One last moment with you

All Rights Reserved ©

Summary

Explicit content, please beware

Status
Complete
Chapters
5
Rating
n/a
Age Rating
18+

KABANATA 01


Hindi ko akalain na ang lalaking mapapangasawa ni mama ay ang lalaking nais ko ring angkinin. Nagsimula ito noong nakilala ko sya sa isang bar, isang taon bago pinakilala sa akin ni mama na sya ang lalaking matagal nang nanliligaw sa kanya. Suportado ko si mama lalo,t ang huling karelasyon nya na mismo kong papa ay iniwan kami ng maaga, ayokong maging sagabal sa kanilang relasyon lalo na ng makita ko sa mga mata ni mama kung gaano nya ka mahal ang lalaki.

Roderick Buenavilla, isang negosyante. Makisig at matipunong uri ng lalaki, kuwarenta anyos at may isang anak na babae. Gaya ni mama maagang nawalan ng asawa dahil sa sakit, kung aking iisipin destiny na magkakilala sila dahil kapwa sila mabuting mga magulang sa anak at alam ko iyon dahil nakikita ko sa kilos at gawa nila.

Noong araw na unang magkaharap kami ni tito Roderick sobrang akward lalo na at sa isang taong iyon hindi namin nakalimutan ang gabing pinagsaluhan namin. Kapwa kami bigo dahil sa problemang personal, nagkayayaan kami sa isang bar gayong hindi namin kubos nakikilala ang isat-isa. Ang hot nya, malaking tao na pwedeng ipasok sa basketball team, may makisig na pangangatawan at kay-gwapong mukha, nakuha nya ako sa unang tingin palang at bilang isang marupok nahulog ako sa bitag nya at pagkatapos ng aming inuman dumiretso kami sa isang motel. Inaamin ko na hindi ko pinagsisihan na kunin nya ang pagka-birhen ko nang gabing iyon kaso sa istado ng buhay ko kailangan ko munang mag-focus sa pag-aaral lalo na at nasa kalagitnaan palang ako ng kolehiyo. Wala akong inisip na ibang paraankundi ang iwanan sya na mahimbing na natutulog ng wala manlang bakas ng aking pagkakinlanlan.

Pasikreto kung kami magkita't magusap, sa harapan ni mama kami ay nagsisinungaling.

"Paano ba yan tito, ikakasal kana at tatawagin na kitang papa." Pang-aasar ko sa kanya, kasulukuyang inaayos nya ang kanyang neck tie at ako ay naka-upo sa kama nila ni mama.

Tumingin sa akin ang repleksyon nya sa salamin. "Papa? di ba't kay gandang pakinggan lalo na at nasa ilalim kita." Ngumisi sya ng maloko. Bakit lagi akong nadadala sa mga simpleng ngisi ng kanyang labi? marahil hulog na hulog ako sa kanya na kahit isang bawal na pagiibigan ay nagagwa kong patulan.

"Alam mo tito, dapat sanayin na natin ang sarili, magiging asawa ka na ni mama bukas ayoko kong dumating sa puntong ang mama ko na ang papatay sa akin." Inaamin kong nanlulungkot ako sa sitwasyon, pero anong magagawa ko at naka-plano na ang lahat sa dalawa. Inaasahan ng lahat na uuwi ang lahat sa pagpapakasal ng dalawa.

"Mahal ko ang mama mo, mahal din kita Sam. Nangako akong aalagaan sya at ganon din sayo, masaya akong pakasalan sya dahil sa puntong yun ibig sabihin lagi rin tayong magkasama. Alam kong mali pero masisi mo ba ang puso ko kung pantay ko kayong minamahal?" Humarap sya sa akin at naglakad papalapit.

Tumingala ako sa kanya, ang dalawang palad nya ay dumampi sa magkabilang pisngi ko. "Mahal mo rin ba ako?"

Ang hirap sagutin ang katagang kanyang bnitawan, ang sagot ng puso ko ay gagawa ng malaking problema sa mabuting relasyon na meron kami ni mama kapag naipadinig ko ito. Oo mahal na mahal ko ang lalaking kaharap ko at iyon ang hindi pwede.

Umiling ako pero ang puso ko hindi. Agad nyang binitawan ang mukha ko at umatras nang nakahawak sa kanyang baywang. Tila nagpipigil sya ng galit.

"Balak mo bang lumayo dahil lang sa iniiwasan mo ako Sam? kaya ba ganyan ka sa akin noong isang araw pa? alam kong naka-bili ka ng ticket papuntang cebu. Alam mo bang mahirap din para sa akin na isekreto ang relasyon ma meron tayo bukod sa pagiging tito mo? Hindi, dahil iniisip mo lang kung anong makakabuti sayo. Nasasaktan din ako Sam sa mga paganyang mong kilos, kung pwede lang maghalo na tayo ginawa ko na kaso hindi na pwede."

Gusto ko syang yakapin, gusto kong ibulong sa kanya na hindi ko gustong lumayo sa kanila ni mama. Mahal na mahal ko silang dalawa at masaya din akong makita silang nasa altar. Buo na ang desisyon kong lumayo at lumipat ng school.

"I already booked a flight after your wedding." Ang mga titig ko ay napunta sa sahig at pilit kong huwag maging marupok. Ayaw kong ipakita na nasasaktan din ako, gusto ko matanggap din nya na ang pag-mamahalan namin ay hindi pwede. Kung mahal nya ako mamahalin nya si mama at kung talagang mahal nya si mama lalayuan nya ako.

"Hindi na ba kita kayang pigilan Sam?" Kumalma ang tono ng boses nya, dahan-dahang umakyat ang tingin ko sa mukha nya. Ang lalaking hindi ko inaasahang iiyak ngayon ay naluluha na. Agad akong tumayo sa pagkakaupo, nilapitan sya at mabilis na pinulupot ang braso ko sa baywang nya.

"I'm sorry Rod. Hindi ko rin ito gusto pero kailangan nating tanggapin na hindi talaga tayo sa isat-isa, mahal kita bilang bagong asawa ng mama ko. Pwede bang hanggang doon lang iyon?" Pati ako hindi mapigilang malungkot. Mahigpit nyang binalik ang yakap ko, nakatanggap ako ng silang halik sa buhok.

"Mahal na mahal kita Sam, sobra. Gusto ko pa sanang labanan ka pero gaya ng sinasabi ko sa simula palang, kung anong ikakasaya mo doon din ako sasaya. Kung ang pagbitaw ko sayo ang magpapasaya sayo gagawin ko, pero ipangako mo na mahalin mo ang sarili mo dahil wala ako doon upang mahalin ka." Tumigil ang pag-agos ng luha ko, huminga ako ng malalim saka kumalas sa kanyang yakap.

Tumingal ko sa mukha nya. "Salamat at hahayaan mo ako. Huwag kang mag-alala mamahalin ko ang sarili ko gaya ng lagi mong ginagawa sa akin. Hindi ko na kailangan mangamba dahil alam kong isang tawag ko lang sayo nandyan ka na agad. Kung busy ka naman maghahanap na lang ako ng lalaki doon para ipagtanggol ako."

Pabiro nyang sinakal ang leeg ko. "Yan ang hindi mo pwedeng gawin, akin ka lang."

"Akala ko ba hahayaan mo na ako?" Natatawa na lang ako sa ugaling meron sya, napaka-possesive nya at madaling magselos. Naaalala ko tuloy noong piagkaalan nyang manliligaw ang isa sa kalahi kong kaibigan ko sa school. Doon ko sya mas-minahal dahil sa pagiging territorial nya.

"Hahayaan kita sa isang kondisyon."

"Ano?"

"Tapusin mo muna ang pagaaral mo at pagbibigayan mo ako ngayon sa huling pagkakataon, hayaan mong lasapin ko muna ang katawang hahanap-hanapin ko pag nawala na."

...