1โข The Chapter Now
....'s POV
"Mama kelan mo ibabalik yung pintuan ko sa kwarto?" Tanong ko kay mama dahil isang taon mahigit na akong walang pintuan sa kwarto. "Pag ok ka na anak" Agad na sagot ni mama sa akin habang nakatutok sa kanyang cellphone. "Eh? Sabi mo sakin pag 18 na ako." Hindi ito sumagot at patuloy lang ang panonood nya sa kanyang cellphone, nag pasya nalamang ako na umakyat sa aking silid expected ko naman ito kay Mama na palagi nalang binabago ang kanyang mga pangako sa akin pero hindi ko parin maiwasan na mag tampo at mawalan ng tiwala sa kanya kada ginagawa nya ito, kaya't dinadaan ko nalang ito sa pag nood online ng mga paborito kong family channels sa youtube. Makalipas ang ilang oras ay malapit na mag hapunan kaya't bumaba na ako dahil uutusan na akong mag hain at maya maya'y kakain na rin. "Pearl tawagin mo na si Mama at si Sera para kumain." Agad ko naman itong sinunod at umakyat sa taas para tawagin ang aking Lola at pinsan, binuksan ko ang pintuan ng kanilang silid at nakita ko lamang ang aking pinsan na nag lalaro nanaman ng slime kahit pinagalitan na sya at pinag bawalan na mag laro nito dahil iniiwan nya lamang ito kung saan saan sa bahay. "Hoy Seraphine Grace G. Dela Cruz!" Sumbat ko ng pabulong sa kanya. "Diba't pinag sabihan ka na ni Mama na wag ka mag lalaro ng slime? Tago mo na yan baka makita ka pa baka isako ka non patiwarik." Tumawa ito saakin at tinago ang kanyang slime. "Kakain na daw bumaba ka na don, si Mama Brigitte asan?" tinuro nya lamang sa akin ang pintuan ng CR at tsaka bumaba, kumatok ako sa pintuan at sabay kong sinabi rin kay Lola na kakain na ngunit sabi nya'y mamaya nalang daw sya kakain dahil busog pa sya sa kinain nya kaninang tanghalian, bumaba na ako at sinabi kay Mama ang sabi ni Lola sa akin, bigla naman sumigaw ang aking nakababatang kapatid. "Hays eto nanaman sya sa pag sigaw nya." sabi ko sa aking isip habang napa ikot ng mata sa pagka irita sa lakas ng kanyang sigaw akala mo ay may namatay sa harap nya. "Ano nanaman yun Gigi diba sabi ko sayo bawal sumigaw ng ganyan kalakas." mahinahon na pag disiplina ni Mama sa kanya, dinivert ko naman ang aking atensyon sa aking Papa na nag luluto ng aming hapunan, lumapit ako at tinanong sya kung ano ang niluluto nya. "Papa ano po yan? Adobong maanghang?" Tumango naman ito ngumiti ako dahil ito ang paborito kong niluluto sa akin ni Papa ngunit may naalala ako si Nanay ang Mama ni Papa na hindi kaya ang anghang ng luto ni Papa. "Pano si Nanay? Ayaw nun sa maanghang eh" Tanong ko kay Papa at agad naman itong sumagot "Hindi ko naman a-anghangan masyado para makain padin ni Nanay" tugon nya habang naka tingin sa kanyang niluluto. "Ahh okey." Agad akong umalis at umupo muna sa aming sofa habang iniintay na maluto ang ulam, tumabi sa akin ang aking pinsan at may sinabi sakin. "Ate si Gigi kinurot at sinabunutan ako kanina." Agad naman akong nagalit at isinumbong ito kay Mama. "Ay Gigi ha, bad yon mag sorry ka kay Ate Sera." Sabi nya ng may galit sa kanyang boses, sumunod naman si Gigi at nag sorry kay Seraphine. "Sorry Ate Sera." niyakap nya ito at bumalik na uli sa kanyang ginagawa na parang walang nangyari napahawak ako sa aking noo at napasalita sa aking sarili. "Hays etong batang toh kelan kaya toh matututo mag sorry ng maayos." Sakto naman at tapos na si Papa sa pag luluto. "Oh tara na kain na tayo, Sera tawagin mo si Mama Brigitte." utos ni Papa kay Sera, sinabi naman ni Mama kay Papa na ayaw pa daw kumain ni Lola at kumuha na sila ng kanya kanyang plato at kumuha ng pagkain, makalipas ang isang oras at tapos na kami kumain. "Ate Pearl ikaw na ang mag hugas ha, wala ka nang ginawa kundi humilata huong araw." Wala naman akong magawa at sumunod nalang sa utos ni Mama sa akin, pagkatapos kong mahugasan ang isan'damakmak na mga hugasin ay kinuha ko ang aking cellphone at chinat ang aking boyfriend. "Henloooo sorry natagalan ang dami kong hinugasan eh." Nag seen eto agad at sinabing ok lang daw at kahit naman sya ay madami rin ginawa. "Ok lang love, sakto nga wala na ako gagawin pagka chat mo eh ikaw ba meron ka pang gagawin?" Tanong nito sa akin, napaisip naman ako dahil bigla bigla lang naman nag uutos sakin ang mga magulang ko parang tsinetyempo pa nila pag nakikita nila akong busy or nag lalaro sa cellphone. "Hindi ko alam eh, alam mo naman sila Mama at Papa laging may pahabol bigla na utos." Napa buntong hininga nalang ako at siniguradong wala na sila iu-utos saakin bago ako mag chat uli. "Tara ano ba gagawin? mag lalaro ba?"Pag-aya ko sa kanya. "Tara tara love laro tayo" Agad na reply neto sa akin. "Anong laro?" Teka bakit pa ako nag tatanong eh alam ko namang ML ang sasabihin nya, natawa nalang ako sa kanyang reply dahil tama ako. "ML po hehe." Nag reply naman ako agad na mag open na sya at naka open na ako. Makalipas ang 3 oras ay tumigil na kami sa pag lalaro dahil lowbat na ang aking cellphone, nag paalam na ako sa kanya at nag charge ng aking cellphone. Teka lang nakaabot ka na pala sa dulo ng aking araw ngayon pero hindi nyo padin ako kilala, forgive me for my rude manner for not introducing myself at the very beginning. Ako nga pala si Serene Pearl Gutierrez, 17 years old, born in August 26, 2007 and I currently live in Tagaytay. Ayun lang naman ang kailangan nyong malaman tungkol sa akin, balik na tayo sa aking kasalukuyang buhayโbumaba ako sa aming sala at naabutan kong nanonood sila ng movie. "Anong pinapanood nyo?" Tanong ko dahil mukhang maganda ang kanilang pinapanood. "Inside Out 2 po" Sagot sa akin ni Seraphine "Ah okey." Nanood nalamang ako habang iniintay mapuno ang aking cellphoneโnatapos ang aming pinapanood na movie kaya umakyat ako sa aking silid at kinuha ang aking cellphone, binuksan ko ang aking tiktok at nanood sa aking fypโmakalipas ang ilang minuto ay may dumaan sa aking fyp na AU story mahilig ako mag basa neto dahil maganda ang mga nasusulat nilang kwento dito kaya't binasa ko eto at noong natapos ko ay agad ako pumunta sa profile ng nag post at tinapos ang parts ng kwentong ito, naalala ko ang aking mga pinag daanan sa aking Ex dahil sa kwento nito may mga ilang parte doon sa kwento na napaka accurate sa mga pangyayari saamin noonโbigla nalamang akong naluha dahil naalala ko yung hirap at sakit na naranasan ko noon sa kanya at sa mga pagsubok na aking hinarap noon mag isa dahil sya mismo ang nag cause nito, sinara ko nalamang ang aking cellphone at natulog na dahil alas dose narin naman na ng madaling araw. "Bakit ka andito? Gusto mo pa ba akong sirain? Hindi ka pa ba satisfied sa mga ginawa mo?" Tanong ko sa kanya pero nag tataka ako dahil hindi ko naririnig ang boses ko at hindi sya umiimik at naka titig lang sa akin, narealize ko na isang panaginip lamang iyon nong naramdaman ko ang aking katawan na gumalawโnag shift ang aking panaginip sa ibang pangyayari at nakita ko ang aking sarili na 9 years old palamang at tumatawa na natatakot dahil tinatakot ako ng aking dalawang pinsan si Ate Angeline at si Eloise sa sobrang tawa ko sa tawa nila habang binahabol ako ay naihi ako habang naka tayo, nawala bigla iyon at narinig ko ang sarili kong tumatawa minulat ko ang aking mga mata at naramdaman na naiihi ako, kaya bumangon at nag punta sa CR finlush ko ang aking ihi atโ"AY MAMA MO!!" Napasigaw ako dahil nagulat ako kay Gigi na akala ko ay yung babaeng lumabas sa screen na mahaba ang buhok sa gulo ng kanyang buhok, tumawa ito at dumeretso sa inidoro at umihi dinโumalis na ako at bumalik sa pagtulog. 12pm nagising ako dahil naaaninag ko na ang sikat ng araw sa aking silid at wala na rin ako maitulog kaya't bumangon na ako, chinat ko kaagad si Cyrus ang boyfriend ko. "Good afternoon, sorry ngayon lang ako nagising. Ano gawa mo?" Tanong ko sa kanya pero mukhang hindi nya hawak ang phone nya dahil hindi pa ito nag s-seen agad, binaba ko nalamang aking phone sa kama at dumeretso sa CR para mag freshen-up, bumaba ako at nakitang nanonood si Seraphine sa TV habang natutulog naman si Nanay Bethany sa sofa. "Sera kumain ka na??" Tanong ko sa kanya dahil gusto ko palagi syang kasabay kumain. "Opo Ate, iniintay kita kanina tagal mo gumising eh kumain na ako baka pagalitan pa ako ni Mama Brigitte" Agad nitong pag sagot habang tutok padin ang kanyang mga mata sa kanyang pinapanood. "Edi wow." Sumbat ko sa kanya at tsaka nag punta sa kusina para kumuha ng makakain. Matapos kong kumain at ilagay sa lababo ang hugasin ay umkyat ako sa aking silid, hinanda ko ang isusuot kong damit pambahay at sakto naman na nag reply na si Cyrus sa akin. "Henlo love, sorry late reply dami ko kasing ginawang gawaing bahay, maliligo na ako ang init amoy pawis na ako." Natawa ako sa kanyang sinabi at nag reply ako. "Yuckk!! Asim mo na, ako din maliligo na bye pangit mo." Sabay binaba ko na ang aking phone at kinuha ang aking tuwalya. Matapos ko maligo ay wala naman na masyadong nangyari sa aking araw.