True Identity

All Rights Reserved ©

Summary

Lahat ng tao may sikreto. Malaki man yan o maliit, Maganda man ang dahilan o hindi, Siguradong may epekto. At kung may kasabihang 'walang sikretong hindi nabubunyag', kailan kaya 'niya' tatanggalin ang maskarang nagsisilbing pantakip sa mga sikretong nakasanayan ng itago? At ano ang epekto nito... sa buhay niya.

Genre
Mystery/Romance
Author
Rae
Status
Ongoing
Chapters
1
Rating
n/a
Age Rating
16+

Prologue

Sunday at 7pm

Kauuwi lang namin ni Gabriella mula sa pamamasyal sa park kung saan kami palaging dinadala nila mommy. But this time, kami lang ni Gabriella ang magkasama.

"Nag-enjoy ka naman ba talaga?" Nakangiwi si Gabriella ng harapin ko matapos bumaba ng sasakyan.

Nginitian ko siya tsaka tinanguan. "Oo naman!" Kumapit ako sa braso niya para lambingin siya. Ang totoo ay bihira kaming makalabas para gumala dahil sa pagiging abala sa maraming bagay lalo na sa pag-aaral.

"Tsk!" Pumalatak Siya na ikinanguso ko. Sabi na nga ba't hindi makakalusot sakanya ang totoo.

"Nag-enjoy naman talaga ako Gabriella..." Pilit kong pinagpipilitan ang sagot ko. Totoo naman kasi na nag-enjoy ako. Yun nga lang...

"Ano pa nga ba?" Taas kilay niyang tanong bago ako irapan. "Sabihin mo nalang kay manang kung gusto mo pang kumain, ako hindi na. Busog na ako sa mga pinagbibili mo kanina." Sinabi niya yon tsaka tinanggal ang pagkakakapit ko sa braso niya. Inihatid ko nalang siya ng tingin hanggang sa pag-akyat niya sa hagdan.

"Nakauwi na pala kayo— nasan ang kapatid mo?"

Nagtatakang mukha ni Manang Liely ang sunod na bumungad sa akin ng tunguhin ko ang kusina. Kung si Gabriella ang kaharap ng taong to ngayon baka nabara na siya. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapabungisngis. 

"Nasa taas na po. Hindi na daw siya kakain." Nginitian ko siya tsaka naupo habang nag-aantay na ihain niya ang mga pagkain.

"Aba'y may problema ba ang batang yon?" Halata sa boses ni Manang ang pag-aalala na inilingan ko kaagad.

"Baka dahil nagdadalaga na." Pareho kaming natawa ni Manang dahil sa kalokohan. Manang Liely stand as a mother for us since the day na nawalan na kami ng balita kila mom and dad. Hindi namin alam kung nasaan sila. I know Gabriella's doing something about that while doing her best to distract me from the negative thoughts. Pero bawat araw na wala kaming natatanggap na balita ay unti-unti ding gumuguho ang pag-asa ko na makikita pa ulit namin sila. It's been 6 months after all.

"Pagkatapos mong kumain ay mag half bath ka na at matulog. Maaga pa ang pasok niyo bukas." Tinanguan ko si manang Liely tsaka siya inayang kumain kasama si manong Leo na siya namang driver namin.

Pagkatapos kumain ay dumiretso ako sa second floor ng bahay kung nasaan ang mga kwarto. Pero imbis na sa kanan kung nasaan ang kwarto ko ako lumiko ay tinungo ko ang kabilang direksyon kung nasaan naman ang kwarto ni Gabriella.

Bahagyang nakabukas ang kwarto niya kaya hindi pa man ako nakakapasok ay narinig ko na agad ang boses niya. Wala siyang ibang kausap, at hindi din siya nababaliw na kinakausap ang sarili. She's actually singing while playing a guitar. Hindi talaga maikakaila na may boses din siya.

Dahan-dahan Kong binukas ang pintuan tsaka pumasok sa kwarto niya. Mukhang dahil sa pagiging tutok sa ginagawa ay hindi na niya napansin ang pagpasok ko kaya nagulat siya ng lumundag ako sa kama.

"Anong ginagawa mo dito Mariella?" Takang tanong niya na hindi ko pinansin. Nahiga lang ako sa kama niya at tinignan ang kabuuan ng kwarto niya.

Ibang iba to sa inaasahan ko, akala ko kasi ay sobrang plain lang ng kwarto niya. Akala ko gloomy yung atmosphere. But I'm wrong. Her room is filled of black and pink color. Madaming libro na nakaayos sa bookshelf habang may ibang libro na nasa gilid ng kama niya. Obviously it's not an educational books. Nakita ko din ang family portrait namin sa dingding at iba pang mga pictures namin together with family, friends and classmates. May isang bakanteng shelf na siguradong pinaglalagyan niya ng gitarang gamit niya ngayon na may black and pink din na color. Habang sa kisame ay makikita ang LED lights kung saan pinapakita ang isang dagat at ang papalubog na araw.

Parang....

"Hey nakikinig ka ba? Doon ka na kasi sa kwarto mo" Sinabi iyon ni Gabriella ng bagamat may pagkainis ay malumanay naman. Pero imbis na sumunod sa sinabi niya ay ipinikit ko ang mata ko.

"Ngayon ko napatunayan na parang... parang hindi kita kilala Gabriella..." Hindi ko napigilang isatinig ang laman ng isip ko habang pinagmamasdan ang kwarto niya. Ramdam ko ang gulat na tingin niya sa akin pero nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. "Kung hindi pa ata nawala sila mommy at daddy hindi mo ako papansinin" That's the truth... Medyo malabo sa isip ko pero naaalala ko nagkakasama kami sa mga bonding kasama sila mommy at daddy pero tahimik lang siya sa isang tabi. Halos hindi niya ako kibuin.

"Ano bang sinasabi mo, Mariella?" Natatawa niyang tanong matapos makabawi sa pagkagulat sa mga narinig saakin.

"W-wala... Antok lang ata ako" Sinabayan ko ng tawa ang sinasabi ko.

"Gusto mo bang malaman kung nasaan sila Mariella?" Napakunot ang noo ko sa tanong ni Gabriella. Ano bang sinasabi niya?

"Patay na sila... Pinatay ko sila!" Napakurap ako at nanginig sa takot ng tumawa si Gabriella. Hindi ko napigilan ang pag-atras ng ilapit niya ang mukha saakin at tinangka akong hawakan. "Mariella!" Konti nalang at mahahawakan na niya ako kaya hindi ko napigilan ang pagsigaw.

"Huwag!" Napabalikwas ako sa higaan at naghabol ng hininga. Doon bumungad saakin si Gabriella na nagpipigil ng tawa.

"Anong ginagawa mo? Muntik ka na atang maihi sa takot." Aniya na hindi na pinigilan ang pagtawa. Nilinga ko ang paningin sa paligid at nakahinga ng maluwag ng mapagtantong panaginip lang ang nangyari kanina.

"Tigilan mo nga yan!" Naiinis kong pagsaway kay Gabriella na enjoy na enjoy sa panonood ng video ko na kinuhanan niya habang natutulog ako. Muntik na akong mamatay at lahat sa bangungot ayan siya at tuwang-tuwa pa.

"Ipapakita ko to kila Kevin mamaya!" Sigaw niya ng papalabas na sa kwarto ko. "Sabi din pala ni Manang gumising ka na at mag-ayos, mal-late na daw tayo!" Non ko lang narealized na 7:33 na pala at malapit na nga kaming malate sa klase.

"Tsk. Kung ginising na sana ako ng babaitang yon ede sana nakasave pa ng time." Hindi ko mapigilan ang pagbulong-bulong habang nag-aayos ng sarili. Hindi talaga nakakatuwa ang napanaginipan ko kagabi.

"Bilisan mo Mariella, mapapatayo na naman ako sa labas ng klase kapag nalate ako." Wow, coming from you. Gusto ko sanang sabihin yan sa kakambal ko na pachill-chill lang habang nagbabasa at may hawak na tasa.

"Himala at nagising ka ata ng maaga?" Taas ang kilay kong tanong na ikinataas ng kilay niya.

"Sino naman ba kasing nagsabi sayo na nakatulog ako?" Dahil sa sinabi niya ay hindi ko napigilan ang pagtitig sa mukha niya at doon ko napansin ang eyebag niya.

"At sino naman kasing nagsabi na huwag kang matulog?" Well, normal na saamin ang ganitong klase ng usapan, but take note, hindi kami nag-aaway.

"Wala naman, the thing is, nagalit sakin si Kevin kagabi ng malaman na hindi ko ginawa yung report na kailangan na mamaya. Sabi niya kapag hindi ko daw natapos yon aabangan niya ako sa gate." Aniya ng nakatitig pa din sa librong hawak niya. Kung hindi lang ako nakakapagpigil ay kinuha ko na yon at nilublob sa pitcher.

"I know that—that  simple things wouldn't affect you an inch. Isa pa, nakasakay ka naman sa kotse kapag pumapasok sa gate." Natawa Siya sa sinabi ko.

"Well, you're right. Tinatamad lang talaga akong inisin si Kevin." Anyway, she's pertaining to our common friend. At, Ngayon lang ata ako magpapasalamat sa katamaran niya.