Today's Rain, Tomorrow's Love

All Rights Reserved ©

Summary

Fionna Rebeiro is a college undergrad. Her family is not well off so she started becoming independent when she turns 18 and now she's currently 23, still finding her fate in the city. After their mom's death, their father remarried and left them behind for his own family. Pinasukan niya lahat ng maaari niyang pasukan just to provide her own needs and support his younger brother who only know how to enjoy his life through money, parties and friends. Fionna loves to sing and she dreams to become a singer some day but because she thought she wasn't good enough, she just chooses to become a staff in a media entertainment company. She then met the rude guy idol-Bryle Alfonso, which is part of a boy group in that company. She started to learn how to love her life, explore more of herself and her talents and to embrace her flaws because of him. @epitychía #Filipino #Tagalog #Taglish #LoveStory #Romance

Status
Ongoing
Chapters
1
Rating
n/a
Age Rating
16+

01: Fate

FIONNA



"THANKS FOR applying, accepted ka na ngayon lang din!"


Bumilog ang aking mga mata matapos madinig 'yon. My luck is with me today!


"Thank you! S-should I start t-today?" nabubulol ko pang tanong kasi hindi ako makapaniwala.


She smiled professionally, "Yup. We really need you now kasi eh. Don't worry, Ms. Tolentino will be assisting you."


I look at the girl beside her, naka-uniporme ito ng maroon blouse at naka-cap. She smiled genuinely to me, "I'm Jen. I'll help you po sa mga gagawin dito."


I smiled widely to her, mukhang may magiging kaibigan nanaman ako ngayon ah!


"Thank you."


"You guys look like you're gonna be friends soon," Ma'am Laila stated as she smile. "Pero I really have to go now, may late meetings pa kasi kami nina Mommy sa ibang kliyente."


She got her pouch on the table and stood up, mukhang busy talaga ang magiging manager ko dito sa convenience store at kailangan niya akong tanggapin ngayon din para may katulungan ang nag-iisa nilang helper.


"Sige ma'am. We'll take good care of the rest po." Jen assures as we also stood up to send her off.


"Jen, give her her uniform at my table. I'll give her nameplate when I come back." Utos niya't nagpaalam.


She drove her car and went on. I sigh as I see her off, ganiyan din sana ako kung nakatapos ako -may sariling bahay, pera, business at may magandang buhay.


Pero ito na nga tayo sa reyalidad. After wearing my uniform, I felt really like I'm working. 'Yong totoo talaga!


Medyo nahirapan ako at mabagal noong una kasi madami silang kostumer but I was really thankful because Jen was nice and approachable naman kaya nairaos ko ang gabing 'yon.


My work is night shift so I will start at five and we will be closing at twelve at night. Medyo nakakapuyat pero manageable naman kasi nasanay na ako from my past works, ayon nga lang at matagal ang mga 'yon.




"HOY, FION!"


Napabalikwas ako sa pagkakatulog sa aking mesa sa table dito sa resting area namin dahil sa pagtawag niyang 'yon. Oh shookt, nakaidlip ako saglit!


"Hinahanap ka ni manager, bakit wala raw server. Si Joanna na nagseserve ng coffee doon." Sabi kaagad ni Lean.


Tumingin-tingin pa ako sa paligid ko, mukhang hindi pa ako gising ng husto!


"Sorry, sorry. Pupunta na ako!"


Agad akong tumungo sa counter at iniwan si Lean. Doon ko na nakita ang nakapamaywang na manager namin. He's strict, ayaw niyang may nagpapahinga lamang habang ang iba ay nagtratrabaho.


And now, I am doomed!


Medyo kaunti ang kostumer namin pero nininerbyus padin akong humarap sa kaniya. Yumuko ako at inayos ang apron na suot, hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil mukhang galit ito sa akin.


He sigh. "You slept?"


Lumunok ako, ngayon ko lang 'to nagawa sa coffee shop na 'to for more than one year. Naiinis ako na nagawa ko ang ganito sa unang pagkakataon. Siguro dahil doon sa pagod ko kahapon sa convenience store.


The work is light pero dahil first time ko ay parang mabigat ito. Jen was assigned at the cashier kasi and she just assisted me sa gagawin ko muna, matapos 'yon ay ako na ang lumibot sa lagayan ng mga benta para icheck at i-expel ang mga expired drinks, canned goods or products.


"Sorry po, hindi ko po namalayang nakaidlip na ako. But I was just there for about eight minutes..."


Pahina kong eksplin nang makita kong lumapit siya. He stopped and suddenly grabbed my nameplate. Agad akong tumingin sa kaniya dahil sa ginawa niya.


"You're fired."


"Sir," I called, can't believe his words. "Hindi ko na po uulitin 'yon, please, kailangan ko po 'tong trabaho na 'to sir—"


"I'm not a sir, okay?!" Sigaw nito na dahilan upang pansinin kami ng mga kostumer.


Dahil sa sitwasyon ko naman ay hindi ko 'yon pinagtuunan ng pansin, "Please po, don't fire me. I've been working here for more than a year now... nasanay na po ako dito."


"But you broke the policy," He said flatly. "What does it state again?"


He look at me with a disgusted smile habang ang hintuturo ay nakaturo sa nakasabit na mga malalaking letra sa upper right namin.


I looked down and was hesitant for awhile, of course I memorized it because I see them everyday!


"I-f... If you do bad, you'll face doom alive..."


I know, it's weird...


"You did, and this is your doom..."


He turned back to me and about to go but I stopped him. "Please... give me one more chanc-"


"Joanna!" he called her.


She was smiling while talking to a costumer pero agad itong lumapit hawak-hawak ang serving plate matapos matawag sa pangalan ng pasigaw.


"Take her uniform off and get her out!"



"S-sir..."


Hindi na niya naituloy ang sasabihin sana ng umalis ito kaagad. She immediately took me off from embarassment to the costumers' sight at sinamahan sa changing room.


Hindi pa ako tumatahan dahil hindi ako naka-get-over. When I gain something, I will lose another bilang kapalit ganun ba 'yon? Kaya ako natanggap kahapon kasi mawawala ko ito ngayon?


"Sorry, naging pabigat pa ako rito."


Kinuha ko ang hawak niyang natitirang damit ko at sinuksok na sa aking bag. Mga gamit ko ito kapag nagfu-full-time o pinagpapawisan ako dito but now, I'll be getting them because I won't be working here anymore.


I heard her sigh, "Ngayon mo lang 'yon nagawa at alam ko namang may rason ka. Did you work late again last night?"


I look at her and she really was concerned. She was the very first person I got to know when I moved here in the city. Mabait talaga siya and I admit, I envied everything and anything about her and her life.


She also understands everything about me and I am very thankful for that.


Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang kamay ko at zinip ang aking bag. "Hindi naman 'to nasanay." Biro ko.


Inayos nito ang eyeglasses na nahulog sa kaniyang ilong, "Keep attached, meron naman sa 'yo 'yong phone number ko. Nandito lang ako kapag kailangan mo 'ko."


May pag-aalala sa boses at mukha nito. Tumango na lamang ako pero imposibleng gawin ko 'yon sapagkat una't sapol palang ang dami na niyang tinulong sa akin.


From welcoming me to her house, buying me some clothes, accompanying me sa paghahanap ng apartment na lilipatan ko, at siya din ang nagpapasok sa akin sa coffee shop na 'to.


Hanggang ba naman dito na ako rin ang dahilan ng pagtanggal nila sa akin, tutulong pa siya? Kaya hindi, I don't want to be dependent from her. Nahihiya na kasi ako sa totoo lang.


LUMABAS ako at hindi ko namalayang dumidilim na pala ang paligid. I get my wallet from my bag and counted the money that was given to me earlier, ito ang salary ko na binigay kanina lang din sa coffee shop. Swerte ko at naging mabait pa sa akin si sir.


Naglalakad ako nang biglang may bumangga sa akin at nung namalayan ko ay nahablot pala nito ang wallet ko!


"Teka lang! Kuya!" Saka ko lamang maisigaw ng mareyalisa 'yon, sinubukan ko rin siyang habulin kahit medyo nasa malayo na.


"Kuya, sandali!" Dahil mabilis ito ay madaling nawala sa paningin ko sa karamihan ng tao.


"May mga ID at importante akong gamit diyan. Kahit 'yong pera lang kunin niyo!" Halos hindi ko maisigaw dahil hindi ko nanaman maiwasang maiyak.


I fell on my knees kahit may mga taong tumitingin sa akin. I begun to weep, hindi pa ako bayad sa utang ko! Suweldo ko 'yon ng dalawang buwan sa coffee shop kaya bakit ngayon pa?!