Laro sa Baga II

All Rights Reserved ©

Summary

Lando,, Mahinang usal ni Elena nang mapagmasdan ang gwapong mukha ng haligi ng kanilang tahanan,nakangiti sa kanya ang kanyang mister,mahigpti sya nitong niyakap, naipit sa kanilang pagitan si Ernesto na karga pa rin ni Elena. Buong pagmamahal na nagyakapan ang magasawa, dinadama ang init ng kanilang mga kayawan na ilang araw na nagulila sa isa’t isa. Lando, nahal na mahal kita, bagaman may mga alinlangan at agam-agam sa aking isipan, alam ko na ako pa rin at ang ating pamilya ang iyong pipiliin, palagi kang uuwi sa ating munting tahanan, saad ni Elena sa kanyang isipan. Elena mahal na mahal kita, kayong dalawa lang sa buhay ko, sana sa hinaharap kapag natuklasan mo na ang ginawa kong pagtataksil,ipinapanalangin ko magkaroon nawa ng puwang sa iyong puso ang kapatawaran sa aking pagkakasala… ani Rolando sa kanyang isip, habang mahigpit ang kanyang yakap sa kanyang mag ina. Aagawin ko ang lahat sa iyo Elena, ang anak mo ang iyong gwapo at matikas na mister,mapapasaakin sila,ihanda mo na ang iyong sarili sa labis-labis na kasawian na iyong daranasin…. Ang mahinang bulong sa sarili ng isang nilalang na nag mamasid sa mag asawa sa di kalayuan. Halika na pasok na tayo sa loob nakahanda na ang hapunan, sa muling pagbabalik sa Barrio Mausok ni Lando magaganap ang pagtataksil at paghihiganti ng mga pusong sawi at sugatan na muling uulit sa ;umipas na kasaysayan...

Status
Ongoing
Chapters
9
Rating
5.0 12 reviews
Age Rating
18+

Panimula

Dio anong ginagawa mo dito?

Kinakabahang tanong ni Renato sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan may hawak itong baril na nakaumang sa kanya, nanlilisik ang mga mata nitong punom-ppuno ng poot sa kanya, napabalikwas sya ng bangon, napasulyap pa sya sa sa kanyang kasintahang si Nerissa na mahimbing na natutulog katabi ang kanilang anak na si Rolan,

Nandito ako para maninigil hayop ka! Taksil ka! Ang akala mo makakatakas ka sa akin?

Dio, maawa ka gusto ko nang magpakalayo layo, hayaan mo na kami ng pamilya ko?

Putang inamo!!! ano? Pagkatapos nang lahat? Iiwanan mo kami ni Papa? Taksil ka!

A-nong ibig mong sabihin?

Oo alam ko na kung sino ang kinahuhumalingan mo, kaya pala ayaw mo sa akin lahat ng bagay na kaya kong ibigay, binigay ko na sayo! ang panahon ko ang puso ko, pero hindi pa rin sapat na para mahalin mo ako, halos itakwil ako ni papa nung malaman nya na bakla ako at umiibig sa iyo! Iyon pala kaypng dalawa ni Papa ang may relasyon!!!

Tila nakarinig ng malakas na bombang sumabog si Renato, matapos marinig ang mga salitang sinambit ni Dio, nanginginig ang dalawa nitong kamay na may hawak na baril habang nakagtutok sa kanya,hilam ang mga mata nitong namagamaga marahil ay dahil sa labis na pag iyak, hindi sya makasagot sa pagkagulat, paanong nalaman ni Dio ang pinakatatago-tago nilang lihim ni Don Leon, ang kanyang minahal pangalawa kay Nerissa, higit ngayon ang kanyang takot para sa dating kasintahang Haciendero kilala nya si Custudio, handa itong manakit dahil isa itong sadista, nagawa na sya nitong hagupitin ng latigo habang nakatanikala ang kanyang dalawang kamay at paa, noong pinadukot sya nito ilang araw na ang nakalipas, mabuti na lamang at tinulungan syang makatakas ni Damian, pagkatapos noon ay nagpakita sya kay Don Leon para magpaalam na alis na sya sa Hacienda kasama ang kanyang mag ina, agad syang pinayagan ng Haciendero bagaman mabigat sa loob nito na sila ay magkawalay, tinanggap nito ang sitwasyon ng may kahinahunan, ibig pa sana nito na sya ay pabaunan ng malaking halaga na kanyang tinanggihan, ayaw nyang isipin ng Haciendero na salapi lamang nito ang kanyang habol,minahal nya si Don Leon ng wagas, minahal nya rin naman si Dio na anak nito, pagmamahal bilang isang kaibigan.

Ano? Nagulat ka no? bwahaha akala mo siguro hindi ko malalaman no? Maraming salamat sa sulat na ito na binigay sa akin ni Caring…

May dinukot na papel sa kanyang bulsa si Dio, gamit ang isa nyang kamay iwinasiwas nya ito sa mukha ni Renato,ang sulat na iyon na naglalaman ng kanyang pamamaalam, hawak ngayon ni Custudio! Kaya pala bakas sa mukha ni Don Leon ang pagkagulat noong magpaalam sya dito ng personal, hindi pala nito nabasa ang kanyang liham, bagkus ay napasakamay ito ng kanyang anak na si Dio,kabilin-bilinan nya kay Caridad na ibigay ito ng personal sa mayamang Don.

Oo, tama ang iyong iniisip nakuha ko ito mula sa mga kamay ni Caridad, ang galing nyo rin talaga ni papa ano? Ang dami nyong kasabwat sa Mansiyon, alam mo ba na hiniwa ko ang balat sa leeg ni Caridad?hahahah gulat ka no?

Nanlilisik ang mga mata ni Dio habang tumatawa nang malakas, ibang iba ang pinapakita nito, parang hindi sya ang Dio na kanyang naging kaibigan, tila ibang nilalang ang nagsasalita nagawa nitong manakit ng isang babaeng mahina at walang laban.

Ang lakas ng kaba sa dibdib ni Renato labis syang nag aalala, lalo na at kasama nya ang kanyang mag ina na hindi nya magawang lingunin at baka ito ang pagbuntunan ni Dio, wala syang kamalay malay na gising na si Nerissa na narinig ang lahat ng naging pag uusap nila, hindi lamang ito nagpapahalata at nagpapanggap pa ring tulog.

Nag isip ng paraan si Renato para mailayo si Dio sa kanyang mag ina,dahan dahan syang tumayo at akmang lalapitan si Dio nang muli itong magsalita.

Hep! Heo! Isang hakbang pa at pasasabugin ko ang ulo nang batang iyan!

Nanlaki ang mga mata nang nagimbal na si Renato nang iumang ni Dio ang hawak na baril sa kanyang anak na si Rolan na mahimbing pa ring natutulog, nahigit naman ni nerissa ang paghinga gusto nya nang idilat ang mga mata nang marinig nyang magsalita ang kanyang nobyo.

Hwag Dio. Maawa ka, wala silang kasalanan ako na lang ang parusahan mo, gaya nang ginawa mong pagpaparusa sa akin nung nakaraan…

Labis labis na takot ang nararamdaman ni Renato nang mga sandaling iyon, kung wala lamang ang kanyang mag ina marahil ay kanina pa sya nakipagpambuno sa lalaking ito, kailangan nyang mag ingat hindi sya papayag na masakatan ang kanyang mag ina, napaluhod sya sa harap ni Dio habang nagsusumamo na hwag idamay ang kanyang mag ina.

Yan ganyan nga, magmakaawa ka, kagaya nang magaling kong ama, ganyang ganyan din ang kanyang ayos bago ko sya patayin….bwahaha

Anong sabi mo? Napatingin sa maga mata ni Dio si Renato.

Oo, tama ang narinig mo, patay na ang iyong mayamang kasintahan,pinatay ko na sya, at ikwa na ang isusunod ko, ikaw na isang pobreng Obrero! Bwahaha

Hayup ka, napakasama mo!!!

Hayup na kung hayup kayo abg nagturo sa akin na maging ganito,kaya dapat lang kayong magdusa bago mamatay, tumayo ka riyan! May pupuntahan tayo, hwag kang kikilos nang hindi maganda kung ayaw mong unahin ko itong mag ina mo…

Iyon na ang mga huling narinig ni Nerissa, pagkatapos noon ay mga yabag ng tila mga paang nagmamadali palayo sa kanilang Teheras.

Agad syang bumangon,takot at gimbal sa kanyang mga nautuklasan at sa mga bagay na kanyang narinig, hindi nya alam kung ano ang unang iisipin at gagawin, nais nyang sundan ang kanyang nobyo nag aalala sya sa maaring gawin ng lalaking kasama nito, napatingin sya sa kanyang anak na si Rolan na himbing pa ring natutulog epekto nang gamot na kanyang pinainom dito na kontra hilo.

Susundan ko sila, kailangan kong tulungan si Renato.

Doña Sisang nandito na po tayo,napapitlag ang mayamg Doña matapos marinig ang sinabi ng kayang katabing personal alalay, napatingin sya sa unahan, kung saan nakatayo ang malapalasyong Spanish Mansion, na nakatirik sa gitna ng labing apat na ektary ng lupain, napaliligiran ng marangyang halamanan,

Huminto ang kulay puting Mercedes Benz sa pinakabungad ng mansiyon kung saan nakatayo ang kanyang mga tauhan, mga kasambahay na naka suot ng uniporme, mga mahigit limampu ang bilang, nakangiti ang mga ito habang nag aantay na lumabas sya sa kanyang sasakyan, nakahilera naman ang mahigit dalawampu niyang tauhan na magkabilaan sa dadaanan nyang hagdanan papasok sa loob ng Mansiyon nakasuot ang mga ito ng kulay mg aunipormeng kulay itim, may mga baril nakasukbit sa kanilang mga tagiliran, may nakakabit ding mga earpiece sa mga tenga ng mga ito.

Maya maya pa isang lalaki na may suot na puting gwantes ang lumapit sa kanyang kinalulunanang sasakyan,sya si Marco ang kanyang binabaeng mayordomo, abot tenga ang mga ngiti niting pinagbuksan ang pinto ng sasakyan.

Dahan dahan lumabas si Doña Sisang sa sasakyan, hinarap ang kanyang mga tauhan,

Welcome Home Doña Sisang!!!

Masiglang pagbati ng mga ito sa kanya na kanya lamang tinaasan ng isa nyang kilay, ni hindi man lamang sya ngumiti, tinanguan nya na lamang ang kanyang mga tauhan pagkatapos ay nagsiyukod lamang ang mga ito sa kanya.

Tuloy tuloy na syang naglakad sa gita ng mga nakahilera nyang tauhan,paakyat sa hagdanan ng kanyang malapalasyong tahanan, ang lugar kung saan magaganap ang palno ng pagpapabagsak sa itinuturing nyang mortal na kaaway na si Don Custudio Labrador.

Sya si Nerissa Macaspac ang dating kimi at matatakutin na ngayon ay isa nang palaban at handang maghiganti, hindi biro ang kanyang dinanas na sakripisyo at kasawian sa buhay para marating ang kinalalagyan nya ngayon, naging serbidora, dispatsadora at mananayaw sa isang kabaret, naging hostess….oo lahat ay kanyang ginawa upang patuloy na mabuhay at maisakatuparan ang kanyang nag iisang layunin sa buhay iyon ay ang makapaghiganti sa taong nagnakaw sa kanya ng lahat.

DUDURUGIN KITA DIO…. gigil nyang bigkas sa kanyang isipan.

SAMANTALA.

Nardo tama ba ang iyong pasya na dinala mo dito ang lalaking iyan?

Selya ano ka ba, alam mo naman na nangangailangan ng tulong ang taong iyan, kung pinabayaan namin sya ni Buboy ay baka kung ano ang mangyari sa kanya sa laot.

Napabuntunghiniga na lamang si Selya ang maybahay ni Nardo, isan araw na nakalipas ng mag uwi ito ng isang sugatang lalaki sa kanilang tahanan, na ayon dito ay nakita nilang palutang lutang sa dagat na nasasakupan ng bayan ng Santa Ana, ang kanugnog na kanilang Bayan ng San Luis.

Iba ang kutob nya sa lalaking maitim na may malaking malaking pangangatawan na nakahiga sa isa nilang silid,hindi pa rin ito nagkakamalay bagaman nalapatan na ito ng gamot ng kanilang albularyo, may mga sugat ang lalaking negro ng mga daplis ng bala, sa may parteng noo at balikat nito,napasulyap syang muli sa lalaking natutulog,bahagya pa syang napangiwi nang mapansin na lumampas ang mga paa ng lalaking negro sa kinahihigaan nitong papag, atangkad ang lalaki, mas matangkad sa kanyang mister na si Nardo na may sukat na 5’11.

Ilang sandali pa ay gumalaw ang ulo ng lalaking nakahiga, umungol ito hanggang sa dahan dahang idinilat ang kanyang mga mata, nakabakas sa mga mata nito ang pagtataka hawabng nakatingin sa kanilang mag asawa.

Sino kayo? Saan ako naroroon.

Nagtatakang tanong nito.

Hwag kang mag alala ligtas ka na, nandito ka sa aming bahay, dito sa bayan ng San Luis,nakita ka ng aking asawa na walang malay habang nakalutang sa dagat.

Ang paliwanag ni Selya napailing iling naman habang nakapikit ang kanyang mga mat ang lalaking negro, tila sumasakit ang kanyang ulo.

Ako nga pala si Selya at ito naman ang mister kong si Nardo sya ang nakakita sa iyo sa dagat habang wala kang malay at pautang lutang, ano nga pala ang iyong ngalan?

Turko ang ngalan-

Natigilan si Turko napatingin sa lalaking nasa tabi ng babaing nagngangalang Selya, magandang lalaki ito, may tsinitong mga mata at makakapal na kilay, may manipis na mga labi, matipuno ang pangangatawan ,humagod ang kanyang tingin sa kabuuan ng mister ni Selya, katamtaman lamang ang laki ng katawan nito, na kung titigang mabuti ay may katigasan dahil matitigas nitong mga kalamnan, nakasuot ng pantalonbg kupasin at lumang kamiseta ang gwapong lalaking may morenong kulay ng balat, hapit sa katawan nito ang suot na kasuotan kaya mapapansin ang nakabakat na nakausling mga utong nito,nawala ang pagkahilo, agad na tinigasan ang manyakis na negro.

ABANGAN ANG UNANG KABANATA NG KWENTONG MULING MAGPAPAINIT NG INYONG MALAMIG NA TAG ULAN.Start writing here…