Chapter 1
ETHAN
"Omg Dad! Thank you!" Puno ng galak kung sambit at mabilis na hinalik halikan siya sa pisngi. Puro tawa at ngiti lang naman ang naging sukli nito na ikinatawa ko narin.
"Omg Dad, para sakin talaga to?!" Ang hindi ko makapaniwalang sambit habang hawak hawak ang latest version ng pinakasikat na phone sa buong mundo.
"Really?" ang naiiyak kung sambit at mabilis na nagsisitalon sa sobrang kasiyahan.
Kung noon ay iniinggit pa ako nila kuya dahil latest version ang sakanila, ngunit hindi na ngayon. Dahil gaya nila ay meron nakong iphone 14 pro . May kalumaan narin kasi ang phone ko kaya saktong sakto lang ang ibinigay na regalo ni Dad saakin.
"Happy Birthday anak" muling sambit ni Daddy kaya naman nginitian ko ito at yinakap ng mahigpit.
"Thankyou so much dad, my words is not enough to tell you how grateful i am to be your son" nakangiti kung sambit at muli siyang hinalikan sa pisngi.
"Son ba? Or daughter?" Singet ni Kuya Aiden na agad ko namang tinarayan.
"Dad o si kuya, inaasar na naman ako" pagkuha ko ng kampi kay Dad.
"Ayan ka na naman Aiden, tigilan niyo na yang si Ethan. Alam niyo naman na prinsesa natin yan" sambit ni Dad na ginatungan pa ang pang aasar sakin.
"Dad naman eh" naiinis kung sambit at pinalo siya sa balikat.
Samantalang tawa lang nang tawa ang dalawa dahil sa mga pinanggagagawa nila. Umalis nako sa sofa kung nasaan nakaupo si Daddy. Sakto namang kakauwi lang ni Kuya Russel sa campo sapagkat suot suot pa nito ang unipormeng pansundalo.
"Aba aba, andami mo nang regalo ha. Kahapon pa yan" pagsuway ni Kuya na agad na kiusyoso sa usapan namin.
"Eh ewan diyan kay dad, andaming surprises" ang nakangiting sambit nito kaya naman dali dali akong lumapit dito upang halikan sa pisngi.
"How's work kuya?" Sambit ko dito at panabay kaming naglakad papunta sa sofa upang makapag pahinga siya ng kaunti.
"Ayon, puro training" pagod na pagod nitong sambit at mabilis na sumandal sa sofa.
"Yucks kuya yung pawis mo, magpalit ka muna at didikit yan sa sofa" sambit ko na ikinangiti lang ng ulupong.
"Parehong pareho kayo ni Mommy" sambit pa nito at dahan dahang tumayo.
"Malamang, parehong babae" pang aasar ni Kuya Aiden kaya naman nagmamaktol ko siyang kinurot na ikinapalahaw naman nito ngunit hindi parin nawawala ang ngisi nito sa kanyang labi na lalo kung ikinakainis.
Bata palang ay alam na nilang alanganin ako, ngunit kahit na magkaganon ay hindi nila ako hinusgahan. Minahal nila ako at itinuring akong totoong parte ng pamilya. Puro lalake ang anak ni Mommy Helena at Daddy Carlos kaya naman balak nilang mag ampon sana ng babae ngunit nagandahan at nabaitan daw sila saakin kaya kahit na lalake ulit ang aampunin nila ay walang problema.
Hanggang sa dumating ang araw na ako'y nagbinata, mas naging halata ang pagiging mahinhin ko, na ibang iba sa mga kaibigan kung lalake. Mas lumalaki ang kanilang katawan, na kabaligtaran naman ng akin. Maliit ang katawan ko lalong lalo na ang bewang ko ngunit mas lumalaki naman ang balakang at pwet ko na labis kung ipinagtataka. Maliit rin ang mukha ko at pumuti rin ako, marahil narin sa malamig na hangin na pumapalibot sa buong bahay. Hindi rin ako palalabas kaya maaring iyon ang dahilan para maging kakulay ko na ang mga white lady sa sobrang kaputian.
Ngunit ang palagian kung nakukuhang komplemento ay ang maamo at mayumi kung mukha. Kalimitang sinasabi ng iba ay para daw akong anghel na hindi makabasag pinggan, sabayan pa ng awra kung parang anak ng presidente na mahihiya ang sinumang lapitan. Maraming nagsasabing pangbabae daw ang hubog at mukha ko. Kung hindi lang daw panlalake ang haircut ko ay paniguradong babaeng babae na akong tignan.
"Kamusta na pala si Gabe? Yung nangliligaw sayo?" Sambit ni kuya Aiden na nagpabalik saaking wisyo.
Agad ko namang pinandilatan ng masama si Kuya Aiden sa sinabi niya. Samantalang tawa lang ng tawa ang ugok. Alam niya kasing ayaw kung mapag usapan iyon kapag nandito si Daddy sapagkat makiki usisa ito at paniguradong hindi ako titigilan nito sa kakatanong.
"Ano? Tama ba ang narinig ko?" Sambit ng kanyang Daddy kaya naman hindi ko mapigilang kabahan.
"Ay wala yon Dad, manood nalang tayo ng news. Omg, ang mahal na pala ng sibuyas ngayon" pagbabaling ko ng atensyon ngunit nakataas lang ang kilay ni Dad at animo'y naghihintay sa paliwanag ko.
"Ah-ah eh" kinakabahan kung sambit, agad ko namang binalingan ng masamang tingin si Kuya Aiden na ngayon ay patawa tawa pa.
"Ano? Walang magpapaliwanag sa inyo?" Ang sambit ng kanyang Daddy kaya naman agad na nagsalita si Kuya Aiden.
"Nako nagpapaligaw na yang bunso niyo Dad, nakita ko kahapon na magkasama nong Gabe" sumbong ni Kuya
Tumatambol tambol ang puso ko habang nakatingin kay Dad, hindi ko maipaliwanag kung ano ekspresyong pinapakita ni Dad. Hindi ko alam kung nagagalit ba ito o ano.
"Gabe? Anong apelyido ng lalakeng yan?" Sambit nito na ikinatambol ng puso ko sa kaba.
"Buenaventura Dad, anak yan ni Tito David" sambit ni Kuya na patawa tawa pa. Agad ko namang tinignan ang blangkong ekspresyon ni Dad. Ngunit ganon nalang ang pagtataka ko ng ngumite ito.
"Okay lang sakin, si Gabe lang pala. Akala ko kung sino. " Sambit nito na nagpatanggal ng tinik sa lalamunan ko.
"What? Dad? Yon lang yung reaction mo? Nung nalaman ko nga gusto kung bugbugin yung lalakeng iyon eh" galit na galit na sambit ni Kuya.
"Bleee" sambit ko sabay belat ng palihim kay kuya na ikinainis nito. Hindi ko namang mapigilang matuwa sa naging resulta ng pagsusumbong ni kuya, imbes na siya ang kampihan ni Kuya ay ako pa ang pinaburan ni Daddy.
"Basta ang masasabi ko lang sayo Ethan, 18 ka na. Gawin mo lahat ng gusto mo pero alam mo sana yang limits mo. Ayokong higpitan kita at baka matulad ka pa sa ibang bata diyan na nag rebelde at hindi na nagpakita" ang sensirong sambit ni Daddy sakin na ikinangiti ko.
"Don't worry dad, tsaka nanliligaw palang naman yon. Hindi ko pa naman completely na jowa yon no" pag amin ko sa kanya ng totoo.
"I know, i know basta pag dumating ang araw na iyon. Always practice safe sex" sambit ni Dad na nagpatili sakin.
Panabay na nagtawanan si Dad at Kuya. Samantalang pulang pula na ang mukha ko sa kahihiyan.
"Stop laughing, ibabato ko to sayo kuya kahit bago to" naiinis kung sambit kay Kuya Aiden na ngayon ay tila mawawalan na ng hininga sa sobrang kasiyahan.
"What's happening here? What did you say? Bago? Carlos? Binilhan mo na naman ba ng bagong cellphone ang bata?" Striktong tinig na nagmumula sa pintuan ng bahay. Agad akong napatingin sa pintuan at bumungad saakin ang masungit at aburidong mukha ni Mommy.
"Pinasaya ko lang yung bata, Helena. Atsaka luma na yung phone niyang binigay ko. Tsaka birthday naman niya" pagtatanggol ni Papa.
"Ano ba naman yan Carlos! Kaya nagiging suwail at spoiled yang anak mo kasi kinukunsente mo!" Galit na sambit ni Mommy.
"Pinayagan ko na yang mag paparty kahapon, andami na ngang nagastang pera dahil sa kapritsohan ng anak mo tapos reregalohan mo pa? Hindi pa ba sapat ang regalong natanggap niyan kagabi? Kulang pa ba yung regalo mong ipad?" segunda nito na ikinabagsak ng luha ko.
"Im sorry mommy, ibabalik ko nalang po to kay Daddy" sambit ko at mabilis na ibinigay kay Daddy ngunit hindi nito tinatanggap.
"Sayo yan, kaya hindi ko babawiin yan" simpleng sambit ni Daddy.
"Hayaan mo na yan Helena, masaya naman ang bata eh. Kunting regalo lang ang init init agad ng ulo mo" sambit ni Daddy at mabilis na tumayo upang aluhin si Mommy na ngayon ay namumula na sa galit.
Agad na ginaya ni Daddy si Mommy sa kusina upang magusap ng payapa at pribado. Ngunit sa lakas ng bunganga ni Mommy ay lumalagpas at umaalingawngaw parin ang boses nito sa buong bahay.
"Ikaw kasi! Pagod na nga ako sa trabaho tapos ganito pa ang maabutan ko! Mabuti sana kung nag tatae lang tayo ng pera. Todo gasta ka pa diyan sa ampon na yan" mahina ngunit sapat na upang marinig namin ni kuya.
Ang kaninang pinipigilan kung luha ay biglang bumuhos sa aking mata, mukhang agad naman itong napansin ni Kuya Aiden kaya mabilis ako nitong sinaluhan at niyakap. Dahil sa ginawa nito ay mas lalo pang lumakas ang iyak ko. Dati ay natitiis ko pa ang masasamang salitang lumalabas sa bibig ni Mommy ngunit masyadong masakit para saakin ang sinabi niya ngayon, hindi ko akalaing tatawagin niya akong ampon. Alam kung iyon ang katotohanan ngunit hindi ko lang maiwasan na masaktan sapagkat akala ko ay tunay na anak na ang turing niya saakin.
"Shhhh stop crying, hindi yon sinasadya ni Mommy. Galit lang yon kaya nasabi niya yon" pang aalo ni Kuya Aiden saakin.
Isa sa gusto ko sa mga kapatid ko ay kahit na loko loko at mahilig mang asar ang mga ito ay hindi mapagkakailang mahal na mahal nila ako na parang totoo nilang bunso. Mabuti nalang at nandiyan sila upang matakbuhan ko ang aking mga problema.
__
"Goodmorning po Mommy" sambit ko at akmang hahalikan na sana ito sa pisngi ng bigla nitong lumayo at sumimangot.
Hindi ko naman mapigilang malungkot sa ginawang iyon ni Mommy. Mabuti nalang at hindi ito nakita ni Daddy sapagkat paniguradong magsisimula na naman ang away. Ayokong sirain ang masarap at masayang almusal na ito dahil lang sa hindi nagpahalik si Mommy.
"Bilisan niyo na kumilos, malelate na kayo. Asan na yung kambal? Manang pakitawag nga si Xander at Llander sa taas, sabihin mo ready na ang lahat at sila nalang ang hinihintay" mautoridad na sambit ni Daddy kay manang ofelia na agad naman nitong ginawa.
Habang inuubos ang natitira kung pagkain ay sabay sabay na bumaba si Kuya Russel habang suot suot nito ang unipormeng pangsundalo, kasunod naman ay si Kuya Matt na nagtatrabaho sa isang dermatology clinic.
"Samahan niyo na kami" pagaalok ni Mommy kela kuya ngunit agad namang tinanggihan ng dalawa.
"Thanks pero sa labas nako kakain" sambit ni Kuya Matt
"Di ako makakalabas sa kampo kaya paniguradong don lang ako kakain" sambit naman ni Kuya Russel
"Bye ma, and dad" sambit nito at hinalikan sa pisngi ang mga magulang.
"Bye bunso" sambit ng dalawa at mabilis rin akong hinalikan. Agad naman akong napabaling sa direksyon ni Mommy ngunit ganon nalang ang gulat ko ng makitang nakantingin ito saakin ng masama.
Sakto namang bumaba na si Kuya Llander at Xander na namumungay pa at humihikab.
"Xander, tawagin mo nga kuya Luke at Kieth mo" mautoridad na sambit ni Daddy kaya kahit ayaw ni Kuya Xander ay wala siyang nagawa, bumalik ito sa taas upang tawagin ang dalawa kung kuya na kung makatulog ay parang mantika.
"Maligo ka na Ethan, bagal mo pa namang kumilos" sambit ni Kuya Aiden na ngayon ay ready na pumasok.
"What time ka nagising kuya?" Sambit ko habang inililigpit ang pinagkainan ko.
"4 am" sambit nito na nagpagulat sakin.
"What?! Ang super early naman? What did you do ba at 4 am ka gumising?" Panguusyoso ko dito.
"Andami mong tanong, kumilos ka na" sambit nito kaya naman dali dali akong tumayo upang ilagay sa lababo ang pinagkainan ko. Naghugas narin ako ng kamay, pagkatapos ko ay dere deretso akong umakyat sa kwarto ko para maligo. Pagkaakyat ko ay saktong nagkasalubong kami ni Kuya Luke and Kieth na nakapanjamas pa, pareho na silang 4rth year college student, 3rd year si Kuya Aiden at parehong 1st Year college ang kambal samantalang g12 ako at kabilang sa HUMSS strand.
"Goodmorning bunsoy" nakangiting sambit nila kaya naman agad ko rin silang binati at nginitian.
Dali dali akong naglakad papunta sa kwarto ko upang maligo. Malamig ang tubig kaya naman medyo napasarap ang ligo ko. Sa sobrang pagkasiya ko sa tubig ay hindi ko namalayang 6 am na kaya naman dali dali akong kumilos at ginawa na lahat ng gagawin ko. 7 am kasi ang pasok ko at hindi ako pwedeng malate sapagkat sa oras na malate ako ay absent naako non.
"Anak, bilisan mo na riyan. Ikaw nalang ang hinihintay" mahinhing sambit ni Nanay Ofelia sa labas ng kwarto.
"Yes po, lalabas na po ako" sambit ko at mabilis na inayos ang magulo kung buhok. Mabuti nalang at naplantsahan ni yaya ang uniporme ko kaya wala ng gusot gusot dito. Dali dali naman akong lumabas at sakto namang nadatnan ko sila kuya na nasa sasakyan na.
"Wait lang" sambit ko at patakbong lumabas ng bahay.
"Antagal mo bunsoy, mas nauna pa kami sayo. Kumain pa kami niyan ha" sambit ni Kuya Luke habang hawak hawak ang kanyang cellphone.
"Hayaan niyo na, ganyan talaga pag babae. Matatagal kumilos" pang aasar ng kanyang Kuya Kieth niya na ikinairap niya lang.
Umandar na ang sasakyan, habang nagmamaneho si Manong Ador ay hindi naging tahimik ang sasakyan sa walang katapusang biro ni Kuya Aiden, malimit na ako ang ginagawa nilang pulutan sa chismis nila. Mayroong kinakantsawan ako sa mga nanliligaw saakin, meron naman sa pagiging mahinhin at pagkilos ko na parang babae.
Araw araw ganito sila kaya masyado nang sira ang tenga ko sa walang katapusan nilang pang aasar. Lalong lalo na ang kuya Aiden ko na numero uno kung mang asar. Ansarap kunyatan ngunit pihadong ako ang kakagalitan sapagkat mas matanda sila sakin.
Ngunit kahit naman loko loko tong mga kapatid ko ay hindi naman maipagkakailang nag aalala sila sakin. Puro lang sila lokohan at tawanan pero pag naaagrabyado ako ay lagi silang nasa likod ko. Prinsesa nga ako sa kung ituring sa bahay, lalong lalo na ang kuya Matt at si kuya Russel. Maliban kay papa ay spoiled na spoiled ako ng dalawang yon. Medyo nag iba lang sapagkat pareho na silang may trabaho samantalang may pamilya naman si Kuya Matt.
"Andito na tayo" sambit ni Manong Ador kaya naman sabay sabay kaming lumabas ng kotse.
"Salamat po kuya Ador, balik po kayo mga 4 pm" nakangiti kung sambit at mabilis na sumunod kela kuya. Sabay sabay naming binaktas ang hallwat, kitang kita ko ang puno ng pagkahangang mga tingin ng mga estudyante saamin. Sanay na sanay naako sa ganito lalo na't ang gagwapo ba naman talaga ng mga kuya ko, talagang pang artista ito kung kumilos at magsalita. Syempre magagandang lalake din ito. Pihadong pasok sa banga ang mga ito kung sakaling sumali sila sa mga artista search sa TV.
Habang naglalakad ay napagusapan naming magkita kita sa cafeteria mamaya upang sabay sabay na magsnack, pagkatapos niyon ay sabay sabay kaming naghiwalay upang pumasok sa kaniya kaniyang room. Sakto namang nakasalubong ko si Gabe na poging pogi sa suot nitong uniporme.
"Hi miss, pwede bang makuha number mo" sambit nito na ikinataas ng kilay ko.
"Umayos ka nga" natatawa kung sambit dito habang naglalakad.
"Kamusta ang baby ko? Nakatulog ka ba ng maayos" tanong nito na nagpabalik ng alala ko kagabi. Hindi ko naman mapigilang malungkot ng bahagya dahil doon.
"A-ah oo, okay naman" tipid kung sagot.
"Kung ako ang tatanungin, ako hindi. Hindi ako nakatulog kakaisip sayo. Kagabi nga nanaginip akong kinkakantot kita. Kaya ayon pag kagising na pagkagising ko napasalsal ako habang iniisip ko ang matambok mong pwet" libog nitong sambit na ikinangisi ko lang.
Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko pa sinasagot si Gabe ay dahil sa kamanyakan at kabastusan nitong pinapakita. Halos lahat ng paguusap namin ay hinahaluan niya ng kabastusan kaya naman minsan ay naaburido ako sa pinagsasabi ng kumag na to. Mabait naman ito at handang maghintay ngunit bali balita kasi sa kanya na kahit nililigawan na niya ako ay nakikipag sex parin siya sa iba. Partida sabi niya mahal na mahal na niya ako pero nagkikipag sex parin kung kani kanino.
"Bye, see you next time" maikling sambit ko at mabilis na pumasok sa loob ng classroom ko.










