Blinded By Love

All Rights Reserved ©

Summary

Si Nayoung, dating volleyball captain, ay bumagsak mula sa kasikatan nang maaksidente sa Olympics sa Paris. Bagamat nagwagi ang kanyang koponan, nasira ang kanyang buhay nang malamang hindi na siya makakapaglaro dahil sa pilay na braso. Itinago niya ang katotohanan sa pamilya at kaibigan nya, at nanatili sa Paris hanggang sa kanyang paggaling. Ngunit sinubok rin siya ng depresyon at hiya sa matagal na panahon-hanggang sa makauwi't salubungin siya ng matalik niyang kaibigan na si Yujin, na unti-unting nagbukas ng kanyang puso. Ngunit hindi pa tapos ang laban ni Nayoung. Sa pagbalik sa unibersidad, hinarap niya muli ang mapang-aping si Sunghoon at ang kanyang mga kampon, habang may mga lihim na tauhan-tulad ng mapagmalasakit na si Seojoon at misteryosong lalaki na si Dayoon-ang sumulpot upang baguhin ang tadhana niya. Sa gitna ng panganib at pagsubok, matutuklasan ni Nayoung na ang tapang ay hindi lamang nasa larangan ng pakikipaglaban... kundi sa pagharap sa tunay na kalaban: ang sariling takot at mga masasamang taong sumira sa kanyang nakaraan.

Status
Ongoing
Chapters
1
Rating
n/a
Age Rating
18+

Chapter 1

Part 1 Casts:

Lee Nayoung

Cho Ara

Song Gidu

Part 1: The Fallen Angel

Lumaban sa Paris Volleyball Olympics si Nayoung kasama ang kanyang maaasahang volleyball team upang harapin ang volleyball team ng USA

Naipanalo ni Nayoung ang huling puntos para sa kaniyang volleyball team pero naaksidente naman sya sa pagilid na pagkakatumba at na-ospital

Nalaman ni Nayoung na hindi na sya pwedeng makapaglaro ng volleyball dahil ang kanyang kaliwang braso ay hindi na kasing lakas dati

Nakaranas ng depression si Nayoung habang nasa Paris sya, at piniling duon muna manirahan hanggang sa maipatanggal nya ang cast sa kaliwang braso nya

Ayaw nyang ipaalam sa iba pang tao bukod sa kanyang manager at couch na naaksidente sya sa Volleyball Olympics, maski sa sarili nyang pamilya at mga kaibigan...




Part 2 Casts:

Lee Nayoung

Han Yujin

Shim Hyunwoo

Part 2: Home

Si Nayoung ay isang babaeng mahusay sa iba’t ibang larangan, isang taong masipag sa lahat ng oras, mayroong natatanging katapangan, at may lihim na kabaitan

Kinita ni Nayoung sa airport ang kanyang pinaka matalik na kaibigan na si Yujin at sinundo sya nito upang tulungang makauwi sa kanilang sinilangang-bayan

Kumain sila Nayoung at Yujin sa isang samgyup restaurant at nagkwentuhan duon maghapon, duon na rin aksidenteng nasabi ni Nayoung ang nangyaring aksidente sa Olympics

Napaiyak si Yujin sa mga nalaman nyang nangyari kay Nayoung habang nasa Paris sya, napayakap si Yujin kay Nayoung at natutuwang unti-unti na syang gumagaling

At dahil gustong ipagdiwang ni Yujin ang kanyang nasagap na magandang balita, nag-order sya ng maraming alak at uminom nang walang tigil hanggang sa nalasing siya

Hindi kayang buhatin ni Nayoung nang mag-isa si Yujin kaya tinawagan niya ang isa pang matalik nyang kaibigan na si Hyunwoo, na syang may-ari ng samgyup restaurant

Gusto munang tumuloy ni Nayoung sa bahay ni Yujin nang pansamantala dahil hindi nya pa napagdedesisyong aminin sa kanyang nanay at kuya na hindi na sya isang atleta




Part 3 Casts:

Lee Nayoung

Han Yujin

Part 3: Unexpected Morning

Isang umaga, nagpaalam si Nayoung kay Yujin na duon muna sya maninirahan sa apartment nya nang pansamantala hanggang sa gumaling ang kanyang kaliwang braso

Sumakay sila Nayoung at Yujin sa isang bus para sila ay makapunta sa university na pinapasukan nila, maaliwalas ang panahon at maganda ang sinag ng araw sa umaga

Maya-maya, napapansin ni Yujin na may isang kahina-hinalang lalaki na sinusubukang nakawin ang mga nakalabas na pera sa bag ng matandang babae na katabi nya sa bus

Sinumbong agad ni Yujin ang kanyang nasaksihan kay Nayoung sa pamamagitan ng pambubulong kaya hinarap at nilabanan ni Nayoung ang lalaking magnanakaw

Sa huli, nanalo at napatumba ni Nayoung ang lalaking magnanakaw... inakala nyang wala na itong malay pero huli na nang tinutukan sya ng baril sa paa




Part 4 Casts:

Lee Nayoung

Han Yujin

Part 4: Mysterious Hero

May biglang lumitaw na misteryosong lalaki na syang lumaban sa armadong magnanakaw, hindi matukoy ng mga tao kung sino sya dahil nakasuot sya ng cap at face mask

Pareho nilang nilabanan ang armadong magnanakaw, habang nasasaksihan ng mga tao ang insidente... namamangha sila sa kakayahan nilang makipaglaban nang buong tapang

Nailigtas nilang dalawa ang lahat ng tao sa loob ng bus, isinuli naman ni Yujin at Nayoung ang mga nanakaw na pera ng matandang babae at lubos siyang nagpasalamat sa kanila

Pero napansin ni Nayoung na biglang nawala ang misteryosong lalaki, kaya dali-dali nyang hinanap ito upang siya ay makilala at personal na makapagpasalamat sa kanya

Nakita na ni Nayoung ang misteryosong lalaki at tatawagin niya na sana siya, subalit hindi niya na siya nahabol dahil nakababa na sya sa sinakyan nilang bus




Part 5 Casts:

Lee Nayoung

HanYujin

Ryu Sunghoon

Part 5: Ranks

Huminto na ang bus at bumaba na sila Nayoung at Yujin dahil nakarating na sila sa unibersided kung saan sila nag-aaral, sa Seoul National University...

Habang naglalakad at nagkwekwentuhan sila Nayoung at Yujin, may gold na sports car na dumaan nang mabilis sa kanilang harapan at hinarangan silang dalawa

Ang nagmamay-ari ng sasakyang iyon ay si Sunghoon; isa syang lalaki na mayaman, gwapo, matangkad, sikat, confident, mabango, masayahin, at matalino

Gayunpaman, isa syang lalaking may masamang pag-uugali, iba’t ibang studyante ang binubully nya sa unibersidad at kasama na duon sina Yujin at Nayoung

Pero kahit batid ni Nayoung na kaya niyang labanan si Sunghoon, mas pinili niya paring magtiis sa matagal nang pambubully nya sa kanila sa loob ng ilang taon

Alam ni Nayoung na kahit mali ang pinili nyang desisyon, ’yon parin ang mas makabubuti dahil hindi nya kayang pantayan ang impluwensya ng pamilya ni Sunghoon