CHAPTER 1
** ELIJAH POV **
Nagloko si Papa kay Mama at sumama pa sa kabit niya kaya napilitan siya maging breadwinner ng pamilya. Hindi naman kami naghirap kahit wala na si Papa dahil sa mahusay si Mama sa negosyo. Tanging bahay-negosyo lang ang naging routine nito simula ng araw na iyon kaya ako na mismo ang nag aasekaso sa bahay para makatulong sa naman kanya. Ok lang sa akin na mag asawa si Mama ulit dahil deserve niya ang magkaroon ng katuwang sa buhay. Pero sa hindi ko malaman na dahilan ay ayaw niya pa daw pumasok sa ganun.
"Ma! Mag ayos ka ha may ka date ka ngayon"
"Naku Elijah ayan ka na naman. Hindi ba sabi ko sayo na ayaw ko na sa mga meet up na yan? Kulit mo talaga"
"Mama naman eh! Sige na gwapo naman tung guy tyaka may business din at mukhang matino talaga"
Pinakita ko naman ang picture kay Mama at napangiti naman siya dahil sa gwapo nga yung ka chatmate ko. Ginawan ko kase ng account si Mama sa isang dating app at nagpanggap akong siya. Kahit nasa 40's na si mama ay napaka ganda at sexy parin nito mukha lang nga kaming magkapatid pagtitignan. Inayosan ko si Mama dahil sa 7pm yung date nila nung lalaking nakachat ko. May enough time pa naman kami kaya nag ayos na din ako ng very light para bantayan siya kung sakaling poser to. Natatawa pa nga si Mama sa akin dahil ako pa daw yung mas excited sa date nila nung lalaki. Malay natin maging stepdad ko nga yun edi may kasama na kami ni Mama real soon.
"Basta Ma dun lang ako ha. Good luck sayo, kaya mo yan!"
"Pwede icancel na lang natin to? Medyo hindi kase ako comfortable sa suot ko ngayon"
"Naku Mama!! Ano ka magmamadre?! Magpalabas ka naman ng balat kahit paminsan minsan"
Tumango lang si Mama sakin at inayos ko ang dress niya na medyo revealing. Halata sa mukha ni Mama na kinakabahan siya sa mga sandaling yun. Kaya puwesto na ako dun sa gilid para makita ang mangyayari. Ilang sandali pa ay dumating na nga ang ka date ni Mama sa app. Napawow naman ako dahil sa legit nga na siya yung mga nasa pictures na sinend niya sa dating app. Gwapo, matangkad at may matipuno na pangangatawan ang lalaki.
Kinilig naman ako kay Mama dahil sa nagblush ito na para bang ito ang first date niya. Yes! Mukhang success ata ang plano ko this time. Ito na kase ang pang apat na meet up ni Mama at ngayon lang siya nagka interest sa ka date niya. Mukhang magkaka stepdad na ata ako dagdagan mo pa na sobrang hot at gwapo nito.
"Kilala mo ba yung babae sa table?"
"Oo Mama ko bakit?
"So anak ka pala ng kadate ng dad ko"
Napalingon naman ako sa nagsalita at para akong natamimi sa angking kagwapohan niya. Umupo siya sa tabi ko at nag order ng pagkain na good for 2. Nagtanong naman ako kung may kasama ba siya dahil lilipat na lang ako ng upuan. Sabi niya wala daw at para sa amin yung inorder niya. Hindi na ako mapalagay dahil napaka gwapo talaga ng nilalang na nasa kaharap ko ngayon. Si Mama yung may date ngayon ah! Bakit biglang nagkaroon ako?
"Clarence nga pala and you are?"
"Elijah"
"So magiging future stepbrother pala kita pag nakatuluyan mga parents natin"
Ngumiti naman ito at para akong matutunaw sa kinauupuan ko. Napayuko naman ako dahil sa ayaw ko makita niya na naaapektohan ako sa kagwapohan niya. Naku naman bakit ba kase dito pa ako puwesto? Nagtanong pa siya ng ilang bagay sa Mama ko dahil sa curious daw siya sa dinidate ng Dad niya ngayon. Syempre bilang butihing anak ay ginandahan ko talaga ang pagpapakilala sa Mama ko. Impressive daw yung background ni Mama at pasado daw ito sa kanya kung siya ang tatanungin.
"Eh ikaw ba nakikipag meet ka din through dating sites?"
"Minsan pag bored, ikaw ba?"
"Yes pero daming catfish so tumigil na ako. Buti at hindi naman pala scam mama mo"
"Hindi no! Kala ko nga din scam dad mo eh"
Natawa naman kami pareho at sakto naman na dumating na yung order namin. Sinilip ko sila Mama at halatang komportable sila sa isa't isa. Napangiti naman ako ng makita ko na ang saya ni Mama ngayon. Inabutan ako ng tissue ni Clarence dahil sa tumutulo na pala ang luha ko. Nagthank you lang ako sa kanya at binalik ang attention ko sa pagkain. Napaka babaw lang kase ng luha ko lalo na pagdating kay Mama. Ayaw ko siyang nakikitang malungkot siya kaya hinding hindi ko mapapatawad si Papa sa ginawa niya kahit bumalik pa siya sa amin.
"Halatang mahal mo yung Mama mo"
"Sobra ganun ka din naman sa Dad mo hindi ba?"
"Siguro"
Lumingon siya sa direksyon ng Dad niya at kita sa mata ni Clarence na malungkot siya. Ano kaya nangyari? Pero ayaw ko naman magtanong baka isipin niya na sobrang feeling close ko. Natapos naman ang date nila Mama at Dad ni Clarence ng maayos. Nagpaalam na ako kay Clarence at nakiusap na wag muna sabihin sa Dad niya na nagkausap kami. Parang nakakahiya kase na siniset up ko si Mama sa mga ganitong bagay.
"Kamusta date Ma?"
"Ok naman anak. Magaan naman siya kausap at napaka sarap niya kasama"
"Pahalata ka masyado Ma, magpakipot ka naman kunti!"
"Akala ko ba gusto mo na ako magka boyfriend?"
"Oo pero dapat wag masyadong marupok no"
"Ewan ko sayo"
Natatawa na lang siya sa sinabi ko. Syempre nagdrama lang ako para naman hindi niya halatang bet na bet ko din yung dad ni Clarence sa kanya. Sinabihan ko na din si Mama na buburahin ko na yung dating app dahil baka si Tito Michael na nga yung future stepdad ko. Kwentohan lang kami ng kwentohan ni Mama about sa naging date nila ni Tito Michael. Nabanggit niya daw ako sa kanya at siya naman nagshare about sa anak niyang si Clarence. Hindi ko kase sinabi sa app na may anak si Mama buti na lang at meron din si Tito Michael kaya hindi magkakaproblema kung sakali man.
-nakauwi na kayo?
-pauwi pa lang, bakit?
-baka this weekend papupuntahin kayo ni dad sa bahay namin
-oh bakit daw?
-well gusto niya daw makita ka. Mukhang na love at first si Dad sa Mama mo
-kahit naman si mama panay ngiti at kwento tungkol sa dad mo
Binigay kase ni Clarence number niya dahil sa wala na talaga kaming enough time mag usap kanina. Hindi naman kase kami yung magka eyeball kaya very casual and reserve kami pareho. Hindi bale mas makikilala ko pa naman siya this weekend dahil nga sa ininvite kami dun sa place nila. To be honest, type ko si Clarence pero mukhang straight naman siya kaya wala talaga kaming pag asa at kung mag work nga si Mama at Dad niya ay magiging stepbrother ko na siya.
"You must be Elijah?"
"Good evening po sir, ako nga po"
"Tito na lang itawag mo sa akin and btw ito nga pala ang anak kong si Clarence"
"Hi nice to meet you, I'm Clarence"
"Eli, nice to meet you too"
Napangisi naman kami pareho dahil hindi pa kase alam ng parents namin na kilala na namin ang isa't isa. Simula nung araw na nagdate sila ay wala na din tigil ang communication naming dalawa. Every night magka videocall din kami kaya mas naging close ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Malaki ang bahay nila Tito Michael may mga maids kaya malinis at maayos ang lugar. Yung bahay kase namin is good for small family lang kaya hindi na kami kumuha ng kasambahay dahil sa marunong naman ako sa gawaing bahay.
"Georgina sinabi mo na ba kay Elijah plano natin?"
"Hindi pa eh pero baka mamaya pagkauwi namin
"Ano po ba yun Ma?"
"Si Tito Michael mo kase nag aya magbakasyon next week"
"That's good!! Para mas makilala niyo pa ang isa't isa, right Eli?"
"Yes po! Ok lang ako dun Ma"
"Sure ka Elijah?"
"Ano ka ba Ma, hindi na po ako baby no kaya ko na ang sarili ko"
Natawa naman silang tatlo sa maarte kung sagot kay Mama. Matagal tagal na din kase yung last na nagbakasyon siya dahil ayaw niya daw iwan ako sa bahay pati na din ang negosyo niya. Mukhang mapagkakatiwalaan ko naman si Tito Michael so alam ko safe si Mama sa kanya. Nag usap lang kami apat about family, business and future. Nashock nga ako dahil parang ang bilis naman ata ng pacing nila. Don't get me wrong ha pero parang nakakagulat lang kase kahit si Clarence nga ay nabibigla sa pinagsasabi ng Dad niya. Biruin mo bang gusto na niya lumipat kami ni Mama sa kanila after ng nilang magbakasyon.
"Thank you for accomodating us Michael, sobrang nag enjoy kami"
"No Georgina, thank you for accepting my invitation"
"Aray!! Andami atang langgam. Kinakagat ka ba Clarence?"
"Actually kinakarate na ako ng mga langgam dito"
Namula naman yung mga parents namin sa pamasag moment naming dalawa. Omg! Hindi ko maiwasan kiligin sa kanila talaga. I'm openly gay kaya hindi na siguro yun issue sa mag ama dahil hindi naman sila nandiri o na awkward man lang sa pananalita at kilos ko. I think they are ok na maging part na kami ng buhay nila. Sana tama nga ako at wag lang puro assumed lahat ng ito.
"So what's your plan?"
"Well sa bahay lang ako tyaka hindi ka naman mahihirapan kung wala Dad mo dahil sa may maids naman kayo"
"Yeah you're right but I'm thinking kung pwede ba ako magstay sa inyo"
"Sa amin? Eh ano naman gagawin mo dun? Wala kaming maids no baka maging sakit ka pa sa ulo ko"
"I'm willing to learn naman. Pwede ba?"
"Tanong mo muna sa dad mo"
Lumapit naman siya dun sa Dad niya at nagpaalam nga ang loko kung pwede siya sa amin mag stay. Natuwa naman si Mama dahil may makakasama na daw ako sa mga araw na wala siya. Gusto pa sana ipadala ni Tito Michael ang isang maid nila para may mag asekaso sa amin pero sinabihan ko na lang na wag na dahil sa kaya ko naman. Nag aya na si Mama umuwi kaya tumayo na din ako dahil sa medyo late na talaga. Ansaya naming apat sa gabing ito mukha na talaga kami isang pamilya. Napaka gentleman nga nitong si Clarence dahil inaasekaso talaga ako masyado. Soon to be stepbrother ko na siya kaya wag dapat akong kiligin sa kanya.
"See you next week?"
"See you next week"
Nagpaalam na si Mama kay Tito Michael na uuwi na kami sa bahay. Kita ko naman na hinalikan niya si Mama sa pisngi na kinatuwa ko naman. Grabe bakit parang ang saya saya ko sa mga oras na ito? Kung si Mama may Michael, ako naman may Clarence. Oh shit! baka mahopia ako nito eh.
Pinaclear na ni Mama ang schedule niya next week syempre todo lagay na ako ng sexing outfits sa maleta niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. She deserves this moment dahil napakabuti niyang ina sa akin. I know she's still hurting sa pang iiwan ni Papa pero nanatili siyang matatag para buhayin lang ako.
"Ma you deserve to be happy kung ano man yung nangyari sa inyo ni Papa sana wag na mangyari sa inyo ni Tito Michael"
"Naku pinapaiyak naman ako ng baby ko. Sige na tulungan mo na lang ako mag impaki masyado kang pang mmk"
Natawa naman kami pareho habang patuloy parin ang pag agos ng mga luha sa mata namin. Sana si Tito Michael na talaga ang magpapabalik sa mga ngiti ni Mama. Kahit sabihin niya na enough na ako sa kanya alam ko na may kulang pa din. Iba parin ang pagmamahal ng asawa sa anak na hindi ko naman kaya ibigay kay Mama.
"Elijah tatawag ka lage sakin ha?"
"Yes po Ma, ako na po bahala"
"And Clarence sana wag mo din pabayaan ang anak ko. He's afraid of heavy rain sana nandun ka to comfort him"
"Sige na Ma alis na po kayo ni Tito. Enjoy po kayo"
"Clarence yung habilin ng Tita Georgina mo. Wag kang pasaway kay Eli and if you need help tawagan mo ako agad"
"Yes dad sige na. Baka malate pa kayo sa flight niyo"
Sinundo na ni Tito Michael si Mama sa bahay at sumabay na si Clarence sa kanya. Isang malaking maleta ang bitbit ni Clarence kaya nagtaka ako kung ano ang laman nun. Sabi niya daw mga damit at dumbbells niya dahil panigurado wala kaming gym sa bahay. Kaya naman pala masyadong yummy ang stepbrother ko dahil sa lage ito nagbubuhat ng mabigat. Ako kaya kaya niya din buhatin?
- END OF CHAPTER -
#readrespectlove