One Rainy Night (Horror One Shot)
Bumubuhos ang ulan ngayong gabi at wala itong tigil kanina pang umaga at dahil roon suspended ang klase namin kaya nasa Google Docs ako at gumawa ako ng thesis namin at sobrang ng signal at mabagal rin yung Wi-Fi. At sobrang lakas ng huni ng hangin sa labas na parang itong malalim na daig at makikita mo sa aking bintana at sumasayaw ang puno dahil sa lakas ng hangin ngayon. Madilim sa aking kwarto ko ngayon, ilaw ng cellphone at laptop ko yung ilaw dito sa aking kwarto ko. Nakabukas yung FB ko sa aking laptop pero maliit lang yung screen niya dahil naka-assign yung maghanap na nakakapuno na RRL namin sa research. Bat ko kasi ito kina-cram ngayon e? Tanong ko sa aking utak ngayon.
‘Che, parang hindi ko magagawa naghahakot kami ng gamit ngayon e. Bumaha kasi samin. Pasensya na.’ Chat sakin ng isa kong classmate, umirap naman ako, at medyo naiinis ako dahil malapit na yung deadline ng research namin.
Parker, ulan lang ’yan. Pwede naman gawin mamaya yung research natin. Malapit na kasi. I hope you understand. Sagot ko habang nakain ako ng chips gilid ko at sarap ng panahon. He didn’t answer me, he just seen my message and I turned off my phone, dahil naiinis ako at parang walang nagseseryoso e. Kasalanan ko bang mahirap sila? Kung gusto may paraan, pag ayaw may dahilan. Sabi ko sa isip niya at sumasakit na yung ulo ko at sobrang lakas ng mga kidlat sa labas at panigurado natatakot na yung kapatid kong bunso na si Andy sa kwarto nila Mama, di kasi napapansin ni Mama pag tulog na siya, tulog mantika siya at tinigilan ko muna yung pag-tatatype sa laptop ko at sinuot ko yung sweater ko at kahit na nakakatamad na maglakad. Lumabas ako sa kwarto ko, katabing kwarto ko lang si Mama at pumasok nako sa kwarto nila at di ko na binukasan yung ilaw sa kwarto nila dahil ayoko magkaistorbo sa kanila at pumunta ako sa kama nilang dalawa, wala si Andy dahil medyo malaki ang kwarto ni Mama may mini play area si Andy at pumunta ako at naririnig ko yung boses ni Andy. “Tara na, halika dito! Wag ka dyan baka magising si Mommy!” Narinig ko yung boses ng kapatid ko at parang itong may kalaro siya ngayon. Sino ang kalaro nitong bata na to? Binuksan ko yung ilaw sa play area niya at tumatakbo lang ito ng mag-isa at ngumiti si Andy at niyakap ako niya yung paa ko. “Andy, bat gising ka pa? Anong oras na kaya! Sinong kalaro mo?” At nilibot ko yung mata ko ngayon at wala naman tao kundi siya lang. Weird... Sabi ko sa utak ko at nakita ko rin nakasarado ring yung bintana at wala rin makakapasok kahit may tao man dito hindi ’rin makakatago dahil makikita ko agad yon.
“Si Maria, ate.” Sagot niya at nagbuntong-hinihinga ako, si “Maria” ay imaginary friend ni Andi, normal lang lang ’to sabi ni Mama kasi nga po bata.
“Andy, go to sleep now. Papagalitan ka ni Mama,” at bumaba ako para buhatin siya at biglang niya akong tinulak.
“Sabi ni Maria, ’wag moko hahawakan, magagalit siya sayo. Sige ka.” Sabi niya at tumingin pa ito sa gilid niya.
“Mamaya raw kami matutulog, ate. Naglalaro pa kami e,” pero mapilitin ako at binuhat ko siya at dinala ko agad Siya sa kama ni Mama at parang nagalit si Andi sakin. “Lagot ka kay Maria, ate.” Yung boses niya parang nagbabanta at tumalikod siya agad sakin at niyakap niya si Mama at umiling-iling nalang ako at sinarado ko yung pinto nila. Nilamig ako palabas, naririnig ko ’yung dagungdong ng kidlat at parang galit na galit ngayon, habang naglalakad pabalik ako sa aking kwarto, pakiramdam ko may nanood sakin sa mga pader ng aming bahay parang may mga mata na nanood sa bawat galaw ko at pumasok na ulit ako sa aking kwarto ko at pumunta nako sa kama ko at humiga ulit ako at tinignan ko lang yung screen ng laptop ko ngayon, wala akong matype ngayon at sinara ko nalang muna yung laptop ko at humiga ako at nilagay ko yung kumot ko at nararamdaman ko na pumipikit na yung mata ko at may naririnig ako may kumakatok sa labas.
“Andi, matulog ka na! Lagot ka kay Mama!” Sigaw ko na pwedeng marinig yung boses ko sa labas at umiling-iling nalang ako and shake that feeling off at habang pumikit ako at parang akong hinihele ako ng panahon na yon dahil sobrang lamig at tamang-tama lang para matulog at magpahinga at napapikit ako at pero gising parin ang diwa ko at pakiramdam ko may pumasok sa loob ng kumot ko at pero gusto ng katawan ko matulog pero parang akong natatakot at nararamdaman ko na parang unting-unti niyang hinihila yung kumot ko, niyayakap ko yung kumot ko at naririnig ko yung boses niya sa tenga at tumatawa pa ito at parang siyang natutuwa sa pangyayari ngayon at kinuha ko yung lakas ko at hinila ko yung kumot ko at halos tumalon ako sa aking kama at binukasan ko yung ilaw sa aking katawan ko at sobrang bilis ng tibok ng aking puso ngayon. Lumabas muna ako dahil nawala yung antok ko at kinatok ko yung isa ko pang kapatid, si Clinton, kapatid ko pangalawa siya, kumatok ako at sobrang dilim sa hallway namin at medyo natatakot ako at maya maya ay binukasan niya yung pinto.
“Bakit, ate?” Tanong ni Clinton, irita yung boses niya at nakasuot pa ito ng kanyang headphone. “Ate? Tatayo ka lang ba jan? Bilis may ginagawa kasi ako e.” Sabi niya habang krus yung braso niya at katawan niya nakasandal lang sa pinto parang naghihintay ng sasabihin ko. “Kanina pa kasi kumatok ate, pati yung ka-duo ko naririnig niya kanina,” sabi niya at pumasok ako sa kanyang kwarto.
“I didn’t knock on your door, yung Nakita mo ko sa labas, dun lang ako pumunta sa kwarto mo.” Sagot ko at umupo ako sa kanyang kama dahil nakaupo siya sa kanyang gaming chair at naglalaro ito ng Valorant ngayon, napatigil siya sa paglalaro. “Huh? Hindi ikaw yon?” Tanong niya and he still suspecting me. “Promise, may kumatok rin sa kwarto ko. Kala ko nga si Andi kasi, kanina pumasok ako sa kwarto nila Mama, gising siya at kalaro niya si Maria,” pagkwkwento ko at tumingin ako sa kanya.
“Baka si Andi yo—” pero Hindi niya pinatapos.
“Hindi si Andi yon, ate. Bago kasi naglaro at yung katok, pumasok ako sa kwarto nila Mama tas kinuha yung charger ni Andi kasi ichacharge ko yung iPad ko.” Pagkwkwento niya at pareho kaming natigilan.
“Wag mong sabihin na si—”
“Ate tumigil kana, hindi totoo si Maria okay? Imaginary friend lang yon ni Andi okay? Gutom lang tayo okay? Order ka nalang ng McDo!” Sabi niya and downplaying my fear but my intuition says otherwise. Tama! Baka nga gutom lang ako sa lintek na thesis na to. “Sige, magoorder lang ako ng McDo natin! Lalabas nako.” Sabi ko at nilagay na ulit ni Clinton yung headphones niya at humarap na ulit sa computer niya at lumabas nako sa kwarto niya at binilisan ko yung lakad ko at binuksan ko agad ang aking pinto at pumasok ako sa kama ko at umupo lang ako sa aking kama at nag-order nako sa Grab Food ng McDo at habang hinihintay ko yung order mag-proprocaste muna ako ng mga ilan hours clutch ko later yung research ko. After 45 minutes, nanood lang ako ng Gilmore Girls at tumunog yung cellphone ko at may nagtext sakin at yung grab driver dahil nasa gate na raw siya at kinatok ko yung pinto ni Clinton para tulungan niya ako magbuhat ng pagkain namin. At binukasan ko yung pinto at may lalaki sa harap ng pinto at dala dala niya yung paper bag ng McDo di makita yung mukha niya at tinatago gamit yung kapote niya at tinanggap ko yung order ko at sobrang basang-basa yung plastic. Ano ba si Kuya?! Wala ba tong kotse or motor bat basang-basa?
“Kuya, bat po basa yung mga items. Hays.” Reklamo ko, kitang-kita yung kidlat na malakas at damang-dama ko yung lamig sa labas yung hangin sumisipol dahil sa lakas ng ulan ngayon.
“Sorry po, ma’am! Hindi po mauulit.” Ayan yung Sabi niya at inirapan ko siya at inabot ko sa kanya yung buong bayad, well. Siya yung tumanggap sa order ko. Napansin ko yung balat niya nung pagkaabot ko ng bayad sa kanya, sobrang lamig ng kanyang kamay, parang mala-bangkay sa lamig ang kanyang balat at sobrang putla at parang hindi ito nalabas ng bahay nila at medyo itim rin ng kanyang kuko niya. Paglakad na siya palabas at nakatalikod na siya sakin and he tilted his head to the side, I can see his silhouette in the pouring rain, his shadows are somewhat cunning and sinner at kita ko rin ang kanyang ngisi sa kanyang anino. “Magiingat ka ma’am ha?” Sabi niya at sobrang baba ng kanyang boses pero yung tono ng boses niya parang nagbabanta. Nangilabot ang buong katawan ko at tuluyan na ito naglakad palayo at habang naka-kapote lang siya at parang siyang nawala sa dilim sa labas at sinarado ko agad yung pinto at nilock ko agad at i-on lahat ng security features sa bahay ngayon. “Clint! Bumaba kana dyan, nandito yung food!” Sigaw niya at nilalagay niya yung pagkain niya sa dining area at biglang nagbrownout ngayon at I grunted in irritation. “Bat ngayon pa? Gagawa ako ng thesis ko e!” Bulaslas ko sa aking sarili ko at umupo ako sa lamesa at binukasan ko yung pagkain at naamoy ko agad yung mabangong amoy ng burger at sobrang init at nakakatakam na fries at kinuha ko yung chicken filet dahil ayon ang order at isang McFries, nakatapat ko yung dating maid’s quarter dito, wala akong alam dito dahil ilan taon palang kami na lumipat sa bahay na ito, so far wala pang masyadong nangyayare dito. Sobrang nakakatakot yung dating maid’s quarter dito at nakabukas lang ito at sobrang dilim don at kinikilabutan lang ako at kukuha sana ako ng fries ko at naramdaman ko na lumalamig agad yung fries ko at di ko makita yung kinakain ko at kuha lang ako ng kuha sa fries ko at nagtaka ako at inilawan ko yung hawak ko at nanlaki yung mata ko, isang biyoleta na kamay yung aking nahahawakan at parang naangas na yung kamay na ito at yung mata ko tumingin sa aking gilid at may nakita ako na isang batang babae na may malaking hiwa sa kanyang mukha, duguan ang kanyang mukha at katawan at may hiwa ’rin ang kanyang leeg at may may kulay green na bumabagsak sa kanyang bibig at dahan-dahan ito lumalapit sa aking kamay at ginamit ko yung buong lakas ko kahit na sobrang akong natatakot at nagsibagsakan yung pagkain ko at kumaripas ko nang takbo sa aking kwarto at sinarado ko yung pintuhan ko at nagtago ako sa aking kumot at walang akong nilalabas na parte ng katawan ko at dahil sobrang tahimik ng lugar at naririnig ko agad na may naglalakad sa aking kwarto ngayon at pumikit ako at nagsimula akong magdasal sa ilalim ng aking kama. At habang nagdadasal ako ngayon ay nawawala yung takot sa aking dibdib at unting-unti gumaganda yung pakiramdam ko at unting-unti kong binukasan yung mata ko at pagkadilat ko ulit at di ako makapagsalita at nasa harapan ko yung batang inaagnas at nararamdaman ko yung luha ko na bumabagsak sa aking mata at hinawakan niya yung mukha ko at nararamdaman ko kung gaano kasunog ang kanyang palad. “Ate? Gusto mo bang maglaro tayo?” Tanong niya at don nako sumigaw ng ubod ng lakas ng gabi na yon.
Clinton’s POV
Sobrang akong nababadtrip kasi biglang nagbrownout ngayon kung kailangan nasa kalangitan ako ng paglalaro ko ng valorant, I checked the time on my clock, 3:30 am pala siguro nandyan na yung McDo na pinadeliver ni Ate Che dahil nararamdaman ko rin yung gutom ngayon at parang gusto ko rin mag-pancit Canton magpapaluto nalang ako kay Ate, hehe.
Di ko na binuksan yung ilaw dahil kita ko naman kahit na madilim sa Salas yung liwanag lang ngayon yung pagkidlat ng sobra at pagkapasok ko sa dining room, may nararamdaman akong sticky sa paa ko parang putik or burak na nakatapakan ko ngayon, nakakadiri yung texture.
“Putangina,” sabi ko kada maglalakad ako mas naging mas lalo pang naging maputik yung pakiramdam ng aking mga paa. “Sino bang pumasok dito at bakit maputik.” At nakita ko agad yung kalat ng french fries sa baba at yung nakataob na plato sa baba. “Si Ate naman o, nagkakalat pa talaga e.” At yumuko ako para kunin yung plato sa ibaba at sobrang hirap akong kunin dahil sobrang sticky ng pakiramdam ko at binukasan ko yung cellphone ko at inilawan ko yung sahig at tinatapakan ko parang putek pero pure black Siya at sobrang sticky ng texture at kita ko yung goo pagkakuha ko ng plato at nilagay ko to sa lababo at may narinig ako isang malakas na kalabog sa taas at nakarinig ako ng isang mahinang tawa ng bata, sobrang kinilabutan sa nararamdaman ko at naging tahimik yung pakiramdam ng paligid ko at biglang akong nakaramdam ng isang buga sa aking tenga at walang akong naging pake sa texture ng lapag ngayon at binilisan ko yung lakad ko at pakiramdam ko tumulo na rin yung luha sa aking pisingi ngayon at halos madapa nako dahil sa kakamadali ko, at naririnig ko yung tawa ng bata na yon at nagmamadali ako pumunta sa kwarto ni Ate Che dahil mas malapit ang kwarto na ’yon at kinalabog ko yung pinto niya at dahil mas lumalapit yung tawa sa tenga ko. “Ate Che! Ate Che! Ate Che!” Sabi ko habang sabay na hinahampas na yung pintuan niya at yung nakalock niyang pinto at biglang nagbukas ngayon at pumasok na ako at biglang kong sinira ko yung pinto niya. “Ate! Ate!” Sabi ko sakanya at nakaupo lang si Ate Che sa kanyang kama parang wala ito sa kanyang sarili, di ko masyadong makita yung kanyang mukha at inilawan ko yung direction niya at nanlaki yung mata ko dahil may naka-upo sa kandugan ng ate ko, isang batang babae na may malaking hiwa sa kanyang mukha at parang nagaangnas na yung mukha niya at yung katawan niya halos violet na at si Ate Che parang walang ito sa sarili niyang at parang walang kaluluwa sa mata niya. “Gusto mo ba maglaro tayo, Kuya?” Sumigaw ako ng malakas yung nagsalita Siya at kumaripas ako ng takbo at pumasok ako sa kwarto ni Mama at binukasan ko yung pinto at biglang nagising si Mama dahil sa pagiyak ko. “Clinton? Clinton! Dyos Mio! Ano ba nangyayare sayo ha? Bat Patay ang ilaw at bakit ka umiiyak ngayon.” At di ako makapagsalita ngayon at tumuro lang ako sa kwarto ni Ate Che at nagising rin si Andy at tumayo ito at tumawa ito. “Maria! Lika dito!” Nanlaki yung mata ko at biglang kong hinila si Andy pabalik sa kwarto. “Kuya! Kuya! Ano ba! Nandito si Maria ngayon. Gusto ko siyang ipakilala sa inyo!” Sabi ni Andi at di ko binibitiwan yung hawak ko kay Andy ngayon.
“’Wag ka lumabas, ’wag ’kang maingay!” Sabi ko at tinakpan ko yung bibig ni Andi at pinatahimik ko si Mama at sobrang lakas ng ulan at naririnig namin tatlo na may naglalakad pababa at sobrang bagal ng lakad nito at parang inaabot ng isang minuto bago ito magkababa sa susunod na hakbang at niyakap ko lang ng mahigpit si Andy at niyakap naman kami ni Mama at parang sobrang bigat ng mga footsteps nung naglalakad ngayon at kailangan ko maging matapang at ilan minuto pa ang lumipas at tumayo na si Mama at may kinuha, isang maliit na baril, bigay ni Papa, dahil wala si Papa nasa Singapore ito sa business meeting nila at binigay ni Papa yung mini revolver niya para maging proteksyon namin sa bahay. “Ma? What are you gonna do?” Tanong ko na pabulong at si Mama at unting-unti na lumabas ng kwarto at sumilip muna sa labas at dahan-dahan na lumabas at medyo sumunod rin si Andi sa likod at ako hawak-hawak ko lang si Andi at walang ingay kaming lumalakad sa isang kwarto, dahil mas safe doon at madali kaming makakalabas at tumingin sa gilid si Andi at ngumiti. “Maria!” Sigaw ni Andi at kumaway pa ito at nanlaki yung mata ko at mabilis na pagapang na umaakyat si Maria sa hadgan namin at sumigaw si Mama na pumasok na kami agad at biglang bumigat yung pakiramdam namin at nawala kaming balanse sa aking katawan at biglang natapilok si Mama sa pagtakbo niya at hinila ni Maria yung paa niya at sumigaw si Mama sa takot at pilit kong hinawakan yung kamay niya at pero mas malakas yung kapangyarihan ni Maria at pinilit kong tumayo at binuhat ko si Andi at tumakbo kami sa kwarto habang umiiyak kaming dalawa. “Kuya...” Niyakap ako ni Andi habang umiiyak siya. “Bat galit si Maria? Hindi ganon si Maria...” Sabi niya at umiling-iling siya at binuhat ko ulit siya at tinago ko siya sa malaking cabinet dito at hinalikan ko siya sa noo. “Kukunin ko lang si Mama ha? Dito ka lang,” at pinunsan ko yung luha niya at sinara ko yung cabinet para hindi siya makita ni Maria at dahan-dahan ako lumabas at pinakiramdaman ko yung paligid dahil malakas si Maria at halos nanginging nako sa takot pero kailangan tibayan yung sarili ko para sa pamilya ko, dahil ako lang yung maasahan nila. “Sorry ma...” Sabi ko habang hinahanap ko si Mama at sobrang tahimik ng bahay at sobrang natatakot yung atmosphere, ang eerie ng feeling parang sobrang tagal magliwanag sa gabi na ito at nagulat ako sa galabog sa lumang maid quarters namin at baka nandon yung katawan ng mama ko at tumakbo ako papunta don at sobrang dilim pero naririnig ko si Mama at inilawan ko yung direksyon niya at nasa gilid at nakatalikod siya at malaking sugat rin ito sa kanyang likod at nagdudugo ito at hawak-hawak parin niya yung baril at dahan-dahan lang ako naglalakad papunta sa kanya at nung malapit nako sakanya at hinawakan ko yung katawan niya at sobrang lamig nito, parang bangkay sa lamig at unting-unti ito humarap sakin at nanlaki yung mata ko. “Taya ka,” sabi niya at parang demonyo yung boses niya at tatakbo sana ako palabas at biglang nagsara yung pinto at patakbo at biglang akong napahiga sa lapag at naririnig yung tawa niya at kitang-kita ko sa periphal vision ko at mabilis siyang gumapang sakin at pumatong ito sa ibabaw ko. “Taya ka....Taya ka...” Sabi niya at may tumulo na dugo sa kanyang mata ngayon at sumigaw ako ng malakas.
CHE’S POV
Unting-unti kong minulat yung mata ko at sobrang sakit ng ulo ko at di ko maigalaw yung katawan ko at nakahiga lang ako ngayon at sobrang unfamiliar sakin ng lugar na ito, pero bahay namin ito pero iba yung gamit at biglang malakas na bumukas yung pintuhan at may pumasok na galit na galit na lalaki at babae at yung anak niyang umiiyak na habang buhat-buhat nito at nagsisigawan silang at parang wala akong tao dahil di nila akong napapansin at nakaupo sa paa ko yung batang umiiyak.
“Maria, pumunta ka na sa kwarto mo. Ngayon na!” Sabi ng babae habang bumaba yung bata at tumakbo na pataas.
“What are you thinking, huh? Pinahiya moko sa boss ko? Sa katrabaho ko?!” Singhal yung lalaki sa babae at sa tono ng kanyang boses parang galit na galit na ito at tinaas ito yung kamay nito parang niyang sasaktan ang kanyang asawa.
“Bakit? Hindi ba kabit si Cynthia ha? Kung makahawak sayo at himas sayo? Wala ibang may may magaari sayo. Kundi ako lang, Miguel! Ako lang! Puta yon babae na yon e. Dapat lang sa kanya yung ginawa ko.” Sabi ng babae na yon at kinuyom niya yung kamay niya at sobrang itong nagpipigil ng galit at tinuro lang niya yung babae at biglang itong umalis sa harapan niya at biglang itong umalis sa bahay at ngumisi naman yung babae at uminom ito ng alak sa gilid at umupo ito at nanood ng TV.
“MARIA!” Malakas itong tawag sa kanyang anak habang alak ito sa kanyang kamay at maya maya lamang bumaba na yung batang na si Maria habang hawak hawak niya laruan niyang kuneho sa kamay niya at papalapit na yung bata na si Maria at biglang niya binato yung alak niyang pader at umiiyak naman ng malakas si Maria at biglang tumayo yung lasing niyang nanay at hinawakan niya yung ulo niya at inuuntog niya yung ulo ng anak niya sa pader ng ilang beses at naririnig ko yung iyak ni Maria at pero walang akong magawa at kundi manood lang at nakikita ko yung mata ni Maria at nakatingin sakin. “Kasalanan mo ito dahil bakit nagaaway kami ni Miguel!” Sigaw niya sa mukha ng kanyang anak na hinang-hina na. At isang malakas na untog sa pader at kitang-kita mo yung dugo sa kanyang ulo at yung kanina na iyak na iyak na bata at biglang tumahimik na at di pa ito matapos at sumuka pa ito sa bibig ng kanyang anak at kinuha niya yung bubog sa bote at ginilitan pa niya yung leeg niya at umaagos yung dugo niya sa sahig at unting-unti kong napapanood kung paano siyang mawalan ng buhay at pumatong ito sa ibabaw ng kanyang maliit na katawan at unting-unti itong tumingin sakin. “Kasalanan mo ito!” Sigaw niya sa direksyon na ito at nagising ako ulit sa madilim kong kwarto at napatayo ako at biglang akong tumakbo sa palabas at pumunta ako sa kwarto kong kwarto at napatayo ako at biglang akong tumakbo sa palabas at pumunta ako sa kwarto nila Mama at ni Andi wala sila doon at pumunta ako sa kwarto nila Clinton at wala rin sila don at si Clinton at parang mababaliw dahil nawawala yung pamilya ko. “Ma! Clinton!” Sabi ko at nararamdaman ko na parang akong nanhihina at parang akong mawawalan ng hinihinga ngayon at umiiyak lang ako at maya maya may naririnig ako tumatakbo sa baba. “Maria! Saan si Mama?” Biglang akong napatakbo pababa dahil boses yon ni Andi at nakikita ko na sila at hawak-hawak ni Maria yung kamay ng kapatid ko at pababa nako at biglang nalang may tumulak sakin sa likod at bumagsak yung katawan ko sa sahig at di ko maigalaw yung katawan ko at umiiyak ako. “Andi..” tawag ko sa kanya at pakiramdam ko na parang nawawalan akong ng hinihinga. “Gusto mo bang maglaro nalang tayo habang buhay?” Sabi ni Maria sa kapatid ko at hawak kamay silang dalawa na lumabas sa pinto ng bahay at tumingin ako sa gilid ko at biglang nalang nandilim yung paningin ko.
At hindi ako nagising kahit kailan, at hindi natapos ang laro na ginawa nilang dalawa. Katulad ng ulan, nanatili kaming bilanggo sa walang katapusan na takot ng maulan na gabi na yon.
---
Katapusan.
Fin.
July, 2025.