Mr. Hardlong
Share with your friends
Customize readability

Mr. Hardlong

This story contains themes of: homophobia, stalker, cheating

All Rights Reserved ©

Summary

Paano mo maitatago sa kanya ang lihim mo habang minamahal mo siya? Subaybayan ang istorya nina Hector at Lian.

Status
2yrs ago
Chapters
21
Rating
n/a
Age Rating
18+

Planner

Hindi na ako nakapagmeryenda sa bahay kaya habang nasa dyip ako ay nakaramdam ako ng paghilab ng tiyan ko. Kaya, pagbaba ko, tumuloy ako sa convenience store upang magmeryenda.

Binilisan ko ang pagkain dahil alas-singko kuwarenta y singko na. Kinse minutos na lang ay time na. Dapat alas-sais ay nasa Xpose Bar na ako. Biyernes ngayon, maraming parokyano ang dadagsa sa bar.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-ubos ng hotdog-on-a-bun ko nang may lalaking naki-share sa table ko dahil wala nang maupuan.

Kahit nagmamadali akong kumain, nagawa ko pa ring titigan siya. Nasa bente ang edad niya, hula ko.

Maya-maya, isang malakas na ring ang nakagulat sa akin. May tumatawag sa cell phone ng binata. Hindi siya tumayo nang sagutin niya ang tawag.

“Hello? Ha? Hala! Bakit ngayon pa? O, sige, magpapaalam ako. Sige... Oo! Bye.” Malungkot at maluha-luha niyang pinatay ang kaniyang mobile phone at dali-daling tumayo at umalis.

Sinundan ko siya ng tingin. Noon ko lang napansin ang kaniyang unipormeng pang-nursing student.

Nakalabas na siya, nang nakita ko ang planner niya sa table. Inakma kong habulin siya upang ibigay iyon, ngunit hindi ko na siya nakita. Dinala ko na lang iyon sa aking trabaho. Hindi ko na iyon binuklat dahil sa pagmamadali.

Sampung minuto akong late.

“Anyare sa ’yo, Hector? Ngayon ka lang na-late nang husto,” bungad ng baklang floor manager namin. Hindi naman galit ang boses niya, pero nakapamaywang.

“Na-traffic lang po, Mama Sam.” Kiniss ko siya sa pisngi gaya ng nakasanayan naming lahat.

“O siya... kung ’di ka lang mabango at pogi...” Hinawakan niya pa ang puwet ko at pinisil. “Hala, sige... pasok na ro’n. Maghanda ka na.”

“Thanks, Mama Sam!” Pumasok na ako sa dressing room at tahimik na naghubad. Masama ang tingin sa akin ng iba kong kasamahan. Gaya ng dati, inggit na naman sila dahil hindi ako sinermunan ni Mama Sam. Binubungangaan kasi sila ni Mama Sam kapag late sila, mula sa pinto hanggang sa dressing room.

IGINILING KO ANG hubad kong katawan sa ilalim ng malalamlam at pulang ilaw. Manipis na saplot ang nakatabing sa aking maselang bahagi. Magdadalawang taon ko na itong ginagawa, kaya sa bawat indayog ko, naghahatid ako ng makamundong libog at init sa mga parokyanong bading at matrona.

Bawal akong ilabas. Nakakontrata ako sa Xpose Bar para sumayaw at hindi para ikama. Kumikita ako sa pagti-table at sa mga tip. Sa bawat pagsayaw ko, mahina ang dalawang libong pisong kita ko. Sapat iyon upang makakain ako, makabili ng mga pangangailangan, at makaupa ng tirahan. Nakakapag-ipon din ako.

Ginusto ko ang trabahong ito noon, pero parang hindi na ako masaya sa ginagawa ko. Sa ilang buwan kong pagiging star dancer, ngayon lang ako tinamad at nawalan ng ganang gumiling.

Napansin iyon ni Mama Sam kaya tinawag niya ako. Pinalabas niya ang mga kasamahan ko sa dressing room.

“Ano ba’ng problema mo, Hector? Walang sabor ang giling mo!” Paypay nang paypay ang matandang bakla habang kinakausap ako. “Disappointed ang mga customer.”

“Mama Sam, puwede ba akong mag-leave kahit isang linggo lang?” Gusto kong lumayo, mag-isip-isip, at hanapin ang buhay ko sa labas ng Xpose Bar. Hindi ang trabahong ito ang gusto ko.”

“What? Are you crazy? No! Hindi puwede.” Napalakas ang pagpaypay ni Mama Sam.

Nilapitan ko siya at nilambing. Alam ko ang kiliti niya, kaya niyakap ko ang baywang niya. Idinikit ko ang ari ko sa likuran niya at unti-unti kong ikiniskis. “Sige na, Mama Sam... Isang linggo lang naman.”

“Narinig ko na ’yan!”

“Ngayon lang ako nagpaalam sa ’yo.” Matigas na ang titi ko, na nakatutok na sa puwitan niya.

“O, siya... Sige... alam mo na ang kapalit. Bukas ng umaga, pupuntahan kita sa bahay mo.”

Wais talaga si Mama Sam. Laging may kapalit. Kung hindi ko lang talaga kailangang mag-unwind, hindi ako papayag. Nandidiri ako sa kaniya. Hindi na bale... Isang ligo lang ’yon.

SA DYIP, HABANG pauwi ako, binuklat ko ang planner na naiwan ng lalaki. May cell phone number. May email address. May Facebook account. Mas interesado akong tawagan siya pagdating ko sa bahay.

“HELLO! SINO PO sila?”

“I’m Hector. Naiwan mo ang planner mo.”

“O, yes! It’s not that important. Thank you!”

“But I want to return it to you.” Kailangan kong maging pormal, since formal siyang kausap. Pinaramdam ko sa kaniya, na nais kong ibalik sa kaniya ang bagay, na hindi man mahalaga sa kaniya masyado ay kailangan pa niya.

“It doesn’t matter... Hindi naman ’yan mahalaga masyado sa akin. Keep it if you want.”

“No. It’s yours... If you have time... meet me where you lost it.”

“I don’t think I can be there pa.”

“W-what do you mean?”

“Baka ’di na ako makapasok... I’ll stop studying... Bye!”

“Wait!” Napindot na niya. Kaya, tinawagan ko uli siya. “Hello?”

“Stop, please!” He’s irritated, pero hindi siya nagtaas ng boses.

“Sorry... But kailangan kong isauli ang hindi sa akin.”

“Ayoko na nga niyan! Makulit ka, Mister!” Tuluyan na siyang nagtaas ng boses pero hindi niya pa binaba ang telepono.

“Sorry. I just want to be your friend.” Iyon ang nasabi ko kasi sa ilang taon ko sa Xpose Bar, wala naman akong naging tunay na kaibigan. Pakiramdam ko, nakatira at nagtatago ako sa yungib.

“Well, I’m not looking for one!” He clicked off his cell phone.

Hindi ko na siya tinawagang muli. Na-realize ko, bakit ko ba siya pinipilit kung ayaw niya?

NAGISING AKO SA doorbell ni Mama Sam. Alas-kuwatro pa lang ng hapon. Grabe! Hindi niya nakalimutan.

“Hello, Hector!” bati niya pagbukas ko pa lang ng pinto. Ni hindi ako nakapagbihis ng t-shirt. Naka-boxer lang ako.

“Ang aga mo naman, Mama Sam.”

“Of course! Para makarami!” Nakangisi pa ang bakla. Lumabas ang silver tooth niya. “Ligo na. Gora na sa banyo.”

“Mamaya kaunti... kagigising ko lang, e.”

“Oh, sure... Makakapaghintay pa naman ang bunganga ko. O, heto, kumain ka muna.”

Hindi maramot si Mama Sam. Sanay na ako sa kaniya. Kapag dumadalaw siya sa flat ko, lagi siyang may dalang pagkain. Minsan pa nga, may alak pa. Nag-iinuman kami bago kami pumasok sa bar. Kaya naman hindi ko talaga siya matanggihan. Kapag gusto niya akong gamitin, nagpapagamit ako. Pero, I set a limitation. No penetration. I never make love sa hindi ko mahal. I just give someone a chance to gratify his or her sexual desire by touching, kissing, and fondling my private part. I let them indulge in my schlong. Hihiga lang ako. Sila ang bahala. Pero, siyempre... naliligayahan din ako.

Matagal akong maligo. Sinisigurado ko kasing malinis ang bawat bahagi at sulok ng katawan ko. Ito ang puhunan ko, kaya dapat kong linisin at alagaan nang mabuti.

Pinasok ako ni Mama Sam. Hindi na siya nakatiis. Hindi rin ako nakatanggi. Hinimod niya ang buo kong katawan hanggang marating niya ang katigasan ko. Nagpakaligaya siya.

“Handa ka na ba?” tanong niya. Gusto niyang pasukin ko siya.

“Alam mo ang sagot sa tanong ko, Mama Sam.” Hindi ko siya hinayaang maghubad. Hindi naman siya nagpumilit. Alam kasi niyang iniingatan ko ang sarili ko. Ayokong magkasakit. Sabihin mang malinis siya, iba pa rin ang nag-iingat.

Pumulandit ang masagana kong katas sa kaniyang bibig. Kinadyot-kadyot ko pa ito para masimot ang aking katas.

NANG NAGPAALAM SI Mama Sam upang pumasok sa bar, pinaalalahanan niya akong pumasok sa Sabado. One week lang ang ibinigay niyang leave ko.

Pagkaalis niya, nakaramdam na naman ako ng kalungkutan. Hindi ko naman talaga alam kung saan ako pupunta. Ayaw ko munang umuwi kina Lola at Lolo.

Naalala ko ang planner at nahihiwagaan ako sa may-ari niyon. Binuklat-buklat ko iyon.

“How could I find myself if I do not want to take a single step?” Iyan ang nabasa ko sa petsang September 20. Lalong tumaas ang kagustuhan kong maging kaibigan siya dahil parang pareho kami ng pinagdadaanan.

Biglang pumasok sa isip ko na i-text ang isa sa mga numbers na nakasulat sa likod ng planner. Si Sofia ang inuna ko. Miniskol ko muna. Nag-ring.

“Good morning! This is Hector. Your friend who is using this number: 0930####### left his planner at a convenience store. I want to return it to him. Please help me.” Ganyan na ganyan ang text ko kay Sofia para kunwari wala akong masamang intensiyon sa kaibigan niya.

Magkakalahating oras na ang lumipas, wala pa ring reply mula kay Sofia. Nag-try uli ako. Same message. Pinorward ko kay Paulo. Lalaki naman ang tinext ko baka mas nakakaunawa. Baka mas magtiwala sa akin.

“How can I help you, Sir?” Nag-reply agad si Paulo.

Tinawagan ko na lang para mabilis ang usapan namin. “Hello!? This is Hector.”

“Hello, Hector?” Boses bading ang kausap ko.

“Paano ko ba maisasauli itong planner sa kaibigan mo?”

Nag-isip siya ng ilang sandali. “Bigay mo na lang sa akin. Nasa Pangasinan na kasi si Lian. Nag-text sa akin kagabi na hindi na siya mag-aaral dahil may sakit ang Papa niya”

Ah, kaya pala, naisip ko. Mas lalo akong nagkainteres sa kaniya. “Ah, gano’n ba? Sige, ibigay ko na lang sa ’yo. Saan ka ba ngayon?”

Nai-set namin ang tagpuan namin-- same place kung saan naiwan ang planner. Nakumpirma ko rin na bading nga ang kausap ko.

“Jowa kaya ni Paulo si Lian,” tanong ko sa sarili.

ALAS-NUWEBE NG GABI, nag-meet kami ni Paulo. Pagkabigay ko sa kaniya ng planner, hindi ko agad siya pinaalis, naramdaman ko kasing type niya ako nang kinamayan ko kasi siya at inakbayan habang palabas kami sa convenience store.

“Dinner muna tayo. Treat kita,” yaya ko. “Hindi pa kasi ako naghapunan. Wala akong gana kapag walang kasalo.”

Naging speechless ang bading. Tila nahipnotismo ko siya sa akbay ko. Kusa na lang siyang nakisabay ng lakad patungo sa sisigan, kung saan kakaunti ang mga kumakain.

HABANG KUMAKAIN KAMI, titig na titig siya sa braso ko. Ako naman, sinuri ko siya. Malinis naman siya. Pormal. Hindi siya nagdadamit pambabae, pero boses-bakla talaga siya.

Natawa rin ako nang kaunti dahil naisip kong malapit talaga ako sa mga katulad niya. Sa workplace ko, halos bading ang customer.

Nagkuwentuhan kami tungkol sa pag-aaral nila. Napag-alaman kong fourth year college na sila ni Lian. Nursing nga ang kurso nila. Matalino raw si Lian, pero dahil sa nangyari, kailangang niyang i-give-up muna ang pag-aaral para matulungan ang ama sa pagpapagamot.

“Mahalaga ang edukasyon. Sana mapayuhan mo siyang huwag na lang huminto. Maraming paraan para makatapos siya habang tumutulong sa mga gastusin ng kaniyang ama...” Naaawa talaga ako kay Lian. Hindi ko pa man siya nakakausap, alam kong mataas ang pagpapahalaga niya sa edukasyon at mataas ang pangarap niyang makatapos ng pag-aaral.

“Hayaan mo, sasabihan ko...”

“That’s good, Paulo... Kelan tayo pupunta sa kanila?”

Nagulat at natawa si Paulo. “Sure ka? Gusto mong pumunta sa kanila? Bakit?”

“Naka-leave kasi ako for one week, gusto kong mag-unwind.”

Parang hindi kumbinsido si Paulo sa sinabi ko. “Creepy!”

Noon lang nag-sink in sa utak kong bakit interesado ako kay Lian. Mali.

“May dadalawin akong kaibigan,” palusot ko.

“Ah, gano’n ba? Sige, sabay na tayo. Gusto mo samahan kita sa kaibigan mo?”

Lihim akong natuwa sa tinuran ni Paulo.

Let ageless1736 know what you thought about this chapter!

Further Recommendations

The Rewrite

Kate Schimmer Child: Amazing plot and characters. And so impressive you’ve written a story inside a story. Can’t wait to read more of your work ❤️

Read Now
Mystic Wolf

Teresa: The book is well done, brilliant in fact! Z

Read Now
Bear Shifter Secrets

tatianne Ingrid: Adorei cada capitulo! parabens

Read Now
My Blacksmith Savior

apolloavr04: I love it. It's a great story.

Read Now
Going For The Goalie

S.TYTECA: I really enjoyed reading this book! The story was engaging and kept me interested throughout. There were a few minor spelling errors here and there, and some parts felt a little drawn out for my personal taste, but that’s purely subjective. Overall, it was a lovely read, and I genuinely enjoyed the ...

Read Now
The Full Moon Breeding Club

Susan Morris: This is a fantastic romance story! The writing, the timing, the flow, the characters were all great. I love the story because it involved a “process” I had not read about before in shifter romance and was well thought out and applied to this story. Cheers to the author!

Read Now
The Grumpy Next Door

mmurphy1008: This book had my attention from the very first chapter! It has romance and humor and just enough tension to keep it moving along. Can’t wait to read more from this author.

Read Now
Ruthless Lord

susiebear2012: Realy enjoyed this so looking forward to more.great story line hope they can achieve getting away from the kings burden. Truly amazing well written well done.

Read Now
His Rejection Her Destiny

Shriya: Such a lovely read. I appreciate the author's writing style. The focus is on the plot and characters and not so much on the details of physical intimacy. It made the story an absolute delight and deeply engaging. Can't wait for more from the author.

Read Now