Prologue
“Isa… dalawa… tatlo… smile!”
Nakangiti kaming dalawa habang nakapose sa gitna ng park—ako, nakaakbay sa kanya, siya naman nakasandal ng bahagya sa balikat ko. Sa harap namin, isang matandang babae ang nakangiting kumuha ng litrato gamit ang phone namin. Parang wala lang, isang simpleng hapon lang. Pero sa loob-loob ko, gusto kong i-freeze ang moment na ‘to. Iyong tipong walang problema, walang gulo, walang tanong.
“Ang sweet niyo naman,” sabay ngiti ng matanda habang inaabot pabalik ang phone. “Magkapatid kayo?”
Sabay kaming natahimik.
Napatingin ako sa kanya—siya, nakakunot ang noo, ako naman pilit na ngumiti.
“Ah, hindi po,” sagot ko, pilit na magaan ang tono. “Magkaibigan po.”
Ngumiti ulit ang matanda. “Ah ganun ba… akala ko lang. May hawig kasi kayo. Parang—may kung anong magkapareho sa inyo. Mata, siguro. O ngiti.”
Tiningnan niya ulit ang phone, saka nagbiro, “Kung hindi ko alam, iisipin kong magkapatid talaga kayo.”
Nagkatawanan kami. Pero iba ‘yung pakiramdam. May gumapang na lamig sa batok ko. Napalingon ako sa kanya. Hindi ko maipaliwanag pero para bang… may kung anong hindi tama.
Paglingon ko ulit sa babae, naglalakad na siya palayo. Tuloy-tuloy lang. Hindi na lumingon.
Tahimik.
Yung tawanan namin, unti-unting natabunan ng pagdududa. That single comment—isang biro lang sana—parang may nabuksang pinto na hindi namin dapat binuksan.
That one photo… that one moment… felt like it opened something we weren’t ready to see.
At sa isang iglap, ang mundo namin na puno ng saya ay parang unti-unting nabahiran ng tanong, ng alinlangan.
What if the person you loved with all your heart… is the very person you were never meant to love at all?










