You and I, This Time

All Rights Reserved ©

Summary

They were childhood best friends... until she vanished without goodbye. At just 12 years old, Fannie Lillian Madeson was forced to leave the city—and her best friend, Keane Aldrich Tallovera—without a single word of farewell. Her family’s business collapsed, and returning to the province was the only choice. She didn’t want to disappoint her parents... but walking away from Keane broke her heart more than she realized. Fifteen years later, Fannie is back in the city, hoping to rebuild her life and maybe—just maybe—cross paths with the boy she left behind. But her search leads to nothing. No one knows where Keane went... or if he ever looked for her, too. Resigned, Fannie moves forward, landing a job as a secretary to a powerful CEO, Kristin May Tallovera. She earns her trust, becomes her confidante... and then discovers a secret: Kristin’s husband’s younger brother is none other than Keane Aldrich Tallovera—now her new boss. He’s no longer the sweet boy she left behind. He’s distant. Cold. And clearly, he hasn't forgotten how she disappeared without a word. Now face to face again, can Fannie explain the truth about what happened all those years ago? Can Keane learn to forgive the girl who broke his heart? Or will secrets from the past—and new enemies—keep them apart once again?

Genre
Romance
Author
missann
Status
Ongoing
Chapters
1
Rating
n/a
Age Rating
18+

Chapter 12

Natapos Ang trabaho ko ng bandang alas otso, mabilis akong pumunta sa mall para bumili ng damit na maari kong suotin bukas.

Nakakataranta dahil last minute na ako bumili, hindi ko din talaga iniiexpect pa na makakasama ako bukas sa napaka bongang event na yon.

Ilang botique din ang inikot ko, sobrang nahirapan ako sa pagpili. hangang sa napapadpad ako sa pinaka huling botique.

Magaganda mga paninda nilang damit na masasabi kong sobrang bagay sa mga presteryosong event kagaya ng sa amin.

Nagtingin-tingin ako sa isang rank doon at nakuha ang atensyon ang isang Red Turtle neck na see-through, ang sleeves pati sa may bandang dibdib.

Aabot hangang sakong ang haba ng palda at may mahabang slit sa kaliwang bahagi nito, sa tingin ko ay aabot hangang hita lamang.

Kinuha ko na iyon at nagpalinga-linga sa paligid para magpa-assist.

sakto naman napansin agad ako ng Sales lady kaya mabilis ako nitong tinulunga.

Tinuro nya sa akin ang Fitting-area para isukat na ang magandang dress na ito.

Marahan naman akong pumasok sa loob nito at isinabit ang damit sa hook na nasa loob ng fitting room.

Malawak naman ang loob ng fitting room, kasya na ang limang katao sa laki nito. may ceiling to floor na salamin din at may led light sa paligid nito.

Maingat kong sinusuot ang damit baka mamaya hindi pala sya kasya sa akin.

Nang nakasuot na sya maigi sa akin, hindi ko mapigilang magandahan lalo dito.

Lumitaw ang pagkaputi ng balat ko sa kulay, hapit na hapit din sa katawan ko, kitang kita ang magandang kurba.

Nagitlat ako ng marinig ang mahinang katok sa labas.

“Pasok.” ani ko rito at pumasok ang babaeng nagassist sa akin kanina.

Manghang mangha ang ekspresyong binigay nya sa akin, uminit ang magkabilang pisnge ko sa hiya.

“Ang ganda ganda nyo po ma’am! bagay na bagay sa inyo yang damit na napili nyo!” sambit nito.

Bigla naman akong pinag initan ng pisnge’t alanganing ngumiti. humarap ako muli sa salamin at pinakatitigan maiigi ang sarili.

Tumama ang mga mata ko sa aking dibdib na halos angat na angat.

“H-Hindi po ba masyadong revealing tignan?” sabi ko sa kasama ko at tinuro ang dibdib ko.

“Hindi ma’am! kahit ako na kapwa nyo babae-hindi ko mapigilang maattract sa inyo. ang ganda nyo kasi talaga ma’am.” ani nito kaya hindi ko na napigilan matawa dito.

“O sige na nga, kukunin ko na to masyado mo na kong binubula eh.” mabilis naman syang umiling sa akin.

“Hala ma’am! seryoso po ako, for sure ma-inlove at mabibighani sa inyo yung magiging kadate nyo once ginamit nyo yan damit na yan! napaka-swerte nya po!” ani muli nito at tinulungan na ako mahubad ng maayos ang damit tsaka sya lumabas.

Nagpasya na din akong makapagpalit muli ng susuotin.

Hindi ko din mapigilan mapangiti sa sinabi nito. lihim naman akong napadasal na sana nga magandahan sa akin si Kane once sinuot ko ito.

Lumabas ako ng Shop nila na may matamis na ngiti at puno ng excitement sa puso.

bumyahe na ako pabalik sa office. Kagaya ng utos ng aking butihing amo, dito na daw kami mag kita at sabay nalang daw kami mag punta doon sa event place.

Kinakabahan ako lalo dahil late na ako ng 2 minutes. Lihim akong nagdadasal na sana ay hindi pa ako nito iniwan.

Hindi dapat ako aabutin ng syam-syam, kung hindi lang sa buhok ko.

Nahirapan kasi ako kung paano ko ba i-style ang buhok ko.

ang ending nilugay ko nalang at nilagyan ng maliit na butterfly clip para hindi naman gaanong plain ang itsura ko.

kinulot ko pa ito kaya talagang doon ako natagal.

Nang marating ko na ang distenasyon ko, naaninag ko na ang sasakyan nito sa harap mismo ng building namin nakapark.

Nakatalikod ito sa gawi ko at nakapamewang, sumusulyap sulyap din sa kanyang suot na relo. Hindi nya agad ako nakita agad.

Marahan akong lumapit dito at nanalangin na sana hindi ako mabulyawan.

Huminga muna ako ng malalim tsaka sya Kinalabit kaagad ko naman makuha ang atensyon.

“Sir-”

“What takes you-”

Natigil ang sasabihin nito sa akin ng makita ako nito sa harapan nya.

Kitang kita ko kung paano biglang nanlambot ang ekspresyon nya na kanina lang ay bubulyawan na ako.

Huling huli ko din ang malilikot nitong mga mata na halos lumuwa na sa kakatitig sa akin.

He throw me a Head-to-foot look. Nakailang lunok din sya at parang biglang pinagpawisan kahit malamig pa sa mismong building.

Na-concious ako bigla, hindi ko naman ini-expect yung magiging reaksyon nya. Hindi ko maiwasang Mapatingin sa suot ko, masyado yata talagang revealing.

“Tsk!”

Nagulat naman ako ng bigla nya akong hawakan sa kamay at hilain papunta sa kotse nito.

Sa mismong kamay ko pa sya humawak! para akong nakuryente sa pagkakadikit ng mga kamay namin.

Binuksan nya muna ang passenger seat. Nang masure na nyang nakaupo na ako ng maayos, marahan nyang sinara ang pintuan at lumakad na patungo sa driver’s seat.

Nanginginig at kinakabahan ako, ito ang kauna-unahang magkalapit kami ng ganito at kaming dalawa lang.

Sa ilang taon naming hindi nagkita at sa daming nagbago, sobrang nakakapanibago parin.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili, tsaka binalingan ang seatbelt sa tabi ko.

Sinubukan kong hilain iyon, pero sa kamalas-malasan Hindi ko mahila ng maayos iyon.

Nakailang haltak na ako ayaw parin bumaba, nagmumura na ako sa sarili ko dahil kung umarte ako dito para akong walang sariling sasakyan.

Binalot ng kaba ang sistema ko ng may humila noon.

Sakto pang paglingon ko bumungad sa akin ang mukha ni Kane.

Lalo kong naamoy ang pabango niya na humalo sa bango ng fresh mint mula sa ginamit niyang shaving cream.

Napaka bango at napaka gwapo nya ngayon. Bumagay sa kanya ang puting tuxido na may lining na color black.

Unti unti kong nakikita ang pagmamatured ng facial features nito.

Ang mga mata nyang mapupungay, ang mga pilik mata nyang dinaig pa ang haba sa pilik mata ko, ang ilong nya na sobrang tangos, ang makinis nitong mukha na parang hindi tinubuan ng tigyawat noon at ang mga labi nyang kulay rosas na minsan ko ng nahagkan.

Wala sa sariling napakagat ako sa ibabang labi ko, gawa ng lihim kong pagpapatansya sa lalakeng kaharap ko.

“Mala-late tayo sa ginagawa mo.” malamig at puno ng pangaakit na bulong sa akin tsaka iniangat ang sulok ng labi nito.

May kung anong kiliti akong naramdaman sa ibaba nang marinig ko ang paos niyang boses. Agad akong umiwas ng tingin. Nagpikit-pikit pa ako-parang biglang natuyo ’yung contact lenses ko sa sobrang kaba.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili at umarteng wala lang ang nangyari.

Matapos nyang ayusin ang Seatbelt ko, pumwesto na sya sa kanyang upuan at nagmaneho.

Buong byahe wala kaming imik. Habang busy sya sa pagda-drive, chinecheck ko naman ang mga updates sa akin ng kasamahan ko doon. Kung sinu-sino na sa mga naimbitahan namin ang pumunta at hindi.

Nirereview ko din ang mga pangalan, at mukha ng mga busita para once lumapit ito kay Kane, maipapaliwanag ko kaagad sa kanya ito bago nya makausap.

Pagkarating namin sa Venue, hindi ko mapigilan ang sariling mamangha sa ganda ng lugar. Napakalawak, pakiramdam mo nasa isang kastiliyo kayo na naggagawa ng isang magarbong salo-salo.

Napaka galing talaga pumili ni Embry pag datin sa mga ganitong okasyon. nakakalungkot lang at hindi sya ang nakasma dito. sobrang excited pa naman nya.

Ilang sandali lang din, nagsimula na ang Event.

Kane discussed everything about his goals and what he wanted to share in the company.

Maraming natuwa at namangha kung paano nya kausapin at ipaliwanag ang mga sinsabi nya sa ang mga taong nasa harap nya.

He talks to them like a seasoned CEO-confident, professional, and full of determination. Wala kang makikitang kahit kaunting kaba o pag-aalinlangan sa kanya. Ang chill niya lang, parang sanay na sanay na siyang humarap sa ganitong klaseng event.

Hindi ko maiwasang lalo pang humanga sa kanya. Habang lumilipas ang oras, mas lalo ring lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya.

He’s more mature and very independent when it comes to handling their family’s company. Kitang-kita mo kung gaano siya kaseryoso sa ginagawa niya.

Matapos ang interviews at ang sharing niya ng thoughts bilang isang batang CEO, nagsimula na ang isang maliit na party.

May ilang lumalapit sa amin na mga investors at mga shareholders na binabati sya sa kanyang ginawa kanina.

“Your sister will be proud of you,” ani ng Isang shareholder sa kanya. marahan naman syang ngumiti at nagpasalamat.

“How I wish she’s also here, sadly she needs to take care of herself and her baby.” tugon nito rito.

“We’re confident enough na mas magiging maayos ang pamamalakad mo sa kompanya. As we saw and hear earlier about your goals, napahanga mo kami. akala namin sa edad mong yan, kalokohan at sarap buhay lang ang inaatupag. nagkamali kami.” ani ng isa pa.

“Hinding-hindi ko kayo bibiguin. Gaya ng ipinakita ng kapatid ko noon, mas sisikapin kong higitan pa ’yon. I’ll make sure of it.” Confident na sambit ni Kane habang diretso ang tingin sa mga tao.

Hindi ko namalayang kanina pa pala ako nakatitig sa kanya.

Ibang Kane na ang kaharap ko ngayon. Mas matatag, mas determinado. At kung hindi ko lang siya tinalikuran noon, siguro... ako ang nasa tabi niya ngayon. Pero hindi eh. Umalis ako, tahimik. Iniwan ko siyang walang kahit anong paliwanag.

May kirot akong naramdaman sa loob-parang sinaksak ako ng katotohanan. Wala akong ibang masisi kundi ang sarili ko.

Ang dami kong “sana,” ang dami kong “kung ginawa ko lang.” Pero tapos na ’yon. At alam kong... hinding-hindi ko na maibabalik pa ang lahat.

Inenjoy namin ang bawat segundo-walang iniisip na bukas, walang pakialam sa kahit anong posibleng mangyari pagkatapos.

May isang lalake sa gawing kaliwa namin ang lumapit at nakipagkamay kay Kane.

“Mr. Abad, CEO of the Tree Cube Inc., One of our Investors.” Bulong ko kay Kane. Maagap naman nyang tinaggap ang kamay nito.

Nakipag-kamay din ito sa akin, my smile slowly fade away nang Isang amoy ang rumihistro sa aking ilong. ang mapupungay na mga mata nito ang nakapagkompirma sa akin na nakainom na ito ng madami.

Kinakabahan man, hindi ko iyon ipinahalata.

Nakalapit na sya maigi sa amin at binati kami pareho ni Kane, hindi ko inaasahan after ko syang kamayan siniilan pa nito ng munting halik ang kamay ko.

“Ikinagagalak kong makilala ka napaka-gandang binibi sa event na ito.” Ani nito sa akin. puno ng pangaakit ang mga tingin na binabato nito sa akin. hindi ko mapigilang makaramdam ng pagka-asiwa, kaya mabilis kong hinila ang kamay ko dito.

“I-It is nice to meet you too S-Sir,” Bati ko dito tsaka langaning ngumiti.

Wala sa sariling napatingin ako kay Kane, na nasa kanan ko.

Lihim na nanlaki ang mga mata ko ng makita kung gaano kadilim ang mga mata nito dito at tinitigan ng matalim ang lalake.

Nginisian naman sya ni Mr. Abad na ikinairita ko din.

“Do you want some drink, my lady?” Tanong nito.

Puno parin ng pagnanasa ang mga tingin nito sa akin. Hindi ko namalayang napahigpit ang kapit ko sa mga barso ni Kane.

Swear, kung hindi lang formal ’to, baka nabigyan ko na siya ng free sample ng suntok ko.

“I-”

“I don’t let her drink, Mr. Abad.” Putol nito sa akin. this time nag-igting ang mga panga ni Kane, sinyales na galit na ito sa kaharap.

“C’mon, it’s just a drink. wala naman sigurong magagalit Miss diba-”

“There is. So if you don’t mind, Ititikom ko ang madumi kong bibig at ibabaling sa iba ang tingin.” Puno ng awtoridad na banta ni Kane dito.

Marahan ko naman syang kinurot para makuha ang atensyon nito pero hindi nya ginawa.

---------------

Salamat sa pag babasa! sana nagustuhan mo!