Meet Me In Malabon

All Rights Reserved ©

Summary

In the concept of love, various theories have been created and developed. One of these is the Red String Theory, which suggests that love is destined and has a specific purpose. Would you believe in this theory, or would you think it's just something made up by people who have nothing better to do? Like Eionea, she also doesn't know whether to believe in this theory because she believes that no expert has yet proven it.

Status
Ongoing
Chapters
1
Rating
n/a
Age Rating
16+

Simula


Pula na tila isang rosas, kahel na malumanay na sumasayaw, at dilaw na tila pinupunit ang kurtinang asul ng gabi.


Ito ang mga kulay na lagi kong nakikita tuwing binubuksan ko ang bintana ng kuwarto ko, kung iisipin tila ba ang mga kulay na ‘yon ay paleta ng kalisan na nagpapahayag ng bagong simula. Sa paglipas ng segundo, ang kulay ng kalangitan ay nagbabago, parang isang seremonya ng pag-gising ng mundo.


Tuwing umaga hindi ko nakakaliligtaan ang tanawin ang langit, para bang  naging daily routine ko na ito. Ilang minuto rin akong tutulala at magmumuni-muni—iisipin kung paano makakatakas sa mga problemang pilit akong hinahabol. Hindi ko alam kung magpapatuloy ako sa pagtakbo sa daang lubak-lubak para lang makatakas o haharapin ko nalang ang mga problemang pasan-pasan ko sa mahabang panahon.


Gusto kong sumuko pero parang wala rin namang patutunguhan. Ano bang dapat kong gawin? 


Nanatili akong nakatayo at nakasilip sa bintana, unti-unti ng nagbabago ang mga kulay ng kalangitan. Mula sa pula, kahel, at dilaw ito ngayon ay unti-unti ng nagiging kulay asul. “Kailan ko ba makakaharap ang bagong simula na iyan?” Mahinang tanong ko. Kailan nga ba? Sa loob ng twenty seven years kong pamumuhay dito sa mundo parang wala namang bago—paulit-ulit lang. Noong nag-aaral pa ako, umiikot lang ang buhay ko sa limang pangyayari.


1. Gigising

2. Kakain at maliligo

3. Papasok sa school

4. Uuwi sa bahay

5. Matutulog


At ngayong nagta-trabaho na ako wala akong masasabing may pagbabago sa takbo ng buhay ko dahil ganoon pa rin naman,


1. Gigising

2. Kakain at maliligo

3. Papasok sa trabaho

4. Uuwi sa bahay

5. Matutulog


Ang pinagkaiba lang ay ang pinapasukan ko at mas lalong dumami pa ang mga pasanin ko nang magkaroon na ako ng trabaho.


Ito ba ‘yung life cycle?


Natawa na lang ako at tumingin sa orasan na nakasabit sa ding-ding, mag a-alas sais na kaya nagtungo na ako sa aking cabinet na pinaglumaan na ng panahon. Kinuha ko na ang mga damit na susuotin ko ngayong araw, hinanda ko na rin ang aking susuoting uniform. Teacher ako sa pribado at pampublikong paaralan. Sa umaga, magmula 7 AM hanggang 12:00 PM ay sa pribadong paaralan ako pumapasok sa St. Therese of the child Jesus Academy at pagsapit ng ala una ay papasok naman ako sa Tañong Integrated school—isa sa mga pampublikong paaralan sa Malabon City. Pagkatapos kong maihanda ang aking mga susuotin. Lumabas na ako sa aking kuwarto at bumaba para maligo. Walang banyo ang bawat kuwarto sa bahay kaya kailangan ko talagang bumababa kahit pa may pagkatamad ako lalo na tuwing umaga.


Nang makababa na ko naabutan ko ang nakatanda kong kapatid na katatapos lang magluto. Sumisipol pa ito habang ibinababa ang mga pagkaing niluto niya para sa agahan. “Kain na,” sabi nito habang nakangisi. Pakiramdam ko may ginawa itong kalokohan sa mga pagkaing niluto niya—mahirap pagkatiwalaan ang mga taong nag-aalok ng pagkain habang nakangisi o kaya naman ay tumatawa.


Hindi ko na lamang siya pinansin at dumiretso na sa cr. “Kumain ka muna, Yona.” Nakangisi pa rin ito habang inuutusan niya akong kumain muna. “Siguro nilagyan mo ng maraming betsin ‘yang niluto mong pagkain?” tanong ko rito habang nakataas ang isang kilay. “Tanga ka? Kung nilagyan ko ‘to ng maraming betsin ay hindi ko na ‘to kakainin, idadamay ko pa sarili ko. Kumain kana pero magluto ka muna ng pagkain mo, para sa akin lang kasi ‘tong niluto ko.”


“Mabilaukan ka sanang baliw ka.”


Hindi na naman ito sumagot at kumain nalang habang nakangiti na para bang ‘yon ang pinaka masarap na pagkaing natikman niya. Hindi nga ako binetsin, hindi naman ako pinaglutuan ng pagkain. Araw-araw niya nalang talaga sinisira araw ko.


Matapos akong maligo at mag bihis pumanik na ako sa kuwarto ko at agad inayos ang mga gamit sa aking bag. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay nag-ipit na rin ako ng buhok at naglagay ng konting make-up sa aking mukha para naman hindi ako masyadong maputla tingnan, sinuot ko na rin ang aking relo na regalo pa sa ‘kin ni Kuya.


Nang maayos na lahat bumaba na rin kagad ako dala-dala ang aking bag. Pagkababa ko ay hindi ko na naabutan si Kuya, siguro umalis na para pumasok sa school. Hindi siya teacher sa pinapasukan niyang eskuwelahan kundi isang estudyante, second year college na siya ngayong taon. Engineering student sa Unibersidad ng Pilipinas, nakakuha siya ng scholarship kaya hindi niya na sinayang ang pagkakataon na makapag-aral muli at matapos ang pangarap niyang kurso. Tumigil siya sa pag-aaral noong namatay ang tatay namin, kinailangan namin noon ng pera para sa pambayad ng bill sa hospital at pambayad para sa pagpapalibing. Si kuya rin ang nagtustos sa lahat ng pangagailangan ng buong pamilya namin—sa madaling salita siya ay breadwinner.


Kahit pa punong-puno ng kalokohan ang buong katawan niya hindi ko maitatanggi na talagang maaasahang kuya siya, lagi siyang dumarating sa tuwing kailangan namin ng tulong, lagi siyang nandiyan para sa akin kapag kailangan ko ng dantayan sa tuwing pinagtutulungan ako ng lahat, lagi siyang nandiyan at hindi nawawala.


“Kumain ka muna, Yona. May pinagtabi kita ng pagkain, baon mo rin ‘yang nasa lunch box. Huwag kang mag-alala tropa walang betsin ‘yang mga ‘yan—magic sarap lang. Ingat!”


Napangiti ako sa sticky notes na idikit ni kuya sa lunch box ko. Bago umalis ng bahay kinain ko muna ang hinandang almusal para sa ‘kin at umalis na.


6:50 AM ay nasa school na ‘ko ng St. Therese, pagpasok ko sa loob sumalubong sa akin ang ingay ng mga estudyante mula sa junior at senior high school students. Katatapos lang ng flag ceremony at nagkaroon ng opening remarks si Mr. Lie na head ng English department para i-welcome ang mga estudyante dahil first day of school nila ngayon matapos ang dalawang buwan na bakasyon.


Nang matapos ang ceremony pina-akyat na rin ni Mr. Lie ang mga estudyante sa kani-kanilang classroom, sumabay na rin ako sa mga bata sa pag-akyat at dumeretso sa room kung saan naka-assign ang advisory ko.


“Ahmm… please stand up, people. Before we start our agenda for this day, let's start our opening prayer. Stand up, people,” malumanay kong pag-ganyak nang makapasok na ang aking mga estudyante. “Ma’am, sino raw po ba magdadasal?” Tanong ng isa sa aking mga estudyante. “I will lead the prayer for this day,” tugon ko habang nakangiti. “Let's bow our heads and feel the presence of the Lord, the name of the father, the son, and the holy spirit. Amen.”


“Heavenly Father,

We come before You today with hearts full of gratitude and hope as we begin this new school year. Thank You for the gift of life, learning, and the opportunity to grow together as a community.


Bless each student, guide their minds and hearts, and help them to see every challenge as an opportunity to learn and every success as a reason to be humble and grateful.


Bless us, teachers, that we may serve as instruments of Your wisdom and patience. Help us to inspire curiosity, nurture talents, and guide each child toward their fullest potential.


Bless the parents and guardians who support these children. Give them strength, wisdom, and peace as they nurture and guide their families.


May this school year be filled with joy, kindness, and understanding. Let our classrooms be places of respect, collaboration, and love, where everyone feels valued and safe.


Lord, walk with us every step of the way. May Your light guide our paths and Your love fill our hearts, so we may honor You in all that we do.


We ask this in Your holy name


St. Therese of the Child Jesus pray for us. The name of the Father, the Son, and the holy spirit. Amen.”


Nang matakatapos ako magdasal ay ngumiti muna ako sa kanila bago mag-salita. “Good morning, Integrity!!” Masigla kong bati.


“Good morning, Ma’am Eio–” hindi nila natapos ang pagbati pabalik sa akin siguro ay nahirapan sa kung paano bibigkasin ang aking pangalan.


“Sabi kasing sa apilyido nalang, e. Ma’am, good morning! Haha.”


“Please have a seat, everyone. I will set up my computer for the PowerPoint presentation shortly, so just sit back and relax.” saad ko at sinet up na ang computer para makapagsimula na kami. Habang inaayos ay naririnig ko ang bulungan ng mga estudyante ko.


“Masungit kaya siya?”


“Magaling kaya mag-turo?”


“Sana walang favoritism si Ma’am.”


“Mukha naman siyang mabait.”


“Teacher daw dati ni ate ‘yan si Ma’am, mabait at magaling daw siya magturo sabi.”


Hindi talaga mapipigilan ng mga estudyante ang usisain nang usisain ang kanilang bagong teacher lalo na kapag unang araw pa lamang nila, hindi ko naman sila masisisi dahil ganoon din ang ginagawa ko noong nag-aaral pa ‘ko.


Nang maayos ko na ang PowerPoint presentation ko ay nag-salita na ko upang matapos na ang kanilang kuryosidad. “Good morning, everyone! Before I begin, I want to welcome you all to St. Therese of the Child Jesus Academy as we embark on our new journey this school year.” panimula ko ng may ngiti sa labi.


“Bago tayo dumako sa pagpapakilala niyo sainyong sarili ay ako po muna. Today, we will cover the following agenda items:


1. Welcome and Introduction 

2. Goals for the School Year 

3. Discussion of Rules and Policies 

4. Discussion of Teaching Methods and Assessment 

5. Overview of the Curriculum or Subjects 

6. Classroom Organization 

7. Introduction of Yourself 

8. Icebreaker Activity 

9. Question and Answer Session 


Let’s make the most of our time together!”


“For the first item on our agenda, ‘Welcome and Introduction,’ I’ve already welcomed you all, so now I will introduce myself. My name is Eionea Serillo Pereras. I am 27 years old and a part-time teacher here at the school. In 2017, I graduated from City of Malabon University with a Bachelor’s degree in Secondary Education, majoring in Mathematics. In 2019, I passed the Licensure Examination for Professional Teachers. At ngayon ako po ang inyong magiging adviser hanggang sa magtapos ang school year na ‘to, ako rin ang magiging teacher niyo sa subject na ‘Understanding Culture, Society, and Politics’ para sa first semester—baka ako rin ang maging teacher niyo sa subject na ‘Applied Economics’ para sa second semester pero hindi pa po sigurado ‘yon.” Pagpapakilala ko sa aking sarili habang kinakabahan. Kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na hahawak ako ng Senior High Students, dati ang hawak ko ay mga Junior High Students lamang. Ngunit, ngayon ako ang advisory ng grade 11 - ABM - Integrity.


Pagkatapos ko magpakilala dumako na kami sa pangalang agenda namin ang ‘Goals for the school year,’ typically focus on academic, personal, and career development as they transition to a more specialized level of learning under the Senior High School curriculum. Ang i-katlo naman ay ang mga rules and regulations sa loob at labas ng classroom. In my class, I have 20 rules and regulations: 10 for inside the classroom and 10 for outside.


Inside the classroom:

    1. Respect everyone

    2. Be punctual

    3. Follow instructions

    4. No cheating

    5. Maintain cleanliness

    6. Raise your hand

    7. Use gadgets responsibly

    8. Be prepared

    9. Stay seated

    10. Work collaboratively


Outside the classroom:

     1. Follow the school uniform policy

     2. Respect school property

     3. Behave appropriately

     4. Obey campus rules

     5. Observe safety rules

     6. No bullying

     7. Respect authority

     8. Participate in activities

     9. Be a good role model

     10. Represent the school well


I also explained to them that anyone who does not follow the rules and regulations will face sanctions.


Nang matapos kami sa i-katlong agenda namin ay dumako na kami sa i-kaapat ang ‘Discussion of Teaching Methods and Assessment,’ I outlined the teaching strategies and tools to be used, such as group work, projects, and tests. I also clarified the grading system and how feedback will be provided. Ang ika-lima, ‘Overview of the Curriculum or Subjects,’ I provided a brief overview of the subjects to be covered, along with the lesson plans and topics. Additionally, I introduced resources such as textbooks, modules, and online platforms. Ika-anim, ‘Classroom Organization,’ I assigned seating arrangements and introduced class officers, including the process for their election. After the elections, the class officers are as follows:


President: Shawn Nathan Santos

Vice President: Kristen Andrade

Secretary: Daisar Robles

Treasurer: Raj Valdemor

Auditor: Mykylle Antonio


Ika-pito ang pinaka gusto ko sa lahat ang ‘Introduction of Yourself’. “Before you introduce yourselves, this is all I want to hear: your name, age, address, the last school you attended, and your expectation(s) for my subject. Start tayo sa ‘yo, anak.”


Nang matapos ang mga estudyante ko sa pagpapakilala sakanilang mga sarili dumako na rin kami sa ‘Icebreaker Activity’ at ‘Question and Answer session’ pagkatapos ay pinagtake ko na rin sila ng break dahil 10:00 AM na at ‘yon ang oras ng kanilang recess. Mayroon na lamang akong isang oras at kalahating pananatili rito sa school at uuwi na naman sa bahay. Wala pa kaming pasok ngayon sa public school dahil bakasyon pa rin ng mga taga-public.


Tuwing break ay pumupunta lang ako sa faculty room at doon nagpapalipas ng oras, minsan naman ay doon na rin ako kumakain.


Bago ako pumunta sa faculty room ay inayos ko ang mga gamit ko sa table at nilagay sa bag ko. Paglabas ko ng room ay nakasalubong ko pa ang mga estudyante ko pababa. Habang naglalakad ako ay binabati ako ng mga nakakasalubong kong estudyante, ang iba naman ay dedma lang. Ang iba naman ay kumakain na sa gilid ng hagdan naunahan na ata sa table at upuan sa canteen.


Nang makababa na ako mula sa third floor kung saan naka room ang aking advisory ay sinalubong ako ng ingay ng mga estudyante—para akong nasa palengke. "G-good morning, Ms. Yona!" Bati sa akin ng estudyante ko noong nakaraang school year kahit pa puno ang bibig niya dahil sa kinakain. "Good morning!" Pagbati ko pabalik at ngumiti. Hindi na naman ito sumagot at kumain na muli, habang naglalakad ay naririnig ko ang mga kuwentuhan ng iba pang estudyante.


Pinagku-kuwentuhan ang kanilang mga na pag-aralan sa iba't ibang subject noon at ang iba naman ay pinagku-kuwentuhan ang nangyari sa issue ng dalawang artista na nasangkot sa cheating, habang pinagku-kuwentuhan nila ‘yon ay hindi ko naman mapigilan ang tumawa dahil napaka sigla at hindi sila magkamayaw sa pagbibigay ng kanilang mga opinyon.


Basta talaga chismis ay nabubuhayan ang mga ito.


Hindi ko na sila pinansin at dumeretso nalang ako sa faculty room sa first floor. Pagkarating ko ay agad kong binuksan ang pinto at sumalubong sa akin ang malamig na hangin na nanggaling sa aircon. Kaya gusto ko rito—malamig kasi. Mukha tuloy akong nagpapakasarap dito. Pagpasok ko ay binati ko ka agad ang mga co-teacher ko, nginitian lamang nila ako. Lima lamang kaming nandito sa loob, ang apat na teacher na kasama ko ay matagal na sa school na ito at may mga edad na rin, samantalang ako ay bago pa lamang dito mag da-dalawang taon pa lang ako rito.


Pumunta na ako sa table ko at umupo na roon sa swivel chair tsaka ibinaba ang bag na bitbit ko. Magpapahinga lang ako rito, kakain, at aalis na rin para pumunta muli sa room ng advisory class ko. Nang ipikit ko na ang dalawang mata ko ay tsaka naman nag sitawanan ang mga kasama ko rito sa faculty room, akala ko naman ay makakapag-pahinga ako ng payapa rito. Naririnig ko ang kuwentuhan nila at nagsimula na naman na mainis ako sakanila. Paano ba naman kasi pinagku-kuwentuhan nila ang personal na buhay ng mga estudyante namin kahit hindi naman dapat.


Isa sa mga pinagkakatiwalaang tao ng mga estudyante ay ang kanilang mga guro pero heto ang mga gurong pinagkakatiwalaan nila pinagku-kuwentuhan at ginagawang katatawanan ang mga dinadanas ng aming estudyante.


Nakakainis, sila mismo ang nag-sasabi na matutong i-respeto ang bawat isa pero sila mismo ang hindi gumagawa.


Magkakaroon talaga ako ng mga kaaway ng wala sa oras dahil sa mga gurong tulad nila.


“Kilala niyo ba yung estudyante ni Ms. Riza iyong Victorio na napaka kapal lagi ng make-up?”


“Kilala namin ‘yon, nung nakaraang school year laging nasa guidance ‘yon…”


“Bakit?”


“Ang dinig ko ay tungkol sa pamilya nila, may paiyak-iyak pa nga habang naglalabas ng hinanakit sa buhay. Mga kabataan talaga ngayon lahat ng pangyayari sa buhay nila lagi nalang ginagawang dahilan para kaawaan sila, hindi mo sila puwedeng pagalitan dahil baka maka-experience ng depression.”


Narinig ko ang tawanan nila dahil sa sinabi ni Ma'am Salvacion. Bakit ba parang ini-invalidate nila ang nararamdaman ng mga bata? Bakit nila ginagagawang katatawanan ang depression? Gusto ko silang sampalin ng matauhan sila pero kailangan ko magpigil.


Kilala ko ang estudyanteng pinagku-kuwentuhan nila dahil isa sa hawak kong section ang advisory ni Ms. Riza na naging kaibigan ko rito. Si Cire Toledo Victorio ay estudyante namin, grade eleven student nasa ABM strand, mabait, masipag, at matalino iyon. Totoo rin na lagi itong may make-up tuwing papasok sa eskuwelahan pero hindi naman ganoon kakapal, para bang everyday make-up look lang ang ginagawa ni Victorio. Wala naman akong nakikitang mali sa paglalagay o pagsusuot ng make-up, kung sa tutuuisin nga mas nagmumukhang malinis at presentable ang mga estudyante lalo na ang mga babae kapag inaayusan nila ang sarili nila. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit bini-big deal nila yung mga ganoong bagay. Bakit hindi nalang din sila maglagay ng make-up sa pagmu-mukha nila? Siguro ay hindi sila tinatablan kaya ganoon na lamang kung makapag salita, nangangamoy inggetera.


Sa inis ko ay tumayo at sinukbit ko na muli ang aking bag sa aking balikat. Aalis na lang ako kaysa magkaroon ako ng bad record dito sa school pero sa susunod na marinig ko pa sila na pag fiesta-han pa nila ang mga estudyante namin ay hindi ako magdadalawang isip na komprontahin sila.


Nang lumabas ako ay hindi naman nila ako pinansin at patuloy lang sila kuwentuhan at tawanan. Pupunta nalang muli ako sa third floor at di-diretso na sa room 301 kung saan kami naka room ng advisory class ko. Ten minutes nalang naman kaya pupunta na ko roon.


Habang paakyat ako ng hagdan may nakasabay akong dalawang estudyante mga Junior High Students sa tingin ko ay grade 7 pa lang ang dalang ‘to, nag-uusap sila habang kumakain at paakyat na rin. Hindi naman ganoon kalakas ang pag-uusap nila pero naririnig ko pa rin kung ano ang pinag-uusapan nila.


“Naniniwala ka roon? Wala namang nagpatunay na totoo 'yong red string theory na iyon, ah. Lahat nalang talaga ginagawang theory.” Narinig kong sabi ng isang estudyante.


Totoo nga ba iyon?


Matagal ko na ring alam kung ano ang ‘red string theory’ na iyon, siguro mga nasa fifteen years old pa lamang ako pa noong malaman ko iyon pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung totoo, mahirap din naman paniwalaan dahil wala pa ngang nagpapatunay na totoo ang teoryang iyon.


High school ako noon nung mai-kuwento sa akin ang tungkol doon ng dati kong kaklase—si Vander. Grade ten kami noon nung mapagkuwentuhan namin yung tungkol sa red string theory. May nakita kasi siyang post noon sa Facebook na ibinahagi nung nagpost kung paano sila pinagtagpo ng asawa niya sa hindi raw maipaliwanag na dahilan at kung paano sukatin ng tadhana ang katatagan ng pagsasamahan nilang dalawa, nasabi niya rin sa post na naghiwalay sila ng asawa niya pero nahanap pa rin nila ang daan pabalik sa isa't isa.


Kuwento sa akin ni Vander noon ang red string theory daw ay tungkol sa konsepto ng pag-ibig mula sa mitolohiyang tsino at hapon na nagsasabi na ang dalawang tao raw ay nakatakdang maging magkasama dahil sa pulang sinulid na nakatali sa dalawang taong i-tinadhana sa isa't isa.


Sinabi niya rin sa akin na 'yung sinulid daw na iyon ay hindi nakikita o sa madaling sabi ay invisible string iyon at ang pulang sinulid na iyon ay konektado sa maliit na daliri o pinkie finger ng dalawang tao at 'yung sinulid na iyon ay ginawa ng ‘Matchmaker God’ na si Yue Lao—God of Marriage and Love.


Dagdag pa ni Vander na matibay daw ang sinulid na iyon. Nababaluktot at nababanat ngunit hindi ito kailaman napuputol kahit ano pa ang hadlang sa pagmamahalan ng dalawang tao. Sa sobrang tibay ay hindi manlang napuputol at nangangahulugan lamang na kahit anong mangyari ay magkikita at magsasama pa rin ang dalawang taong itinakda.


Ang Red String Theory ay representasyon ng pag-ibig at pinapaliwanag nito na hindi ito aksidente; ito ay nakatakda at may layunin.


Noong nalaman ko ang kahulugan ng teoryang ‘yon hindi ko maitatanggi na talagang namangha ako at nahing palaisipan pa rin sa akin kung totoo ba talaga iyon.


Kung totoo man ‘yon, sino ang nakatakda sa akin? Nakita ko na kaya siya o baka naman ay makikita ko palamang siya?