H&J's Special Mission

Summary

Isang espesyal na hukbo ng mga matitikas at mahuhusay na sundalo ang pinili para sa isang espesyal na misyon. Subalit paano kung ang mga katawan nilang ilang taon nilang ikinundisyon, sinanay at inihanda ay nakatakda lamang mapasakamay ng isang rebeldeng grupo? Paano kung sa pagkahuli sa kanila ng mga kalaban ay ibang klaseng parusa ang naghihintay sa kanila? Hindi lamang pisikal, mental, kundi parusang higit sa kanilang inakala-mga parusang tiyak na magpapaguho hindi lamang ng kanilang paninindigan sa pagseserbisyo sa bayan, kundi maging sa kanilang prinsipyo at dignidad bilang mga sundalo.

Genre
Erotica
Author
HansJaed
Status
Complete
Chapters
10
Rating
n/a
Age Rating
18+

Novel Overview

PANIMULA

Ilang dekada nang nakikipaglaban ang gobyerno sa isang teroristang grupo—ang grupo ng Al-Sahriman na nagkukuta sa isang liblib na bundok sa timog na bahagi ng bansa, isang radikal na pangkat na gumagamit ng brutal na pamamaraan upang ipaglaban ang kanilang adhikain ng paghihiganti laban sa pamahalaan.

Ang rebeldeng grupo ng Al-Sahriman ay kilala sa paggamit ng mga armas at biglaang pag-atake sa malalayong bayan, kaya naman bumubo ang sandatahang lakas ng bansa ng isang espesyal na grupo na inatasang pupuksa sa naturang teroristang grupo na pinaniniwalaang nagtatago sa isang lihim na kuta sa kabundukan ng probinsyang nakasasakop sa pinamumugaran ng naturang teroristang grupo, ang lugar ay may mahigpit na seguridad at gwardyado ng mga armadong kasapi ng Al-Sahriman.

Nagkasa ng isang espesyal na hukbo ang sandatahan ng bansa at pinili ang STF-7 o ang Special Task Force 7—isang espesyal na pangkat ng sandatahan na siyang sadyang binuo upang pangunahan ang isang espesyal at napakabigat na operasyon—ang puksain ang lider ng teroristang grupong Al-Sahriman na si Al-Muqtar. Binuo ang pangkat sa pamamagitan ng masusing pagpili ng pitong matitikas, malalakas at mga sundalong may matatalas na pag-iisip at mental na kapasidad na angkop sa misyon—mga sundalong nanggaling pa sa iba’t-ibang kampo ng militar sa buong bansa, subalit lingid sa mga ito na ang mga katawan nilang ilang taong sinanay ay hindi lamang sa pisikal na laban isasabak, kundi maging sa laban ng kanilang mga dignidad at paninindigan.


-

DISCLAIMER

This is a Pay To Read novel. Each part can be purchase at a cost of 50 pesos ☺️

You can run trough the teasers of each parts ☺️

Contact me on TG to avail: @HansJaed