, facile à lire et à comprendre

Read Now
Kaan - Jungfrau gesucht - Gefährtin gefunden

Ulrike Ulbrich: Ich finde die Geschichte fesselnd, gut geschrieben. Die Handlung ist klar und auch die Dramatischen Handlung sind nicht übertrieben in die Länge gezogen. In allen eine sehr erotische Geschichte die zum träumen einlädt und süchtig macht. Ich würde sie jedem empfehlen der was leichtes und erotisch fes...

Read Now
Rules of Fatals

DeLuna: Tout se qui est de la science fiction m'attire comme un aimant. Hors en plus on peut profiter de sentimentalisme, génial!!! Merci beaucoup pour ce divertissement.

Read Now
Kalista

KagaYo : 2ème tome, toujours aussi prenant. Âme sœur, sorcières, complets... tous les ingredients d'un récit animé et captivant.Merci pour ces 2 moments de lecture

Read Now
Perfect Prey (A Cat & Mouse Mafia Romance)

Knox: Really good one, I've enjoyed it a lot 😊

Read Now
PARIS IN THE DARK

KisaPrz: In diesem Buch wird ein wirklich schlimmes Thema behandelt, dies zur Vorwarnung, nehmt die Triggerwarnung ernst! Für diejenigen, die solche Themen gut verkraften: lest dieses Buch! Mega Schreibstil, tolle Story, (trotz der Gewalt), absolut liebenswerte Charaktere!!

Read Now