Mr. SAKRISTAN

All Rights Reserved ©

Summary

Para kay Julien Gaelle, Sunday is the best day of the week. It's her favourite day, and it is always a perfect day for her, hindi lang dahil sa pagsisimba, kundi dahil ito rin ang araw na nasisilayan niya si Sakristan Willson- ang longtime crush niya. Seeing his smile can make her entire week, and she's content by secretly gazing at him from afar. But deep down, she's dreaming of getting close to him kaya sa kagustuhang makakuha ng impormasyon tungkol kay Willson, nakipag-textmate siya kay Enzo- isa ring sakristan na tahimik, seryoso, at ubod ng supaldo. At dahil sa kasungitang taglay nito, she found herself enjoying texting him, even at first, she felt like she was talking to the air. At ang pinaka-hindi niya inasahan? Nag-confess si Enzo. Na in love na raw siya... kay Julien. Kahit hindi pa sila nagkikita. Wait, paano naman 'yon? Paano ka mahuhulog sa isang tao na hindi mo pa nakikita? Can you really fall in love with someone you've only talked to through text? This is a story of Sunday crushes, unexpected connections, and a love that might be real even from afar.

Genre
Romance
Author
Chastine
Status
Ongoing
Chapters
9
Rating
n/a
Age Rating
16+

I. PERFECT SUNDAY


LINGGO na naman.. kung yung iba, pinaka ayaw ang araw na ’to dahil kasunod ng araw na ’to ay ang araw na kinaiinisan at kinaayawan ng madami sa atin, ang araw ng lunes!

Well, who wouldn’t love Mondays? Right?

The day that everyone dreads, and the most hated day of the week.

At aaminin ko.. that is the last list of the day that I would choose, to think na may pasok na naman.. it’s the start of a new week na pakikibaka sa iskul, sa trabaho, sa trapik sa kalsada, at sa iba pang bagay na kaylangan natin gawin pagkatapos ng dalawang araw na pahinga.

Pero hindi naman ’yan ang dahilan kaya ayaw ko ng Lunes...

I hate Monday because that means my perfect Sunday is over again! Matagal na naman ako maghihintay na dumating ang araw ng linggo, ang pinaka ‘paborito’ kong araw sa 7 days a week!

Bakit?

Tinatanong pa ba yan?

Syempre ang araw lang naman na ito ang bumubuo ng buong linggo ko, ang araw na lagi kong hinihintay, ang araw na pinahahalagahan ko, ang araw na sobrang nagpapasaya sa akin, at ang araw na hinding hindi ko ipagpapalit sa kahit na anong araw dahil bukod sa family day at engrandeng kainan sa bahay, ito din ang araw na nababawasan ang mga kasalanan ko. Hahah!

Oo! Every Sunday laman ako ng simbahan at excited pa ako magsimba! Eh kasi makikita ko na naman siya..

“Ma, nagstart na yata ang misa, late na tayo..” nadidismaya kong sabi kay Mama. Naririnig ko na kasi ang tunog ng kampana.

“Hay naku, kaya ayoko talaga magsimba ng hapon. Sabi ko naman kasi sayo nak, umaga nalang tayo magsimba. Wala pang trapik.” sabi naman ni Mama.

Napasimangot ako. Nasisi pa tuloy ako ng nanay ko, hindi nalang ako umimik. Umaga ang oras ng simba ni Mama, the first mass in the morning kaso tinatamad naman ako gumising ng maaga. Isa pa, hindi iyon ang oras ng pagseserve niya. Hindi ko siya masisilayan non. Saklap!

Ang tagal-tagal kong hinintay mag linggo tapos hindi ko lang din pala siya makikita. Eh nagagalit naman ’tong si Mama kapag hindi ako magsimba, ang sabi ko nalang magsisimba ako pero sa hapon kaya sinabayan niya ako para daw may kasama ako.

Muli kong sinipat sa suot kong relo. Mag alas-sais na, few minutes to go nalang magstart na ang mass pero nakasakay pa din kami ngayon sa tricycle at usad pagong ang takbo ng mga sasakyan dahil trapik palabas ng compound namin. Usual, linggo nga kasi kaya nagkalat na naman ang mga tsismosa, tambay at manginginom sa labas. Ewan ko ba sa mga taong ’yan, mas lalo lang nilang dinadagdagan ang mga kasalanan nila, kung nagsisimba nalang sila, di nababawasan pa ang kasalanan nila. Tsk. Teka, bat ko ba sila pinuproblema? Ayst! Late na kami ni Mama!

After 15 minutes, sa wakas nakarating na kami ng simbahan. Ang daming ng tao! Wala na yatang vacant seats. Late na talaga kami ni Mama. Pinakaayoko pa naman ang nakatayo dahil hindi ako nakakapagconcentrate sa misa. At totoo yan! Maniwala kayo! Hahah!

Kahit isa sa mga reason kaya ako active sa pagsisimba ay ‘siya’ pero syempre mas lamang ang rason ko na gusto ko talaga magsimba dahil gusto ko marinig ang ’Words of God and to be blessed din. Wow ha! Iba naman talaga sa pakiramdam ang nakapagsimba sa hindi, di ba? At ang hindi siya makita!

Whoa! That’s my agony at ang saklap talaga non! No inspiration, and no happiness!

But seriously, lumaki na talaga ako na laman ng simbahan every Sunday dahil sa nanay ko, masyadong relihiyosa ’yan e. Siya talaga ang palaging laman ng simbahan, at present palagi ’yan sa mga simbahan, like pag Wednesday Mass, dadayo pa yan ng Baclaran church at sa Friday Mass, sa Quiapo Church naman. At halos wala siyang palya, lahat ng mass sa buong week, palagi siyang nagsisimba. Lalo na pagsimbang gabi, palagi niyang kumpleto yung 9 days! Dyan ako bumilib sa nanay ko. She has a strong faith in God.

Kaya kaming mga anak niya, naimpluwensyahan din niya. We grew up praying rosary every night and to go church every Sunday. Ang Tatay ko lang yata ang hindi niya naimpluwensyahan, kasi bilang na bilang lang sa daliri kung magawi at pumasok yun ng simbahan at kapag may okasyon lang tulad ng birthday niya, pasko. Yan lang, at sapilitan pa yan kung hindi pa sesermunan ni mama. Ewan ko ba, kung paano nag-swak ang mga magulang ko sa isa’t isa. Haha!

Anyway, mabalik tayo! So ayun na nga, late na talaga kami ni Mama. Pagdating namin sa simbahan, nag-start na ang reading of gospel. Pero pumasok pa din kami sa loob kahit parang sa tingin ko wala na kaming mauupuan sa loob dahil madami na din nakatayo. Nag tuloy-tuloy pa din si mama sa paglalakad habang ako nakasunod lang sa likod niya.

Nakarating kami sa gitna habang patingin tingin sa bawat upuan kung may mapu-pwestuhan pa ba kami. At kapag sinusuwerte nga naman! Yung palagi naming puwesto ni mama na upuan, may kaluwagan pa kaya nakaupo kami! Yehey! Ang saya!

Habang nakaupo kami, abot tenga na naman ang ngiti ko dahil ang pwesto na to namin ni Mama ay saktong sakto talaga! It’s a perfect view for me to see the whole front of the altar.. nasa pinakacenter iyon, sa bandang unahan so kitang kita ang unahan ng altar - si Pader, ang mga choir, ang mga altar ministers, at ang puwesto ng mga sakristan!!! Hahah! Thankyou Papa God! Ang lakas ko talaga sayo!

♪♪I love the Lord, he is filled with compassion.

He turned to me on the day that I called.

From the snares of the dark, O, Lord, save my life,

Be my strength

Mas lalo lamang akong napangiti pagkarinig ko sa kantang ’yan na kasulukuyang kinakanta ng mga choir. Napakagandang tugtugin kaya lahat ng tao sa simbahan nakikisabay sa pagkanta.

♪♫ Gracious is the Lord, and just.

Our God is mercy, rest to the weary.

Return my soul to the Lord our God, who bids tears away.

I love the Lord ♪

♪♪ I love the Lord, He is filled with compassion.

He turned to me on the day that I called.

From the snares of the dark, O, Lord, save my life,

Be my strength ♫

Feel na feel ko ang pagkanta habang nakatingin sa unahan ng altar. Pasimple pa akong napapasulyap doon sa puwesto ng mga sakristan, and I saw him singing too.

Ang cute niya talaga.. parang feel na feel din niya ang kanta habang magkasalikop ang mga kamay sa tapat ng chest niya.

Siya si Willson or Sakristan Will. Siya ang crush kong sakristan. Isa sa mga dahilan kung bakit naging espesyal sa’kin ang araw ng linggo at bumubuo ng isang linggo ko kahit once a week ko lang siyang makita. Ayos na yun sa’kin!

♪♪ How can I repay the Lord

for all the goodness he has shown me.

I will raise the cup of salvation

and call on his name. I love the Lord.♫

Napansin kong napatingin sa pwesto namin si Kuy a! Hala, lagot! Nag-iwas agad ako ng tingin. Nakalimutan ko, nasa tabi lang pala ni sakristan Will ang kuya ko. My brother is also a Sacristan. Palagi siyang nauunang magpunta sa simbahan dahil nagpi-prepare pa sila. He’s one of the senior members of Sacristan, and only few of them still serving dahil yung iba, hindi na masyadong active, kaya madami na din bagong batch ng altar servers.

Si Will naman, I can’t say na bago siya dahil bata palang ako nakikita ko na siya dito sa simbahan, elementary palang kami sakristan na siya. Magka-age lang kami at minsan nagpupunta din siya sa bahay, pero hindi ako nalabas ng kwarto ko.

Nakakahiya... at saka, mas gusto kong sunusulyapan ko lang siya sa malayo. Enough na sa’kin yung narinig ko ang boses niya non minsang bumisita silang mga sakristan sa bahay namin noon.

Matagal ko na syang crush pero ayokong malaman niya na crush ko siya dahil bukod sa nahihiya ako, baka hindi ko na magawang palihim na tumingin sa kanya. Para kung sakali man na mahuli niya ang pag sulyap ko, wala siyang alam at pwede akong magpretend na kay Pader ako nakatingin o kaya kay Kuya o pwede din namang di sinasadyang napasulyap lang di ba? Hehe. Mas ok na yun.

Nagstart na ang homily. Isa pa sa dahilan kaya gusto kong magsimba ng hapon ay dahil gusto ko din si Pader na nagmimisa ng ganitong oras. Komedyante kasi siya, hindi nakakaantok at saka hindi ka pwedeng hindi makinig sa mga sinasabi niya dahil sa lakas ng boses niya. Tapos kapag bumabanat si Pader ng simpleng joke at punch lines, lahat natatawa pati si Sakristan Will. Tuwang-tuwa ako kapag nakikita ko ang singkit niyang mga mata na halos maging guhit nalang kapag napapangiti o natatawa siya. Ang cute niya talaga!

At dahil naaliw ang lahat sa pagmimisa ni pader, libre akong sumulyap sa kanya. Hindi naman siya nakatingin sa pwesto ko kaya malaya ko siyang matitigan. Natatawa pa din siya, napapangiti naman ako dahil bentang-benta si Pader sa kanya. Hahah!

While secretly looking to Sakristan Will, napansin ko yung na sa tabi niya, hindi si Kuya, yung isang sakristan doon sa kabilang side, nakatingin sa pwesto ko.

No, I think... he was looking at me! Nahuli pa yata ako! Hindi agad ako nakaiwas dahil inirapan niya ako. Whoa!What’s with him and what’s that for?? Inirapan talaga ako?

Ilang sandali din siguro akong nagulat at natigilan. Mabuti nalang tapos na ang homily ni Pader kaya nagsitayuan na ang lahat ng tao. Napayuko ako at todo iwas mapatingin ulit sa pwesto ng mga Sakristan. Takot na baka mahuli na naman ako non isang Sakris na yun!

Baka akala niya ay siya ang tinitingnan ko? Feeler naman siya! Tse!

Kainis! Ang ganda na ng view ko kanina, panira ng moment yun ah!

I took a deep breath to ease the slight irritation. It’s doesn’t matter, and it’s okay kasi buo na naman ang linggo ko! Ang take note! Hindi lang isang sulyap na usual kong ginagawa, natitigan ko pa siya with matching cute smile pa! And today is another PERFECT SUNDAY for me!

Anyway, ako nga pala si JULIEN GAELLE MENDOZA a.k.a “Jhassy" and this is my story with MR. SAKRISTAN. 😊