Chapter 1 Si Joven Capistrano
BOOK I
Chapter 1 Si Joven Capistrano
Si Joven “Jov” Capistrano ay isang 24-year old na binata. Galing sya sa mahirap na pamilya at nakatira sa isang paupahang bahay sa squatter area ng Makati. Kaisa-isang anak ito ng kanyang butihing ina na si Rosario Capistrano o Aling Rosing. Maagang namayapa ang kanyang pulis na ama kaya naman pinaghirapang itaguyod ito ni Aling Rosing.
Malaking bulas si Joven. Namana nia ang magandang hubog ng katawan at magiting na tindig ng kanyang matangkad at malaking lalaking ama si Police Seargent Sonny Capistrano. 6’0” ang height ni Jov kaya naman takaw pansin ito sa mga kababaihan at mga bading. Lalo na at hindi lang macho kundi gwapo rin ang binata. Maamo ang mukha nito subalit halatang may tinatagong bangis. Makapal ang kanyang mga labi na tila nag-aanyaya ng masarap na halik. Makapal ang mga kilay nito at nangungusap ang mga mata.
Malaki ang problema ni Jov. Alam nia ang dinaramdam na sakit ang kanyang pinakamamahal na ina subalit wala siyang trabaho. Wala syang pera upang maipagamot ito. Patay na ang kanyang ama mula pagkabata at siya ay kaisa-isang anak at walang mga kapatid na maaasahan. Ang kanilang mga kamag-anakan ay nasa provincia at wala na silang komunikasyon sa mga iyon sa loob ng mahabang panahon. Bukod tanging ang kanyang Ninang ang tinuturing nilang kamag-anak subalit mahirap din ito at ang asawa ay hindi ganoon kaganda ang pag-uugali.
Graduate ng college si Jov. Matalinong bata ito at nagtapos ng BS Computer Engineering. Nais niang makapag-abraod upang makapag trabaho sa ibang bansa at maging daan ng kanilang pag-unlad. Subalit wala siyang pera para maiayos ang kanyang mga papeles. Kaya naisip niang mag sundalo. Dahil may pinag-aralan at matalino at biniyayaan ng magandang pangangatawan at tindig natanggap siya sa military. Dahil nag-uumpisa pa lamang ay maliit pa ang kanyang natatanggap.
Masaya na sana siya sa pagsu sundalo subalit hindi rin siya nagtagal. Halos patapos pa lamang ang kanyang dalawang taong formal training ay opisyal itong nagpa-alam ng mapag-alamang may dinadamdam na sakit ang ina. Bilang bugtong na anak ay kailangan niang umuwi at alagaan ito. Naunawaan naman ito ng Colonel na nakatalaga sa kanilang training at pinirmahan ang kanyang dismissal from service and training.
Nang makauwi ang binata napansin nia na madaling mahilo at mapagod si Aling Rosing. Kaya tinutulungan nia ito sa gawaing bahay. Subalit kailangan niang lumabas at maghanap ng trabaho dahil maliit lamang ang dala niyang salapi at hindi sapat iyon para tustusan ang kanilang pangangailangan. Hindi rin kalakihan ang kanilang kinikita sa carinderia dahil konti din lang ang tinda nilang mga ulam bunga ng kulang sila sa puhunan. Kaya naghanap ng trabaho ang binata at natanggap naman siya sa call center.
Isang araw habang siya ay kumakain sa isang fast food bago pumasok sa call center may lumapit sa kanyang isang lalaking naka jacket ng khaki. Malaking tao ito at halatang may military background. Pag tingin ni Jov nakilala nia ang Major na isa sa mga training officers nila sa camp. Mabait ito sa kanya sa kampo at naging malapit sa kanya. Mataas ang paggalang nia rito. Nag usap sila at nagbatian. Tinanong ng retired Major si Jov kung anong trabaho nito at nang malamang nasa call center sya ay napa-iling-iling ito. “Sayang ang talent mo bata… Hindi ka pang call center lang… Kung gusto mo nang malaking kita ay papayuhan kita.” Sabi ng Major. “Sige po Sir. Kailangan ko po talaga ng good paying job. Maysakit ang Nanay ko at ako lang ang bread winner samin. Solong anak po ako at yumao na ang Tatay ko.” Excited na sagot ni Jov.
Ngumiti ang retired Major at may binulong sa kanya. Napag-alaman ni Jov na may sariling business na si Major subalit ang ikinagulat nia ay kung ano ang business nito: “High level Group ng Panloloob” – Akyat bahay Gang! Natakot si Jov. Subalit malaki ang utang na loob nia kay Major dahil napaka bait nito sa kanya during the training. Naging parang father figure ito sa kanya na nagbibigay ng mga payo at pag gabay during those hard formation program. “Hindi kita pinipilit anak… Pag-isipan mo bata… Daang libo ang instant kita dito at kung papalarin pa ay milyones… Kung gusto mo just try it. Pag hindi successful no problem… Back to call center ka…” Sabi ng Major.
“Sir, baka po atakihin sa sakit sa puso Nanay ko at baka po pag kumalas ako e tirahin nio ako. Wag naman po. Maawa po kayo sa aking ina.”
Tinapik-tapik ng Major si Jov. “Ikaw talaga… Gagawin ko ba sayo yon? Parang anak ang turing ko sayo… Pag-isipan mo at feel free kung sasali ka o hinde.”
Umabot ng lagpas dalawang linggo bago nagpasya si Jov. Nung matanggap nia ang kanyang unang sweldo ay nakita nia na napaka liit nito hindi sapat sa kanyang pagpupuyat sa trabaho halos gabi-gabi. Magastos pa magbyahe at daily food. Kaya kahit ayaw ng loob pinili niang kumapit sa patalim. Tuwang tuwa ang Major ng sumagot si Jov. “Very good Boy.” Sinama siya ng Major sa isang secret hideout. Duon ay pinakita sa kanya ang mga photos and blueprint ng isang mansion. Maganda at napaka rangya ng bahay na ito. Sinabi sa kanya na kailangan niang pasukin iyon at looban. Subalit ituturo sa kanya ang mga dapat gawin: kung saan dadaan, ano ang mga rooms na pagkukuhaan ng salapi at alahas. Well researched ang grupong ito.
Binigyan ni Major si Jov ng P50,000 bilang paunang budget nito. Kaya natuwa ang binata dahil may sapat siyang kita upang tustusan ang kanyang ina. Subalit kailangan nia ang halos dalawang linggong preparations to master the ins and outs of the mansion. Ganon nga ang kanyang ginawa. He studied the master plan like the palm of his hands. Muli syang nagsanay upang bumilis ang katawan sa pag-akyat, pagtalon, paglalakad ng walang ingay.
Napag-alaman nia na ang mansion ay pag-aari ng mga Montevero. Sikat na businessman and woman ang mag-asawa. Nagmamay-ari ito ng sikat na Construction Firm at isa sa pinaka-malaking construction business sa bansa. Sa Partido naman ng babae ay may jewelry shops ang mga ito na nagtitinda ng mga mamahaling alahas sa mga politico, artista at mga mayayaman.
Nalaman nia na mag-asawa lamang ang nakatira dito at ang lalaki ay laging nasa ibat-ibang lugar, madalas din sa abroad. Marami itong katulong subalit isang mayordomang matandang babae lamang ang kasama ni Mrs. Montevero sa gabi. Ang mga guards naman ay nasa gate lamang at lumilibot sa labas ng bahay… never pumapasok sa loob ng mansion. Ibig sabihin once na mapasok nia ang mansion ay madali niang makukuha ang mga mamahaling bagay dito. Hanggang sa dumating ang araw na handang handa na ang binata upang isakatuparan ang kanyang plano.
Subalit three days bago nia maisagawa ang panloloob sa mansion ay may masamang nangyari. Nanonood sila ng TV Patrol News ni Nanay Rosing bago maghapunan ng biglang matulala si Jov sa balita. Headline: “Retired Major Patay sa Police Encounter.” Kasama ang dalawa pang mga dating sundalo sa mga napaslang. Natunugan ng mga pulis ang kilos ng Akyat-Bahay Gang at nang sila ay dadakpin ay pawang nanlaban… Patay ang dating Major at mga kasama nito. Natakot si Jov. Wala na si Major. Nag-iisa na lamang siya. Ano ang kanyang gagawin? Itutuloy nia pa ba ang plano?
Gusto na sanang umurong ng binata subalit naisip niang sayang ang pagkakataon. Well planned na sya at naka-ayos na ang lahat. Well-prepared na sya for execution.
Bahala na…








