High Intergalactic Series #1: Royal Duty

All Rights Reserved ©

Summary

"I didn't know how it started but from the moment. The first I laid my eyes on you, you already captive my heart." "I'm still chasing that feeling."

Genre
Fantasy
Author
Xaeres
Status
Ongoing
Chapters
1
Rating
n/a
Age Rating
16+

Prologue

Sa nagyeyelong planeta ng Xamirahl, kung saan ang hilagang-silangang bahagi ng Zaradigaf ay pinalilibutan ng tatlong mystical na bulkan na yelo. Matatagpuan dito ang pinakamayamang pinagmumulan ng mga diyamante at mamahaling bato sa buong kalawakan. Isang higanteng pasilidad sa Herofft, Zaradigaf, ang nagsisilbing sentro ng pagmimina, ayon sa imbestigasyon ng HIF o (High Intergalactic of Finance). Mahigit isang bunton ng mga diyamante, at mamahaling bato ang namina at tinatayang nagkakahalaga ito ng 100 sentilyon. Naganunsyo ang high galactic palace, kahapon na gagamitin ang pera sa mahahalagang proyekto at sa pangangalaga ng mga kolonya ng makapangyarihang High Galactic Empire of Auxbein.

Samantala, sa gitna ng nagyeyelong kagandahan at nakamamatay na panganib sa Xamirahl. Mayroong isang Alpha-x Team na kilala sa kanilang mga gawain sa pagpatay at bihasa sa lahat ng aspeto ng militar. Sila ang mga napili ng mga elite groups, leaders, high ranking officer's ng EHFA o Elite Human Forces of Association. Ang EHFA ay isang samahan ng mga elite humans na bihasa sa pag-hack, pag-snipe, pagkukunwari, negosyo, batas, pagpatay, at higit sa lahat, isang madilim na puwersa ng militar.

Karaniwan, ang EHFA ay nasa ilalim ng pamamahala ng First High Intergalactic Empire of Xanthriad. Gayunpaman, dahil sa ilang mga nangyaring pagtataksil ng mga miyembro ng Supreme Intergalatic Councils of Worlds and Galaxies. Isang utos ang inilabas na ang EHFA ay nasa ilalim ng pamamahala ngayon ng high galactic empire of Auxbein. Ang kanilang misyon: protektahan ang mataas na maharlikang pamilya at hadlangan ang anumang banta sa kanilang kapangyarihan. Ang laban para sa walang hanggang kapangyarihan, kayamanan, at pag-ibig ay magsisimula na.

Her Pov

Nakatayo naman ako dito, sa harap ng high king at queen ng high galactic empire ng Auxbein. Inatasan ang team ko, which is Alpha-x na bantayan at protektahan ang high galactic crown prince ng Auxbein, sa anumang banta sa kanyang buhay.

Marami kase itong kaaway, lalo't may mga naghihintay sa kanya na bumagsak o matalo. Dahil siya ang tagapagmana ng trono, kahit siya ay fourth in line of succession lamang.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, biglang nagdesisyon ang lolo niya kung saan ang late high king bago mamatay. Nagsulat ito ng testamento na ang susunod na tagapagmana ng trono, pagkatapos ng panganay na anak niya ay ang kanyang fourth grandchild at dahil dito. Marami ang tumutol, maging ang mga konseho, leaders, ng high galactic council at mga miyembro nito. Di nagtagal itinanghal siya bilang bagong high galactic crown prince. Noong nakaraang buwan lamang, ay may naganap na pag-atake sa kanya sa gitna ng celebration na pagkakapanalo sa digmaan laban sa Valahar Empire. Bunsod nito, ay kabila-kabila ng may natatangap siyang mga threats araw-araw, at walang sinasanto, kahit sa espesyal na araw.

"May I ask your majesty? why did you hire my team"."Even you know his imperial highness, can easily annihilate his enemies, by his own".

Curios na tanong ko sa nakaupong high king ng Auxbein Empire sa kanyang trono.

Unang tingin mo, pa lang sa high king na hindi ito palasalita. Tahimik ito, at may autoridad sa sarili. Hindi pa rin sya, makapaniwala na nasa harapan sya, ng itinaguriang reaping feast at world shaker ng galaksya. Ang isa sa mga kinakatakutang namumuno, sa ibat ibang panig ng uniberso.Wala itong awa sa kahit sino, maliban sa kanyang pamilya.

Maswerte ang high queen, at mukhang nasa 33 lang ang edad nito, dahil ang bata nya tingnan. Guwapo pa rin ang high king, kahit 2345 na taon na ito. Sana all na lang walang kupas ang youth, eh kameng tao haysst 17 ka pa lang mukha ka ng 26 or 30

pa kaya.

Nakalimutan ko na, hindi pala sila tumatanda pagpatak ng 27 or 35, at tumitigil na ang pagtanda. Mananatili silang bata hanggang sa mamatay. Bakit kase pure human ako, hindi man lang nalahian ng pagiging half caslans, at para hindi rin ako tumanda tapos ang haba ng buhay nila. Napakaunfair naman Lord, haysst buhay nga naman sa Earth ang iksi.

"Evien sebfta akaris farahv dubcalinx Sha". (In order to tame a rebellious monster in him).

Lintanya nito sa imperyong lenggwahe ginagamit,o tinatawag nilang Assein

Pilit akong ngumiti, dahil hindi ko naman naiintindihan ang kanyang sinasabi.

Umm I apologise, your majesty but may I ask, how do you understand what I'm saying. Even I don't understand what do you mean.

May pagtatangkang tanong nya dito.

Bigla na lamang, nagsalita ang high queen na ikinagulat ng aking mga kasamahan.

Asha Valzie? Obra muyer lanaris telvangka xavikye fal no.

(My dear he can understand, however he can't speak your language).

Kumunot na ang aking noo, at tumaas ang kaliwang kilay ko sapagkat hindi ko maintidihan ang kanilang sinasabi. Lintek naman, wala ba silang translator, o interpreter kumbaga akala ko high tech ang imperyong ito. Lalo't subrang yaman, at ang taas ng ekonomiya. May galactic empire, pa silang nalalaman eh ang bagsak nila'y walang translator equipment, Di ba kung hindi naman, mga tanga ang imperyong Auxbein.

"Sarwar kashlan nos Valixer-f waxigah abiem".

(The Vice Captain of Alpha-x can't understand you).

Ngunit, sa di inaasahan ng lahat sumabat sa usapan ang captain naming si Capt. Jared Vale Suarez. Bumuka ang bibig nito, at nagsalita ng lenggwaheng Assein.

Napatingin na lang ako, sa kanya at kailan pa sya natutong magsalita ng alien language. Shit? di man lang kami tinuruan ng ugok haysst. Subrang nakakainis talaga, at napakamot na lang ako sa ulo ko, kahit wala namang makati.

"In order to tame a rebellious monster in him". bulong nito sa akin

Binulongan ko naman sya

"Iyan ba yung sinabi ng High King"

Tumango naman si Jared para maunawaan ni Solane.

"Kusre! fusgh vista naree ilc makfg xarto". " Il Hish Crovin Xar'd Crimson Alastair Walsh F'erocíax".

(Stop! I want you, to meet my heir which is my son). (The High Crown Prince Crimson Alastair Walsh F'erocíax). pahayag ng high king sa malagong boses nito.

Napatili siya, at pati na rin ang kanyang mga kasamahan sa pagdating ng isang gwapong nilalang. Ang baluti nitó ay nakasisilaw, tila yari sa purong diyamante, habang ang kasuotan ay isang eleganteng kombinasyon ng itim at puti, mula ulo hanggang paa. Isang mala-diyos na mukha ang sumalubong sa kanila matangos ang ilong, makapal at perpektong mga kilay. Ngunit ang tunay na humanga sa kanila ay nang tanggalin nito ang maskara. Isang perpektong mukha ang nailantad na wala nang panama ang kahit sinong intergalactic group idol o artista. Manipis, mapupulang labi; kakaibang kulay dilaw na mga mata; at makintab, gintong buhok. "Isang anghel ba siya?" mahinang bulong niya. Mahahaba ang mga tainga nito, tulad ng isang elf, at may magaganda at malalapad na pakpak na itim at puti. Kahit ang kutis nito ay kakaiba isang makinis at mala-gintong kulay.

Ayon sa aming mga nakalap na impormasyon sa high imperial family, bago pa man kami makarating sa High Imperial Palace ng Caville, ang maharlikang pamilya ay mga inapo ng mga diyos at diyosa. Dahil dito, taglay nila ang natatanging kapangyarihan na nakahihigit sa karaniwan; kahit pa nga ang lahat ng Caslans ay ipinanganak na may taglay na kapangyarihan mula pa sa pagkabata.

Caslans ang tawag sa mga nangingibabaw na nilalang na naninirahan sa planetang Casterlayna, o Chelmus ang sentro ng lahat ng galaktikong gawain: kalakalan, negosyo, agrikultura, at libangan. Sa madaling salita, ito ang planetang kabisera ng galaksyang K'ron, at ang Auxbein naman ang bansang kabisera ng buong galaksyang K'ron.

Hindi ko pala namamalayan, na matagal na akong nakatitig sa kanya. Tumikhim siya, dahilan ng pagbalik ko sa katinuaan. Letche bakit kase ako tumingin, at humanga ng lubos at araw araw naman ako may nakikitang mga gwapo kahit saan ako magpunta. Inhale exhale Solane wag pahalata nagmumukhang gaga.

"Shema calasi savisd hassia kevra gosurt tatari elmisakas"!

(Who is this girl she's annoying get her out)! nagsalita ito ng biglaan mababahiran ang pagkaiyamot sa tono ng pananalita.

"Kusre! Alastair, ivre vela captre of Alpha-x"."Hanja vi nao ladffdi waserti yar perdise esdiante, perdise hish galski caredio, etti perdise hish imperial gusor.

(Stop! Alastair, she is the deputy captain of Alpha-x). (From now on she's going to be your personal assistant, personal high galactic advisor and personal high imperial guard).

Habang, si Jared naman ay patuloy lang sa pagtranslate ng mga sinasabi nila upang sa ganon ay maintidihan ng kanilang team.

"Gavares senticia, elma naro ides".

(I'm sorry, for their behavior especially my only son).

Magalang na paumanhin ng high queen ng galactic empire ng Auxbein.

"Ciavelli amesi ke'sa adon retté vish imperi laxanres".

(May I ask, before we proceed what is your name's your imperial majesties). Nagtatakang tanong ng aming war freak na captain na si Jared.

"Iva Gavares senticia, Osen Hish So'lé Wosetthriaxen Astraea Sapphire F'erocíax Etti va Hish K'hal Auxor Cavalt Anver F'erocíax".

(Oh I'm sorry, we'll I'm High Queen Wosetthriaxen Astraea Sapphire F'erocíax, and this is my husband High King Auxor Cavalt Anver F'erocíax).

Ang Assein ang pangunahing wika sa buong galaksyang K'ron. Ang paglaganap nito ay nagsimula nang mapalawak ng Imperyong Auxbein ang kanyang kapangyarihan noong Space Era 890. Bagama't orihinal na pambansang wika lamang ito ng Auxbein, ang impluwensiya nito sa yaman at kapangyarihan ay nagtulak upang maging pangunahing wika ito ng buong galaksyang K'ron. Ito ay dahil sa pag-usbong ng Auxbein bilang isang galaktikong imperyo sa loob ng milyon-milyong taon.

"Ishte, Sadar krengka xavirtgja wavani fahrlih taounori".

(You, young miss follow my son there's an important meeting with the two of you only).

Nagaalinlangan, man siya subalit sinunod niya ang utos ng high king. Inilagay nya ang dalawang braso, sa kanyang dibdib na nakakross. Isang tradisyonal na kilos ng paggalang, sa hish k'hal etti hish so'le ( high king and high queen). Saka tumungo sa opisina, ng masungit niyang magiging boss ang high crown prince ng Auxbein Empire.

Solane Pov

Alam kong, hindi magiging madali ang panglikuran at bantayan ang high crown prince. Pero gagawin ko, ang lahat para masigurong nasa ayos ang kahahatungan nito. Lalo't na napakabugnutin, at madaling magalit. Marami na rin, itong sinasanteng mga tauhan, walang sinasanto puro galit ang pinaiiral sa halip na pasensya at pagkamaunawaiin. Malamang binigay ng high king ang profile information ng pinakamamahal niyang anak.

Kumatok muna ako, baka bugahan ako ng apoy ng lintek. Balita ko, maladragon pa naman sumigaw ang bagong boss ko. Wengya! talaga dapat si Katerina ang nakaasign dito bakit ako pa talaga ang pinili ng high king. Napakamalas! haysst.

Pagkapasok ko, pa lang sa malahiganteng opisina nito na gawa sa dyamante kristal,batong hiyas, pati isang bluish azure na bato na galing sa buwang Cava.

Umalingawngaw, na agad ang mabangong amoy ng Xaer. Isang mamahaling pabango, para sa mga mahaharlika na nagkakahalaga lamang ng 31 nonillion.

Bakit subrang mahal, ng pabangong ginagamit ng high crown prince malamang royalty sya. Tss, kung ako sya hindi ko gagastus ng malaki dahil lang sa pabanggo nonanillion "imagine that kind of money"

Pwedeng, panghabang buhay ka ng hindi magtrabaho. Pero, kakaiba dito sa mundo nila at galaksya. Sapagkat, puro mamahalin lahat di kagaya sa Earth quadrillion dollars, at billion lamang. Subrang swerte naman niya.

"WHY ARE YOU STILL STANDING THERE! SEAT!

Napatakip ako sa aking tainga, dahil subrang lakas ng sigaw niya.

Dali-dali, akong umupo at ngumiti ng pilot dahil subrang naiirita, ako sa kanya ngunit in fairness, kahit nakakunot ang noo ay gwapo pa rin sya. Hoy, Solane huwag kang padadala dahil lang sa gwapo sya, at ubod naman ng sama ng ugali.

"How long are you gonna stare me".

Sabi niya na ikinabalik ng ulirat ko napangisi sya at nilapag ang isang papel parang agreement namin since magiging personal assistant, personal high imperial advisor, at high imperial guard. Ang dami pang kaechosan, ng high king bat hindi na nya akong ginawang all around sa anak niya. Bwisit

"May I ask how did you know to speak English".Did you learn it? tugon ko.

"Tss. Of course, little buggy I wouldn't speak your language if I don't know how".

Sarkastikong sagot nito, walang modo talaga ang lalaking ito kahit kailan. Little buggy ako eh sya mukhang tipaklong, sa subrang ubod ng sama at kasungitan ang kanyang buong pagkatao. Hindi man lang natutong rumespeto kahit na siya ang high galactic crown prince. Pwes, wala akong pake, dahil ang mas mahalaga ang mabuting pag-ugagali, at personalidad. Kaysa sa kagwapuhan, mayaman, katalinuhan, at pagiging perfecto sa sarili. Wa epek you sa akin at nagmakeface ako ng hindi nya nakikita. Grrr,

"Here, I need you to pretend as my fiancee"."Sign this contract little buggy".

Seryosong niyang ulat, sa akin at nakatingin ang dalawang light yellow eyes sa mata ko ng diretso.

"Ano fiancee daw niya no way!